You are on page 1of 10

BACOLOD CITY COLLEGE

Bacolod City
TEACHER EDUCATION DEPARTMENT
________________________________________________________________________________________________________________

MASUSING
BANGHAY ARALIN
SA TECHNOLOGY FOR
TEACHING AND
LEARNING 1
( Pang-Uri at Uri ng Pang-Uri)

Inihanda ni:
Allas, Myra Jane E.
BSED Filipino 2E

Ipapasa kay:
Gng. May D. Villanueva, LPT, MEd-TLE
I. LAYUNIN:
Sa loob ng isang oras na talakayan, 85% sa mga mag-aaral ng Ika-walong
Baitang ay inaasahang:
a. Nabibigyang kahulugan ang salita ayon sa Uri ng Pang Uri.
b. Nakikilala at natutukoy ang mga pagkakaiba ng mga Uri ng
Pang Uri.
c. Nakakabuo ng pangungusap gamit ang Pang Uri at mga Uri
nito.
II. PAKSANG ARALIN
• Paksa: Pang Uri at Uri ng Pang Uri
• Sanggunian: “PANG-URI: Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Atbp.”
By Editorial Staff.
• Kagamitang Pampagtuturo: PowerPoint, LCD Projector, Projector at
Laptop
III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawain ng Mag aaral
PAGBATI
Magandang Umaga/Hapon klas!
- Magandang Umaga/Hapon din po
PANALANGIN Ma’am.
Manalangin tayo sa araw na ito.
(Iplinay ng guro ang panalangin sa
kanyang laptop.)
- Amen...
PAGTALA NG LUMIBAN
( gamit ang laptop tatawagin ng guro
ng isa-isa ayon sa pagkakasunod-
- Lumiban po si Perez ngayon Ma’am.
sunod ng apelyido.)

Okay.
PANGGANYAK
Okay klas, bago magsimula ang ating
diskusyon ay may ipapakita akong
mga larawan ( gamit ang LCD
Projector at Power Point) at magbigay
kayo ng pangungusap na maaaring
gamitin para tukuyin ang larawan.
Itaas lamang ang iyong kamay kapag
sasagot.
(Ipinakita ng guro ang unang larawan
sa LCD Projector.)

Ok, sino ang makakapagbigay ng


sagot? (nagtaas ng kamay.)

- Ang puso ay kulay pula.


Okay! Tama.

Sunod nalarawan.

(Ipinakita ang ikalawang larawan.)

(nagtaas ng kamay)

- Ipagmalaki ang kulturang Pilipino.


Tama!

(Ipinakita ang huling larawan.)

(nagtaas ng kamay)

- May tatlong bibe.

Magaling, tama ang lahat ng inyong


sagot.

PAGLALAHAD
Alam niyo ba na ang inyong mga
sagot ay nagpapakita ng Pang Uri?
- Opo Ma’am
Ang mga sagot niyo ay ilang
halimbawa lamang ng mga uri ng
pang uri. Kaya ngayon, ang ating pag
aaralan ay tungkol sa Pang Uri at ang
Uri ng Pang Uri.

PAG ALIS NG SAGABAL


Pero bago natin simulan ang
diskusyon. Ang mga pangungusap na
nakasulat (sa LCD Projector at
PowerPoint), maaari niyo bang
hanapin ang kahulugan ng
nakasalangguhit sa Hanay A. Pumili
lamang ng sagot sa Hanay B.

Hanay A

1. Nakakalungkot na sa ating
bansa ang mga magsasaka ay
anakpawis .
2. Ang guro natin sa Math ay
nanggigigil na.
3. Ang bunso naming kapatid ay
malaanghel.
4. Malalapad na lupain ang
pagmamay-ari namin.
5. Mapayapa ang buhay sa nayon.

Hanay B

Malawak
Mabait
Tahimik
Mahirap
Galit

(Nagsimula ng sagutan)
PAGTATALAKAY

Ngayon, ating tatalakayin kung ano


ang Pang Uri. Sino sainyo ang
makapagbigay ng kahulugan kung
ano ang Pang uri?
(nagtaas ng kamay)

- Ito po ay mga salitang naglalarawan


sa tao, bagay, hayop o lugar.
Okay, Tama.

(ipinakita ng guro ang powerpoint


tungkol sa aralin)
Ang mga pang-uri o adjectives sa
Ingles ay salitang nagbibigay turing o
naglalarawan sa isang pangngalan
o panghalip. Ito ay nagsasaad ng uri o
katangian ng tao, bagay, hayop, pook,
o pangyayari.

Sino naman makapagbigay ng (nagtaas ng kamay)


halimbawa ng Pang Uri?
- Ang ilog sa amin ay madumi.
Okay, Patrick

Tama! Sino pa ang makapagbigay ng (nagtaas ng kamay


isa panghalimbawa?

