You are on page 1of 13

SDO BATANGAS CITY

DISTRICT I

TABLE OF SPECIFICATION

LAGUMANG PAGSUSULIT 1 SA FILIPINO 6


QUARTER 1

Kategorya, Kalagayan ng bawat aytem ng


Pagsubok
Kaalaman Analisis at Sintesis at
Mga Kasanayang Susubukin Kabuuan
at Pag- Aplikasyon Ebalwasyon
unawa (30%) (10%)
(60%)
Nakasasagot ng mga tanong tungkol sa
napakinggan/nabasang pabula, kuwento,
tekstong pangimpormasyon at usapan. 1-5    
(F6PN-Ia-g3.1, F6PN-Ia-g-3.1, F6PB-Ic-  
e-3.1.2, F6PN-Ia-g-3.1) 5

Nasasasagot ang mga tanong na bakit at


paano (F6PB-If-3.2.1) 6-10 5
Nakakikilala ng pangngalan at panghalip; at
nakagagamit nang wasto ng mga pangangalan
at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang 11 -15 16-18
sitwasyon. (F6WG-Ia-d-2)
8
Nabibigyang-kahulugan ang kilos at pahayag
ng mga tauhan sa napakinggang pabula 19-20 2
F6PN-lc-l9
Kabuuang Bilang ng mga Aytem 20
15 5

Talaan ng mga sagot:

Test I Test III

1. A 11. panghalip
2. B 12. pangngalan
3. D 13. panghalip
4. B 14.pangngalan
5. A 15. pangngalan

Test II Test IV
A.
6. D 16. Siya
7. B 17. Batangas
8. A 18. Kami
9. D B. 19. MALI
10. B 20. TAMA
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

LAGUMANG PAGSUSULIT 2 SA FILIPINO 6


Quarter 1

I. Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang pinag-uusapan sa teksto?


   A. Paglutas sa Dengue       B. Maging malinis    C. Maging malusog        D. Matakot sa sakit 
2. Batay sa binasang teksto, anong sakit ang naghatid ng matinding pinsala sa karamihan?
   A. COVID-19                     B. Dengue                 C. Malaria                     D. Zika Virus 13 
3. Sa iyong naobserbahan at nabalitaan, ano ang sakit na Dengue? 
  A. Ito ay nakatatakot.                  C. Ito ay dala ng lamok.
B. Ito ay nakamamatay.                       D. Ito ay walang bakuna. 
4. Sino-sino ang dapat na may gawing pagkilos upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na ito? 
   A. Gobyerno         B. Bawat Pilipino       C. Mga kabataan          D. Lahat ng nabanggit 
5. Kalimitan, sino ang nagiging biktima ng sakit na ito? 
   A. mga bata         B. mga lalaki              C. mga babae              D. mga matatanda
II.
Mapagmahal na Kapatid
Si Ciara ay isang mabait na bata at mapagmahal na kapatid. Inaalagaan niya ito lalo na kung wala ang
kaniyang nanay. Ngunit isang araw, nagalit si Ciara. Sinira ng kaniyang nakababatang kapatid na lalaki ang
papel na sinulatan ng kaniyang takdang-aralin. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng kama. Kinuha ito ni Hero, ang
kaniyang kapatid. Pinaglaruan niya ito. Ginawa niya itong eroplanong papel hanggang sa mapunit ito. 
“Ayaw ko na sa kaniya!” Nasambit niya habang lumuluha at hawak ang papel. Pinagsumikapan niyang
sumulat muli ng panibagong takdang-aralin. Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig siya ng isang malakas na
kalabog. Nahulog ang kaniyang kapatid na si Hero mula sa silya. May galos ito sa pisngi. Pumalahaw ito ng
iyak. Umaagos ang luha nito. Nakalimutan ni Ciara ang kaniyang galit. Agad na niyakap niya ang kaniyang
kapatid.
 6. Bakit nagalit si Ciara sa kaniyang kapatid na si Hero? 
A. Makulit ang kaniyang kapatid. 
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

B. Hindi sumama sa kaniyang nanay si Hero. 


C. Masyadong malikot ang nakababatang kapatid. 
D. Pinaglaruan ang papel na sinulatan ng kaniyang takdangaralin.

7. Paano ipinakikita ni Ciara ang pagmamahal sa kapatid? 


A. Binibigyan niya ito ng kendi. C. Pinagsasabihan niya ang kapatid.
B. Inaalagaan niya ang kapatid. D. Isinusumbongniya sa nanay.

