Professional Documents
Culture Documents
Ang Pananaliksik at Ang Komunikasyon Sa Ating Buhay
Ang Pananaliksik at Ang Komunikasyon Sa Ating Buhay
Panimula
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasan na magsaliksik ng sampung impormasyon mula sa mga pang-
madlang midyang abeylabol sa kani-kanilang tahanan. Kailangang ipahayag ng mga magaaral
kung lehitimo o fake news ang impormasyon at kung paano nila nasabi na ang impormasyon ay
lehitimo o nabibilang sa fake news batay sa napagtalakayan. Ang sagot ng mga mag-aaral
ilalagay sa isang matrix. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook
Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o
gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text
messaging o chat gamit ang messenger. Gamitin ang batayan para sa matrix.
Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan na gumawa ng isang infographics na manghihikayat sa mga
awdiyens na labanan ng pagkalat ng fake news. Ang infographics ay kinakailangan maging
mapanghikayat at nagbibigay kaalaman. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang
Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet
connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang
text messaging o chat gamit ang messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro
sa pagmamarka.
Rubrik sa Infographics
Kategorya Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan Iskor
Kabuuang
Iskor
Mga Panimulang Konsiderasyon:
Paglilinaw ng Paksa, mga Layon, at Sitwasyong Pangkomunikasyon
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasang maglista ng tatlong suliranin na kinahaharap nila, ng kanilang
pamilya, baranggay, rehiyon, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga ito ay
sasalamin sa mga paksang maaring pagsimulan nila ng pananaliksik. Ang bawat suliranin ay
gagawan nila ng posibleng titulo ng pananaliksik. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa
ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang
internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro
gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan naman na maglista ng tatlong paksang kung saan sobrang
interesado sila. Maaari itong may kaugnayan sa kulturang popular, awit, grupo, o anumang
inakakukuha ng kanilang interes at kung ano ang gusto nilang malaman ukol dito. Ang mga ito
ay sasalamin sa mga paksang maaring din nilang pagsimulan ng pananaliksik. Ang bawat paksa
ay gagawan nila ng posibleng titulo ng pananaliksik. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay
sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang
internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro
gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
Mulaan ng Impormasyon:
Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Ang sekundaryang batis naman ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa indibidwal,
grupo, o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa O
penomeno. Kasama na rito ang account o interpretasyon sa mga pangyayari mula sa taong hindi
nakaranas nito o pagtalakay sa gawa ng iba. Halimbawa ng sekundaryang batis ang mga suumusunod:
1. Ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagaya ng editorial kuro kurong tudling, sulat sa
patnugot, at tsimis o tsika
2. encyclopedia
3. Teksbuk
4. Manwal at gabay na aklat
5. Diksyonaryo at Tesoro
6. Kritisismo
7. Komentaryo
8. Sanaysay
9. Sipi mula sa orihinal na hayag sa teksto
10. Abstrak
11. Mgakagamitan sa pagtuturo kagaya ng powerpoint presentation at
12. Sabi-sabi
Alinman sa mga sekondaryang batis ay maaring maging primaryang batis kung ito ang mismong paksa
ng pananaliksik. Halimbawa ang nilalaman ng tsismis na pangshowbiz na nalalathala sa mga diyraryo at
katuturan nito sa buhay ngmga Pilipino ay maaring magoing paksa ng isang pag aaral ng diskurso. Sa
gayon, ang tsismis ay ituturing na primaryang batis dahil ito mismo ang susuriin.
Sa pangkalahatan, sa dalwang uri ng batis, binibigyang prayoridad ng isang mananaliksik ang
primary kes sekondaryang batis sapagkat ang una ay nanggaing sa aktuwal na karanasan, obserbasyon o
pagsisisyasat kaya itinuturing na mas katiwa tiwala kaysa pangalawa. Ngunit hindi dapat ipagbalewalang
bahala ang alinmang sekondaryang batis dahil maaaring maghain ito ng kaugnay o alternatibong
perspektiba at kabatiran na magpapapatatag sa kaaalamang binubuo ng manananaliksik lalo na kung ang
mga ito ay mula sa kinikilalang eksperto. Dagdag pa, daan ito tungo sa pagtukoy ng iba pang
mahahalagang batis ng impormasyon na posibleng magamit ng manananaliksik; gayunman, dapat na
balikan, suriin, at gamitin ng manananaliksik ang primaryang batis kung saan kinuha ang mga
imporamsyong nagamit sa sekondaryang batis (Hinampas 2016).
