You are on page 1of 26

Modyul sa Araling Panlipunan

Baitang V

Lahing Pilipino:
Pinagmulan, Paglaban, Pag-alsa at Pag-usbong
Para sa Kasarinlan

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Mary Jane Abamonga Joriane Blessed Bongo Dwyitte Batulan Ba-a

Laarne Bonane AngieAlmaparas Lovely Balala Billones

Cherry Mie Edroso Bonane Andrei Noel C. Batalla Lovely Rose M. Alboroto

Jessa Jarlata Aput Axielvie Babate


PAUNANG-SALITA
Sa modyul na ito ay ipagpatuloy ka sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Dito
matutunan mo ang pagpapahalaga ng mga katutubong Pilipino upang mapanatili ang
kasarinlan. Malalaman din natin na ang mga Pilipino ay nagmula sa pinaghalu- halong dugo,
katangian, at kultura ng tatlong lahing dumating sa Pilipinas. Tatalakayin din ang isa pang
mahalagang pangyayari noong ika-19 na siglo na naging salik sa pag-usbong ng kamalayang
Filipino ang sekularisasyon, mga salik na nagbigay-daan sa pag-uusbong ng Nasyonalismong
Pilipino. Malalaman din natin ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong
Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang Kalayaan.

1
MGA NILALAMAN

Pahina
Paunang- Salita…………………………………………………………………………………………………. 1
Mga Nilalaman………………………………………………………………………………………………….. 2
ARALIN 1: Mga Katutubong Pilipino Na Lumaban Sa Mga Espanyol…………………… 3
Gawain sa Pagkatuto 1……………………………………………………………………………………… 7
Gawain sa Pagkatuto 2……………………………………………………………………………………… 7
ARALIN 2: Ang Pinagmulan Ng Lahing Pilipino……………………………………………………. 8

Gawain sa Pagkatuto 1……………………………………………………………………………………… 10


Gawain sa Pagkatuto 2……………………………………………………………………………………… 11
ARALIN 3: Mga Nauna Sa Pag-Aalsa Laban Sa Espanyol…………………………………………. 11

Gawain sa Pagkatuto 1……………………………………………………………………………………… 14


Gawain sa Pagkatuto 2……………………………………………………………………………………… 14
ARALIN 4: Pag-Usbong Ng Kamalayang Filipino Sa Sekularisasyon………………………… 14
Gawain sa Pagkatuto 1…………………………………………………………………………………. … 16
Gawain sa Pagkatuto 2……………………………………………………………………………………… 17
ARALIN 5: Mga Salik na Nagbigay-Daan sa Pag-uusbong ng Nasyonalismong Pilipino 17

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1……………………………………………………………………………… 20


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2……………………………………………………………………………… 20
ARALIN 6: Pananaw At Paniniwala Ng Mga Sultanato (Katutubong Muslim)
Sa Pagpapanatili Ng Kanilang Kalayaan…………………………………………………… 21
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1……………………………………………………………………………… 22
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2……………………………………………………………………………… 23
Isagawa……………………………………………………………………………………………………………… 24
Susi sa Pagwawasto………………………………………………………………………………………………… 25

Mga Sanggunian…………………………………………………………………………………………………….. 26

2
ARALIN 1:
MGA KATUTUBONG PILIPINO NA LUMABAN SA MGA
ESPANYOL

Sa aralin na ito ikaw ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na mga layunin:
• Natutukoy ang mga katutubong Pilipino na lumaban sa mga Espanyol upang
mapanatili ang kanilang Kalayaan.
• Naibibigay ang mga dahilan ng pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong
Pilipino at Muslim.
Medicines to Protect, Prevent, and Cu
• Napahalagahan ang mga katutubong Pilipino na lumaban sa mga Espanyol para sa
Kalayaan ng bansa.

A. Mga Katutubong Igorot sa Cordillera.
Ang bulubundukin ng Cordillera ay tahanan ng mga Igorot na nahahati sa iba’t-ibang
pangkat “Itnolingguwistiko” na ang ibig sabihin ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa bansa
na may magkakaparehong wika, kultura at etnisidad. Ito ay ang mga pangkat Ibaloi, Isneg,
Kankanaey, Kalinga, Bontoc at Ifugao. Ang mga katutubong ito ang nabubuhay sa biyaya ng
kalikasan. Ilan sa kanilang hanapbuhay ay pagsasaka, paghahabi ng tela, pagnganganga,
pangangayaw, o pakikilahok sa digmaan laban sa ibang katutubo. May sariling paniniwala ang
mga katutubo. Pinaniniwalaan nila na ang kalikasan ay tahanan ng mga espiritu. Napanatili ng
mga katutubong ito ang pagiging Malaya dahil hindi napagtagumpayang sakupin ng mga
Espanyol ang kanilang mga lupain.

Mga Hanapbuhay ng mga Katutubong Igorot

Pagsasaka

3
Igorot – malikhaing paghahabi o weaving

Pagnganganga

Pangangayaw ng mga Igorot


Ang Pangangayaw (head hunting) ay isang tradisyon ng mga Igorot ng pakikidigma
pamumugot sa kaaway. Kinatatakutan ang tradisyong ito ng mga misyonerong prayle sa
Cordillera kung kayat nililinisan nila ang lugar dahilan upang hindi nila matagumpay na

4
napalaganap ang kristyanismo.

Mga Dahilan ng Pananakop ng mga Espanyol sa Cordillera

• Pangangalap ng Ginto
Pinaniniwalaan ni Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legazpi na ang kabundukan
ng Cordillera ay mayaman sa deposito ng ginto. Natuklasan niyang ang mga gintong ito ay
ibinenta ng mga Igorot sa Ilocos. Tulad ng mga naging kolonya ng Espanya ninais ng mga
Espanyol na mkinabang sa deposito ng ginto sa Cordillera. Nagpadala ng misyon c Legazpi
sa Ilocos sa pangunguna ng kanyang apo na si Juan de Salcedo upang alamin ang mga
gintong ibinebenta rito. Ipinagpatuloy ng mga sumunod na gobernador heneral ang
pagpapadala ng misyon sa kabundukan ng Cordillera upang ipagpatuloy ang paghanap ng
ginto. Lalong pinaigting ang pangangalap ng ginto dahil sa pagsiklab ng 30 taong digmaan
sa Europa dahil na rin sa pangangailangan ng Espanya upang matustusan ang kanilang
pakikipagdigma.