8. Bakit may narinig na malakas na kalabog si Ciara? 


A. Nahulog si Hero. C. Isinara ng nanay ang pinto.  
B. May inihagis si Hero. D. Binato nang malakas ang bahay nila.

9. Paano nakalimutan ni Ciara ang galit sa kaniyang kapatid? 


A. Nagpakitang-gilas ang kapatid.
B. Binigyan siya ng pagkain ng kapatid.   
C. Niyakap siya ng kaniyang kapatid na si Hero.
D. Nakita niyang may galos sa pisngi at umiiyak ito.

10. Paano ipinadama ni Ciara ang pagdamay at pag-alo sa kapatid? 


A. Pinalo niya ang kapatid. C. Pinatulog niya ang kapatid.
B. Niyakap niya ang kapatid. D. Isinumbong niya ang kapatid sa nanay.

II. Panuto: Tukuyin ang mga salitang may salungguhit kung ito ay pangngalan o panghalip.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

11. Winawalis niya palagi ang mga naglalaglagang dahon.


12. Taon-taon ay masayang ipinagdiriwang ang Pasko.
13. Masayang idinaos ang ika-60 na kaarawan ng kanilang nanay.
14. Naaakit na nakikinig ang mga bata sa kuwento ng kanilang lolo.
15. Matapang na hinaharap ng mga Pilipino ang pandemyang COVID-19.

IV. A. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang tamang pangngalan o panghalip na dapat gamitin sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

16. Alkalde Beverly Dimacuha – (Siya, Sila) ay mahusay at mabait na pinuno sa Lungsod ng Batangas.
 .
17. (Batangas, Cavite) – Ito ang aming mahal na lalawigan.
18. Ako, si Retch, at si Edisa – (Sila, Kami) ay magkakamag-aral sa ika-anim na baitang, pangkat
Hyacinth.

B. Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang kahulugang ibinigay sa kilos at pahayag ng mga
tauhang hayop, at MALI naman kung hindi.

19. “Maya! nais kong mapatunayan kung sino talaga sa atin ang pinakamagaling!”
Si Uwak ay malungkot.

20. “Ahhhh! Yon bah? “Ano gusto mo, magsubukan tayo ng tapang o kakayahan”?
Si Maya naman ay palaban.
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

TABLE OF SPECIFICATION
LAGUMANG PAGSUSULIT 2 SA FILIPINO 6
QUARTER 1

Kategorya, Kalagayan ng bawat aytem ng


Pagsubok
Mga Kasanayang Susubukin Kaalaman at Analisis at Sintesis at Kabuuan
Pag-unawa Aplikasyon Ebalwasyon
(60%) (30%) (10%)
Nakikilala ang mga sawikain sa mga
pahayag; at nabibigyang kahulugan ang
sawikain.  1-5 9-10 7
(f6pnlj-28)

Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa


kuwento sa tulong ng nakalarawang
6-8
balangkas at pamatnubay na tanong F6PB-
Ib-5.4 F6RC-iie-5.2 3
Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan
ng mga pangyayari sa kuwentong
napakinggan. F6PN-Id-e-12 11-15

5
Nagagamit ang magagalang na pananalita
sa pagpapahayag ng saloobin. F6PS-Id- 16-20 5
12.22
10 8 2 20

Talaan ng mga Sagot:

Test I Test III


1. C 11. C
2. D 12. B
3. B 13. A
4. E 14. D
5. A 15. B
Test II Test IV
6. B 16. A
17. D
7. C
18. C
8. A
19. B
9. E 20. C 
10.D
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