Sa pagsangguni ng sekondaryang batis, iwasan ang tahasang pagtitiwala sa mga sanggunian na
ang nialaman ay maaaring baguhin o dagdagan ng sinuman tulad na lamang ng Wikipedia.
Kapuwa Tao bilang Batis ng Impormasyon. Sa pagpili ng mga kapuwa tao bilang batis
impormasyon, kailangan timbangin ang kalakasan, kahinaan kaangkupan ng harapan at mediadong
pakikipag ugnayan. Ang mga kapwa-tao ay karaniwang itinuturing na primaryang batis, maliban kung ang
nsagap sa kanila ay nakuha lang din sa sinasabi ng iba pang tao.
Sa harapang ugnayan ng kapwa tao, sinasadya, tinatanong at kinakausap ng mananaliksik ang indibiwal o
grupo na direktang nakakaranas ng penomenong sinasaliksik, ang mga apektado nito, nakaobserba rito,
dalubhasa rito o nakaugnay, nito sa ibat-ibang dahilan (halimbawa.lider ng komunidad kung saan
nagaganap ang penomeno, mananaliksik at nagsisisyasat din sa paksa). Sa mediadong ugnayan naman,
maaari tayong makakalap ng impormasyon mula sa kapwa-tao sa pamamagitang ng ICT (halimbawa.
Telepono, email, pribadong mensahe sa social media), lalo na kung may limitasyon sa panahon at
distansya sa pagitan ng mananaliksik at ng natukoy ng mga indibidwal. Ilan sa mga kalakasan ng
harapang ugnayan ang mga sumusunod:
1. maaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid;
2. makapagbigay ng angkop na angkop na kasunod na tanong ( follow-up question) sa kaniya;
3. malinaw niya agad ang sagot; at
4. maoobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspresion.
Subalit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at mas malaking oras para sa fieldwork lalo
na kung malalayo at magkakalayo ang kinaroroonan ng mga tagapagbatid. Bentahe naman sa mediadong
ugnayan ang:
1. pagkakataong makapagbatid ang mga nasa malalayong lugar sa anumang oras at pagkakataon
kung kalian nila maiisisingit ang pag responde
2. ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangang puntahan nang personal ng
manananaliksik ang mga tagapagbatid; at
3. ang mas medaling pag oorganisa ng mga datos lalo na kung may elektonikong sistema na
ginagamit ang manananaliksik sa pagkalap ng datos (halimbawa. Mga online survey tools,
digital transcriber, vedio analysis, software, computer, assisted qualitive data analysis. )
Midya bilang batis ng impormasyon. Kung pipiliin ang midya bilang batis ng impormasyon,
kelangan ding pag isipang mabuti ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito para sa binubuong
pahayag ng kaalaman. Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis, angkop na uri ng
midya, at kredibilidad ng tukoy na midya.
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasang humanap ng mga lehitimong impormasyong gamit ang kapwa
tao bilang batis ng impormasyon gamit ang mediadong ugnayan. Pumili ng tatlo mula sa anim na
paksang binigay ng mag-aaral sa mga gawain ng naunang paksa. Pumili ng taong maaaring
makapagbigay ng tiyak na impormasyong ukol sa napiling paksa, gamitin ang midya upang
makakalap ng impormasyon. Ipaliwanag sa taong magiging batis ng impormasyon na ang inyong
pagpupulong ay gagamitin sa aktibidad sa klase. Gawan ng dokumentasyon ang ugnayan bilang
awtput sa gawaing ito. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private
Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit
ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat
gamit ang messenger.
Gawain 2
Mula sa anim na paksang ibinigay sa una at pangalawang gawain sa naunang paksa, humanap ng
tig limang impormasyong susuporta sa mga ito. Dahil sa kasalukuyang kalagayan, ang maaari
lamang gamitin ay ang mga batis ng impormasyong abeylabol sa inyong tahanan at hindi na
kakailanganing lumabas. Maaari ring gamitin ang mga midya bilang batis ng impormasyon.
