You are on page 1of 3

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Ang papel na ito ay magsisilbing kasunduan sa pagitan ng mag-aaral at guro na nasa ilalim ng
klaseng ito. Nakatala halimbawa sa kabuuan nito ang ilan sa mga bagay na inaasahan sa mga
mag-aaral na kabilang sa kursong Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino ngayong unang semestre ng taong pampanuruan 2022 hanggang 2023.

1. Bilang mag-aaral, batid kong ang kursong ito ay nahahati sa asingkroniko at singkronikong
mga sesyon.

1.a. Ang asingkronikong sesyon ay tumutukoy sa mga pagkakataon na kinakailangan lamang


basahin nang may pag-unawa ang mga aralin na nakalatag bilang paghahanda sa singkronikong
klase at sagutin ang mga gawain o pagsusulit na nakalatag sa Canvas course ng kurso.
Nauunawaan ko rin na sa oras na magsara ang mga gawain ay hindi ko na ito masasagutan at
liban sa mga pagkakataong mayroon akong balido at katanggap-tanggap na dahilan; ang hindi
pagsagot sa mga gawain ay tanda ng aking pagliban sa nasabing
sesyon. ……………………………………………………………………………………………………………………………………………
……………………..

1.b. Kadalasan, ang asingkronikong sesyon o Canvas Day (CD) ay magaganap tuwing araw ng
Miyerkules sa bawat linggo liban na lamang sa mga pagkakataong may iaanunsyong pagbabago
ang guro. Ibig sabihin, bilang mag-aaral ay malaya akong i-access ang Canvas sa oras na
pinakamaluwag para sa akin sa araw na nabanggit. ……………………………………………………………………..

1.c. Samantalang ang singkronikong sesyon naman ay magaganap lamang sa loob ng klase sa
mismong araw at oras na nakatakda bilang iskedyul ng kurso. Kaya naman ang hindi pagdalo sa
mismong sesyon ay nangangahulugan ng aking pagliban sa klase. …………………………………

1.d. Malay rin ako, bilang mag-aaral, na bahagi ng aking tungkulin higit tuwing singkronikong
sesyon ang magtanong ng/sa mga konsepto o ideya na hindi ko pa lubos na nauunawaan.
Gayundin, bahagi ng inaasahan sa akin ang makisangkot sa diskurso o talakayan sa klase at
makiisa sa mga gawaing pangklase (indibidwal man o pangkatan). Tatandaan ko rin na ang
pagpasok nang hindi handa o nakapagbasa ng aralin ay tanda ng di-pagrespeto sa aking sarili, sa
aking mga kamag-aral, at sa aking guro kaya naman ito ay hindi mapahihintulutan.
…………………………………………………………………………………………..
2. Ang kapabayaan sa aking mga tungkulin ay hindi mapahihintulutan liban na lamang sa mga
pagkakataong mayroon akong balidong rason.

2.a. Sa mga pagkakataon halimbawa na mayroong nakatakdang gawain o singkronikong sesyon


na hindi ko magagampanan o madadaluhan ay batid kong mapagbibigyan lamang ako kung
mayroon akong balidong rason na mailalahad sa aking guro. Kaya naman, kakailanganin kong
maghanda ng excuse letter na nilagdaan ng aking magulang o tagapamatnubay kalakip ang
patunay o ebidensyang aking maipakikita. …………………………………………………………………………………….
2.b. Batid ko ring ang panuto ay bahagi ng mga pagsusulit kaya naman anomang pagkakamali na
aking makukuha dahil sa hindi pagsunod sa panuto ay hindi mapagbibigyan.

2.c. Sa mga pagkakataong mayroong pangkatang gawain (gawaing pasulat man o gawaing
pagganap), batid kong hindi ako makatatanggap ng anomang marka kung mapatutunayang wala
akong iniambag o kung hindi ko nagampanan ang nakaatang sa aking tungkulin. Sa pagkakataon
halimbawa na naisin kong makahabol sa aking naging pagkukulang, kakailanganin kong ipasa
ang parehong gawain nang mag-isa, at maaari ko itong ipasa hanggang sa ikalimang araw
makaraan ang naitakdang orihinal na pasahan. …………………………………………………………………………….

2.d. Kung mapatunayang ang akin o aming ipinasang gawa ay plahiyo (plagiarized), batid naming
hindi ito patatawarin at may katumbas na marka na zero (0). Dagdag pa, malay ako o kami na
hindi pinahihintulutan sa komunidad ng Far Eastern University - High School (FEUHS) ang
ganitong kultura ng pandaraya o pagnanakaw ng kaisipan o gawa ng iba at ito ay maaaring
magkaroon ng karampatang kaso o parusa ayon sa Student Handbook. Sa pagkakataong naisin
ko o namin na makabawi, kakailanganin ko o naming ipasa ang parehong gawain at maaari
lamang itong ipasa hanggang sa ikalimang araw makaraan ang naitakdang orihinal na
pasahan. ………………………………………………………………..

2.e. Kaiba sa mga nabanggit na sitwasyon sa itaas, sakali mang ako ay mayroong mga hindi
naipasa at/o napabayaang gawain dahil sa anomang dahilan na may kinalaman halimbawa sa
aking kalusugan ay maaari akong mapagbigyan upang maipasa ang aking mga naging
pagkukulang lalo't higit kung ito ay balido at dumaan sa tamang proseso at may kabatiran ng
mga tanggapang sangkot. ………………………………………………..…………………………………………………………….

2.f. Sa huli, malay akong walang ibang gawain (extra activity) ang maaaring ipampuno sa aking
naging pagkukulang kaya naman batid kong marapat kong maipasa nang masinop ang anomang
inaasahan sa akin.

---------------------------------------Suarez,Julie Ann Ramos (11 STEM 3)----------------------------


---------------------------------------
TUGON SA KASUNDUAN

Makaraang mabasa ang mga nakasaad sa itaas, isulat sa espasyong-laan sa ibaba ang iyong
buong pangalan (Apelyido, Pangalan, Gitnang Inisyal) bilang tanda na ito ay iyong nauunawaan
at igagalang bilang kasunduan sa loob ng klase. Isulat sa ibaba ng pangalan ang pangkat na
kinabibilangan na sumusunod sa pormat na baitang, strand, at pangkat (Hal. 11 HUMSS 23). Sa
ibaba nito, isulat ang petsa.……………………………………………………………………………………………………………

Halimbawa:
Dela Cruz, Juan B.
11 HUMSS 23
Ika-22 ng Agosto, 2022

You might also like