LAGUMANG PAGSUSULIT 2 SA FILIPINO 6


KUWARTER 1
I. Panuto: Basahin ang mga sawikain na nasa hanay A at piliin ang kahulugan nito sa hanay B.
Titik lamang ang isulat sa inyong sagutang papel.
A. (Sawikain) B. (Kahulugan)
1. sukal sa ilong a. gagawin ang lahat para mabuhay
2. sa ibabaw ng bangkay b. walang awa
3. bato ang puso c. mabaho
4. nag-aapoy ang damdamin d. magkamatayan muna
5. kapit sa patalim e. galit na galit
f. basang sisiw
II. Panuto: Lagyan ng letrang A, B, C, D, E ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.
6. Nagising siya at narinig ang balita sa radio.
7. Narinig niya sa radio ang balita tungkol sa bagyo.
8. Mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.
9. At sa dakong huli ay inalis niya ang makapal na kumot at patuloy na nakinig ng balita.
10. Naalala niya ang kanilang napag-aralan sa paaralan tungkol sa bagyo.
III. Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Isulat ang titik ng wastong sagot.
Bagong Bahay, Bagong Pag-asa!  ni: Janice D. Reyes
Masayang-masayang tinitingnan nina Xander at Janna ang bago nilang nilipatang bahay sa Malolos, Bulacan.
Malayong-malayo kasi ito sa pinanggalingan nilang barong-barong sa tabi ng malaking estero sa Marikina. Wala sila ritong
nakikitang mga basura at walang masamang amoy sa kanilang paligid. Sa halip ay may maliit pa silang bakuran sa harap
at likod ng kanilang bagong bahay. Pwede silang magtanim ng mga gulay at halamang namumulaklak. 
Kahit na maliit ang kanilang bagong bahay ay malinis at maayos ito. At ang pinakamahalaga ay sa kanila na ito.
Maraming planong gawin sina Xander at Janna sa kanilang bahay at bakuran. Sila ay kabilang na sa mga pamilyang may
magandang hinaharap at may maayos na tinatahak. Nakakatuwa pa dahil tulong-tulong ang mga tao sa pook na ito.
11. Bakit masayang-masaya sina Xander at Janna sa bago nilang nilipatan? 
A. mas marami silang kapit-bahay rito  B. mas maraming tao rito kaysa sa pinanggalingang lugar 
C. mas malinis ito kaysa sa pinanggalingang lugar  D. mas maliit ito kaysa sa pinanggalingan nila 
12. Kung maganda at malinis ang kapaligiran, ano ang nagiging epekto nito sa mga tao? 
A. wala silang pakialam  B. nagkakaroon sila ng kasiglahan 
C. nawawalan sila ng kasiglahan D. nagkakaroon sila ng kapitbahay 
13. Ano kaya ang ginawa ng magkapatid sa kanilang bakuran? 
A. nagtanim sila ng mga gulay at halaman  B. tinambakan ito ng basura 
C. ginawa nilang laruan D. ginawa nilang sampayan ng mga damit 
14. Kung sila ay nakapagtanim na ng mga gulay at halaman. Anong kapaligiran mayroon sila? 
A. magiging tigang ang lupa  B. sisikip ang kanilang bakuran 
C. mabahong lugar  D. malayo sa polusyon 
15. Bakit kaya labis ang katuwaan nina Xander at Janna sa bago nilang nilipatang bahay? 
A. Malawak ang kanilang mapaglalaruan.  B. Kahit maliit ang kanilang bahay ay sarili na nila ito. 
C. Marami silang kapitbahay.  D. Malaya silang makipagkuwentuhan sa mga tao.
IV. Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Tukuyin ang isinasaad nito. Isulat ang letra ng tamang
sagot.
16. Palaging nagdarasal ng taimtim at nagsisimba si Jose. Siya ay ______________. 
A. maka-Diyos B. madasalin C. mabuting bata D. relihiyoso
17. Habang naglilinis ng silid-aralan si Luisa ay nakakita siya ng pitaka sa ilalim ng mesa. Agad niya itong
sinabi sa guro at isinauli. Si Luisa ay __________________ na bata. 
A. mabait B. masipag C. mabuti D. matapat 
18. Madalas utusan si Rowena ng kanyang magulang at agad naman siyang sumusunod sa mga utos.
Si Rowena ay ________________. 
A. masipag B. mabait C. masunurin D. maasikaso 
19. Pumunta ka sa bahay ng iyong kaibigan upang kausapin ito ngunit ang nanay niya ang dinatnan
mo sa bahay nila. Ano ang sasabihin mo? 
A. Si Dani ay kaibigan ko, gusto ko siyang makausap. 
B. Pwede ko po bang makausap si Dani? Kaibigan nya po ako. 
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

