You are on page 1of 7

Aralin 6.

Gamit ng Wika sa Lipunan

Mga Layunin at Inaasahang Bunga:


Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiiisa-isa ang gamit at kahalagahan ng wika sa lipunang Pilipino

Introduksyon

Ang lipunan ay malaking pangkat


ng mga tao na may karaniwang set ng
pag-uugali, ideya, saloobin at
namumuhay sa tiyak na teritoryo at
itinuturing ang mga sarili bilang isang
yunit.
Ang wika, pasalita man o pasulat,
ang instrumentong ginagamit ng mga tao
sa loob ng lipunang ito upang makipag-
ugnayan sa isa't isa.

https://wikangsaliksik.wordpress.com/

1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


LIMANG TUNGKULIN NG WIKA SA LIPUNAN (GEOFFREY LEECH, 2013)

1. Nagbibigay-kaalaman. Ito
ang tinitignan ng karamihan na
painakaimportante sa lahat ng tungkulin
ng wika sa lipunan. Nakatuon ito sa
mensahe ng bagong impormasyon na
ibinabahagi. Nakadepende ito sa
katotohanan o halaga ng kaasipan ng
mensahe. Maibibigay na halimbawa rito
ang pagbabasa ng mga balita at
pagkilala kung alin sa mga ito ang fake
news o totoong balita.

2. Nagpapakilala.
Magagamit at ginagamit ang wika
sa pagpapahayag ng damdamin at
atityud ng nagsasalita. Ang
tagapagsalita o manunulat sa isang
wika ay sinisubukang ipinapahayag
ang kanyang damdamin sa
tungkuling ito ng wika sa lipunan. Ito
ay nagbibigay ng malinaw na imahe
ng pagkatao ng tagapagsalita o
manunulat sapagkat naglalahad ito
ng kanyang impresyon at ang
pagbago-bago ng mga ito. Makikita
natin ito sa mga akdang
pampanitikan tulad ng tula at iba
pang genre ng panitikan.

2 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


3. Nagtuturo. Ito ay may
layuning magbigay ng impluwensya
sa pag-uugali o atityud ng iba.
Malinaw itong makikita sa mga
pagpapahayag na nag-uutos o
nakikiusap. Ang tungkuling ito ng
wika sa lipunan ay nagbibigay
emphasis sa tumatanggap ng
pahayag kaysa sa nagbibigay ng
mensahe.

4. Estetika. Ito ay gamit ng


wika para sa kapakanan ng
paggamit / paglikha ng wika o
linguistic artifact mismo at wala ng
iba pa. Tuon ng tungkuling ito ang
ganda ng paggamit ng wika. May
pagdidiin din tungkol sa paraan ng
pagpapahayag para sa
konseptwalisasyon ng kahulugan.
Higit na binibigyan dito ng pansin
ang poetika ng pagpapahayag ng
isang mensahe kaysa idyelohikal
na halaga nito.

5. Nag-eenganyo. Mahirap
tumbasan sa wikang Filipino ang
phatic na tungkulin ng wika sa
lipunan. Ito ay nagsasabi ng
pagiging bukas o mapagsimula ng
komunikasyon sa kapwa kaya
tinumbasan ito ng nang-eengganyo.
Maaaring ito ay verbal o di-verbal na
pakikipagtalastasan na nagbibigay
palatandaan ng pagiging laging
handa o bukas sa
pakikipagtalastasan at pagpapanatili
ng maayos na relasyon sa iyong
lipunan.

3 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


PITONG TUNGKULIN NG WIKA (M.A.K. HALLIDAY)

1. Regulatoryo- ito ang tungkulin


ng wikang tumutukoy sa
pagkontrol ng ugali o asal ng ibang
tao. Ang pagbibigay ng direksiyon
gaya ng direksyon sa pagluluto ng
ulam, direksiyon sa pagsagot sa 2. Personal- ang tungkuling
pagsusulit, at marami pang iba. ito ay tumutukoy sa pagpapahayag
ng sariling opinyon o kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan. Kasama
rin dito ang pagsusulat ng
talaarawan at journal, at ang
3. Heuristiko- tumutukoy ito pagpapahayag ng pagpapahalaga
sa pagkuha o paghanap ng sa anumang anyo ng panitikan.
impormasyon na may kinalaman sa
paksang pinag-aralan. Halimbawa
rito ay ang pag-iinterbyu, pakikinig
sa radyo, panonood sa telebisyon,
4. Instrumental- ito ang
at pagbabasa ng pahayagan, blog
tungkulin ng wikang tumutugon sa
at aklat.
mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag ugnayan sa iba. Ang
paggawa ng liham pangangalakal,
liham sa patnugot, at pagpapakita ng
mga patalastas tungkol sa isang
produkto na nagsasaad ng gamit at
halaga ng produkto ay mga halimbawa
ng tungkuling ito.

