You are on page 1of 18

Aralin 4

Disenyo at
Pamamaraan ng
Pananaliksik
Kyle Aris Dayvid D. Roño, MAFil
• Ang disenyo ng pananaliksik ay ang
pangkalahatang pamamaraan na ginagamit
ng mananaliksik upang makabuo ng isang
lohikal at maayos na pag-aaral. Tinitiyak nito na
masasagot ng pananaliksik ang suliraning
kaakibat ng pag-aaral at matutugunan ang
layuning binuo para dito.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Kinasasangkutan ito ng pangangalap ng datos,
presentasyon, at pagsusuri. Kasama rito ang
pagpapaliwanag kung anong uri ng
pananaliksik ang gagamitin sa pag-aaral.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Kwantitatibo
• Ito ay buhat sa salitang quantity na tumutukoy
sa kalkulasyon ng bilang o bigat ng kasagutan
ng mga kalahok ng pag-aaral. Kinabibilangan
ito ng empirikal at masistemang imbestigasyon
ng iba’t ibang paksa. Kasangkot dito ang iba’t
ibang penominang panlipunan gamit ang
matematika, estatistika, at pag-compute.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Kwalitatibo
• Ito ay tumutukoy sa pamamaraan ng
pangangalap ng datos ng isang mananaliksik na
kung saan ay personal ang pagkuha ng datos sa
paksa ng pag-aaral upang higit na maunawaan
ang karakter, pag-uugali, katangian ng
pakikipag-ugnayan, at iba pang sirkumstansiya
na maaaring maging salik sa pagbibigay ng
interpretasyon sa datos na makakalap.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


KLASIPIKASYON NG PANANALIKSIK

Historikal (Historical Research)


Aksiyon (Action Research)
Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative Study)

Etnograpikong Pag-aaral(Ethnographic Research)


Komparatibong Pananaliksik (Comparative Research)
Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Research)
Deskriptibo (Descriptive Research)

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Historikal (Historical Research)
• Ito ay gumagamit ng mga pamamaraan sa
pagkalap ng datos upang makabuo ng
konklusyon sa nakaraan. Mahalaga na
isaalang-alang dito ang mga sanggunian na
maaaring bigyan ng klasipikasyon na
pangunahing sanggunian o sekundarya.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Halimbawa:
a) Pagtuklas sa mga Babae sa Buhay ni Dr. Jose
Rizal at ang Implikasyon nito sa Kasalukuyang
Panahon
b) Kasuotan ng mga Kababaihang Pilipino
noong Panahon ng Komonwelt

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Aksiyon (Action Research)
• Kinasasangkutan ito ng mga pag-aaral na
tumutuklas sa kalagayan, mga pamamaraan o
estratehiya, modelo, polisiya, at iba pa na ang
layunin ay ang pagpapaunlad dito para sa higit
na epektibong gamit.
• Ang disenyong aksiyon ay makikilala sa mga
kalahok na kasangkot sa pag-aaral na pawang
mga nasa loob ng institusyon o grupo. Upang
maisakatuparan ito, marapat na ang
mananaliksik ay kabilang sa organisasyon,
grupo, o institusyon na ginagawan ng pag-aaral.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Halimbawa:
a) Ebalwasyon sa Implementasyon ng English
Only Policy sa San Pablo Colleges bilang
Batayan ng mga Mungkahing Programa
b) Parent-Teacher Partnership: Mungkahing
Ebalwasyon para sa mga Mag-aaral tuwing
Klase ng Synchronous at Asynchronous

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative Study)

• Layunin nito na maglarawan ng ano mang


paksa.

Halimbawa:
a) Pagsusuri sa Kalagayan ng Filipino Batay sa
Itinakdang Kompetensi ng DepEd

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Etnograpikong Pag-aaral (Ethnographic Research)

• Uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na


nag-iimbestiga ng kaugalian at pamumuhay ng
isang komunidad.

Halimbawa:
a) Pag-aaral sa Komunidad ng mga Aeta at iba
pang Indigenous Cultural Community

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Komparatibong Pananaliksik (Comparative Research)

• Layunin nito na ihambing ang dalawang


konsepto, kultura, bagay o pangyayari na
kasangkot sa dalawang paksa ng pag-aaral.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Halimbawa:
a) Komparatibong Pag-aaral sa Serbisyong
Ibinibigay ng Dalawang 5 Star Hotel (Hotel A
at B) sa Kanyang mga Kustomer
b) Pagtugon ng mga Lokal na Pamahalaan ng
mga Syudad ng Batangas at Laguna sa
Hamon ng Pandemya: Isang Komparatibong
Pag-aaral

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study)
• Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa partikular
na tao, grupo o institusyon katulad ng paaralan,
simbahan, negosyo, adiksyon at iba pa. Ang
layunin ito ay gawing espisipiko ang paksa ng
pag-aaral buhat sa isang malawak na
dimensyon. Karaniwan itong isinasailalim sa
kategorya ng kwalitatibong pag-aaral.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Halimbawa:
• Pag-aaral sa Hazing Gamit ang Kaso ng Isang
Biktima Buhat sa isang Kilalang Unibersidad sa
Pilipinas

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Deskriptibo (Descriptive Research)
• Konkreto at abstrato ang deskripsyon sa
pamamagitan ng pagtugon sa mga
katanungan na sino, ano, kailan, saan, at
paano. Inilalarawan nito ang mga
kasalukuyang ginagawa sa pananaliksik na may
pagsasaalang-alang sa mga pamantayan at
kalagayan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Halimbawa:
• Ebalwasyon ng mga Mag-aaral sa Salik na
Nakaapekto sa Tagumpay ng Isinagawang
Programa sa Paaralan
• Antas ng Pagkahilig ng mga Kabataan sa
Paglalaro ng ML at ang Implikasyon nito sa
Kanilang Partisipasyon sa Klase

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

You might also like