5
• Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Matapos hindi matagumpay sa paghahanap ng ginto sa bulubundukin ng Cordillera
nagpadala ng mga misyonerong Dominikano at Agustiniano ng mga Espanyol upang
ipalaganap ang Kristyanismo. Nasaksihan ng mga ito ang paniniwalang Animismo ng mga
Igorot na itinuturing nilang isang uri ng pagsamba sa demonyo. Ipinahayag din nila sa mga
ito na upang mailigtas ang kanilang kaluluwa ay kinakailangan nilang yakapin ang
kristyanismo. Hinikayat din nila ang mga ito na bumaba ng kabundukan at manirahan sa
puerto at maging sibilisadong katutubo kagaya ng mga ginawa nila sa mga nasa kapatagan.
Ipinagutos ni Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman ang pagpapadala ng
misyong relihiyoso sa Cordillera sa pamumunuan nina Kapitan Mateo de Aranda at Padre
Esteban Marin, ang kura paroko ng Ilocos. Tinangka ni Padre Marin na kumbinsehin ang
mga katutubong Igorot na makipagtulongan kay Kapitan Aranda. Sumulat sya ng isang
diksyonaryo ng wikang Igorot upang mas mapadali ang pakikipag-usap sa mga katutubo.
Mahigpit na tinutulan ng mga Igorot ang tangkang pagbibinyag sa kanila bilang kristyano.
Dinakip nila ang ilan sa mga misyonerong Espanyol at ito ay kanilang pinatay. Bilang tugon
ni Aranda pinasunog nya ang mga tahanan ng Igorot at sinupin ang mga ito. Nabigo ang
mga misyonero sa tangkang binyagan ang mga katutubong Igorot.

• Monopolyo sa Tabako
Sa pagsapit ng ika-19 na siglo, muling nagpadala ng misyon ang mga Espanyol sa
Cordillera upang magtatag dito ng pamahalaang military. May mga hinirang na kinatawan
ng pamahalaan na syang may karapatang bumili ng tabako sa mga katutubo. Gayunpaman,
hindi ito sinunod ng mga Igorot patuloy pa ring nagbebenta ng tabako nang patago sa ibang
mangangalakal.

6
Ang Mga Muslim Sa Mindanao
Mula ika-7 hanggang ika-14 na siglo ay sinakop ng mga muslim (Moors) ang Spain.
Batay sa mga karanasang ito, batid ng mga Espanyol na hindi magiging madali na magapi
ang mga Muslim sa timog ng Pilipinas.

Ang Tatlong Sultanato sa Mindanao


Mayroon nang tatlong matatag na sultanato sa Mindanao pagsapit ng ika-16 na siglo.
Ito ay ang Sultanato ng Sulu, Sultanato ng Maguindanao, at Sultanato ng Buayan
Noong 1571 ay sinimulan ng mga Espanyol ang tangkang pagsakop sa Mindanao.
Nilabanan ng mga Muslim ang mga pwersang Espanyol na sumalakay sa Mindanao sa serye
ng mga kalabang tinawag na DIGMAANG MORO.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang inilalarawan ng bawat pahayag. Gawing basehan ang
mga salitang hindi nakaayos na nasa loob ng panaklong sa pagsasagot.

1. Mga pangkat sa Cordillera n lumaban upang hindi mapasailalaim sa kolonya ng


Espanya. (TOROGI)
2. Relihong nais ipalaganap ng mga Esapanyol sa mga Katutubong Pilipino.
(MOKRISYATINIS)
3. Mga pangkat sa Mindanao na lumaban upang hindi mapasailalaim sa kolonya ng
Espanya. ( SILMUM)
4. Ninais ng mga Espanyol na mkinabang sa deposito ng (TONIG) sa Cordillera.
5. Pakikibaka ng mga muslim laban sa mga kastila dahil ayaw nila pasakop sa mga ito.
(GNAMAIGD OROM)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Pumili ng isa sa mga nakatala sa ibaba.
I. I-tula Mo- Gumawa ng sariling tula na may kinalaman sa paglaban ng mga katutubo sa
mga Espanyol.
II. I-awit Mo- Gamit ang awit ipahayag ang iyong sariling saloobin ukol sa pananakop ng
mga Espanyol.

7
ARALIN 2:
ANG PINAGMULAN NG LAHING PILIPINO

Sa aralin na ito ikaw ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na mga layunin:
• Makapagpapaliwanag ng mga teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino;
• Makakasuri ng mga ebidensya na nagpapatunay sa bawat teorya;
• Makapagbibigay ng posisyon kung alin ang teoryang makatotohanan.
.
Ang Lahing Pilipino
Bakit iba’t iba ang hitsura ng mga Pilipino? Bago mo pag-aralan ang mga teorya ng
pinagmulan ng Pilipino, mahalaga munang liwanagin kung bakit Pilipino ang itinawag sa ating
lahi.
Bago pa man dumating ang mga Kastila, may mga tao nang nakatira at may sariling
kabihasnan sa mga pulo ng ating bansa. Iba’t ibang ang tawag sa mga tao noon. Depende ito
kung saan sila nakatira. Nang dumating si Ferdinand Magellan sa bansa, tinawag niyang
Archipelago de San Lazarus ang bansa bilang pagbibigaypugay kay Santo Lazarus. Felipinas
naman ang itinaguri ni Ruy Lopez de Villalobos sa ating bansa nang siya ay dumating noong
1542-1543 bilang parangal kay Felipe na anak ni Haring Carlos ng Espanya. Pintados ang itinawag
sa mga taga-Bisaya at indio ang sinumang makita nilang katutubo ng kapuluan. Ang tawag na
Filipino noon ay para lamang sa mga anak ng mga Kastila na nakatira sa Pilipinas. Isa sa
pinakaunang tumawag ng Filipino sa mga mamamayan ng Filipinas ay si Dr. Jose Rizal.
Ipinahayag niya ito sa kanyang tulang A La Juventud Filipina (Sa Mga Kabataang Pilipino). Nang
dumating ang mga Amerikano, Philippines ang itinawag sa Filipinas, at Filipino ang itinawag sa
mga naninirahan dito. Mula noon, Filipino na ang itinawag sa ating lahi, o Pilipino, wikang
pambansa
Maraming pinuno ng bansa ang nagnais na palitan ang tawag na ito sa atin. Mga dayuhan
naman daw ang nagpangalanng ng Filipino sa atin. Nais ng ilan ang Maharlika, ngunit ito daw ay
Sanskrito at galing sa India. Ang iba naman ay gusto ng Maynilad, ngunit marami din ang
sumalungat. Ito daw ay para sa mga Tagalog lamang. Dahil dito, nananatiling Pilipino ang tawag
sa atin.
May tatlong kilalang teorya kung saan nagmula ang lahing Pilipino. Ang mga ito ay ang
Teorya ng Pandarayuhan, ang Teorya ng Paglipat-lipat ng Panirahan ng Asyano at ang Teorya ng
Ebolusyon

A. Ang Teorya ng Pandarayuhan


Ang Teorya ng pandarayuhan ay tinatawag ding Teorya ng Migrasyon. Ang teoryang ito ay
nagsimula sa pagkakategorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino ni J. Montano noong 1884-1885.
Sinabi ni Montano na ang mga nakatira sa Pilipinas ay binubuo ng mga sumusunod:

1) Mga Negrito. Sila ay maliliit at may maitim at kulot na buhok. Nabibilang dito and mga
Negrito ng Bataan, Ayta ng Luzon at Mamanwa ng Mindanao;
2) Mga Malay. Sila ay mga kayumanggi na kinabibilangan ng mga tao sa Bikol, Bisaya at Timog
Luzon. Hinunuha ni Montano na sila ay may dugong Intsik, Arabo at Indonesian.