C. Gusto ko makipagkwentuhan kay Dani, pwede ba? 


D. Maaari ko bang makausap si Dani? Kaibigan nya ako. 
20. Nakasalubong mo ang iyong guro sa pamilihan, paano mo siya babatiin? 
A. Hi Gng.Reyes, kumusta na?  B. Namiss na kita Gng.Reyes, Musta na? 
C. Magandang araw po Gng.Reyes! Kumusta na po?  D. Kumusta na Gng.Reyes? Gandang Buhay!

TALAAN NG ISPESIPIKASYON

LAGUMANG PAGSUSULIT 3 SA FILIPINO 6


Unang Markahan

Kategorya, Kalagayan ng bawat


aytem ng Pagsubok
Kaalaman Analisis at Sintesis at
Mga Kasanayang Susubukin Kabuuan
at Pag- Aplikasyon Ebalwasyo
unawa (30%) n
(60%) (10%)
 Nagagamit nang wasto ang mga
panghalip na panao, paari,
pananong, pamatlig, pamaklaw sa
pakikipag-usap sa iba’t ibang 1-5
sitwasyon.
(F6WG-Ia-d-2)

 Nasusuri ang mga kaisipan/ tema/


layunin/tauhan/tagpuan at
pagpapahalagang nakapaloob sa
napanood na maikling pelikula. 6-10
(F6PD-If—10 F6VC-IIe-13 F6PD-IIIh-1-
6)

 Nakapagbibigay ng sarili at maaring


solusyon sa isang suliraning
naobserbahan sa paligid 11-15
 (F6PS-Ig-9)

 Nakapagbibigay ng angkop na
pamagat sa binasang/napakinggang 16-20
talata. (F6PB-Ig-8)

Kabuuang Bilang ng mga Aytem 20


10 10
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

Talaan ng mga Sagot:

I. 1. Pananong II. 6. B III. 11. D IV. 16. A


2. Panao 7. A 12. D 17. E
3. Panaklaw 8. D 13. A 18. D
4. Pamatlig 9. C 14. A 19. B
5. Paari 10. B 15. D 20. C

LAGUMANG PAGSUSULIT 3 SA FILIPINO 6


Quarter 1

I. Panuto: Kilalanin kung anong uri ng panghalip ang salitang nakabulto. Isulat kung ito ay
panao, paari, pananong, pamatlig o panaklaw. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Alin ang mas gusto mo, tsiko o atis?


2. Tutulong ako sa paglilinis ng ating paaralan.
3. Ang sinumang lumabag sa batas ay dapat parusahan.
4. Hayun ang mga ibong nagliliparan.
5. Kumain ng masarap na suman ang panauhin namin sa bahay.

II. Panuto: Piliin ang angkop na elemento ng maikling pelikula na may salungguhit at nakabulto
batay sa iyong pagsusuri.

1. Pagkatapos mong mapanood ang pelikula, nakadama ka ng paghanga.


A. tema B. kaisipan C. tauhan D. tagpuan
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

7. Nangyayari sa totoong buhay ang naganap sa pelikula tungkol sa magkaibigan samakatuwid, ito ay
masasabing kathang-isip.
A. uri ng maikling pelikula C. tema ng maikling pelikula
B. bahagi ng maikling pelikula D. wakas ng maikling pelikula
8. Naging malinaw ang paghahatid ng mensahe ng pelikula dahil sa detalyado ang mga pangyayari.
A. tema ng maikling pelikula C. kaisipan ng maikling pelikula
B. tauhan ng maikling pelikula D. pagkasusunud-sunod ng mga pangyayari ng pelikula
9. Sa kabuoan, ang pelikula ay tungkol sa pagiging tapat sa kaibigan.
A. wakas B. tagpuan C. mensahe D. kasukdulan
10. Ang maikling pelikula na may pamagat na Matalik na Magkaibigan ay nangyari sa isang nayon.
A. wakas B. tagpuan C. mensahe D. kasukdulan

III. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Ibigay ang maaaring solusyon dito. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

11. Nakagawian na ng mga tao sa barangay ang pagsunog ng basura na siya pa lang dahilan ng
pagkakasakit ng mga bata ng asthma. Ano ang maaaring solusyon mo sa ganitong suliranin?
A. Ilagay sa loob ng buho at sunugin ang mga basura.
B. Iwanan lang sa daanan ang mga basura.
C. Itapon ang mga basura sa ilog, sapa, at dagat.
D. Ipunin at i-segregate ang mga basura at itapon sa tamang tapunan.

12. Noong bata pa akoay madalas kaming naliligo sa sapa tuwing nagbabakasyon kami sa lugar ng
lola
ko. Malinis, maputi at maraming isda ang nag-uunahan sa paglangoy sa sapa. Ngayon, sobrang
nakadidismayang isipin dahil maitim na ang tubig nito sapagkat napabayaan at ginawa ng paliguan
ng kalabaw.
A. Pabayaan na lang ito.
B. Iiyak at huwag ng bumalik sa lugar na iyon.
C. Pagalitan ang mga taong nagdadala ng kanilang kalabaw sa sapa.
D. I-report sa opisyal ng barangay para mapagbawalan ang mga taong ginagawang paliguan
ng kalabaw ang sapa.

13. Maraming namamatay sa kabilang barangay dahil sa sakit na Dengue. Ano ang maaaring solusyon
nito?

A. Tumulong sa paglilinis ng sambayanan.


B. Huwag ng tumulong dahil marami naman ang gumagawa ng paglilinis.
C. Ipaubaya na lang ang lahat sa mga opisyal ng barangay.
D. Gumamit ng pesticides napamatay sa lamok.

14. Ang buong mundo ay humaharap sa napakasalimuot na suliranin sa kalusugan dahil sa paglitaw
ng pandemic na sakit ang COVID-19. Alin ang maaaring solusyon nito.

A. vaccine B. paracetamol C. halamang gamot D. gamot sa ubo

15. Problema ang doble-dobleng pag-park ng mga sasakyan sa aming kalye. Ano ang pinakamabuting
solusyon nito?
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

A. Guhitan ang sasakyan ng kahit na anong tinta.


B. Magalit sa mga may-ari ng sasakyang nagpa-park sa kalye.
C. Huwag pansinin kasi wala ka namang sasakyang magpa-park.
D. Ipaalam sa opisyales ng barangay upang mahanapan ng tamang parking area ang mga sasakyan

IV. Panuto: Basahin ang bawat talata. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na pamagat ng bawat isa.
Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

A. Ang Polusyon
B. Ang Aking Idolo
C. Paglisan ni Lola
D. Munti kong
Pangarap
E. Ang Aking
16. Ang mga Tagapagligtas nakatira sa isang barangay ay hindi halos makahinga dahil
sa masamang amoy na nalalanghap nila sa paligid. Ang mga
bata maging matatanda ay inuubo at masama ang kanilang pakiramdam. Napag-alaman ng mga
naninirahan doon na sa planta ng plastik nagmula ang masamang amoy. Ang polusyon ang naging
dahilan ng pagkakasakit ng mga tao.

17. Hindi ko man siya nakikita, sigurado ako na siya ay laging nakatingin at nakasubaybay sa akin. Siya
ang nagliligtas sa akin sa kapahamakan. Siya rin ay napakabuti at mahal na mahal niya ang maraming
tao.

