You are on page 1of 5

Name: Baitang at Seksiyon:

Masayang Maging Matapat!


Paksa: Pagiging Matapat
Pamantayan sa
Pagkatuto:

Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa:

Not For
* Pagiging Matapat

Code: EsP6P- IIa-c–30

Sale
Kaisipan:

Kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. Ang Diyos ay may diwa

ng katapatan, kaya’t ang Kanyang salita ay palaging mapapagkatiwalaan. Higit

pa, ang Kanyang mga pagkilos ay walang kapintasan at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan

kung bakit gusto ng Diyos yaong mga lubos na matapat sa Kanya.

Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman

maging huwad sa Kanya sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi

kailanman nagtatago ng katotohanan; huwag kailanman gawin yaong nanlilinlang sa mga nakatataas

at nagliligaw sa mga nasa ibaba; at huwag kailanman gawin yaong pagmamagaling lamang ng

iyong sarili sa Diyos.


9 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use
Mga Gawain

Gawain I

Basahin ang bawat sitwasyon. Iguhit ang masayang mukha kung nagsasabi ng tapat at

malungkot na mukha kung hindi.

1. Nagpaalam si Lance sa nanay na pupunta siya sa bahay ng kaklase upang gumawa

ng proyekto sa EsP subalit sa parke siya pumunta.

2. Sinabi ni Noel sa kaniyang guro na siya ang nakabasag ng plorera.

3. Sobra ang sukli ng tindera kay Lita at hindi niya ito isinauli.

4. Kumuha ng pera sa pitaka ng nanay si Dofer nang hindi nagpapaalam.

5. Nakapulot si Jay ng payong. May pangalan ito at nagkataong sa kaniya itong

kaklase kaya naibalik niya ito.

6. Humingi ng pera si Aiza pambili ng lapis. Bumili siya ng sorbetes sa halip na

lapis.

7. Nakita ni Rhea na nalaglag ang P100 ng kaniyang ate. Pinulot niya ito at ibinalik sa

ate.

8. Binigyan si Caloy ng P200 ng kaniyang ninang para sa kanilang dalawang

magkapatid. Hindi niya binigyan ang kaniyang kapatid at mag-isang ginastos

ang pera.

9. May proyekto sa EsP si Angelo. Humingi siya ng tamang halaga na ibabayad sa

kaniyang guro.

10. Nabasag ni Elmo ang pinggan habang naghuhugas. Sa takot na mapagalitan ng

nanay, ay itinuro iya ang kaniya bunsong kapatid na siyang nakabasag nito.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use 10
Gawain II
Isipin mo ang ginawa mong katapatan sa iyong magulang. Isulat mo ito sa iyong “Kahon ng

Kayamanan.”

Not For
Sale
Ang pagiging matapat ay maituturing na isang kayamana na hindi mapapalitan.

Sanggunian:
https://www.coursehero.com/file/13635091/ESP-REPORT/
https://brainly.ph/question/460289
https://steemit.com/poem/@jackienlee/salamat-tula-para-sa-aking-
kaibigan

Notes: a) This is exclusively for the use of Digos City Division.

b) The Division welcomes suggestions for the improvement of this

Prepared by:

IRENE T. CABABAT
RMCES/Oriental District
11 Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively use

ANSWER KEY

Gawain 1

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Gawain B

Magkakaiba ang sagot ng mga bata.

You might also like