8
3) Mga Indones. Halos hawig ng mga Malay sa kulay ang mga grupong ito ay kinabibilangan
ng Samal, Bagobo, Guianga, Ata, Tagakaolo, Tagbanua, Manobo, Mandaya, at Blaan.

Sinasabi rin ni Montano na ang mga Indones at Malay ay napadpad sa Pilipinas sa


pamamagitan ng dalawang grupo ng migrasyon. Nauna ang Indones at sumunod ang mga
Malay.
Pinalawig ni Prof. O. H. Beyer ang teoryang ito nang sinabi niyang may pitong grupo ng
tao ang napadpad sa Pilipinas dahil sa mirgasyon. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Mga Primitibong Tao. Kapareho sila ng mga taong Java na namuhay mga 250,000 taon na
ang nakaraan. Pinaniniwalaang sila ay nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng tulay na
lupa na nagdudugtong sa Pilipinas at Asya.
2. Ang mga Australoid-Sakai. Sila ang mga unang grupo ng pigmi na kamukha ng mga Negrito
at tinaguriang proto-Malay (parang Malay). Dumating sila sa Pilipinas may 25,000
hanggang 30,000 taon na ang nakalilipas.
3. Indones A. Sila ay mga mandaragat na gumamit ng mga kagamitang bato at nakarating sa
Pilipinas may 5,000 hanggang 6,000 taon na ang nakararaan.
4. Indones B. Mga mandaragat sila na nakarating sa Pilipinas mula IndoTsina mga 1,500 taon
bago ipinanganak si Kristo.
5. Ang mga Taong Gumagawa ng Hagdang-Hagdang Palayan Galing sila sa Gitnang Asya at
dumating sa Pilipinas mga 800-500 BK.
6. Mga Malay Nakarating sila sa Pilipinas sa pamamagitan ng makalumang bangka. Nagdaan
sila sa Borneo, Palawan at Mindoro mga 300-200 bago ipinanganak si Kristo.
7. Ang mga modernong Asyano. Nakarating sila sa Pilipinas sa panahon ng Kristiyanismo.

Ang Teorya ng Migrasyon ay may malaking impluwensya sa atin. Subalit may mga
katanungang hindi masagot ng teoryang ito. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
1. Paano maipaliliwanag ng teoryang ito ang pag-unlad at pagkakaiba-iba ng kultura ng mga
tao sa bansa? Ang adaptasyon ng kultura ng mga tao sa lugar na may mga panirahan ay
hindi maipaliwanag ng teoryang ito.
2. Ano ang ebidensya na ang pisikal na kaanyuan ng mga mandarayuhan ay katulad ng sa
pag-unlad ng kanilang kultura?
3. Bakit ang pandarayuhan ng mga tao ay may eksaktong pagkakasunud-sunod na panahon?
Bakit grupu-grupo ang pagdating nila? Nasaan ang ebidensya ng mga grupu-grupong
pandarayuhan?
4. Bakit ang grupu-grupong pandarayuhan ay biglang dumami sa maikling panahon lamang?
5. Nasaan ang ebidensya ng ruta ng mga grupo ng migrasyon?

Sapagkat hindi matugunan ang mga tanong na ito, maraming mga iskolar ang nagsaliksik pa
tungkol sa pagsisimula ng tao sa Pilipinas.

B. Ang Teorya ng Paglipat-lipat ng mga Asyano

Naniniwala si Peter Bellwood (1985) sa paglipat-lipat ng panirahan ngunit hindi


maramihan tulad ng Teorya ng Migrasyon ni Beyer. Ayon kay Bellwood hindi grupu-grupo ang
dumating dito sa Pilipinas kundi mangilanngilan lamang. Ang mga taong ito ay hindi rin
tinaguriang Malayo-Polynesia at hindi nanggaling sa bahaging Indonesia sapagkat

9
napatunayang mas matanda ang kanilang wika kaysa sa mga Malayo–Polynesian. Ang grupong
ito ay ang mga Austronesyano.

Ang mga Austronesyano ay sinasabing nagmula sa Timog Tsina. Sa pamamagitan ng


pagdaan sa Taiwan, sila ay nakarating sa Batanes mga 5,000-4,000 bago ipinanganak si Kristo.
Sila ay may wikang Austronesyan at gumagamit ng mga kagamitang bato.

Ang teoryang ito ay hindi sumasang-ayon sa teorya ni Beyer subalit ipinakikita dito na ang
unang Pilipino ay produkto pa rin ng migrasyon. Gayunpaman hindi rin nito maipaliwanag kung
paano kumalat ang populasyong Austronesyan sa buong kapuluan. Hindi rin nito maipaliwanag
kung ano ang nangyari sa wika ng mga taong kanilang nadatnan nang sila ay dumating sa
Pilipinas. Maaaring may mga Austronesyano nga na dumating sa Pilipinas ngunit hindi
maipaliwanag kung paano mabilis na kumalat ang kanilang kultura sa buong kapuluan.

C. Teorya ng Ebolusyon

Ang uri ng kapaligiran ng mga sinaunang tao ay maaring makapagbigay ng kaalaman kung
paano nagsimulang manirahan sa Pilipinas ang ating mga ninuno.

Sinasabing ang kapuluan ng Pilipinas ay dumaan sa malawakang pagbabago noong


panahong Pleistocene. Ito ang panahon ng pagtunaw ng mga yelo, bulkanismo, at pagbiyak ng
mga lupa. Dahil dito, nagkaroon ng mga tubig at isla at naging arkipelago ang Pilipinas.

