You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Dipolog City
MARUPAY NATIONAL HIGH SCHOOL

Detalyadong Banghay - Aralin sa Araling Panlipunan 8


I. Layunin
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natatalakay ang Kabihasnang Sumerian at ang pagbagsak nito;
b. Natutukoy ang mga naging kontribustyon ng Sumerian sa Kabihasnan ng daigdig;
c. Napapahalagahan ang mga naiambag ng Sumerian sa Kabihasnan.

II. Nilalaman
Paksa: Kabihasnang Sumer
Sanggunian: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul para sa Mag-
aaral)
pahina: 112
Kagamitan:
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing
Mag-aaral
a.Panimula

 Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.


(nagsitayo para sa
panalangin.)
Panguluhan mo ang panalangin, Zimram.
(panalangin.)
 Pagbati

Magandang umaga sa lahat?


Magandang umaga din
po Bb. Gabin
Bago kayo magsi-upo ay magkakaroon muna
tayo ng kaunting warm – up.
Itaas ang kamay, iunat ang katawan pagkatapos
ay yumuko at pulotin ninyo ang mga nakakalat na papel
sa sahig at ihanay ng maayos ang mga upuan.

Okay, maaari na kayong umupo. (Ginawa ang iniutos ng


guro.)

 Pagtse-tsek ng attendance

May liban ba ngayon?

Mabuti naman kung ganun. Wala po Ma’am.

b. Pagbabalik-aral
Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa
kabihasnan at ang mga salik o batayan ng pagkabuo ng
kabihasnan. Anu-ano nga ang mga salik na iyon?
Magbigay ng isa, Chanelyn?
Pagkakaroon ng
organisado at sentralisadong
pamahalaan.
Ano pa, Elgie Nice?
Masalimuot na
relihiyon
Ano pa, Analyn?
Espesyalisasyon sa
gawaing pang-ekonomiya.
Ano pa, Hannah?
Uring panlipunan
May maidadagdag ka pa ba, Diemar?
Mataas na antas ng
kaalaman sa teknolohiya,
sining, at arkitektura
Meron pa ba, Adrian?
Sistema ng pagsulat
Okey.
Kahapon ay binigyan ko kayo ng inyong
takdang-aralin, ano nga iyon, Jhonmike?
Magsagawa ng
pananaliksik tungkol sa
kabihasnang Sumer, Indus
at Shang.
Ginawa niyo ba ang inyong takdang-aralin?
Opo!
Well malalaman natin iyan dahil i-tse-tsek ko
ang inyong mga kwaderno mamaya.

c. Paglalahad
Ang tatalakayin natin ngayon ay ang tungkol sa
Kabihasnang Sumer.

KABIHASNANG SUMER
(binasa ang
mga layunin)
Pakibasa ng ating mga layunin sa araw na ito.
Layunin
a. Natatalakay ang Kabihasnang
Sumerian at ang pagbagsak nito;
b. b. Natutukoy ang mga naging
kontribustyon ng Sumerian sa
Kabihasnan ng daigdig;
c. c. Napapahalagahan ang mga
naiambag ng Sumerian sa Kabihasnan.

