You are on page 1of 2

Fil - 211

1. “ Ang lipunang lubos na pinahahalagahan ang pagbasa ay isang lipunang


nakayakap sa literasi at pag-unlad”

Ang lipunan na lubos ang pinapahalagahan ang pagbasa ay maaring mag


tagumpay ito sa hinaharap na dahil sa may kumpiyansa ito gustong magbasa
at umulad hindi malabo mangyari ang isang tagumpay kung marunong itong
magtiwala sa isang tao man o bagay at saking palagay ang nais iparating ng
mga salitang ito ay para sa ikalalago at hindi lang pansarili kung hindi para
sating sa lahat na marunong at gustong magbasa para matuto at mapalawak
pa ang mga nilalaman ng mga salita na binabasa.

A. Gawain sa Pagbasa

1. Pumili ng bagong libro para basahin.- Iskiming - binasa ko ng mabilis


upang makakuha ako ng ideya.
2. Google search list sa internet - Scanning - binasa ko ng mabilis at kumuha
lamang ng mga specific words.
3. Nanonood ako ng balita - Impormatibo - nagpapakita ng mga pangyayaring
naitala.
4. Naglalaro ako sa aking cellphone - Kaswal - dahil hinihintay ko lang lumipas ang oras
at wala akong ginagawa.
5. Pagtingin sa pamagat - Privyuwing - kinukuha ko lamang ang lahat ng
mahahalagang impormasyon.

A. Gawain sa pagsulat

Marami sa atin ay naninibago sa ganitong klase ng pangyayari ngunit wala tayong


magawa kundi sanayin ang atin sarili,dahil nga sa pandemya.Ang mga mag aaral ngayon
ay kasalukuyang nag aaral sa kanilang tahanan at dahil dito maraming mag aaral ang
nahihirapan sa ganiting setup.
Bago pa man nagkaroon ng COVID-19 pandemic, ramdam na natin ang learning crisis
sa ating bansa at bilang mga guro, alam natin na habang tumatagal ang panahon na
hindi nakakabalik ang ating mga estudyante sa formal schooling, mas maraming
negatibong epekto ang maaaring idulot nito sa kanilang mga sarili.Dapat din nating
bigyan ng konsiderasyon na hindi lahat ng ating estudyante ay magiging masaya
sakaling tuluyang ihinto ang muling pagbubukas ng mga paaralan ngayong taon. At dahil
mas abala tayo sa pagiging kritiko sa mga ginagawang desisyon ng ating gobyerno,
maaaring nakakaligtaan na nating bigyan ng atensyon ang pagdinig sa boses ng ating
mga nasasakupan – ang mga musmos na tahimik na nagmamatyag sa ating mga
ikinikilos. Naiiwan silang nakabitin sa pag-aalinlangan at takot sa lumalaganap na sakit at
kung paano na mabibigyan ng prayoridad ang kanilang karapatan sa pag-aaral.
Ang edukasyon ay responsabilidad ng bawat isa - hindi lamang ng mga mag-aaral, guro,
at magulang kundi ng isang komunidad na handang sumuporta at gumabay sa pangarap
ng isang batang nag-aasam na makapag-aral. Noon pa man ay masasabing buhul-buhol
na ang mga problema sa edukasyon sa ating bansa. Gayunpaman, kung patuloy lamang
tayong magtutulungan at magkakaisa sa isang adhikain, hindi malabong mangyari na
ang inaasam nating magandang bukas para sa bata at para sa bayan ay atin nang
makamit sa gitna man ng pandemyang COVID-19 kahit may pandemya ay nakakapag
aral parin ako sa module o kaya online class sisikapin na matapos ang pag aaral kahit
may pandemya ngayong panahon na to.
Ang pag-aaral o edukasyon sa panahon ngayon ay parehong mahirap sa mag aaral at
guro dahil sa pandemya malaki ang naging epekto nito sa ating edukasyong ang face to
face noon ay naging modular o online class ngayon marami ang dapat ihanda sa uri ng
pag aaral natin ngayon at marami ang naiba na.

You might also like