Marami ring nadiskubreng mga skeleton o buto ng hayop tulad ng elepante, riniceros at
mga stegodon sa lalawigan ng Cagayan, Rizal, Batangas, Pangasinan, Pasig at mga lugar sa
Mindanao. Ang mga hayop na ito ay karaniwang makikita sa kontinente ng Asya.
Nangangahulugan na malaki ang posibilidad na ang Pilipinas noon ay bahagi nga ng
kontinenteng Asya. Tinataya rin na may tao na sa Pilipinas mga 500,000 taon na ang nakararaan.

Pinakamahalaga sa mga nadiskubre ng mga antropolohiko ang bungo at ngipin ng tao sa


Kuweba ng Palawan noong 1962. Tinatayang ang taong ito ay nabuhay may 25,000-30,000 taon
na ang nakaraan. Ang labi na nakita ay walang kasamahan di tulad ng paglalarawan sa teorya ng
migrasyon na grupu-grupo ng mga tao ang nakarating dito sa Pilipinas. Samakatwid, maaring
may sinaunang tao na sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Negrito, Indones, at Malay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:

Nauunawaan mo ba ang mga pagkakaiba ng mga ipinaliwanag na teorya? Sikapin mong


ibigay ang mga kalakasan at kahinaan ng mga ito:

Mga Teorya Kalakasan Kahinaan

1. Pandarayuhan

2. Paglipat-lipat ng tirahan

10
3. Ebolusyon

Alin sa mga teoryang nabanggit ang iyong pinaniniwalaan? Bakit?

Gawain sa Pagkatuto 2:

Ngayong nabasa mo na ang aralin, naunawaan mo na ba ang pinagmulan ng lahing


Pilipino? Alin sa ating pinagmulan ang maaari mong ipagmalaki bilang isang Pilipino?

ARALIN 3
MGA NAUNA SA PAG-AALSA LABAN SA ESPANYOL

Sa aralin na ito ikaw ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na mga layunin:
• Natutukoy ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sector (katutubo) sa pakikibaka
ng bayan
a. Pag-aalsang Pangrelihiyon.
b. Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c. Pag-aalsang Politikal
• Naipapakita ang kabayanihan ng ating mga katutubong Pilipino sa pakikibaka laban sa
mga Espanyol sa pamamgitan ng pagbuo ng awit o tula

Ang Partisipasyon ng Iba’t-Ibang Rehiyon at Sekyor sa Pakikibaka ng Bayan


Ang pag-aalsa o paggamit ng armas ay unag naging pagtugon ng mga Pilipino sa pagtrato
sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu-Lapu noong 1521. Ipinasya ng ibang mga
{ilipino na tapatan ang dahas ang hindi maayos na pagtrato sa kanila ng mga Espanyol.
Magkakaiba ang mga dahilang nagbunsod sa kanilang paglulunsad ng rebelyon. Narito ang mga
sanhi at bunga ng pag-aalsa ng iba’t-ibang Rehiyon at sector na naganap sa kasaysayan.

Mga Pag-aalsang Politikal


Pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at maharlika bilang pinakamataas na pinuno sa
pamayanan. Ang mga babaylan at katalonan ay tinanggalan ng kapangyarihan bilang pinuno ng
aspektong espirituwal. Dahil dito nagsagawa ng mga pag-aalsa ang mga dating datu at babaylan
upang manumbalik ang kapangyarihan nilang mamuno sa kanilang nasasakupan.

11
Pag-aalsa ni Lakandula (1574)
• Hindi pagtupad sa ipinangako sa kanila ni Gobernador- Heneral Miguel Lopez de Legazpi
na malibre sa pagbabayad ng buwis at polo ang mga kaanak ni lLakandula ang huling
hari ng ng Maynila.
• Tinanggal ang mga prebilehyong ito nang palitan si Legazpi ni Guido Lavezares bilang
gobernadora-heneralng Pilipinas.

Pag-aalsa ng mga Datu ng Tondo (1587-1588)

• Ninais ng mga datu sa pangunguna nina Magal Salamat Martin Pangan, Juan Banal at
Pedro Balingit na mahawing muli ang kanilang Kalayaan at karangalan.
• Maagang natuklasan kaya pinapatay o pinatapon sa ibang bahagi ng bansa (hal. Mexico)
ang nadakip na pinuno.

Mga Pag-aalsang Panrelihiyon


Dahil sa pagpapalaganap ng mga Espanyol sa kristyanismo maraming Pilipino ang
tumalikod sa kanilang katutubong paniniwala at nagpabinyag bilang mga kristiyano.

Pag- mgaaalsa ng mga Igorot (1601)

• Pagtutol sa pagbibinyag sa mga Igorot ng hilagang Luzon sa Kristiyanismo alinsunod sa


utos ni Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman.
• Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na ipasailalim ang mga Igorot

Pag-aalsa ng mga Itneg (1625-1627)

• Pinamumunuhan nina Miguel Lanab ng Cagayan at Alababan ng Apayao


• Pinugutan ng ulo ang dalawang misyonerong Dominican at hinikayat ang mga Itneg na
magnakaw, dumumi sa sa mga imahen ng santo at sunugin ang mga local na simbahan
bilang protesta sa sapilitang pagbibinyag sa kanila sa Kristiyanismo.
• Nasupil noong 1627 sa utos ni Gobernador-Heneral Fernando de Silva.

Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy sa Bohol (1744-1829)

• Itinuturing na pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas ang pinamunuan ni Francisco


Dagohoy sa Bohol noong 1744. Simula nang magpataw ng mag bagong patakarang
pang-ekonomiya ang mga Espanyol ay mahigpit na itong tinutulan ni Dagohoy. Higit na
nagpaalab sa galit ni Dagohoy ay ang pagtutol ng kura na bigyan ng marangal na libing
ang kanyang konstableng kapatid.

12
Mga Pag-aalsang Ekonomiko

Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Pilipino ang mga patakarang pangkabuhayan


na ipinapatupad ng mg banyaga sa kanila gaya ng pagbubuwis, sapilitang paggawa monopolyo
at kalakalang galyon. Pinakatanyag sa mga pag-aalsang ito ang isinagawa ni Diego Silang at ilan
pang pag-aalsang may motibong ekonomikoay ang mga sumusunod:

Pag-aalsa ni Magalat (1596)


• Kasama ang kanyang kapatid tinutulan ni Magalat isang rebelde mula sa Cagayan
abng di makatuwirang paniningil ng buwis ng mag Espanyol.
• Ipinapatay ng mga Espanyol sa mga Indio na nakilahok sap ag-aalsa ni Mgalat.

Pag-aalsa ni Ladia sa Malolos, Bulacan (1643)

• Pinamunuhan ni Pedro Ladia isang Moro na taga Borneo na naniniwalang mula siya
sa lahi ng Lakandula.
• Kinumpiska ang kanyang ari-arian ng mga Espanyol na nagtulak sa kaniya na mag-
alsa laban sa mga mananakop.

