You are on page 1of 4

DAILY LESSON PLAN Paaralan San Roque NHS Antas Baitang 8

Kagawaran ng Filipino Guro Gng. Annaly M. Gonzales Asignatura Filipino-Panitikang Pambansa


Petsa/ Oras Agosto 22,2022 Markahan Una
Klase Pearl 2:10-3:40 Yugto Tuklasin at Linangin
Onyx 4:00-5:30

Agosto 24,2022
Diamond 12:40-2:10
Emerald 2:10-3:40
Amethyst 4:00-5:30

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa nilalaman, implikasyon at kahalagahan
ng mga akdang pampanitikan bago pa man dumating ang mga Español hanggang sa
Panahon ng Hapon.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay makabubuo ng scrapbook ng mga orihinal na akdang pampanitikan na
lumaganap sa Panahon ng Katutubo, Español at Hapon.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto ▪Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga
(Isulat ang code ng bawat kasanayan) pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. (F8PB-la-c-22)
 Nabibigyang-kahulugan ang karanungang-bayan
 Naiisa-isa ang mga uri ng karunungang-bayan
II. NILALAMAN
Unang Markahan
Aralin 1: Karunungang-Bayan
Kaugnay na Aralin : Pagbuo ng Mini- Brochure
Punto ng Integrasyon: AP, EsP

A. Sanggunian USLeM 1
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Pahina 3-7
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- Pahina 3-7
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Lamped Module, Laptop, Telebisyon, Pantulong na Biswal
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/ o ▪ Panalangin
pagsisimula ng bagong aralin ▪Pagtatala ng Liban
▪ Pagbibigay ng Alituntunin sa Klase
▪Pag-iisa-isa sa mga araling sakop ng Unang Markahan sa Filipino 8
B. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa ▪ Subukin Mo! ( LITERACY)
bagong aralin Mekaniks ng Laro:
1.Ang bawat mag-aaral ay kailangang lumahok sa l
aro sa Game Quiz.
2.Ang laro ay binubuo ng 10 rounds ( katanungan ).
3. Ang bawat katanungan ay 4 na pagpipilian.
4.Kailangan masagot ito sa loob ng 20 segundo.

C. Pagtalakay ng bagong konsepto at ▪ Manood Tayo! (NUMERACY/ LITERACY)


paglalahad ng bagong kasanayan Pagpapanood ng bidyong panturo .

https://www.youtube.com/watch?v=Y5M8c1zTtvQ

Mga gabay na tanong:


1.Isa-isahin ang mga karunungang-bayan na nabanggit sa bidyong panturo?
2.Bkait mahalaga sa kasalukuyang panahon na pag-aralan ang mga karunungang-bayan?

D. Paglinang sa Kabihasaan ▪ Kahon ang Maghusga! ( LITERACY)


Panuto: Piliin ang pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa kaisipang nakapaloob sa
karunungang-bayan. Tukuyin kung anong uri ito ng karunungang-bayan.

1.Ang magandang asal ay kaban ng yaman.


Palaging pinaalalahan si Ana ng kanyang ina na ugaliin ang maging magalang sa kapwa
dahil ito ay natatanging kaugalian.
Hindi man mayaman si Ana, higit pa ring hinahangaan ang walang sawang pagtulong sa
kanyang mga kaklase.
2. Ang malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.
Napakalakas ng loob ni Joseng makipag-usap sa kaniyang mga kasama sa kabila ng
kaniyang mga ginawa.
Hindi kailanman natatakot si Baldo sa lahat ng kanyang naging desisyon
dahil malinis ang kanyang intensyon.
3. Kung nagbigay ma’t mahirap sa loob, ang pinakakain ay di mabubusog.
Isang hapunan ang inihanda ng tiya ni Lina, ngunit hindi ako mabusogbusog dahil sa
bawat subo namin, siya naman ay nakatingin.
Magaan ang pakiramdam ni Mang Juan sa pag-abot ng tulong sa mga naging fronliner ng
COVID 19.
4. Siya ang itinuturing na itim na tupa sa kanilang pamilya.
Si Roel ay may katigasan ng ulo at hindi sumusunod sa kanyang magulang.
Maitim ang pangangatawan ni Roel kaya siya ay naiiba.
E. Paglalahat ng Aralin Feel na Feel ko! (SOCIO-EMOTIONAL LEARNING)
Panuto: Pumili ng damdaming nangibabaw matapos malaman ang mga karunungang-bayan na
ambag ng ating mga ninuno na hanggang sa kasalukuyang panahon ay nagagamit natin.
Ipaliwanag ang napiling damdamin.

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw Punto De Vista


na buhay
BIlang mag-aaral, sa paanong paraan mo magagamit ang mga karunungang-bayan na
natutuhan sa aralin? Ipaliwanag.

G. Pagtataya ng Aralin Magsanay Tayo!


Panuto: Iugnay ang kahulugan ng sumusunod na pahayag sa mga pangyayari sa
kasalukuyan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
_____1. Luha ng buwaya
_____2. Aanhin mo ang palasyo, kung nakatira ay kuwago?
_____3. Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
_____4. Sanga-sangang dila
_____5. Matutong mamaluktot habang maikli ang kumot.

A. Nalaman ni Maria na may problema sa marka ni Donna sa asignaturang


Matematika. Sinabi niya ito kay Joy na katabi niya. Hindi pa siya nakontento,
kinalat niya ito sa buong klase.
B. Hindi totoo ang kaniyang pagdadalamhati nang mamatay ang kaniyang kaibigan.
C. Magaling magbalatkayo ang aming mayamang kapitbahay.
D. Sa panahon ngayon ng pandemya, humina ang tindahan ni Jose kaya konti lang
ang kita niya araw-araw. Kaya’t pinagsikapan niyang mabuti na mapagkasya sa
kanilang pangangailangan.
E. Sa gitna ng panahong pademya, ang mga Pilipinong Fronliners ay hindi nanghihina
bagkus lalo pa itong lumalaban at naging mas matapang.

H. Karagdagang gawain para sa takdang- Modyular na Gawain


aralin at remediation Gawain Blg. 1
Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain o kasabihan. Isulat sa papel
ang sagot. Gayahin ang pormat.

Gawain Blg. 2
Magtanong sa iyong lolo, lola, magulang o sa sinumang matanda sa inyong
lugar sa mga halimbawa ng Karunungang- Bayan na alam na nila. Isulat ang iyong
halimbawa sa biluhaba. Pagkatapos, iugnay mo ang mga kaisipang nakapaloob sa
mga ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Isulat mo rin kung
ano-ano ang mga posibleng mangyari kung ang mga ito ay hindi na matututuhan
ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
Kasunduan: Dalhin ang mga sumusunod sa araw ng Biyernes para sa Mini-Brochure
1. 3 piraso Colored Paper ( Iba’t Ibang Kulay
2. Pandikit at Gunting
3. Nasaliksik sa Google tungkol sa mga halimbawa ng salawikain, Kasabihan at
Sawikain
4. Mga pandisensyo

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha SEKSYON ATENDANS MASTERY NEAR LOW KABUUAN
ng 80% sa pagtataya. MASTERY MASTERY
Diamond
Pearl
Amethyst
Emerald
Onyx

B. Bilang ng mga mag-aaral na


nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation

Inihanda ni: Nasuri ( ) Binigyang-pansin ni:

ANNALY M. GONZALES Namasid ( ) AILEEN L. FRANCSICO


Dalubguro I Puno ng Kagawaran III

You might also like