18. Ako ay isang bata na lumaki sa hirap. Pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral at matulungan
ang aking pamilya. Handa kong gawin ang lahat maabot lamang ang minimithi kong pangarap.

19. Siya ang taong nagturo sa akin kung paano lumaban sa buhay. Siya ang nakapagpapangiti sa akin
sa mga panahong napakalungkot ko. Iniidolo ko siya dahil sa kaniyang kagandahang loob. Magkaiba
man kami ng mundo, patuloy ko pa rin siyang mamahalin at hahangaan.

20. Ang aking lola ay mapagmahal, maaruga, at maaalahanin. Napakasaya ko sa tuwing magkasama
kami. Ngunit bigla na lamang siyang lumisan, hindi ko man lang siya nakita sa huling pagkakataon.
Napakalungkot ko sa paglisan ng aking lola.

TALAAN NG ISPESIPIKASYON

LAGUMANG PAGSUSULIT 4 SA FILIPINO 6


Unang Markahan
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

Kategorya, Kalagayan ng bawat


Aytem ng Pagsubok
Kaalaman Analisis at Sintesis at
Mga Kasanayang Susubukin Kabuuan
at Pag- Aplikasyon Ebalwasyo
unawa (30%) n
(60%) (10%)
Nagagamit ang pangkalahatang
sanggunian sa pagsasaliksik
1-10 10
(F6EP-Ib-d-6)

Naipapahayag ang sariling opinyon o


reaskyon sa isang napakinggang balita
11-20 10
isyu o usapan

Kabuuang Bilang ng mga Aytem 20


10 10

Talaan ng mga Sagot:

I.1. A 6. D II. 11. D III. 16. D


2. C 7. A 12. D 17. D
3. A 8. D 13. D 18. D
4. B 9. D 14. C 19. A
5. B 10. A 15. D 20. D
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

LAGUMANG PAGSUSULIT 4 SA FILIPINO 6


KWARTER 1

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Anong aklat sanggunian ang angkop na gagamitin dito.
Pillin at isulat ang titik ng wastong sagot.

1. Hahanapin ni nena ang pinagsama-samang mga mapa sa iisang aklat.


A. Atlas B. Almanac C. Diksiyonaryo D. Ensayklopidya

2. Nais kong makita ang impormasiyon tungkol sa iba’t ibang paksa na nakaayos ng paalpabeto.
A. Diksiyonaryo B. Almanac C. Ensayklopidya D. Atlas

3. Gusto ni Linda na malaman ang kahulugan ng mga salita, tamang pagpapantig ng salita, pagbigkas,
pagbabaybay at pagbabantas.
A. Diksiyonaryo B. Almanac C. Ensayklopidya D. Atlas

4. Kalendaryo ng mga impormasyong astronomiko at prediksyon tungkol sa panahon na naman ang hangad
kong
makita.
A. Ensayklopidya B. Almanac C. Atlas D. Tesawro

5. Ano ang aking gagamitin kung magtatanong ng gabay ang mga turista upang malaman ang mga
impormasyon
at pangyayari sa isang bansa sa loob ng isang taon.
A. Diksiyonaryo B. Almanac C. Ensayklopedia D. Atlas

6. Si Ana ay naghahanap ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng isang salita.


A. Diksiyonaryo B. Ensayklopidya C. Atlas D. Tesawro

7. Nagbalik – tanaw kayo tungkol sa mga trahedya at sakunang naganap sa ating bansa noong taong 2000.
A. Almanac B. Atlas C. Ensayklopidya D. Diksiyonaryo

8. Bukod sa pinagmulan ng isang salita, nais mo pa ring makakuha ng iba pang impormasyon tungkol dito.
A. Ensayklopidya B. Almanac C. Atlas D. Diksiyonaryo

9. Ikaw ay may takdang-aralin sa Araling Panlipunan tungkol sa sukat o laki ng isang lugar sa Pilipinas.
A. Atlas B. Diksiyonaryo C. Ensayklopidya D. Almanac

