You are on page 1of 33

Araling Panlipunan 5

Pagpapahalaga sa mga
Katutubong Pilipinong
Lumaban Para sa Kanilang
Kasarinlan
Quarter 3 Week 8 Day 3
Araling Panlipunan 5

Layunin:
 Natutukoy ang mga dahilan ng hindi matagumpay na
pananakop ng mga Espanyol sa katutubong pangkat

 Napahahalagahan ang mga katutubong Pilipinong


lumaban upang mapanatili ang kanilang kasarinlan
Handa na ba kayong
makinig?
APinaBalik-aral
1. Sino ang nagpatupad ng Monopolyo sa Tabako noong
1781?
2. Ano ang comandancia?
3. Kailan inilunsad ang armadong pananalakay ng mga
Igorot?
4. Ano-anong pang-aabuso ang nararanasan ng mga
katutubo sa ilalim ng nasabing monopoly?
Bakit kaya mahalaga ang pakikipaglaban ng mga
Igorot sa mga Espanyol?
Sa araling ito ay madarama
natin ang kahalagaan ng
katapangang ipinamalas ng mga
Igorot sa pagpapanatili ng
kanilang kasarinlan laban sa
mga mananakop
Halika na at
makinig!
Alamin natin
Isa sa mga lugar na hindi
napagtagumpayang sakupin ng mga
Espanyol ay ang mga kabundukan ng
Cordillera. Naninirahan dito ang mga
Igorot.
Nakabatay ang kanilang hanapbuhay sa
pagsasaka, gayundin sa paghahabi ng
tela, pagnganganga at pangangayaw o
paglahok sa mga digmaan laban sa
ibang pangkat etniko
Mayroon din silang paniniwalang
panrelihiyon kung saan tinitingnan
ang kalikasan bilang tahanan ng
mga espiritu.
Mga dahilan sa hindi matagumpay na pagsakop
ng mga Igorot:

Una, naging mahirap para sa mga misyonero na


tunguhin nang madalas ang bulubundukin ng
Cordillera
Pangalawa, nagkaroon ng
kakulangan sa mga
misyonerong maaaring ipadala
sa lalawigan.
Huli, naging mahirap din para sa
mga sundalong Espanyol na
ipinadala sa Cordillera na lupigin
ang mga mandirigmang Igorot sa
bulubunduking kabisado nila ang
pasikot-sikot
Ang mga Igorot ay kilala din sa
kanilang pagiging masipag, matatag,
at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga
ugaling hindi basta basta
hinahayaang makuha ng iba ang
kanilang mga namana o nakuhang
mga kayamanan.
Sila ang mga katutubong
mamamayan na nakapagpanatili ng
kanilang katutubong paraan ng
pamumuhay at paniniwala.
Mahalaga sa kanila ang lupa,
sapagkat ito ang pangunahing
ikinabubuhay nila
Ang isang patunay nito ang Hagdan-
hagdang Palayan ng Banawe na
matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao
na naging manipestasyon ng kanilang
katangi-tanging kaugalian
Ang pagpapahalaga sa kanilang
kultura at mga nagawa ay
nakakatulong upang
maipamana sa mga susunod na
henerasyon
Kaya bilang isang Pilipino, alalahanin
at gawing inspirasyon natin ang
sakripisyo at pakikipaglaban ng ating
mga katutubong Pilipino sa pagkamit
ng kalayaan na kanilang tinatamasa.
Pahalagahan at igalang natin ang
kanilang katutubong kultura
Pagyamanin
natin
Pagyamanin natin
Pamprosesong Tanong:
1. Isang lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga
Espanyol sa hilagang bahagi ng Luzon kung saan naninirahan
ang mga Igorot. Anong lugar ito?
2. Ano-ano ang mga katangian ng isang Igorot?
3. Ito ay isang magandang tanawin sa ating bansa na naging
manipestasyon sa pagiging masipag ng mga Igorot.
4. Ano-ano ang mga dahilan sa hindi matagumay na pananakop
ng mga Espanyol sa mga Igorot
Isagawa natin
Panuto: Iguhit ang kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga Igorot sa kanilang
kasarilan at kung hindi.

___1.Naging paksa ang kalayaaan ng mga Igorot sa


mang-aawit sa kanyang kanta.
___2.Binasa ni Roman nang malinaw ang isang aklat
tungkol sa pakikipaglaban ng mga Igorot sa mga
Espanyol.
___3.Nagdalawang isip si Rosa kung iuulat niya ang
kanyang paksa tungkol sa kalayaan ng mga Igorot.
___4. Naging inspirasyon ng mga kabataan
ang katapangan ng mga Igorot na makamit
ang kanilang malayang karapatan

___ 5. Iginagalang ng mga mag-aaral sa


Ikalimang baitang ang mga tradisyon,
relihiyon at paniniwala ng mga Igorot
Paglalapat
Paglalapat:
1.Bakit mahalagang malamang may mga katutubong
pangkat na hindi napasailalim sa kapangyarihan ng
mga Espanyol?
2. Maipagmamalaki mo ba ang tagumpay na ito ng
ating mga kababayang Igorot? Bakit/bakit hindi?
Paglalahat
Paglalahat:
Isulat ang mga dahilan sa hindi matagumpay na
pagsakop ng mga Igorot gamit ang concept map

Dahilan sa Hindi
Matagumpay na Una: ________________________________
Pagsakop ng mga Pangalawa: ___________________________
Huli: _________________________________
Igorot sa Cordillera
Pagtataya
Pagtataya
Panuto:Isulat ang Tsek (√) kung ito ay dahilan ng hindi
nagtagumpay na pagsakop ng mga Igorot at Ekis (X) kung hindi
dahilan
___1.Nahirapan ang mga misyonero na
tunguhin ang matitirik na bulubundukin sa
Cordillera.
___ 2.Natakot ang mga Espanyol sa mga
Igorot.
Pagtataya
Panuto:Isulat ang Tsek (√) kung ito ay dahilan ng hindi nagtagumpay na
pagsakop ng mga Igorot at Ekis (X) kung hindi dahilan

___3.Hindi kabisado ng mga Espanyol ang pasikot-


sikot sa bundok.
___4.Kulang ang mga misyonerong ipinadala sa
lalawigan
___5.Kompleto ang mga Igorot sa mga kagamitang
pandigma.
Maraming Salamat
Hanggang sa susunod
na aralin!

You might also like