Pag-aalsa ni Maniago (1660-1661)

• Pinamunuhan ni Francisco Maniago ng Mexico, Pampanga


• Pagtutol ng mag Kapampangan sa sapilitang paggawa sa mga galyon at sa hindi
pagbabayad ng pamahallan sa mga biniling palay mula sa mga magsasaka.

Pag-aalsa ni Malong sa San Carlos, Pangasinan (1660-1661)

• Pinamunuan ni Andres Malong


• Nag-ugat sa hindi pagbabayad ng mga Espanyol ng kaukulang sahod sa libo-libong
katutubong nagtatrabaho sa pagawaan ng barko.
• Kinalaban ang mag opisyal na Espanyol lamang at hindi ang simbahan.

13
Pag-aalsa ni Almazan sa San Nicolas, Laoag, Ilocos Norte (1661)

• Pinamunuan nina Don Pedro Almazan isang mayamang pinuno ng Laoag na


kinoronahan noong 1660 bilang hari ng Ilocos at Juan Magsanop pinuno ng Bacarra.

Pag-aalsa ni Diego Silang

• Nag-alsa si Diego Silang dahil sa buwis at pagnanais na palayain ang mga Espanyol
• Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang ipinaglalaban ng asawa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Tukuyin kung ito ay pag-aalsang panrelihiyon, ekonomiko, o political ang mag
sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

____________1. Pag-aalsa ni Lakandula.


____________2. Pag-aalsa ng mga Datu ng Tondo.
____________3. Pag-aalsa ni Diego Silang.
____________4. Pag-aalsa ng mga Itneg.
____________5. Pag-aalsa ni Andres Malong.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Ipakita ang kabayanihan ng ating katutubong Pilipino sa pakikibaka laban sa mga
Espanyol sa pamamagitan ng pagbuo ng isang tula o awit. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

ARALIN 4:
PAG-USBONG NG KAMALAYANG FILIPINO SA
SEKULARISASYON

Sa aralin na ito ikaw ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na mga layunin:

• Natutukoy ang mga salik na nagbibigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong


Pilipino.
• Naibibigay ang kaibhan ng paring secular sa paring regular.
• Nabibigyang halaga ang pag-usbong ng kamalayang Pilipino sa sekularisasyon.

SEKULARISASYON AT ANG TATLONG PARING MARTIR


Noong ika-19 na siglo isa sa mahalagang pangyayari na nagging salik sa pag-usbong ng
kamalayang Pilipino ay ang sekularisasyon. Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay sa mga paring
secular ng kapanyarihang pamunuan ng mga parokya.

14
ANG ISYU NG SEKULARISASYON
Noong panahon ng mga Espanyol, nahati ang mga pari sa dalawa: mga paring regular at
paring secular.
• Paring regular- Ito ang kinabibilangan ng halos mga prayleng Espanyol. Ito ang
kinabibilangan halos mga prayleng Espanyol.Ito ang mga paring kabilang sa mga ordeng
relihiyoso tulad ng mga Agustino, Dominikano at Heswita,

• Paring Sekular- Ito ang mag paring Pilipino na hindi kabilang sa mga ordeng relihiyoso na
pawing katulong lamang ng mga Paring Regular sa mga parokya

Nagkaroon ng suliranin kung sino ang mangangasiwa sa mga parokya ng mga paring
Heswita nang matanggal ang mga ito noong 1768. Pinagbintangan ng mgamay kapangyarihan
ang mga Heswita na sinabing namuno sa isang pag-aalsa sa Madrid Spain laban sa isang ministro
sa pamahalaan at pagtangkang patayin si Haring Carlos III.
Nang dahil sa pangyayaring iyon, iniutos ng mga nakatataas na iluklok ang mga paring
secular sa mga bakanteng parokya. Lubhang tinutulan ito ng mga paring regular na natira.
Nang bumalik ang mga Heswita noong 1859, itinaboy na parang wala lang
ang mga paring Pilipino kaya nakadama sila ng diskriminasyon. Itinatag nila ang Kilusang
Sekularisasyon na naglaban sa mga karapatan ng mga paring Pilipino.
Ang Kilusang Sekularisasyon ay itinatag ni Padre Pedro Pelaez upang ipaglaban ang
karapatan ng mga Paring Sekular. Maagang nagtapos ang panunungkulan ni Padre Pelaez pagkat
namatay siya dahil sa lindol sa Katedral ng Maynila. Ipinangpatuloy ng GomBurZa ang
kampanyang sinimulan ni Padre Pelaez.
Mas lumala ang diskriminasyon ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Mas umigting din ang
hidwaan ng mga Espanyol at Pilipino.

15
ANG PAG-AALSA SA CAVITE
Noong Enero 20, 1872 nagkaroon ng isang pag-aalsa sa isang arsenalsa Cavite dahil sa
sobrang paniningil ng buwis sa mga empleyado nito. Pinamunuan ito ni Sarhento Fernando la
Madrid. Nagresulta ito sa pagkabigo ng mga Pilipino at marami sa kanila ang ipinapatay at
ikinulong kabilang na ang mga sarhento.

ANG PAGGAROTE SA GOMBURZA


Sinamantala ng mga Espanyol ang pangyayaring ito upang iligpit ang kanilang mga kaaway
kaya idinawit nila sila Padre Mariano Gomes, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora o ang
GomBurZa.
Hinusgahan ang GomBurZa sa korte at kahit walang matibay na ebidensya sa kanila,
hinatulan sila ng kamatayan sa pamamagitan ng paggarote.
Naniwala si Arsobispo Meliton Martinez na walang kasalanan ang tatlo, kaya hindi nila
ipinatanggal ang abito ng mga pare ng garotehin nila ito.
Noong Pebrero 17,1872, ginarote ang GomBurZa sa Bagumbayan (Rizal Park ngayon).
Iniutos ng arsobispo ng Maynila na patunugin ang lahat ng dambana ng simbahan sa bansa
upang isimbolo ang pagdadalamhati at pagluluksa.
Ganap ng nagalit ang mga Pilipino sa pangyayaring ito kaya sinimulan na nila ang paghiganti ng
reporma at paglunsad ng rebolusyon. Inialay ni Dr. Jose Rizal ang kanyang nobelang El
Filibusterismo sa tatlong pari.
Ang tatlong magkakaugnay na pangyayaring ito ang huling pangyayari na nagpagalit sa mga
Pilipino. Ditto na tuluyang nagbuklod-buklod ang mga Pilipino at naglunsad ng paghingi ng
reporma at himagsikan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


PANUTO: Basahing maigi ang bawat pangungusap at alamin ang tamang sagot. Isulat sa
sagutang kuwaderno ang tinutukoy sa bawat patlang.

