Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan Cot2

You might also like

You are on page 1of 4

DETAILED LESSON PLAN IN MAPEH

Integration of FILIPINO
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
September 13, 2019

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang pagkakaiba ng kilos lokomotor at di-lokomotor.
b. Aktibong nakikilahok sa mga gawain at talakayan sa klase.
c. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng kilos lokomotor at di-lokomotor.

II. Paksang- Aralin:


Paksa: Lokomotor at Di-Lokomotor
Kagamitan: Chalk and board, flashcards, mga larawan upang maipakita ang konsepto ng lokomotor at di
lokomotor, puzzle, pentouch at manila paper.
Sanggunian: K-12 Curriculum Guide Physical Education May 2016 pahina 13-14
Daily Lesson Log in MAPEH 2nd quarter (depedclub.com)

III. Pamamaraan:
AKTIBIDAD NG GURO AKTIBIDAD NG MGA MAG-AARAL
1. Balik-aral o Pagsisimula ng Bagong Aralin
Muling ipapakita ng guro ang larawan ng batang si Buboy.

(Aktibong makikilahok ang lahat ng


mag-aaral sa talakayan.)

“Naaalala niyo pa ang batang si Buboy? Sino na nga ulit siya?” “Ang batang mahilig maglaro sa baha.”

“Tama bang maglaro sa tubig-baha?”“Bakit?” “Hindi po.”


“Dahil madumi ang tubig-baha.”

“Anong mahalagang aral ang itinuturo sa kwento ni Buboy?”  Mahalaga ang kalinisan sa ating
katawan.
 Ugaliing maglinis o maghugas ng paa
bago matulog.

2. Pagganyak: (Group Work: Puzzle)

Sabihin: “Ngayong araw ay may bago tayong leksyon na tatalakayin. Pero bago
ang lahat, may inihanda ako ritong mga puzzle na kailangan ninyong pagtulong-
tulungang buuin.

 Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa tatlong grupo. Ang bawat grupo ay (Aktibong makikilahok sa pangkatang
tatanggap ng kanya-kanyang set ng puzzle. Kailangang magtulong-tulong ang gawain ang mga mag-aaral at
lahat ng miyembro upang buuin ang mga puzzle sa loob lamang ng limang minuto. magbabahagi ng kanya-kanyang
Matapos mabuo, kailangang ipaskil sa pisara ang mga nabuong puzzles. Ang opinyon kung kinakailangan.)
unang grupo na matapos, ang siyang panalo.

Group 1 Group 2 Group 3


Mga tuntunin sa pangakatang gawain:
1. Tumulong sa mga kagrupo sa pagsasagawa ng gawain.
2. Iwasan ang paglalakad.
3. Iwasan ang pag-iingay at di kaaya-ayang pakikipag-usap sa kaklse.
4. Ilagay sa tamang lagayan ang mga papel o kalat na makukuha sa double
sided tape.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad at Pagtatalakay
Tatalakayin ng guro ang mga nabuong puzzle ng bawat grupo.

“Ano ang nakikita ninyo sa mga puzzle na nabuo ninyo? Isa-isahin nating talakayin
ang mga ito.”

Itanong: (Magbabahagi ng kanya-kanyang


 Ano ang ginagawa ng bata sa larawan ng group 1? opinyon ang mga bata)
 Ano ang ginagawa ng bata sa larawan ng group 2?
 Ano ang ginagawa ng bata sa larawan ng group 3? Group 1: Nagsusulat
Group 2: Kumakain
Group 3: Tumatakbo
“Tama! Ang larawan sa group 1 ay nagpapakita ng isang batang nagsusulat. Sa
group 2 naman ay nagpapakita ng batang kumakain, samantalang sa ikatlong grupo
naman ay nagpapakita ng batang tumatakbo.”

Integration of MAPEH (Health):


“Anong napapansin ninyo sa mga larawang nasa puzzle?”

“Lahat sila ay nagpapakita ng kilos o


“Tama! Ang mga salitang nagsusulat, kumakain, at tumatakbo ay nagpapakita ng kilos galaw.”
o galaw. At batay sa ating napag-aralan noon sa FILIPINO, ano nga ulit ang tawag sa
mga salitang nagsasaad ng kilos?
“Salitang kilos o Pandiwa”
“Magbigay nga ng ibang halimbawa ng pandiwa.”

Possible answers:
 Naghuhugas
 Nagdidilig
 Umiinom
 Naglalakad
 Sumasayaw etc
“Magaling! Ngayong alam niyo na ang kahulugan ng pandiwa, maari na tayong
dumako sa ating panibagong leksyon. Ito ay tungkol sa kilos lokomotor at di-
lokomotor.

“Ang mga kilos lokomotor ay mga kilos na umaalis sa lugar. Dahil sa ito ay
nagpapakita ng galaw, patuloy lamang itong nagpapalipat-lipat o nagbabago ng
posisyon. Samantala, ang kilos di-lokomotor naman ay mga kilos na hindi naman
umaalis sa lugar o nananatili lamang sa iisang posisyan/pwesto.”

