You are on page 1of 1

October 30, 2022

Mahal kong Frieshiel,


Huwag kang mag alala at maayos naman ang kalagayan ko. Sang ayon ako sa mga
sinabi mo ukol sa mga insecurities. Minsan nakakaramdam tayo na hindi natin maaabot ang
beauty at physique standards na nakikita natin sa mga posts sa social media. Tsaka ang
pagtitiis ng panlalait sa publiko, pangungutya, pambu-bully, at pagpapahiya ay nagdudulot
ng inggit o selos sa buhay o mga bagay na tinataglay ng kanilang mga kaibigan. Sa aking
pananaw Ang teenage depression ay isang malubhang problema sa kalusugan ng isip na
nagdudulot ng patuloy na pakiramdam ng kalungkutan at pagkawala ng interes sa mga
aktibidad.

Alam kong mahirap ang mga bagay ngayon, pero naniniwala ako sayo. Iwasan mo
mag isip ng masama sa iyong sarili dahil maganda ka at walang kang kapantay. Huwag
mong damdamin ang mga pinagsasabi sayo ng iba dahil Inggit lang sila at gusto lang nilang
pahinain ang loob mo. Paumanhin, alam kong sensitibo ka sa mga bagay na iyon, pero
gusto kong malaman mo na matapang ka at hindi ka mahina. Alam kong malakas ka at
malampasan mo ito! Isa ring problema sa mga kabataan ngayon ang anxiety, at alam kong
karamihan sa atin ay nararanasan ito. Ikaw din ba? Maaari mo namang sabihin sa akin
upang mapag usapan natin.

Nagmamahal,s

Althea Kaye T. Pacheco

You might also like