1. Ang __________ ay ang pagbibigay sa mga paring secular ng kapangyarihang pamunuan


ng mga parokya.
2. Ang KIlusang Sekularisasyon ay itinatag ni __________ upang ipaglaban ang karapatan
ng mga Paring Sekular.
3. Pinagbintangan ng mga may kapangyarihan ang mga __________ na sinabing namuno
sa isang pag-aalsa sa Madrid Spain.
4. Hinusgahan ang __________ sa korte at kahit walang matibay na ebidensya sa kanila,
hinatulan sila ng kamatayan sa pamamagitan ng paggarote.
5. Naniniwala si __________ na walang kasalanan ang tatlo, kaya hindi nila ipinatanggalang
abito ng mga pari ng garotehin nila ito.

16
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Ibigay ang kaibahan ng Paring Regular sa Paring Sekular

Paring Regular Paring Sekular

ARALIN 5:
MGA SALIK NA NAGBIGAY-DAAN SA PAG-UUSBONG NG
NASYONALISMONG PILIPINO

Sa aralin na ito ikaw ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na mga layunin:
• Natutukoy ang mga salik na nagbigay-daan sap ag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.
• Naibibgay ang epekto ng kaisipang La Ilustracion o Age of Enlightenment sa
makabayang nasyonalismo.
• Napapahalagahan ang mga salik na nagbibigay-daan sap ag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.

Ang mga pandaigdigang pangyayari ay nagkaroon ng epekto sa kolonyal na patakaran at


mga pangyayari sa Pilipinas noong ika-18 siglo. Partikular sa mga pandaigdigang pangyayaring
ito ay ang paglipas ng merkantilismo at pagsisimula ng malayang kalakalan, pagwawakas ng
kalakalang galyon noong 1815, at ang paglaganap ng kaisipan mula sa Age of Enlightenment ng
Europe (kilala bilang La Ilustracion sa Spain) na nagresulta sa pagbuo at pagpatupad ng Cadiz
Constitution ng 1812 sa Spain. Ang mga pandaigdigang pangyayaring ito ay nagkaroon ng epekto
sa pagkabuo ng kamalayang makabayan at pakikibaka ng mga Pilipino.
Kasabay ng paglipas ng merkantilismo at tapos ng kalakalang galyon ay may mga
pangyayari rin sa labas ng Pilipinasna nakaimpluensya sa diwang makabansa ng mga Pilipino.
Kabilang dito ang pagbubukas ng Suez Canal at paglahok ng Pilipinas sa malayang kalakalan,
pag-usbong ng ilustrado, at ang pagpasok ng liberal na kaisipan. Ito ang mga salik na nagbigay
daan sap ag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.

17
I. Pagbubukas ng Suez Canal
Noong ika-17 ng Nobyembre 1869, binuksan sa pandaigdigang kalakalan ang Suez
Canal. Sa pagbubukas ng kanal na ito, higit na napadali ang pag-aangkat ng kalakal at
pagdating ng kaisipang liberal mula sa Europe patungo sa ibang panig ng daigdig. Napaikli
sa isang buwan ang paglalakbay mula sa Rurope patungo sa Maynila.
Bunsod nito ay dumami ang mga dayuhang naglakbay sa Pilipinas dala ang sariling
mga pananaw, kaisipan, at kultura, gayundin ang mga Pilipinong nakapaglakbay palabas ng
bansa. Nakarating din sa Pilipinas ang mga aklat, pahayagan, at iba pang babasahing mula
sa Europa at America na naglalaman ng mga kaisipang liberal na may kaugnayan sa
Kalayaan, pagkakapantay-pantay, pagkakapatiran, at kapayapaan na ibinunga ng Pranses
at iba pang himagsikan sa Europa at America.
Malaki ang naging epekto ng pagbubukas ng Suez Canal hindi lamang sa Pilipinas
kundi sa Asya at sa buong mundo. Narito ang ilan sa mga ito:

Epekto sa Pilipinas, sa Asya at sa kasalukoyan


Noong panahon ng kolonyanismo ay nagging daan ito upang magkaroon ng
pagpapalitan ng ideya mula Europa at Pilipinas. Dahil sa suez Canal ay nadagdagan ang
mga Pilipinong nakapa-aral sa Espanya at sa iba pang bahagi sa Europa, dahilan upang
magising ang mag ito sa tunay na kalagayan ng kanilang mga naiwan sa kolonya. Isa pa sa
nagawa nito ay ang pagiging direkta ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Espanya. Hindi
tulad ng dati na kailangan pang tumawid ng Dagat Pasipiko patungo sa Mexico upang
maipahatid ang kailangan sa Espanya.
Ganito rin ang nagging epekto ng pagbukas ng Suez Canal sa ibang bahagi ng Asya
na mga dating kolonya ng ibang bansa sa Europa.
Sa kasalukuyan, ang Suez Canal ay nagiging daan para sa mabilis na pagdadala ng mga
kalakal patungo sa Europa at ditto sa Pilipinas, at sa iba pang bahagi ng Asya. Nabigyan din
ng pagkakataon ang maraming mandaragat na Pilipino at iba pang Asyano na magkaroon
ng hanapbuhay sa mga barkong dumadaan sa Suez Canal.

II. Ang La Ilustracion o Age of Enlightenment


Ang La Ilustracion o Age of Enlightenment ay maituturing na mahalagang panahon
ng paghahanap ng katotohanan at pag-angat ng antas ng pag-iisip at pamumuhay sa
pamamagitan ng pagpapaunlad ng pamahalaan, impraestruktura at mga institusyon ng
lipunan. Malaki ang nagging epekto ng La Ilustracion o Age of Enlightenment sa nagging
kolonyal na patakaran ng mgza Espanyol sa Pilipinas. Hinubog ng La Ilustracion ang Europa sa
mga modernong kaisipan sa mga aspekto ng pamahalaan, demokrasya, edukasyon,
ekonomiya, sining, at panitikan. Karamihan sa mga kaisipang ito ay gingamit at
pinakikinabangan pa rin ng daigdig hanggang sa kasalukuyan.