5. Impormatibo- kabaliktaran
ng heuristiko. Ito ay may kinalaman sa
pagbibigay ng impormasyon sa
paraang pasulat at pasalita. Kung ang
heuristiko ay pagkuha o paghahanap
ng impormasyon, ito naman ay may
kinalaman sa pagbibigay ng
impormasyon sa paraang pasulat at
pasalita.

6. Interaksiyonal- ay
nakikita sa paraan ng pakikipag-
ugnayan ng tao sa kanyang kapwa,
pakikipagbiruan, pakukuwento ng
malulungkot o masasayang
pangyayari, paggawa ng liham-
pangkaibigan at iba pa.

7. Imahinatibo- malikhaing
paraan ng pagpapahayag ng
imahinasyon.

4 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


ANIM NA PARAAN NG PAGBABAHAGI NG WIKA (JACKOBSON, 2003)

1. Pagpapahayag ng damdamin- pagpapahayag ng damdamin, saloobin at


emosyon.
2. Panghihikayat- upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa
pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan- upang makipag-ugnayan sa kapwa at
makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian- ipinapakita nito ang gamit ng wikang
nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang
magparating ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng kuro-kuro- lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga- masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay, at iba pa.

Tungkulin din ng wika ang paglalahad ng kung ano mang dapat ipaliwanag ng
isang tao sa kanyang kausap o tagapakinig. Halimbawa nito ay pagluluto ng ibat
ibang ulam o pagkain, pagpapaliwanag kung bakit nahihilig ang karamihan sa sosyal
midya, at iba pa. Ang pagsasalaysay ay nagkukwento. Kung kailangang
magsalaysay tungkol sa isang pangyayari opang malaman ng lahat ay maaaring
magkwento. Pati ang paglalarawan ng hitsura, anyo, hugis, kulay, lasa, amoy, at iba
pang deskriptibong salita ay tungkulin din ng wika. Paglalarawan sa sarili mong
bayang tinubuan, ang dating tahimik na Bulkang Mayon, si Pangulong Duterte, atbp.
Samantalang ang nanghihikayat o humihingi ng pagtiwala sa isyung gustong
paniwalaan na lahat ay tungkuling pangangatwiran ng wika. Ang mga halimbawa nito
ay Ang Dengvaxia ang Dahilan ng Pagkamatay ng mga Bata, Ang Retayrment na
Edad ay Dapat 70 na Taon, Hindi Dapat Pababayaan ang mga Bata na Gumamit ng
Selfon o Tablet, at marami pang ibang isyu.

Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Lipunang Pilipino

Ayon kina Santos, et al.


(2012), ginagamit ang Filipino sa
interaksyon ng mga mamamayang
Pilipino sa isa’t isa. Bilang lingua
franca nagagamit ito sa
pagbabahaginan at pagpapalitan ng
ideya, iniisip, saloobin at marami
pang ibang nararamdaman ng isang
tao lalo pa’t ang mga Pilipino ay
may iba’t iba ring sinasalitang wika.

5 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Mga Tungkulin ng Wikang Filipino.

1. Binibigkis ng wikang Filipino ang mga


Pilipino.
Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng
isang multikultural at multilinggwal na mga
Pilipino, kasama pa ang maraming etnikong
grupo, nagkakaroon ng integrasyon o
pagkakaisa sa paggamit ng iisang wikang
nauunawaan ng lahat. Saang sulok man ng
Pilipinas, maging sa labas ng bansa magkita-
kita ang mga Pilipino, nagkakaisa at
nagkakaunawaan sila dahil sa paggamit ng
wikang Filipino.
http://gywnanddan.blogspot.com/2017/09/sariling-kultura-at-wika-ay-ating.html

3. Sinasalamin ng wikang ito ang 2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng


kulturang Pilipino. kulturang Pilipino.
May mga kultural na mga Wika ang behikulo, pasulat man o
salita na tanging sumasalamin pasalita, upang maihatid ang kaalaman o
lamang sa mga Pilipino, na kapag impormasyon tungkol sa kultura ng iba’t
binabanggit ang mga salitang ito, ibang pangkat sa Pilipinas. Isa ang wika sa
tiyak na identidad ng mga Pilipino nakatutulong upang lalong mapayaman ang
ang nakikita. Halimbawa nito ang: kulturang Pilipino. Mapalad ang mga pangkat
balut, bahay-kubo, sapin-sapin, na naisulat at naipreserba nila ang kanilang
tabo, Sarao, dyipney, bakya, kultura.
barong-Tagalog, atbp.

4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino.


Sa kasalukuyan, napakarami ng ating OFW, at nauso na rin ang
pagbabakasyon sa labas ng bansa. Wikang Filipino lang ang pumupukaw sa
damdaming Pilipino. Ang musikang Pilipino ay nakaaantig damdamin at isip lalo
pa’t ikaw ay wala sa Pilipinas. Ang mapakinggan lamang ang nagsasalita nito na
isang puti, itim man o dilaw ay nagpapasya at nakabagbag damdamin sa isang
Pilipino. Narinig ba ninyo ang mga banyagang kumakanta ng ating mga awitin?

6 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


7 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

You might also like