You are on page 1of 75

REGION IX

ZAMBOANGA PENINSULA
Ang rehiyong nasa katimugan ng Pilipinas ay ang
Rehiyong IX. Ito ay napapaligiran ng mga dagat. Ang
dagat Sulu sa Hilaga, Dagat Celebes sa Timog at sa
Silangan ay ang lalagiwan ng Misamis Occidental at
Lanao del Norte.
Ang Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at
Zamboanga Sibugay ang bumubuo ng rehiyong ito.
May apat itong lalawigan: Dapitan, Dipolog,
Pagadian at Zamboanga. Ang sukat ng buong
rehiyon ay humigit-kumulang sa 15,997.3
kilometrong parisukat.
Ang rehiyong ito ay
mabundok. Sa
Zamboanga del
Norte matatagpuan
ang pinakamataas
na Bundok Dabiah.
Bihirang dalawin ng ulan ang rehiyong
ito lalo na ang bahaging Hilaga ng
Zamboanga. Nagsisimula ang tag-ulan sa
buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre.
Ang Zamboanga del Norte ay may
mahalumigmig na klima.
mataas ang kinikita sa pagsasaka sa
kalakhan ng rehiyon subalit mababa ang
establisimyento. Sa Zamboanga del Sur
at Zamboanga del Norte naman ay
pagsasaka, paghahayupan at kaunting
pangingisda. Hanapbuhay rin dito
paghuhuli ng mga pawikan o pagong at
ang pangongolekta ng mga itlog nito.
pagsasaka paghahayupan
pangingisda panghuhuli ng
pawikan
pangongolekta ng itlog ng
pawikan
Sa mga nakalipas na
panahon dahil sa maraming
suplay ng pangkagubatang
produkto, nakilala ang
rehiyon bilang angkatan ng
mga kahoy. Sa kasalukuyan,
ang mga torso na mula pa
noong unang panahon ay
nanggagaling na sa
matandang kagubatan ay
unti-unti nang nawawala.
ang lungsod na Zamboanga ang sentro ng
kalakalan ng rehiyon.

kung sining ang pag-uusapan, ang Rehiyon IX ay


may mga natatanging sayaw tulad ng Sua-Sua,
isang sayawsa pag-iisang dibdib; ang Singkil na
sayaw ng isang Prinsesa na pinapayungan habang
madamdaming humahakbang sa apat na kawayan.
Halos katulad ito ng Tinikling. Ang Koprangkamanis
naman ay sayaw panghukuman
Sua-Sua Dance Singkil Dance
ZAMBOANGA

Ang Zamboang na tinaguriang “Zambangan” na


lalong kilala sa tawag na “Lupain ng mga
Bulaklak” ay matatagpuan sa katimugang bahagi
ng Zamboanga Peninsula. Ang lupain ay may
sukat na humigit-kumulang sa 1,414.7
kilometrong parisukat at noong 1990 ay may
populasyong 2,221,382 katao at itinanghal na
primera klaseng lungsod.
Noong ika-6 ng Hulyo, 1952, ang lupain ng
mga Bulaklak ay nahati sa dalawang probinsya –
Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.
Ang Zamboanga del Norte ay nasa
Hilagang Kanluran ng Zamboanga Peninsula.
Ang nakapaligid dito ay ang Dagat Sulu sa
Hilaga, Zamboanga del Sur sa Timog at Misamis
Occidental sa Silangan
ZAMBOANGA DEL NORTE

Ang Zamboanga del Norte ay may dalasiyudad,


dalawampu’t apat na munisipalidad na hinati sa
limang daan at walumpu’t pitong barangay
(587). Dipolog ang kabisera ng probinsya. Ito
ay may kabuuang sukat na humigit-kumulang
sa 607,519 ektarya o 6,075.19 kilometrong
parisukat. (Almanac 430)
MGA MUNISIPALIDAD:

Leon B. Postigo Piňan (New Piňan)


Baliguian Godod Pres. Manuel A. Roxas
Gutalac Rizal Mutia
Kalawit Katipunan Polanco
La Libertad Dalman Manukan
Labanos Salug Silayan
Liloy Sibuco Sibutad
Sergio Osmeňa Sr. TampilisanSirawai
Saindangan
Nagsisimula ang tag-ulan sa lugar na ito sa
buwan ng Mayo hanggang Disyembre. May
katamtamang temperature na 27.7 celcius at ang
walumpu’t tatlong bahagdan nito ay
mahalumigmig.
Ang Zamboanga del Norte ay mayaman sa
mga yamang mineral na kadalasang non-
metalic. Ito ay ang mga durog na bato, asbestos,
buhangin, graba at iba pa.
Durog na Bato Buhangin
Apatnapung porsiyento ng kabuuang lupain
ng Zamboanga ay pasyalan, tatlumpu’t walong
porsiyento ay taniman ng isa lamang uri ng
panananim at limang porsiyento ang
pinagtataniman ng iba’t ibang pananim at
ginagamit sa pastulan.
Ang industriya ng pagtitinda ang
pinakamalaking dami ng establisimyento sa
buong probinsya. Sumunod dito ay ang
transportasyon, komunikasyon at pag-iimbak.
May magandang tanawin ang Zamboanga
del Norte – ang Aplaya o tabing dagat tulad ng
Sinipang Bay. May mga mahihiwagang
kwebang matatagpuan sa Manuban,
Katipunan, Roxas at Labason.
Isa sa mga mahahalaga at makasaysayang
lugar sa probinsya ng Zamboanga del Norte ay
ang Dapitan Shrine kung saan si Dr. Jose
Rizal ay napatapon bago siya pinatay.
Rizal Shrine Dapitan
Mayroon ding dalawampu’t anim na hotel
ang Zamboanga del Norte na maaring
panuluyan ng mga nais na bumisita at
magbakasyon dito.
ZAMBOANGA DEL SUR