Angel. - Maputi ang balat ni Anne.

Magaling! Iyon ang mga halimbawa ng


Pang Uri. Kagaya ng halimbawa ni
Patrick, Ang ilog sa amin ay madumi.
Kung saan tinutukoy niya na madumi
ang ilog nila. At sa halimbawa naman
ni Angel, Maputi ang balat ni Anne,
tinutukoy din niya ang Balat ni Anne
ay maputi. Naintindihan niyo ba ang - Opo ma’am, Naintindihan po namin.
ibig sabihin ng Pang Uri?

May mga katanungan pa ba kayo - Wala na po Ma’am


tungkol sa Pang Uri?

Okay! salamat, ngayon naman ay


tatalakayin natin ang tatlong(3) uri ng
pang uri at kung ano ang gamit at
mga halimbawa nito.

Sino sainyo ang may ideya kung ano (nagtaas ng kamay)


ang tatlong Uri ng Pang Uri?
- Ang tatlong uri ng pang uri ay ang
Okay, Bell Pang-uring Panlarawan, Pang-uring
Pantangi, at Pang-uring Pamilang.
Tumpak!

Ang tatlong (3) Uri ng Pang Uri ay


ang; Pang-uring Panlarawan, Pang-
uring Pantangi at ang Pang-uring
Pamilang. Ngayon ating alamin kung
ano kaya ang kaibahin nila sa isa’t-
isa.
(walang nakasagot)
Okay, may ideya ba kayo kung ano
ang Pang-uring Panlarawan?

Wala kayong ideya?


Okay Sige.
Ang Pang-uring Panlarawan, Ito ay
nagpapakilala ng uri o kabagayan ng
isang pangngalan o panghalip.
Nagsasaad ito ng laki, kulay, anyo,
amoy, tunog, yari, lasa, o hugis.

Halimbawa:
• Malaki ang katawan ni (nagtaas ng kamay)
Arnold.
- Itinutukoy sa pangungusap ay ang
Ano ang tinutukoy sa pangungusap? malaking katawan ni Arnold.

Okay! Tama. Ang malaking katawan


ni Arnold ang tinutukoy sa
pangungusap. Ang salitang Malaki ay
kabilang sa Pang-uri Panlarawan
dahil ito ay nagsasaad ng laki at
anyo.

Sunod na halimbawa, kayo ang


tutukoy kung ito nagsasaad.
(nagtaas ng kamay)
• Itim ang kulay ng buhok ni
- Itim ang kulay ng buhok ni Pinky.
Pinky.
Itinutukoy sa pangungusap ay ang
kulay itim na buhok ni Pinky. Ang
Okay, Samantha. salitang Itim ay nagsasaad ng kulay.

Magaling! Tama ang salitang itim ay - Opo Ma’am


nagsasaad sa kulay.
Naintindihan niyo ba kung ano ang
Pang-uring Panlarawan?
Okay. Mabuti kung ganun. (nagtaas ng kamay)

Sunod na uri ay ang Pang-uring - Ang Pang-uring Pantangi ay


Pantangi. Sino ang may ideya sa inyo naglalarawan o tumutukoy sa uri ng
kung ano ang Pang-uring Pantangi? pangngalang pambalana.

Okay, Ella.

Tama!

Sinasabi ng pang-uring pantangi ang


tiyak na pangngalan. Binubuo ito ng
isang pangngalang pambalana at
isang pangngalang pantangi.

Halimbawa:
• May kaibigan akong
lalaking Amerikano.

Ang ginamit na salita ay lalaking


Amerikano, ang salitang lalaki ay
isang Pangngalang Pambalana
habang ang Amerikano naman ay
Pangngalang Pantagi. (nagtaas ng kamay)

Sino makapagbigay ng halimbawa ng - Bumili si Tiya Beth ng suhang


Pang-uring ? at tukuyin kung ano ang Davao.
Pangngalang Pambalana at
Pangngalang Pantagi.

Okay, Miguel.
- Ang Pangngalang Pambalana ay ang
Suha at ang Pangngalang Pantagi
Okay Tama. naman ay ang Davao.

Maari mo bang tukuyin kung saan


ang Pangngalang Pambalana at
Pangngalang Pantagi?

Magaling! At naunawaan ninyo ang (nagtaas ng kamay)


Pang-uring Pantangi.
- Ang Pang-uring Pamilang ay
At ang huling Uri ng Pang Uri ay ang nagsasaad ng bilang o dami ayon sa
Pang-uring Pamilang. Sino naman pangungusap.
ang may ideya tungkol dito?
Okay, Joe.

Magaling!

Ang Pang-uring Pamilang ay


nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon
sa pagkakasunod-sunod ng
pangngalan o panghalip.

