You are on page 1of 3

Nakagisnan na nating mga kabataan, ang pagpasok sa paaralan, mula pagkabata ay

mulat na tayo sa ganitong sistema ng pag-aaral. Ngunit dulot ng pandemya na ating


kinakaharap, umusbong ang bagong uri ng pag-aaral na kung tawagin ay online-class. Mas
epektibo nga ba ito kesa sa ating kinagisnan? Kung ako ang tatanungin, hindi.

Lahat tayo sa silid na ito ay may kanya kanyang karanasan sa online class, marami sa
atin ang natutulog lamang sa klase dahil ang aga nga naman. Dagdag pa dito ang iba't ibang
distraksyon na makikita at maririnig natin sa tahanan. Ayon sa isang artikulo mula sa
headspace.org.au, isa ang distraksyon sa mga hadlang upang ganap na matuto ang mga mag-
aaral. Sang-ayon sa aking karanasan na nahihirapan magpokus dahil sa iba’t ibang tukso sa
aking kapaligiran.

Sunod na dito ay ang mga teknolohikal na kagamitan at kaalaman na hindi angkop


para sa lahat. Ayon sa isang sarbey na isinagawa noong 2022, 58 million o higit pa sa
kalahati ng popualsyon ang hindi nakagagamit ng internet dahil sa problemang pinansyal
ayon sa Philippine star. Ayon pa sa nasabing artikulo, ang Pilipinas ang nangunguna bilang
“Internet Poor Country” sa buong Southeast Asia. Naipapakita nito na ang online-class na
sistema ay hindi pa angkop para sa bansang Pilipinas at mga mag-aaral nito. At;

Panghuli, dahil nga kompyuter ang laging kaharap ng mga mag-aaral, may posibilidad
na maging makasarili ang estudyante at mahirapan na makipag-ugnayan sa iba dahil sa pag-
iisip na “Kaya ko naman mabuhay mag-isa at hindi ko kailangan ang iba”. Tulad ko na wala
masyadong naging kaibigan noong online-class dahil sa hiya na makipag-usap sa ibang tao.
Kung ito ay ipagpapatuloy, lumilikha lamang tayo ng henerasyon na walang pakialam sa
mundo.

Ito ay ilan sa mga dahilan kung bakit nasabi kong mas epektibo ang face-to-face
classes kaysa online-classes. Tandaan lagi natin na sa ating pag-aaral, ang sistema ay
mahalaga, dahil dito masusukat kung kakayanin mo pa ba.
Sources:

headspace National Youth Mental Health Foundation. (n.d.). face to face vs. online learning.
Retrieved from headspace:
https://headspace.org.au/explore-topics/for-young-people/face-to-face-vs-online-
learning/

The Philippine Star. (2022, april 24). Jinggoy vows to address Philippines lack of internet
access. Retrieved from philstar global:
https://www.philstar.com/headlines/2022/04/24/2176307/jinggoy-vows-address-
philippines-lack-internet-access

Umali, P. J. (2021, september 21). masamang epekto ng online learning. Retrieved from
punto mo:
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2021/09/25/2129545/masamang-
epekto-ng-online-learning

You might also like