d. Pagtatalakay
Ang Mesopotamia ay itinuturing na Cradle of
Civilization? Dito sa lugar na ito unang nabuo ang
unang kabihasnan sa daigdig at ito ay ang kabihasnang
Sumer.
Kung makikita niyo sa mapa, ang Sumer ay
matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng
Mesopotamia. Ano nga ang kasalukuyang pangalan ng
Mesopotamia ngayon?
Iraq po.
Tama!
Ano-ano nga iyong mga ilog na matatagpuan
sa Mesopotamia? Adrian?
Ilog Tigris at Euphrates
po.
Bago paman umusbong ang kabihasnang
Sumer sa Mesopotamia ay mayroon nang mga unang
pamayanang naitatag sa labang ng rehiyon, ano-ano
ang mga ito? Rony?
Jericho sa Israel at
Catal Huyuk at Hacilar sa Anatolia.
Tama!
Ang mga pamayanang ito ay ay pawang
pamayanang agricultural, ibig sabihin ay nagkaroon ng
malawakang pagtatanim ng trigo at barley sa mga lugar
na ito at pinaniniwalaan din na natuto silang mangaso
at mag-alaga ng hayop subalit hindi rin nagtagal ang
mga naturang pamayanan dahil sa salat ang kapaligiran
upang mapunan ang mga pangangailangan ng mga
pamayanan na ito. Tanging ang `kasagutan sa mga
suliraning ito ay ang mga matatabang lupa ng Tigris at
Euphrates kung saan umusbong ang kabihasnang
Sumer na itinuturing na pinakamatandang kabihasnan
sa daigdig.
Ano ang pinakamalaking gusali sa Sumer?
Ziggurat po.
Ano naman ang Ziggurat, Judy-Ann?
Ang Ziggurat ay ang
temple na naitatag dahil sa
pinagsanib na kakayahan
at paniniwala ng mga
Sumerian sa mga diyos.
Sa pagkabuo kabihasnang Sumer ay
nagsimula na rin ang pag-usbong ng iba’t-ibang
lungsod tulad ng Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur, at
Kish.
Sino ang namumuno sa mga lungsod ng
Sumer? Angelica?
Ang mga lungsod ay
pinamumunuan ng mga haring-
pari na hindi lamang
lider ispirituwal kundi pati na rin
politikal.
Tama, sila ay kumakatawan bilang
tagapamagitan ng tao sa diyos kayat nagiging
kontrolado ng mga diyos-diyosan ang pamumuhay ng
tao.
Sa usaping pamumuhay naman ay may kani-
kaniyang espesyalisasyon ang mga Sumerian na naging
hudyat ng pag-uuri ng tao sa lipunan. Mataas ang tingin
sa mga pinunong hari, kasunod nito ang mga
mangangalakal, artisano, at mga scribe, at sa huli ang
mga magsaska at alipin. Paglaon ay natuklasan din ang
Sistema ng pagsulat. Ano ang tawag sa Sistema ng
pagsulat ng mga Sumer? Johannah?
Ang tawag sa Sistema ng
pagsulat na nadiskubre ng
mga Sumerian ay
Cunieform.
Magaling!
Sa pagkadiskubre ng mga scribe sa mga clay
tablet ay naitala ang mga mahahalagang tradisyon at
epiko tulad ng “Epiko ng Gilgamesh” na katibayan ng
kanilang kabihasnan.naimbento rin ang teknolohiya sa
pagsasaka tulad ng araro at mga kariton na may gulong
at natuklasan din ang paggawa ng mga palayok at
paggamit ng perang pilak. Sumunod na natuklasan ay
ang paggamit ng lunar calendar at decimal system. Ito
ay mga patunay na nagkaroon ng pag-unlad ang
kabihasnang Sumer. Subalit sa kabila ng kanilang
kaunlaran na ito, hindi maiiwasan na may mga grupo
na nainggit sa natamo nilang pag-unlad dahilan upang
sakupin ang kanilang lupain na nakapagpabagsak sa
kanilang kabihasnan.

e. Paglalahat
Bilang paglalahat sa paksang ating tinalakay
ay nais kong gumawa kayo ng isang cloud call-out na
kung saan ay isusulat ninyo kung ano ang naiisip niyo
kapag narinig niyo ang “Kabihasnang Indus”.

(gumawa ng kani-kanilang
“Cloud-call-out”)
f. Paglalapat
Bilang paglalapat sa paksang ating tinalakay
ay hahatiin ko kayo sa apat na pangkat.
(hinati sa apat na pangkat ang buong klase)
Ang gagawin niyo ay gagawa kayo ng
pagsasadula tungkol sa kabihasnang Indus. May limang
(5) minuto kayo upang gawin ito, maliwanag ba class?
Opo!
Bago kayo magsimula ay nais ko munang basahin
ninyo ang ating rubrics.

(binasa ang
rubrics)
Sige, maaari na kayong magsimula
(naghanda para sa
pagtatanghal na gagawin)
(lumipas ang limang (5) minuto)
Okey, simulan na ang pagpresenta ng inyong
ginawa.
(nagtanghal at
nirangguhan ang bawat pangkat)
g. Pagpapahalaga
Class, may mahalaga bang naiambag ang
kabihasnang Indus?
Meron po!
Ano?
Marami pong nai-ambag
ang kabihasnang Indus kagaya
po ng araro at mga
kariton na may gulong at natuklasan
din ang paggawa ng mga
palayok at paggamit ng perang
pilak. Sumunod na
natuklasan ay ang paggamit ng lunar
calendar at decimal
system
Okey.
May mga tanong ba tungkol sa paksang ating
tinalakay?

Kung ganun ay kumuha ng isang kalahating papel dahil


magkakaroon tayo ng maikling pasulit.

Wala po.

IV. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod:
1.Paano umusbong ang kabihasnang Sumerian? (5puntos)
2.Anu-ano ang mga naimbag nito sa kabihasnan? (5puntos)
3.Ano ang kahalagahan ng mga naiambag ng Sumerian sa daigdig? (5puntos)

.
V. Takdang Aralin
Gumawa ng maikling Comic Strip tungkol sa Kabihasnang Indus. Ilagay ito sa
isang malinis na bond
paper at kokolektahin ko ito bukas.

Inihanda ni:

Leizel
B. Gabin

You might also like