Halimbawa na lamang nito ay:


 Si Raymond ang pangatlo sa
pila.
Ang salitang Pangatlo ay nagsasaad
ng bilang, kaya ito ay Pang-uring (nagtaas ng kamay)
Pamilang.
- Isang kilong isda ang binili ko sa
Sino naman sainyo ang makapagbigay palengke.
ng halimbawa ng Pang-uring
Pamilang?

Okay, Cristelle.

(nagtaas ng kamay)
Tama! Isang kilong isda ang binili ko
sa palengke. Sino naman ang - Ang salitang Pamilang ay ang Isang
makakapagtukoy kung anong salita kilo kung saan nagsasaad ito ng
ang Pang-uring Pamilang at kung dami ng isda.
saan nagsasaad ito.

Okay, Bert. - Opo Ma’am

Magaling! Ang salitang isang kilo ay


nagsasaad ng dami ng isda.
Naunawaan ba ninyo kung ano ang
Pang-uring Pamilang?

Okay, klas ang tatlong Uri ng Pang


Uri ay ang Pang-uring Panlarawan ito
ay nagsasaad ng kulay, hugis, anyo at
ang Pang-uring Pantangi naman ay
tumutukoy sa Pangngalang
Pambalana at Pangngalang Pantagi
habang ang Pang-uring Pamilang
naman ay tumutukoy sa bilang, at
dami.
PAGPAPAHALAGA

Ano ang kahalagahan ng Pang Uri?


- Ang kahalagahan ng Pang Uri ay
natutulungan tayo sa paggamit ng
wastong pang-uri sa pag lalarawan
ayon sa iba't-ibang sitwasyon.
Mahusay! Tama ang iyong sagot.

PAGLALAHAT

Aasahan kung magagamit niyo ang


Pang Uri at mga Uri niyo ng wasto at
ayon sa sitwasyon. Asahan ko din na
kayong lahat ay naunawaan at
naintindihan lahat ng ating diskusyon
sa araw na ito. Bago matapos ang
ating klase ay may ipapagawa ako
sainyo, kung naintindihan niyo ba
talaga ang ating diskusyon.
EBALWASYON

Ngayon ay papangkatin ko kayo sa


tatlo, at kayo ay magbibigay ng 5
halimbawa ayon sa inyong Pangkat.
Gawin ito sa isang Talata ayon sa ( Ipinakita ng guro ang Criteria sa
inyong obserbasyon sa paligid. LCD Projector)
CRITERIA:
Unang Pangkat- Kayo ay naatasang Kaakmaan sa Naatasang Uri ng Pang
gumawa ng talata gamit ang Pang- uri---- 50%
uring Panlarawan. Kaayusan---- 20%
Paggamit ng wastong salita----30%
Ikalawang Pangkat- Kayo naman ay Kabuuan-----100%
inatasaang gumawa ng talata gamit
ang Pang-uring Pantangi.

Ikatlong Pangkat- Kayo naman ay


naatasang gumawa ng talata gamit
ang Pang-uring Pamilang.

Nawa’y may napulot kayong aral sa


ating aralin ngayon. Sana ay magamit
niyo ito ng tama maaaring sa mga
pangungusap o talata at higit sa lahat
ang paggamit ninyo sa inyong
pagsasalita.

IV. PAGTATAYA
Panuto: A. Isulat sa inyong kwaderno ang salitang pang-uri sa
pangungusap at tukuyin kung saan ito nabilang. Ito ba ay sa Pang-uring
Panlarawan, Pantangi, o Pamilang. (Ipinakita ng guro ang pagtataya sa
LCD Projector)
1. Napakaganda ni Ella sa suot niya.
2. Ang dami naman ng mga libro na hawak mo.
3. Pabili po ng sampung pisong kendi.
4. Mabaho ang bulaklak na pinitas niya.
5. Napakabait niya.
6. Niyakap na natin ang wikang Ingles.
7. Matamis ang hinog na mangga.
8. Labing isa ang pumasok ngayon.
9. Nangunguna siya sa klase.
10. Siya ay mahiyain taong.

V. TAKDANG ARALIN:
Magbigay ng tig lilimang pangungusap gamit ang; Pang-uring Panlarawan,
Pantangi at Pamilang at tukuyin kung saan ang salitang nagsasaad sa
Pang-uring Panlarawan, Pantangi at Pamilang Isend lamang ito sa ating
Google classroom.

VI. SUSI SA PAGWAWASTO


1.Napakaganda – Pang-uring Panlarawan
2. Dami - Pang-uring Pamilang
3. Sampung piso – Pang-uring Pamilang
4. Mabaho – Pang-uring Panlarawan
5. Napakabait – Pang-uring Panlarawan
6. Wikang Ingles – Pang-uring Pantangi
7. Matamis – Pang-uring Panlarawan
8. Labing isa – Pang-uring Pamilang
9. Nangunguna -Pang-uring Pamilang
10. Mahiyain – Pang-uring

You might also like