You are on page 1of 6

Filipino

Wednesday, 26 October 2022 11:10 pm

Ponemang Suprassesegmental
• tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga
letra sa pagsusulat
1. Intonasyon o Tono (pitch)
○ tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng pagbigkas ng pantig ng isang salita.
○ may tatlong lebel ng tono:
 Unang lebel (mababang tono)
 Ikalawang lebel (katatamang tono)
 Ikatlong lebel (mataas na tono)

2. Hinto / Tigil o Antala (juncture)


○ Tumutukoy ito sa saglit na pagtigil na isinagawa sa pagsasalita
○ Nilalagyan ng isang bar (/) ang isang saglit na paghinto at dalawang bar (//) at katapusan
ng pangungusap.

3. Haba at Diin
○ Haba - tumutukoy sa haba ng pagbigkas na innuukol ng nagsasalita sa patinig na pantig
ng salita
○ Diin (stress) - tumutukoy sa lakas ng pagbigkas ng pantig ng salita
○ Sa transkripsyon, ang tuldok (.) ay nagsisilbing pananda upang matukoy ang pantig na
nang mahaba

Pagbabagong Morpoponemiko
• Morpema - pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtatalay ng kahulugan
1. Assimilasyon
○ Mga salitang nagsisimula sa katinig /d, l, r, s, t/ ay inuunlapian ng sin- at pan-
○ Mga salitang nagsisimula sa katinig /p, b/ ay inuunlapian ng sim- at pam-
○ Mga salitang nagsisimula sa patinig /a, e, I, o, u/ at katinig /k, g, h, m , n , w, y / ay
inuunlapian ng sing- at pang-
 Kapag nagsisimula ang salita sa patinig dapat may "dash" sa gitna
□ Ex: pang-apat
○ Dalawang Uri ng Assimilasyon:
 Di-ganap o partial na asimilasyon - ang ponemang /ng/ ay naging /n/ o /m/ at wala
nang ibang pababago
□ Ex: pang- + pinta = pampinta
 Ganap o kumpletong Asimilasyon - kung may pagbabagong naganap sa ponemang
/ng/ at nawawala pa rin ang unang ponema na nilalaping salita.
□ Ex: pang- + sulat = pangsulat = panulat

Reviewer Page 1
□ Ex: pang- + sulat = pangsulat = panulat
2. Pagpalit ng Ponema / Maypalito Gradsyon
a. Naging /u/ ang /o/, /i/ ang /e/ sa dulong pantig ng salitang ugat kapag ito ay nalalapian
 Ex: takot + in = takutin
b. Naging /u/ ang /o/ sa dulong pantig ng salitang ugat
 Ex: laro + an = laruan
c. Naging /u/ ang /o/ sa dulong pantig ng salitang ugat kapag inuulit
 Ex: bagung - bago
d. Ang /d/ ay magiging /r/
 Ex: Ma + dami = marami
e. Ang /h/ magiging /n/
 Tawa + an = tawahan
3. Pagkakaltas ng Ponema/Maykaltas
 Ex: Kuha + in = kuhanin = kunin
4. Metatesis
○ Ang transposisyon o paglilipat ng posisyon ng ponema
 Sa metatesis ng -in ay magiging ni- kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa "L" o
"Y"
□ Ex: yinakap = niyakap
5. Pag-aangkop
○ Pinagsasama ang dalawang salita upang makabuo ng isang pagbabagong salita
 Ex: hintay + ka = teka
6. Paglilipat-diin
○ Ex: basa /ba.sa/
basa + hin = /basa.hin/
Wastong Gamit ng Salita
- Pahirin at Parhiran
○ Pahirin - to remove
○ Pahiran - to apply
- Subukin at Subukan
○ Subukin - to try
○ Subukan - to spy
- Nang at ng
○ Nang
 Pangatnig sa mga hugnayang pangungusap
 Inilagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring
 Inilagay sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit
 Pagsasabi ng paraan o sukat
 Kasingkahulugan ng "upang' at "noong"
○ Ng
 Ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat
 Ginagamit na pananda ng aktor o tagatanggap ng pandiwa sa tinig balintiyak
 Ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian
- Kung at Kong
○ Kung - if; ginagamit sa hugnayang pangungusap
○ Kong - panghalip na panaong ko
- May at Mayroon
○ May
 Ginagamit kapag sinusundan ng pangalan
 Ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa
 Ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri
 Ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari
○ Mayroon
 Ginagamit kapag may napapasingit na kataga ng salitang sinusundan nito
 Ginagamit din sa panagot sa tanong
- Din at Rin, Daw at Raw
Rin at Raw