18
Epekto ng La Ilustracion sa Pilipinas
Ang deklarasyon ng Cadiz Constituttion sa Pilipinas noong 1813 ay lumikha ng
matinding reaksiyon mula sa hanay ng mga Pilipino. Ang pagpapatupad nito ay
nangangahulugang kailangang ipatigil ang ilang mahigpit na patakarang pang ekonomiya ng
Spain sa Pilipinas tulad ng sapilitang paggawa at pagbayad ng buwis.
Hindi man ganap na naipatupad ang Cadiz Constitution sa Pilipinas, nagdulot ito ng
iba’t-ibang reaksiyon sa mga Pilipino. Halimbawa nito ay ang pag-aalsa ng mga katutuo ng
Sarrat, Ilocos Norte noong 1815. Para sa mga katutubo, ang hindi pagpapatupad sa nasabing
kontitusyon ay pakan lamang ng pamahalaang kolonyal upang maipagpatuloy ang pang-
aabuso sa mga Pilipino sa pamamagitan ng sapilitang paggawa at pagpapataw ng buwis.
Kumalat ang pag-aalsa sa mga karatig na bayan sa Ilocos. Pinaslang ng mga katutubo ang mga
principles na itinuring nilang kasabwat ng pamahalaang kolonyal sa pang-aabuso sa kanila.
Bigo man ang mga pag-aalsa, malinaw na pinukaw ng kaisipang La Ilustracion at Cadiz
Constituttion ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kanilang mga karapatang dapat
tinatamasa sa buhay. Nakatulong din ito upang mapagtanto ng mga Pilipino na may
pagkakataon sana silang mamuhay nang maginhawa kung magwawakas ang pag-aabuso sa
pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga karapatan.

III. Pag-usbong ng Panggitnang Uri


Bunga sa paglago ng agrikultura at ang pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang
pandaigdig ay may ilang mangangalakal, magsasaka, at propesyonal na umunlad ang
pamumuhay. Sila ang bumuo sa panggitnang uri sa lipunan sa Pilipinas. Karaniwang
kinabilanga n ng mga Chinese at Spanish mestizo. Dahil sa nakamit nila ang kasaganaan ay
nagkaroon ang mga nasa panggitnang uri ng kakayahang pag-aralin ang kanilang mga anak sa
Maynila o sa Europe, particular sa Spain. Doon nakamit ng mga “naliwanagang” kabataan o
mga ilustrados ang liberal na edukasyong nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan noon ng
Pilipinas.

IV. Kaisipang Liberal


Noong ika-19 ng Setyembre 1868, sumiklab ang isang himagsikan sa Spain. Nag-ugat
ang himagsikang ito sa pagpapalit ng pamamahala ng Spain mula sa kamay ng mga
konserbatibo tungo sa mga liberal. Sa panahong ito, ipinadala bilang bagong gobernador-
heneral sa Pilipinas si Carlos Maria dela Torre.
Madaling nakuha ni de la Torre ang pagtitiwala ng mga Pilipino. Nakilala siya sa
kanyang liberal na pamamahala sa Pilipinas. Nakinig siya sa mga suliranin ng mga mamamayan
at nakihalubilo sa mga tao, Espanyol man o Pilipino. Ipinagbabawal rin niya ang paghahagupit
bilang parusa, winakasan ang pag-eespiya sa mga pahayagan at hinikayat ang malayang
pamamahayag. Naniwala siya na pantay-pantay ang lahat ng tao. Sa ilalim ng kaniyang
panunungkulan ay naranasan ng mga Pilipino ang kalayaan sa pagpapahayag ng kanilang sarili.

19
Subalit hindi nagtagal ang liberal na pamamahala ni dela Torre. Natapos ito ng
pinalitan siya bilang Gobernador-Heneral ni Rafael de Izquierdo matapos ang dalawang taong
panunungkulan. Si Izquierdo ang kinilala bilang isa sa pinakamalupit na namuno sa Pilipinas.
Sa panahong ito lalong sumidhi ang pagnanais ng mga Pilipino para sa pagbabago at
kasarinlan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Tukuyin ang mga pahayag sa ibaba at punan ang kahon ng bawat bilang ng tamang
sagot. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang Canal na nag-uugnay sa Mediterranean Sea at Red Sea.


S

2. Tawag sa Enlightenment o Kaliwanagan sa Spain.


L

3. Isang ideolohiyang political na lumaganap sa England noong ika-18 na siglo.


N

4. Pinaslang ng mga katutubo na itinuring na kasabwat ng pamahalaang kolonyal sa


pag-aabuso.
P

5. Si Izquierdo Ang kinilala bilang isa sa pinakamalupit na namuno sa Pilipinas.


I

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa iyong sariling pang-unawa sa iyong napag-aralan.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang pinakamahalagang impluwensya ng Age of Enlightenment?


2. Ano ang ugat sa pagsiklab mg himagsikan sa Spain?
3. Kailan binuksan ng pandaigdigang kalakalan ang Suez Canal?
4. Bakit binuksan ng pandaigdigang kalakalan ang Suez Canal sa panahon ng
nasyonalismo?
5. Itala ang mga salik na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino?

20
ARALIN 6
PANANAW AT PANINIWALA NG MGA SULTANATO (KATUTUBONG MUSLIM) SA
PAGPAPANATILI NG KANILANG KALAYAAN

Mga Layunin
Sa kataupusan ng araling ito ikaw ay inaasahang:
• Nakikilala ang mga katangian ng pamahalaang Sultanato, mga pananaw at paniniwala
ng mga katutubong Muslim sa pagpapanatili ng kanilang Kalayaan.
• Naipapaliwanag kung bakit naging matatag ang mga Muslim na ipagtanggol ang
kanilang relihiyon at mapanatili ang Kalayaan laban sa mga Espanyol.
• Naipagmamalaki ang katapangan ng mga Pilipinong Muslim.

Mga Katangian ng Sultanato at mga Pananaw ng mga Katutubong Muslim

Ang Sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Higit itong Malaki kaysa
sa pamahalaang barangay. Pinamumunuan ito ng sultan. Organisado ang Sultanato. Ito ang
tumakot sa mga Espanyol na agad sakupin ang mga Muslim sa Mindanao. Matatapang ang mga
muslim, hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga dayuhan. Malaki ang pagmamahal nila sa
kanilang pamahalaan at teritoryo. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng
malaking digmaan hanggang kamatayan. Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa
Kalayaan.