Sabihin: “Muli nating balikan ang mga larawan sa puzzle.”

Group 1: Nagsusulat (Aktibong makikilahok ang lahat ng


Itanong: Kapag ba kayo ay nagsusulat, umaalis ba kayo sa pwesto o lugar kung saan mag-aaral)
kayo naroon?’
“Hindi po.”
“Tama! kapag tayo ay nagsusulat, gumagawa tayo ng kilos, ngunit nananatili lamang
tayo sa ating pwesto.”

Group 2: Kumakain
Itanong: Kapag ba kayo ay kumakain, umaalis ba kayo sa pwesto o lugar kung saan
kayo naroon?’
“Hindi po.”
“Tama! hindi rin tayo umaalis sa ating kinaroonan kapag tayo ay kumakain”

“Kung gayon, ayon sa inyong mga sagot, ang mga salitang nagsusulat at
kumakain ay mga halimbawa ng?”
“kilos di-lokomotor”
“Tama! E paano naman ang tumatakbo?”

(Tatawag ang guro ng isang bata at hahayaan itong tumakbo palibot sa loob ng
silid-aralan)

“Umalis ba si JM sa kanyang posisyon noong tumakbo sya?

Kung gayon, saan nabibilang ang pagtakbo? Sa kilos lokomotor o di-lokomotor?”


“Opo.”
“Magagaling!”
“lokomotor”
Magbibigay ang guro ng iba pang halimbawa ng kilos lokomotor at di-lokomotor
sa pamamagitan ng isang maikling video presentation. Hahayaan ng guro na
alamin ng mga bata kung anong kilos ang ipinapakita sa video. Upang lalong
mas maging aktibo ang mga mag-aaral, hahayaan ng guro na gayahin ng mga
bata ang bawat salitang kilos na isinasaad sa video, at pagkatapos ay tutukuyin
kung saang kilos ito naibilang.

MGA HALIMBAWA NG SALITANG KILOS


Lokomotor Di-Lokomotor
1. Pagtakbo 1. Pagkaway
2. Paglaro 2. Pag-upo
3. Paglukso 3. Pagbasa
4. Paglakad 4. Pag-unat
5. Pagsayaw 5. Pagluhod
6. Paglangoy 6. Pagbaluktot
7. Pagkadirit 7. Pagsulat
8. Paagtalon 8. Pagguhit
9. Pagwawalis 9. Pagkulay

2. Paglalahat
“Ano nga ulit ang tawag sa mga kilos na umaalis sa lugar o posisyon?”

“Ano naman ang tawag sa kilos o galaw na nananatili o hindi umalis sa posisyon?”

“Magbigay ng halimbawa ng kilos lokomotor”

“Lokomotor”
“Magbigay ng halimbawa ng kilos di-lokomotor”
“Di-lokomotor”

3. Aplikasyon: (Groupwork) (Magbibigay ng kanya-kanyang opinyon


ang mga bata)
Mga tuntunin sa group activity:
1. Tumulong at wag makipag-away sa mga kagrupo sa pagsasagawa ng gawain. (Magbibigay ng kanya-kanyang opinyon
2. Iwasan ang paglalakad. ang mga bata)
3. Iwasan ang pag-iingay at di kaaya-ayang pakikipag-usap sa kaklase.
4. Ilagay sa tamang lagayan ang mga papel o kalat na makukuha sa double sided
tape.

Group 1: Charade
Maghahanda ang guro ng limang salitang kilos (lokomotor at di-lokomotor) na
kailangang iarte/isakilos ng isa sa mga miyembro ng grupo sa unahan. Kailagang
mahulahan ito ng tama ng iba pang mga kasapi ng grupo upang makakuha ng isang
puntos. Ang isang tamang sagot ay may katumbas na isang puntos.

MGA SALITANG KILOS


1. Naghuhugas
2. Naliligo
3. Sumasayaw
4. Tumatalon
5. Tumatakbo

Group 2: (Flashcards & Chart)


Maghahanda ang guro ng sampung flashcards na may nakasulat na mga salitang kilos.
Kailangang kilalanin ng mga bata ang bawat salita at alamin kung nabibilang ba ang mga
ito sa kilos lokomotor o di-lokomotor.

SALITANG KILOS Mga salitang gagamitin:


LOKOMOTOR DI-LOKOMOTOR 1. Naghuhugas
2. Naliligo
3. Sumasayaw
4. Tumatalon
5. Tumatakbo

Group 3: (Draw the Answer)


Gamit ang mga pentouch, lapis, at manila paper na ibibigay ng guro, kailangang gumuhit
ang mga bata ng mga halimbawa ng kilos lokomotor at di-lokomotor.

IV. Pagtataya
Tukuyin kung lokomotor o di-lokomotor ang mga sumusunod na salitang kilos. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_____________________ 1. Kumakaway
_____________________ 2. Pagbaluktot
_____________________ 3. Naglalakad
_____________________ 4. Pagkandirit
_____________________ 5. Nagsusulat

V. Takdang-aralin
Magbigay ng tigtatlong halimbawa ng lokomotor at di-lokomotor. Isulat sa kwaderno.

You might also like