Lagyan ng leybel ang mga impormasyon kung ito ay primarya o sekundaryang batis. Ilagay din
kung saang batis nagmula ang mga impormasyong nakalap. Ang awtput ng mga mag-aaral ay
ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na
walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa
guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
Paglubog sa mga Impormasyon:
Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
1. Eksperimento
Sa teksto ng agham panglipuanan, ang eksperemto ay isang kuwantitatibong disenyo ng
pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng dependent variable, na tinatalaban ng
interbensiyon. Halimbawa, ano ang epekto ng paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa klase
(independent variable) sa antas ng kaaalaman ng mag aaaral hinggil sa isang paksa sa agham
( dependent variable). Madaas na gumagamit ng kontrol at eksperimental na mga pangkat ng
kalahok para mapagkumpara ang resulta sa pagitan ng pangkat na hindi finagamitanng
interbensiyon (kontrol) at sa pangkat na gimagamitan ng ( eksperimental). Limitado ang gamit
ng eksperomento sa agham panlipuanan at nahaharap ito sa maraming banta sa katumpakan
( baxter & babbie 2004).
2. Interbyu
Ang interbyu o panayam ay isang interaksyon sa pagian ng mananaliksik bilang tagapagtanong,
at tagapoakinig, at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon (baxter & babbie
2004). Sa estrukturadong interbyu, gumagamit ang mananaliksik ng gabayna tanong, na ang
pgkakasuynod ay mahalaga upang matiyak ang konsistensi sa lahat ng tragapagbatid. Sa semi-
estrukturadong interbyu, mayroon ding gabay na mga tanong ang mananaliksik, subalit maari
niyang baguhin ang pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu at maaari din niyang
dagdagan kung mayroon siyang followup na tanong. Sa di estrukturadong interbyu ay hindi
kahingian ang mga gabay na tanong upang mas maging natural ang daloy ng usapan, subalit
makabubuti na kahit paanoy lagging tinatandaan ang manananaliksik sa layon at paksa na
kaniyang sinisiyasat habangnagiinterbyu para magabayan siya ng dapat itanong at malaman.
Mainam ang interbyu sa pagkalap ng mga datos na hini direktang naoobserbahan, sa pagunawa
sa ibat ibang kahulugan sa karanasan o penomeno batay sap unto de bista ng tagapagbatid, sa pag
aaral ng wika ng tagapagbatid, at sa malalimang paggalugad sa ibat ibang aspekto ng isang paksa
( baxter & babbie 2004).
5. Pagtatanong-tanong
Marami ng mga mananaliksik ang gumagamit ng pagtatanong tanong sa pagkalap ng
katunayan at datos. Ang pagtatanong tanong ay mainam sa sumusunod na pagkakataon :
1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapag batid:
2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direkstang karanasan sa paksang
sinisiyasat;
3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa : at
4. kung nais marepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid
( Gonzales, 1982 ). Nagtatanong tanong din ang mananaliksik kung hindi nya
masyadong gamay o wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat. Impormal
at bernakular na wika ang ginagamit para medaling magkaintindihan ang nagtatanong
at ang tinatanong ( gonzale, 1982). Sa ganitong pamamaraan, may mga dapat isa
alang alang ang mga mananaliksik hingil sa katangian ng tagapag siyasat, pook nbg
pagtatanong tanong, at panahon ng pagsasagawa nito (Gonzales, 1982).
6. Pakikipag kwentuhan
Pakikipag kwuwentuhan naman ang ginagamitr ni de vera na (1982 ) upang pag aralan ang
pakiki apid sa isang baryo sa camarines norte . itoay isang di-estrukturadong at impormal na
usapan ng mananaliksik at mga tagapagbatid na hingil sa isa o higit pang mga paksa kung saan
ang mananliksik ay walang ginagami na tiyak na mga tanong at hindiniya pinipilit at igiya ang
daloy sa isang direksyon. Walang mahigpit na kalakaran sa ganitong pamamaraan , kundi ang
pagiging “Malaya” ng mga kalahok na “magapahayg ng anumang opinion o karanasan” at
magbigay ng verbal at di verbal na ekspresyon ng “walang takot” o pag aalinlangan na ang
binitiwan nyang salita aymagagamit laban sa kanya sa pag hihirap (de vera 1982, p. 189). Wala
rin sa kahingian ng pakikipagkwentuhan na ganapain ito sa isang tiyak na lufgar at oras. Madalas
na nangyayari na lamang ito ng walang ka aabog abog habang ang mananaliksik ay nasa
fieldwork.
