You are on page 1of 1

RICAFORTE, KEVIN ACHELES Q.

10-ASHER

SITWASYON 1

Humanga ang iyong mga kaklase dahil sa pambihirang galing na ipinakita mo sa isang paligsahan.
Lumapit sila sa iyo at binati ka. Hindi mo akalain na may kaklase ka na siniraan ka dahil sa inggit sa iyo.
Ngunit mas minabuti mong manahimik at ipagsabalikat na lamang bagaman nakaramdam ka ng
pagkapahiya. May kaibigan ka na nagsabing naniniwala silang hindi iyon totoo.

Tanong: Dapat ka bang magpakita ng galit dahil sa iyong pagkapahiya? Bakit?

Normal po na makaramdam ng galit sa oras na makarinig tayo ng paninira tungkol sa atin, ngunit
para sa akin, hindi na po ito kailangan pang maipakita sa nakararami. Maaring sabihin natin na oo at
sumama ang ating loob sa taong nanira sa atin, gayun pa man, maaari rin naman natin itong gawin sa
mas maayos at pribadong pamamaraan. Sa pamamagitan nito, hindi na lalaki ang gulo at maipamamalas
natin sa sarili ang pagiging makatao.

SITWASYON 2

Nasaksihan mo ang pananakit ng isang bully sa iyong kaklase sa loob ng classroom. Dahil sa takot na
baka maramay ka, hindi mo ito sinumbong sa kinauukulan.

Tanong: Mapapanagot ka ba sa iyong pananahimik? Bakit?

Hindi po masama na unahin ang kalagayan ng sarili sa oras ng kaguluhan. Hindi masama ang
matakot at unahin ang kaligtasan. Para sa akin, konsensya ko nalang po ang mananagot sa akin, at kung
sakaling ako ay mapanagot at madamay sa gulong pilit kong iniwasan, sa tingin ko po ay may karapatan
naman ako upang lumaban.

SITWASYON 3

Nagbilin ang inyong guro na sabihan ang pangulo ng inyong klase na magpulong para sa paghahanda sa
darating na Foundation Day ng paaralan. Biglaang nagyaya ang iyong mga kaibigan na pumunta sa
birthday party ng isang kaklase kung kaya nakalimutan mong ipagbigay-alam ang bilin sa iyo.

Tanong: May pananagutan ka ba sa maaaring kahinatnan dahil hindi mo nasabi ang ipinagbilin sa iyo?
Bakit?

Naniniwala po ako na ang pagsasawalang bahala sa responsibilad na iniatas at tinanggap mo ay


malaking kasiraan sa tiwala ng mga tao. Napakaling pananagutan po ng pagiging iresponble dahil
maaring hindi lang po ikaw ang maapektuhan nito, kundi pati na rin ang mga taong nakapaligid sa iyo.

You might also like