Reviewer Page 2
○ Rin at Raw
 Ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig
na /w/ at /y/
○ Din at Daw
 Ginagamit kapag ang sinusundang salita ay natatapos sa katinig maliban sa /w/ at
/y/
- Sila at Sina
○ Sila - ginagamit sa panghalip na panao
○ Sina, Nina, at Kina - ginagamit bilang panandang pangkayarian sa pangalan
- Iwan at Iwanan
○ Iwan - to leave something
○ Iwanan - to leave something to somebody
- Kung'di, kungdi, at kundi
○ Kung'di - if not; pinaikling kung hindi
○ Kundi - kolokyalismong kung'di
○ Kundi - walang ganito !!!
- Walisin at Walisan
○ Walisin - *idea - tangyin ng walis ang dumi, alikabot, atbp.
○ Walisan - *reality - linisan ang isang lugar gamit ang walis
- Bilhin at Bilhan
○ Bilhin - bibili ng isang bagay
○ Bilhan - bibili ng isang bagay sa isang tao o para sa isang tao
Sanaysay
- Isang sulating gawain na kadalasang naglalaman ng mga pananaw, reaksiyon, kuro-kuro o
opinyon ng may-akda hinggil sa isang paksa.
Sangkap ng Sanaysay
1. Tema at Nilalaman
○ Ito ay tumutukoy sa pangunahing kaisipan o ang sentral na kaisipan na nangingibabaw
sa sulatin.
○ Bawat akda ay may iisang tema o paksa lamang
2. Anyo at Istruktura
○ Ito ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga
mambabasa.
○ Ang maayos na pagkasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa
mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
3. Wika at Estilo
○ Ito ay tumutukoy sa mabisang paraan ng pagkakalahad ng mga kaisipan impormasyon.
Bahagi ng Sanaysay
1. Simula o Panimula
2. Gitna/Katawan
3. Wakas
Uri ng Sanaysay
1. Pormal
2. Di-Pormal
Talumpati
- Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa.
- "Argumentative Speech in English"
Uri ng Talumpati
1. Pangkabatiran (Informative)
○ Ipabatid o ipaunawa sa mga nakikinig ang tungkol sa isang mahalagang paksa, isyu o
pangyayari; kalakasan at kahinaan ng isang pagpapasya.
2. Panlibang
○ Magbigay ng kasiyahan at pampagaan ng loob sa mga nakikinig gamit ang mga lahok na
nakatatawa na may kaugnayan sa paksa.
3. Pampasigla
Layunin nitong magbigay-inspirasyon sa mga nakikinig.

Reviewer Page 3
○ Layunin nitong magbigay-inspirasyon sa mga nakikinig.
○ Ang nilalaman nito ay kailangang nakapupukaw at nakapag
4. Panghikayat (Persuasive)
○ Hikayatin ang mga nakikinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa
pamamagitan ng pagbibigay-ktuwiran.
5. Pagbibigay-galang ("manners")
6. Pagpaparangal/Papuri
○ Magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o mga tao dahil sa: natatangin ambag
o kontribusyon
Paraan ng pagtatalumpati
1. Dagli (impromptu) - kung saan daglian o walang paghahanda ang isang mananalumpati.
2. Maluwag (extemporaneous) - kung saan may maikling oras para maghanda at magtipon ng
datos sa kaniyang isip ang mananalumpati bago ang kaniyang pagsasalita.
3. Isinaulo - may sapat na panahon upang pag-aralan ang paksa at paghandaan ang talumpati.
Dapat isaalang-alang para sa mas mahusay na pagtatalumpati
1. Tindig/Tikas - dapt maginhawa, maluwag, at kagalang-galang
2. Tinig - hindi ito nakababagot kung malinaw, hindi masyadong malakas o mahina, mabilis o
mabagal at nagbabago ang tono ayon sa pangangailangan
3. Pagkumpas - alinmang bahagi ng katawan ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa nais sabihan
4. Panuuunan ng paningin - hindi dapat nakatingala o nakatungo habang nagtatalumpati
○ Ito ay dapat nasa lebel mismo ng ulo ng mga tagapakinig
5. Pagkakaugnay ng nagtatalumpati at madla - hindi lang sapat na makapatalumpati nang
mahusay
○ Sikaping panatilihin ang koneksyon sa tagapakinig habang nagsasalita.
Tula
- Kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan.
Dalawang anyo ng tula
a. Tradisyonal na Tula
○ May sukat, tugma, at mga salitang may malalim na kahulugan.
b. Malayang Taludturan
○ Isinusulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang anomang naisin ng
sumulat.
Sangkap ng Tula
1. Sukat - tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod
○ Wawaluhin, Lalabindalawahin, Lalabing-animin, Lalabingwaluhin, Lalabing-animin, at
Lalabingwaluhin
2. Tugma (rhyme or rima) - pagkakaroon nito ng pare-parehong tunog sa huling pantig ng huling
salita ng bawat taludtod.
a. Tugmaang Walang Impit - magkatugma ang dalawang o higit pang salitang nagtatapos sa
iisang pantig na walang impit o glotal na pasara.
b. Tugmaang May Impit - magkakatugma ang dalawa o higit pang salitang nagtatapos sa
iisang patinig na may impit o glotal na pasara.
c. Tugmaang Mahina - magkakatugma ang dalawa o higit pang salitang magkatulad ang
patinig ng huling patinig at and pinakadulong ponemang katinig ay alinman sa /l/, /m/,
n/, /ng/, /r/, /w/, /y/.
d. Tugmaang Malakas - magkatugma ang dalawa o higit pang salitang magkatulad ang
patinig ng huling pantig at ang pinakadulong ponemang katinig ay alinman sa /b/, /k/,
/d/, /g/, /p/, /s/, /t/.

