You are on page 1of 1

Position Paper No.

Pangalan: Rogelyn P. Elico Seksyon BHS 10A

Tema: Isyung Pangkapaligiran

"Dapat bang ipagbawal ang kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa sa ating


Paksa/ Proposisyon
bansa?"
Apirmatibo: (Bakit ka pabor dito?)
1) Dapat na ipagbawal ang kontraktuwalisasyon sapagkat maraming manggawa ang naaagrabadyo
dahil hindi sila maaaring makatanggap ng mga benipisyo. Mga programa na tulad ng SSS, Pag-
ibig, at Philhealth ay hindi rin maaaring makatatanggap.

2) Maraming mamamayan ang lalong naghihirap sapagkat ang kontraktuwalisasyon nga ay sa


kontrata lamang at kapag pinaalis na ito ay hindi maaaring magreklamo, at kung hindi
makahanap ng susunod na pagtatrabahuhan ang mga manggagawa, maaaring silang magutom
ng kaniyang pamilya at mabaon sa utang.

3) Isa pang rason kung bakit dapat na itong ipagbawal ay dahil nawawalan ang mga empleyado ng
karapatan na magreklamo. Magreklamo dahil ang ibang mga nagbigay ng trabaho ay abuso.
Inaabuso nila ang kanilang mga empleyado, maaaring sa mababang sweldo na ibinibigay at oras
ng trabaho kung kailan idapat matapos ang naturang gawain. Bawal magreklamo ang mga
empleyado dahil nga ay kontraktuwalisasyon lamang ito.

Negatibo: (Bakit hindi ka pabor dito?)


1) Hindi ako pabor dito sapagkat magigipit ang nagbigay ng trabaho sa mga trabahador na kanyang
kinuha. Magigipit dahil nga’y kinakailangan nitong maghulog sa mga programang kasapi o
kabilang ang mga kinuha n’yang empleyado.

2) Kung ipagbabawal ng kontraktuwalisasyon sa bansa, papaano na lamang ang mga taong hindi
nakapagtapos ng pag-aaral at hindi nakakuha ng kurso sa kolehiyo? Oportunidad na kumita o
maaaring kumita ang mga ito sa pagkokontrata sa isang kompanya ng konstraksyon at kahit
papaano ay may perang panggastos sa araw-araw na kailangan upang mabuhay.

3) Sa kontraktuwalisasyon, mayroong silid para sa kaunlaran ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang


bagay na maaaring makatulong sa hinaharap. Marami pang oportunidad para umunlad ang
karanasan ng isang tao dahil sa kontraktuwalisasyon, maaari silang matuto ng maraming bagay
na hindi lingid sakanilang kaalaman.

You might also like