10.Gusto mong malaman kung alin sa mga kontinente ang may pinakamalawak na lupaing nasasakupan.
A. Atlas B. Almanac C. Diksiyonaryo D. Peryodiko

II. Panuto: Piliin at isulat ng letra ng angkop na reaksiyon sa sumusunod na mga isyu o pangyayari.

11. Magkaroon nang sapat na tulog at pahinga upang maging handa sa mga gawain.

A. Walang pakialam sa kalusugan.


B. Minsan, hindi natin iniintindi ang ating kalusugan.
C. Ang ehersisyo ay walang mabuting idudulot sa ating katawan.
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

D. Ang sapat na tulog at pahinga ay may mabuting naidudulot sa ating katawan.

12. Madalas, ang pagsisinungaling ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala.

A. Masaya kapag nakalusot sa pagsisinungaling.


B. Ang pagsisinungaling ay nakapagdagdag ng tiwala sa sarili.
C. Sa pagsisinungaling, marami kang kaibigang maniniwala sa iyo.
D. Iwasan ang pagsisinungaling upang makuha ang tiwala ng kapwa.

13. Ang pagkakaroon ng curfew mula alas - 9 ng gabi hanggang alas - 4 ng umaga.

A. Isigaw sa lahat ang ordinansa.


B. Pagwawalang bahala sa ordinansa.
C. Pabayaan ang mga napagkasunduan.
D. Sinusunod nang wasto ang bagong ordinansa.

14. Ang ating karanasan sa buhay ay nagbibigay sa atin ng inspirasyon. Malungkot man o masayang karanasan
ay magsisilbing instrumento sa ating pag-angat sa buhay.

A. Talagang umangat ang tao dahil sa sariling pagsisikap.


B. Magandang karanasan lamang ang dapat maranasan sa buhay.
C. Malungkot man o masayang karanasan ay magbibigay ito ng aral sa ating buhay.
D. Masama ang aking loob sa mga taong nagbibigay sa akin ng malungkot na karanasan.

15. Pinatunayan ni Teresa Magbanua na ang Pilipino ay handang magsakripisyo at magbuwis ng buhay para sa
kalayaan ng bayan. Nanalaytay sa kaniyang dugo ang giting at tapang ng isang tunay na Pilipino.

A. Matigas ang ulo ng mga Pilipino.


B. Walang pakialam ang karamihan sa atin.
C. Mahilig makipagdigmaan ang mga tao sa Pilipinas.
D. Ipagmalaki ang mga Pilipino na handang lumaban sa kalayaan ng ating bansa.

16. Pagpupuyat at pagkahilig ng kabataan sa paglalaro ng mga Online Games.

A. Dapat tangkilikin ang ganitong klase ng laro.


B. Pabayaan ang kabataan na tangkilikin ang Online Games.
C. Suportahan ang ganitong klase ng laro.
D. Dapat iwasan ang pagkalulong ng kabataan sa Online Games.

17. Ang COVID 19 ay nagbigay daan sa mga Pilipino na magkaroon ng gulayan sa tahanan para makatipid at
makakain ng sariwang gulay.

A. Makapagtinda siya ng gulay sa kanilang lugar.


B. Wala kaming bakuran kaya hindi kami nakapagtanim.
C. Nadagdagan ang trabaho sa tahanan at nakapapagod.
D. Sa halip na lumabas at bumili sa tindahan mamimitas na lang ng sariwang gulay sa mismong bakuran.

18. Isyu: Pagkahilig ng mga tao sa Online Shopping sa panahon ng pandemya upang maiwasan ang pagdami
ng
kaso ng COVID 19.

A. Maaawa B. Masisiyahan C. Maiiyak D. matatakot

19. Isyu: Pagbabawal sa paglabas ng bahay ng mga batang may edad 20 pababa sa panahong may
pandemyang
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I

COVID 19.

A. susunod B. iiyak C. magrereklamo D. hindi


susunod

20. Isyu: Isa sa paraan ng pagtuturo ay isasagawa sa himpapawid o radyo.

A. Maiiyak B. Sisigaw C. Malulungkot D. mahihirapan

You might also like