7. Pagdalaw-dalaw
Sa pag aaral ng kaiharapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa malabon, rizal
ang isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit nina Gepigon at Francisco (1982)
ay pagdalaw dalaw ayon sa kanya ang pagdalaw dalaw ay ang pagpunta punta at pakikipag usap
ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay makakilala; matapos magpakilala at makuha ang
loob ng iat isa,mas maluag na sa kalooban ng tagapagbatid a ilbas sa usapan “ang mga nais
niyang sabihin bagamt maaring may ilan pang pagpilpigil (1982, p. 194).ito ay maaroing
kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipag kuwentuhan
at pakikilao. Maaaring magsilbing panimulang hakbang bago itopalalamin at palawigin ang mga
imporamsyon kinakalap mula sa mga tagapagbatid.
8. Pakikipanuluyan
Ginagamit naman ni nickdao Henson (1982) ang panuluyan sa pag aaral ng konsepto ng
panahon ngf mga tsiaong, guiguinto bulacan. Para makakuha ng datos sa pamamaraang ito
dumadalaw muna sila nbsa barangay habng sa naninirahan na siya ng talong buwan ditto para sa
kanyang pagaaral. Sa pkikipanuluyan siya ay nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ilan sa
kanyang mga aktibidad kagaya ng pag kukwenuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo
sa ibat ibang pagtritipon; pagmamasid sa mga nagaganapsa kapaligiran : at pagtatanong tanong
hingil sa paksang sinasaliksik. Sa gayon, nasasabing ang pakikipanuluyan ay pang pang
matagalan at masaklaw na pamamaraan dahil ginawa ito sa loob ng maraming araw sa kaakibat
ng iba pang mga espesipikng amamaraan ng pagkuha ng datos. Ang mananaliksik ay hindi lamg
nakikitira sa isang bahay at nakikisangkotsa buhay ng isang pamayanan , kundi siyarin ay nag
mamasid nag tatanong tanon, nakikipag kwuntuhan, at nakikilahok sa mga Gawain.
Pakikipanuluyan inaasahaang mas malalim at komprehensibo ang mga impormasyong
malilikom ngmananaliksik. Hindi to kataka taka dahil ang pakikipanuluyan “ ay isa sa
pinakamabisang pamamaraan upanfg mapaunlad ang pakikipag kapuwang isang tao” (san juan &
soriaga, 1985,p.433).
9. Pagbabahay bahay
May pagka masaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang pumupunta sa bahay ng
taga pagbatid ang mananaliksik, nag mamasid, nagtatanong tanong, at nakikipag kuwentuhan at
nakikipag panayam din siya ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasasaggawa ng survey, pero
ituturing ding etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng hitik, kompleks,
at malallalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid.
10. Pagmamasid
Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa paglikom ng datos mula kapuwa
tao kundi pati narin sa mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang penomeno. Sa medaling salita,
ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga, at pandama sa tao, lipunan, at kapaligiran. Kung
kaakibat ng pakikiramdam ang pagmamasid ay maaaring matantiya ng mananaliksik kung
“maari siyang magpatuloy o hindi sa mga susunod hakbangin” sa pananaliksik ( Gonzales 1982
p.175) Ang pagmamasid ay kaakibat dinng iba pag may pamamaraan ng pagkuha ng datos
kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay bahay, at pakikipanulyan.