Ang Paglaban ng mga Muslim


Mula sa pagdating ng mga Espanyol hanggang sa sila ay umalis nagging malaking hamon
ang mga Muslim sa kanila. Maraming matapang na Pilipinong Muslim ang lumaban sa mga
Espanyol upang hindi sila masakop ng mga ito. Sila ay gumawa ng sariling armas na kanilang
ginamit laban sa mga dayuhan. May gobernador na nagpadala ng mga kawal upang sakupinang
Mindanao. Nakapagpatayo sila ng mga pamayanan at kuta sa Zamboanga ngunit hindi
nagtagumpay ang mga Espanyol na lupigin ang mga Muslim at masakop ang buong Mindanao.
Hindi nila nasakop ang lugar na ito dahil hindi nila napasuko ang mga Muslim. Bilang
paghihiganti, sinalakay ng mga Muslim ang mga pamayanan sa may bayabayin ng Luzon at
Visayas. Tinangay nila ang maraming mamamayan at ipagbili sa ibang bansa. Gumogol ang
pamahalaang Espanyol ng malaking halaga upang matigil ang gawaing ito ngunit hindi nila ganap
na nasupil ang mga Muslim. Noong 1851, nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo
upang mahinto ang labanan. Bibigyan nila ng kalayaang manampalataya sa Islam ang mga
Muslim. Binigyan din ng pension ang mga sultan at datu at hinayaan ang karapatan sa
pagmamana ng mga anak at apo ng Sultan sa trono ng Jolo. Bilang kapalit ng mga ito, kilalanin
ng mga Muslim ang kapangyarihan ng Espanya, ihihinto na ang pananalakay ng mga Muslim at

21
hindi makikipagkasundo sa ibang bansa. Bagamat nagkaroon ng kasunduan ang mga Espanyol
at mga Muslim, kalian may hindi nila napasuko ang mga Muslim.

Pagtutol ng mga Katutubong Muslim


Noong 1565, may tatlong teritoryong Muslim ang Maguindanao, ang Buayan at Sulu.
Mayroon silang mga kaalyadong Muslim sa labas ng bansa. Unang sinalakay ng mga Espanyol
ang Sulu, bagamat natalo ay hindi tuluyang nasupil. Isinunod na sinalakay ang Maguindanao, sa
pamumuno ni Datu Dimasancay napilitang umurong ng mga Espanyol. Ipinagpatuloy ng mga
Muslim ang pagtatanggol sa kanilang lupain laban sa Espanya. Noong 1597, natalo ang mga
taga-Maguindanao sa pamumuno ni Datu Buisan. Bunga nito, Nakipagkasundo sila sa mga
Espanyol.

Pananalakay ng mga Muslim


Panandalian lamang ang pananahimik ng mga Muslim. Sila naman ang sumalakay sa
Luzon at sa Visayas bilang sagot sa kanilang pagkatalo. Hindi nagging ligtas ang mga Espanyol sa
pananalakay ng mga Muslim kaya nagpasya silang lusubing muli ang Mindanao. Dito nakilala
ang katgitingan ni Sultan Kudarat ng Maguindano. Tinawag sa kasaysayan na Digmaang Moro
ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa mga Espanyol.

Mga Dahilan ng Digmaang Espanyol-Muslim (Digmaang Moro)


Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim suablit dahil sa
pagmamahal nila sa kanilang Kalayaan, mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa magpaalipin
sa mga dayuhan. Ang pakikipaglaban ng mga Muslimay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol
sa kanilang kinagisnang relihiyong Islam.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pananaw at
paniniwala ng mga Musli at ekis (x) kung hindi.

_____1. Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa Kalayaan.


_____2. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga dayuhan.
_____3. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking digmaan
hanggang kamatayan.
_____4. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong Katoliko.
_____5. Ang pakikipaglaban ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa kanilang kinagisnang
relihiyon.

22
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Hanapin sa hanay B ang katugmang mga salita na makikita sa Hanay A. Isulat sa iyong
kuwaderno ang titik ng tamang sagot.

A B
1. Pamahalaan ng mga Muslim sa a. Luzon at Visayas
Mindanao b. Sultan Kudarat
2. Ugali ng mga Muslim na hindi sila c. Sultanato
basta nakikipagkasundo d. Matapang
3. Pinunong Muslim na labis na e. Digmaang Moro
kinatatakutanng mga Espanyol
4. Tawag sa pakikipaglaban ng mga
Muslim
5. Lugar na sinalakay ng mga Muslim
bilang paghihiganti sa mga
Espanyol

Isagawa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.

1. Anu-ano ang mga katangian ng pamahalaang Sultanato?


2. Bakit naging matatag ang mga Muslim na ipagtanggol ang kanilang relihiyon at
mapanatili ang Kalayaan laban sa nga Espanyol?

23
SUSI SA PAGWAWASTO
Aralin 1
Gawain sa Pagkatuto 1 Aralin 4
1. Igorot Gawain sa Pagkatuto 1
2. Kristiyanismo 1. Sekularisasyon
3. Muslim 2. Padre Pedro Pelaez
4. Ginto 3. Heswita
5. Digmaang Guro 4. GomBurZa
Gawain sa Pagkatuto 2 5. Arsobispo Meliton Martinez
Iba-iba ang maaring sagot Gawain sa Pagkatuto 2
Iba-iba ang maaring sagot
Aralin 2
Gawain sa Pagkatuto 1 Aralin 5
Iba-iba ang maaring sagot Gawain sa Pagkatuto 1
Gawain sa Pagkatuto 2 1. Suez
Iba-iba ang maaring sagot 2. La Ilustracion
3. Nasyonalismo
Aralin 3 4. Principles
Gawain sa Pagkatuto 1 5. Izquierdo
1. Pag-aalsa Politikal Gawain sa Pagkatuto 2
2. Pag-aalsa Politikal Iba-iba ang maaring sagot
3. Pag-aalsa Pang-ekonomiko
4. Pag-aalsa Panrehiyon Aralin 6
5. Pag-aalsa Pang-ekonomiko Gawain sa Pagkatuto 1
Gawain sa Pagkatuto 2 1. √
Iba-iba ang maaring sagot 2. √
3. √
4. x
5. √
Gawain sa Pagkatuto 2
1. c
2. d
3. b
4. e
5. a

Isagawa
Iba-iba ang maaring sagot

24
Mga Sanggunihan

https://www.youtube.com/watch?v=yE6FtA3aWaU&t=1164s

https://www.youtube.com/watch?v=AINqbTLTluI

https://grade5.modyul.online/araling-panlipunan-ikaapat-na-markahan-modyul-2-pag-
usbong-ng-kamalayang-filipino-sa-sekularisasyon/

https://www.google.com/search?q=MGA+NAUNA+SA+PAG-
AALSA+LABAN+SA+ESPANYOL&rlz=1C1NDCM_enPH974PH974&oq=MGA+NAUNA+SA+
PAG-AALSA+LABAN+SA+ESPANYOL

https://www.youtube.com/watch?v=hi0_6cEuejo

https://www.youtube.com/watch?v=ex_l44LcnNM

25

You might also like