Reviewer Page 4
○ Hindi nakaaapekto ang /‘t/, /‘y/, /-ng/ sa tugma
○ Ang halimbawa ay mauuri bilang tugmaang patinig na may impit sa pantig /e-i/.
3. Tono/Indayog - tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng mga salita tulad ng pagkakaksunod-
sunod ng may diin
4. Tema o Paksa - kabuoang kaisipang nakapaloob sa tula
5. Talinghaga (tayutay) - paggamit ng matatalinghagang salita
○ Paggamit sa mga salita na may malalim na ibig ipakahulugan
Uri ng Talinghaga o Tayutay
○ Pagtutulad - nangangahulugan ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na
ginagamitan ng mga pariralang "katulad ng", "gaya ng", atbp
○ Pagwawangis - paghahambing din ito na tulad ng pagtutulad ngunit ito'y tiyaking
naghahambing at hindi gumagamit ng pariralang "tulad ng", "gaya ng", atbp.
○ Pagmamalabis - lubhang pinalalabis o pinagkukulang ang tunay na kalagayan ng tao,
bagay o pangyayari.
○ Pagbibigay ng katauhan - pagbibigay ng katangian ng isang tao sa isang bagay na wala
namang buhay
○ Pagtawag - pakikipag-usap sa karaniwang bagay na malayo o wala naman
○ Kariktan - paggamit ng mga pili, angkop, at maririkit na salita sa tula
○ Persona - tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula
○ Sesura - ito ay bahagyang pagtigil sa pagbabasa ng bwat taludtod.
Maikling Kuwento
- Isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
Uri ng mga maikling kwento
1. Kwento ng Tauhan - inilalarawan ang mga pangyayating pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa
2. Kuwento ng Katutubong Kulay - binibigyang-diin anf kapaligiran at mga pananamit ng mga
tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3. Kuwento ng Kababalaghan - pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala
4. Kuwentong Bayan - nilalahad anf mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong
bayan
5. Kuwentong Katatakutan - naglalaman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak
6. Kuwento ng Madulang Pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Kuwento ng Sikolohiko - ipinadarama sa mga mamababasa ang damdamin ng isang tao sa
harap ng isang pangyayari at kalagayan.
○ Kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran - nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento
9. Kuwento ng Katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mga mambabasa.
Bahagi at Sangkap ng Maikling Kuwento
1. Simula
a. Mga Tauhan - nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang
paperl na gaganapan ng bawat isa
b. Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente

Reviewer Page 5
b. Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente
gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento
c. Suliranin - tumutukoy sa problemang haharapin ng pangunahin tauhan
2. Gitna
a. Saglit na kasiglahan - naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin
b. Tunggalian - bahaging kababasahan ng pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga
suliraning kakaharapin
c. Kasukdulan - pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tuahan
ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban
3. Wakas
a. Kakalasan - bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento
b. Katapusan - kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento.
Apat na uri ng Tunggalian
A. Panloob na Tunggalian
○ Tao laban sa Sarili (Man vs. Himself)
B. Panlabas ng Tunggalian
○ Tao laban sa Tao (Man vs. Man)
○ Tao laban sa kalikasan (Man vs. Nature)
○ Tao laban sa lipunan (Man vs. Society)

Reviewer Page 6

You might also like