May apat na uri ng papel ng tagapagmasid ayon kay Gold (1958): complete observer (ganap na
tagamasid ), complete participant (ganap na kalahok), observer as participant (tagamasid bilang
kalahok), at participant observer (kalahok bilang taga masid) (salin sa Filipino ni Agcaoili 2016,
p. 60). Ipinapakita sa pigura 1 ang buod ng topolohiya ni gold. Sa pagpili ng angkop ng akopna
papel sa pagmamasid, dapat pag aralang mabuti ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa at
isaalang alang ang layon at disenyo ng pananaliksik. Halimbawa, ang mismong ng mananaliksik
at/o ang pagkaalam ng tagapagbatid na may ginagawang pasasaiksik hinggil s kanila ay
maaaring makaapekto sa kanilang kilos habang sila ay inoobserbahan; sa gayon, itoy
makapagdulot ng kuwestiyon sa pagiging katiwatiwala na datos na makakaya. May etikal
naisyunaman ang papel ng ganap na kalahok kaya kailangang timnbanging mabuti kung ang
paglilihim sa mga tagapag batid ay mabibigyang katuwaran ng mabuting intesnyon ng
pananaliksik at kungito ay hindio magdudulot sa kanila ng kapahamakan ( baxter & babbie,
2004, p. 307 – 309 )
Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang pananaliksik ay may kaugnayan sa
isyung pambansa.
• Website ng pamahalaan
• Website ng ahensiya ng pamahalaan
• Website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan
• Website na gumagawa ng fact check
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasan na magtala ng tigtatatlong pananaliksik na may kaugnayan sa
anim na paksang binigay sa gawain 1 at 2 ng unang paksa sa Yunit 2. Mula sa mga pananaliksik
na iyon ay isa-isahin ang mga pamamaraan ng pagkalap ng impormasyon na ginamit. Maging
ispesipik sa paglalagay ng pamamaraan lalo na pangangalap ng impormasyon mula sa kapwa tao.
Maglagay ng patunay para sa inyong sagot. Gamitin ang matrix bilang gabay sa pagsasagot. Ang
awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase.
Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type
sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
Paraan ng Pangangalap ng
Paksa Patunay
Impormasyon
1.
2.
3.
Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan na magtala ng paraan ng pangangalap ng impormasyon na dapat
gamitin sa anim na paksang binigay sa gawain 1 at 2 ng ikalawang paksa sa Yunit 2. Maging
ispesipik sa paglalagay ng pamamaraan lalo na pangangalap ng impormasyon mula sa kapwa
tao.. Gamitin ang matrix bilang gabay sa pagsasagot. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay
sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang
internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro
gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
Pagsusuri ng Datos:
Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa
Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman
Layunin
Lunsaran
Nilalaman
Mga Gawain
Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasang lumikha ng informercial na maghihikayat sa mga awdiyens na
gumawa ng mga pananaliksik. Ang infomercial maaaring aktwal na video o pinagsunod-sunod
na larawan. Ito ay tatagal lamang ng 1 hanggang 2 minuto. Ipakita ang magagandang dulot ng
pananaliksik sa buhay ng bawat indibidwal upang tunay na makahikayat ng madla. Ang awtput
ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng klase. Para sa mga mag-
aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang mga linyang
gagamitin sana sa aktibidad sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat
gamit ang messenger. Mainam din kung matatawagan ng guro ang mga magaaral para sa
aktibidad na ito. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
Gawain 2
Batay sa mga magkakaugnay na gawain, suriin ang mga datos upang makabuo ng buod ng
impormasyon at pahayag ng kaalaman. Dahil sa kakulangan ng datos, ang buod at pahayag ay
magmumula lamang sa impormasyong nakalap sa mga aktidad at gawain. Kasama sa
konsidersyon ng pagbuo at pagmamarka ang lawak at lalim ng saklaw ng mga gawain. Ang
awtput ng mga magaaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng klase. Para sa mga
mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang mga
aktibidad sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
Rubrik sa Infomercial
Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan
Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Nilalaman Komprehensibo ang Malinaw ang infomercial at Naging malamlam ang punto
ginawang infomercial at ang panghihikayat, at nakakaingganyo ang
panghihikayat, malinaw na nagtataglay ng mga
nailahad ang mga importanteng detalye subalit infomercial at hindi
impormasyon, kompleto ang hindi nito napatibay ang ang kakikitaan ng mga
mga detalye at kakikitaan na mga impormasyong mahahalagang impormasyon
dumaan sa masusing pag- nakalagay sa infomercial. na magpapatibay sa
iisip ang infomercial. infomercial.
Kabuuang
Iskor