You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Cordillera Administrative Region
Division of Baguio
Quezon District
BAGUIO SPED CENTER
#84 Military Cut-off Road, Baguio City

PAKITANG TURO SA FILIPINO III

March 1,2022

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag
Pangnilalaman ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Naipahahayag ang ideya/ kaisipan/ damdamin/ reaksyon nang may
Pagganap wastong tono, diin, antas, at intonasyon

C. Mga Kasanayan Nakakagamit ng tamang salitang kilos/pandiwa sa pagsasalaysay ng


sa Pagkatuto personal na karanasan (F3WG-IIIef-5)
II. Nilalaman Paggamit nang salitang kilos
III. Kagamitang
Pangturo
A. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
B. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
C. Iba Pang Mga larawan, powerpoint, kuwento, worksheets
Kagamitang
Panturo

IV. Pamamaraan
A. Balik-aral sa Bago tayo dumako sa talakayan, basahin mo ang usapan ng magkapatid na
nakaraang aralin at/o Kevin at Karl. Pagkatapos sagutan ang mga katanungan. Si Kevin ay nakikinig
pagsisimula sa bagong ng balita sa radyo sa kanilang sala ng dumating ang kaniyang kapatid na si
aralin Karl.

Ihanda ang mga mag-aaral para sagutin ang mga sumusunod na


katanungan:

Mga Tanong: 1. Sino-sino ang mga nag-uusap?


_________________________________________________________ 2.
Tungkol saan ang napakinggang balita ni Kevin?
___________________________________________________________ 3.
Ano ang paalala ng alkalde sa mga tao?
________________________________________________________
B. Paghahabi sa layunin Paggamit ng salitang kilos
ng aralin
C. Pag-uugnay ng mga Ipabasa ang mga pangungusap mula sa kwento.
halimbawa sa layunin
ng Aralin 1. Ang gagawin pala nila ay magsusuklay at maglilinis ng buntot nila.
2. Isang gabi, pumasok ang magnanakaw sa bahay ng Pamilyang Ismid.
3. Hinakot ng magnanakaw ang lahat ng gamit nila.
4. Nabasag ang banga kaya nagising ang Pamilyang Ismid
5. Kinabukasan ay dinalhan ng kapitbahay ng pagkain at damit ang
pamilyang Ismid
D. Pagtalakay ng Tanungin ang mga sumusunod:
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong 1. Ano ang gagawin ng mga Pamilyang Ismid sa kanilang buntot?
kasanayan #1 (Salungguhitan ang magsusuklay at maglilinis)
2. Ano naman ang ginawa ng magnanakaw sa bahay nila?
(Salungguhitan ang salitang pumasok)
3. Ano ang ginawa ng magnanakaw sa gamit nila? (Salunggujitan ang
salitang hinakot)
4. Dahil nahulog ang plorera, ang pamilyang Ismid ay _____________.
Salungguhitan ang nagising)
5. Paano tinulungan ng kapitbahay ang Pamilyang Ismid?
( Salungguhitan ang salitang dinalhan )

Ang mga nasalungguhitan ay tinatawag nating mga pandiwa.

Ang mga pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o


galaw ng isang tao, hayop, o bagay.

Basahin nating muli ang mga nasalungguhitang mga pandiwa.

E. Pagtalakay ng
bagong konsepto at Pakinggan ang awiting “Ang Mga Ibon na Lumilipad. (Integrasyon sa
paglalahad ng bagong MAPEH)
kasanayan #2
Ang Mga Ibon na Lumilipad

Ang mga ibon na lumilipad


Ay mahal ng Diyos, Di kumukupas
Ang mga ibon na lumilipad
Ay mahal ng Diyos, Di kumukupas
Huwag ka ng malungkot
Kaibigan ko

Ang mga isda na lumalangoy


Ay mahal ng Diyos, Di kumukupas
Ang mga isda na lumalangoy
Ay mahal ng Diyos, Di kumukupas
Huwag ka ng malungkot
Kaibigan ko

Ang mga bata na naglalaro


Ay mahal ng Diyos, Di kumukupas
Ang mga bata na naglalaro
Ay mahal ng Diyos, Di kumukupas
Huwag ka ng malungkot
Kaibigan ko

1. Ano ang ginagawa ng mga ibon sa awiting pinakinggan?


(lumilipad)
2. Ano naman ang ginagawa ng mga isda? (lumalangoy)
3. Ano naman ang ginagawa ng mga bata sa awitin? (Naglalaro)
4. Ano ang tawag sa mga salitang lumilipad, lumalangoy, at naglalaro?
5. Sino daw ang mahal ng Diyos?

Sa panahon ngayon, mahalagang palakasin natin ang ating pananalig


sa Diyos. Lalo na ngayon at may kinakaharap tayong problema at ito ay
ang COVID-19. Tunay na ang Diyos lamang ang makatutulong sa atin
ngayon. Sabi nga sa awitin, tayo ay mahal ng Diyos kaya hindi niya tayo
papabayaan. (Integrasyon sa Edukasyong sa pagpapakatao)

F. Paglinang sa Hilingin sa mga mag-aaral na magbigay ng sarili nilang halimbawa ng


kabihasaan (Tungo sa pandiwa
formative assessment)
G. Paglalapat ng aralin
sa pang- araw-araw na
buhay
H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang pandiwa?
I. Pagtataya ng Aralin Ipasagot ang inihandang worksheet.

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga salitang kilos na ipinapakit


ng bawat larawan. Gamiting gabay ang bawat tanong. Isaalang-alang
ang wastong gamit ng bantas at ang malaking titik.

1. Ano ang ginagawa ng batang nasa gitna?


___________________________________.

2. Ano ang ginawa ni Pedro noong umalis sila ng


kanyang nanay?
_______________________________________.

3. Ano ang gagawin ng mga magkakaibigan sa


darating na sabado?
_____________________________________.

4. Anong ginagawa nila tuwing may pagdiriwang?


______________________________________.
J. Karagdagang gawain Gumupit ng isang larawan ng magagandang pook na makikita sa ating
para sa takdang-aralin lungsod ( Integrasyon sa Araling Panlipunan). Magsulat ng limang
at remediation pandiwa na maaari mong gawin sa magandang pook na iyong napili.

IV. REMARKS

V.REFLECTION

Inihanda/Pakitang turo ni:

RACHEL C. GUZMAN

Inobserbahan ni/nina:

_____________________ _____________________ _____________________

You might also like