You are on page 1of 2

PANGALAN: Dithro D.

Lungat TAON/SEKSYON: 12 HUMSS-A

Gawain Pasulat Blg. 3

Pagsulat ng Talumpati

Epekto sa Paggamit ng Social Media

PAMAGAT

Unang-una sa lahat, ang paglikha at paglaganap ng teknolohiya ang siyang ugat sa kung
bakit ang ating mundo ay umangat at nagbago. Tulad na lamang ng cellphone, kompyuter, at
iba pa ay mga kagamitang teknolohiya na ginagamit bilang daan sa komunikasyon at pagkuha
ng mga ibat’-ibang impormasyon.

Magandang umaga sa ating lahat. Sa mga magagandang dilag at mga matitipunong


binbata na nasa aking harapan at lalo na sa kagalang-galang na guro na si Gng. Bugash. Narito
ako sa inyong harapan upang talakayin at ipaliwanag kung ano-ano ang ibat’t-ibang epekto sa
paggamit ng social media.

Sa panahon ngayon, ang social media ay napakahalaga sapagkat marami itong


benepisyong naidudulot sa pang araw-araw na buhay. Gamit ang social media madali tayong
makakakuha ng impormasyon. Masarap sa pakiramdam ang paggamit ng social media dahil dito
natin maipapahayag ang lahat ng ating mga nararamdaman at mga saloobin sa mga bagay-
bagay o isyu. Ngunit sa paggamit ng social media ay ang tama ay unti-unting nagiging mali
sapagkat habang dumadami ang gumagamit ng social media ay ganoon din ang pagdami ng
mga krimen at hindi magagandang isyu na nangyayari sa ating lipunan dahil sa social media.
Marami ng tao ang naaadik nag-aaway, nagkakasakit, nadedepress, at higit sa lahat,
nagpapakamatay. Ang saya ng paggamit ng social media ay naudlot sa pait na resulta. Ika nga
nila, masama ang sobra-sobra at ito’y napatunayan ng social media.
Kaya’t oras na para kumilos upang mabalik ang kaayusan at katiwasayan sa social media.
Ako si Dithro D. Lungat na nagsasabing “think before you click.” Maraming salamat at
magandang hapon sa ating lahat.

PAMANTAYAN PUNTOS

Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng


talumpati. 5
Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapanipaniwalang
talumpati 5
Nakasusulat ng talumpating batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng wika 5
Nakabubuo ng talumpating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan 5

You might also like