You are on page 1of 4

“ANG

TRADISYONG
PAMAMANHIKAN”
Mananaliksik:
CALLEJO, RAKEEM
MALPICA, MICKHAELLA
MEJIA, KEZIAH
VERGEL, LANCE

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino
Ang napili naming paksa ay “Pamamanhikan”. May iba’t ibang paraan ang mga
lalaki sa ibang bansa upang humingi ng pahintulot sa magulang nang nais nilang
pakasalan. Kahit na konserbatibo ang kalikasan ng mga tradisyunal na Pilipino,
ang mga gawi na ito ay ginagamit ngayon dahil sa modernisasyon at pagkakalantad
sa ibang bansa at media. Dito naman sa Pilipinas ay makabuluhan, dahil ang
isinasagawa nilang “Pamamanhikan” noon ay nalikha upang maipakita ng nobyo
na siya ay isang responsableng lalaki at kayang suportahan at mahalin nang
lubusan ang kanyang nobya.

I.
Pamamanhikan; ito ay isinasagawa upang humingi ng pahintulot sa magulang ng
magiging nobya ng isang lalaki. Ngunit bago ginagawa ang Pamamanhikan, may
ginagawa silang proseso na tinatawag nating “Paninilbihan”. Karaniwan na
ginagawa nila dito ay ang pagsisibak, pag-iigib at iba pang mga gawaing bahay.
Pagkatapos naman nito ay isinasagawa na nila ang Pamamanhikan kung saan pag
nakakuha na sila ng pag apruba sa pamilya ng kanyang nobya, ang pamilya naman
ng lalaki at babae ay magkikita para sa isang hapunan o kainan upang pag-usapan
ang kasalan. Nag-bibigayan din sila ng mga regalo para sa isa’t isa at nag hahanda
ng pagkain. Ang layunin naman namin dito ay upang maipakita ang dating gawi ng
mga Pilipino sa proseso ng “Pamamanhikan” at kung ano ang epekto nito sa
kasalukuyang panahon.

II.
Isa sa mga kultura ng pamamanhikan ay pagbibigay ng regalo sa magulang ng
babaeng ikakasal, minsan ang magulang ng babae ang maghahanda ng pagkain.
Kung ang pagpupulong ay gaganapin sa bahay ng mga magulang ng babae.
Minsan, ang mga magulang ng lalaki ay maaaring magdala rin ng ilang pagkain,
ngunit hindi ito madalas na nangyayari.

Ang lokasyon ng pagkikita ay maaaring hindi maganap sa bahay ng nobya. Ang


dahilan ay maaaring napakaliit ng bahay para i-ganap ang piging. Ito ay lalo na ang
kaso kung magkakasama ang magkakapatid.

Sa ganoong sitwasyon, minsan napagpasyahan na ganapin ang pagkikita sa isang


kainan. Kung sakaling pipiliin mo ang opsyong ito, ang isang mahalagang
pagsasaalang-alang ay ang pumili ng kainan na may mga pribadong silid. Ito ay
magbibigay-daan para sa isang mas tahimik na kapaligiran upang pag-usapan ang
mga plano.

III.
Ang kahalagahan ng pag-aaral ng pamamanhikan ay upang malaman ng bagong
henerasyon ang kultura ng mga Pilipino noon at ngayon. Mahalaga ang
pamamanhikan para sa pagkakasundo nilang pagpapakasal at upang makahingi
nang pahintulot sa magulang. Ginagawa ito sa pormal na paraan, paghingi nang
pahintulot. Ngunit, nagkakaroon ng suliranin kung magkaiba nang kultura ang
bawat pamilya. Halimbawa, ang pagiging pamilyang Kristyano at pamilyang
Muslim. Mag kaibang paniniwala sa relihiyon at paraan ng pamumuhay, tulad
nang pag aasawa; isa lang ang pwedeng pakasalan ng Kristyano, ngunit sa Muslim
pwede mag pakasal sa higit sa isa; sa pagkain, hindi kumakain ang ng karne ng
baboy and Muslim samantalang ang Kristyano ay ito ang kanilang paboritong
kainin.

IV.
Kilala ang Pilipinas sa mayamang kultura nito, at ang ilan ay kinikilala sa iba’t
ibang kolonisador. Ang Pilipino ay naisama sa mga banyagang kultura sa kanilang
sariling pamamaraan at iyon ay napatunayan sa bawat aspeto ng ating buhay mula
sa pagkain, pananamit at sa relihiyon. Ang tuon ng pananaliksik nito ay ang
pamamaraan ng pamamanhikan, paano mamanhikan, at kahulugan ng
pamamanhikan. Bahagi ng pag-aaral ang pagtatalakay kung ano, paraan ng
pagmamanhikan, at ang kasanayan bago ang "Pamamanhikan".

V.
The Pamamanhikan Process: Rules & Script Explained. (2019, May 5). Retrieved
from https://asiancustoms.eu/pamamanhikan-pre-wedding-practices-in-the-
philippines/

You might also like