Ang Zamboanga del Sur ay galing sa


salitang Malay na ibig sabihin ay paso o
lagayan ng bulaklak. Naitatag ito sa bias ng
RA Blg. 711 noong Setyembre 17,1952.
Matatagpuan ito sa hilagang-kanluran ng
Mindanao. Nakapaligid dito ang Zamboanga
del Norte sa Hilaga, Lanao del Norte sa
Silangan, Dagat Mindanao sa Timog at Sulu
sa Kanluran. Ang Hilagang parte ng
probinsyang ito at matarik na may kaunting
patag habang ang mga baybayin nito ay may
bundok na nakapalibot sa buong isla.
Mayroon itong dalawang siyudad, apatnapung
munisipalidad na nahati sa 1,107 na mga
barangay.
Mga Munisipalidad:
Aurora Bayog Midsalip
Dimataling Molave
Dinas Pitogo
Dumalinao Ramon Magsaysay
Dumingag San Miguel
Guipos San Pablo Sominot
Josefina Tabina Tambulig
Kumalarang Tigbao Tukuran
Labnagan Vincenzo A. Sagun
Labuyan
Mahayag
Margosatubig
Ang tag-ulan sa probinsyang ito ay
nagsisimula sa buwan ng Hunyo hanggang
Nobyembre. Mula sa Disyembre hanggang
Mayo nakararanas ang Zamboanga del Sur na
kaunting pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Umaabot ang temperatura sa 27 celcius at
dalawmpu’t dalawang porsiyento nito ay
mahalumigmig. Karaniwang pakanluran ang
hangin sa bilis na pitong kilometro bawat oras.
Sa kabuuang laki ng lupain ng Zamboanga
del Sur, ang tatlumpu’t limang porsiyento nito
ay kagubatan na pinagkukunan ng mga troso
at ang iba o tatlumpu’t dalawang porsiyento
naman ay ginagawang palaisdaan.
Tatlumpu’t tatlong porsiyento ang
pinagtataniman ng iba’t ibang pananim at
anim na porsiyento ang pastulan.
Pagtotroso Palaisdaan
Mayroon ding produksyon ng mineral ang
lugar na ito. Karamihan ay metallic tulad ng
aluminum, ginto, tanso, nickel, chromite,
pyrite, hematite at zinc. Ang mga non-metallic
naman ay uling, asin, lupa, buhanging graba,
asbestos, marmol, silica at iba pa.
Metallic

Ginto Tanso
Non-metallic

Marmol Grava
 Ang Zamboanga del Sur, bilang lupain ng mga
bulaklak ay may pinakamaraming uri ng bulaklak.

May magagandang tanawin dito tulad ng


Pasonanca Park, ang tatlong daang Fort Pilar
na kung saan naroon ang grotto ng Lady of
Pilar; ang Sta. Cruz na isang islang may
magagandang baybay-dagat at makukulay na
mga korales at ang Barter Trade Market na
bilihan ng mga gamit na pang-Muslim.
Pasonanca Park
Fort Pilar
Barter Trade Market
ZAMBOANGA SIBUGAY

Ito’y isang lalawigang matatagpuan sa


Zamboanga Peninsula na may kabiserang
Ipil. Ito’y naitatag noong 2001. Dating
nasasakupan ng Zamboanga del Sur. Ayon
sa kasaysayan, ito’y nagtangkang magsarili
noon pang 1960’s. Maraming panukalang
batas ang ginamit upang maihiwalay at dito
nga isinilang ang Republic Act No. 8973
noong Pebrero 22, 2001.
Ang Zamboanga Sibugay ay may kabuuang
3,087 kilometrong parisukat. Ito ay nasa
hangganan ng Hilaga-Kanlurang Zamboanga
del Norte, Zamboanga del Sur sa may Hilaga,
Sibugay ay sa gawing Silangan at Timog
Kanluran ang Zamboanga City. Maraming wika
ang ginagamit isa na ang Tagalog at gayundin
ang wikang Ingles.
Maraming mapagkakakitaan ang mga
tao sa Zamboanga Sibugay, tulad ng
Bakery, Rice and Corn Milling, Food
Processing, Rattan and Wood Furniture
Production at marami pang iba.
Bakery
Rice and Corn Milling
Rattan and Wood Furniture
Literatura ng
Rehiyon IX
BUGTONG

Ang bugtong ayon kay Charles Francis Potter


ay isang mahalagang metapora, at ito ay resulta
ng pangunahing proseso mental na pagsasama-
sama,at ito ay pagkakahawig at persepsyong
pagkakapareho at pagkakaiba. Ang bugtong ay
isang paligsahan ng kaalamn at isang paraan
upang madebelop ang talas ng pag-iisip at
obserbasyon.
Para naman kay Allan Dandes at Robert
George, ang bugtong ay isang tradisyonal
na ekspresyon na naglalaman ng isa o higit
pang elementong naglalarawan, pares na
ang isa ay tutol na nangangailangan ng
kasagutan na maaring hulaan
Ang bugtong ay isa sa pinakaunang porma
ng pag-iisip. Ang mga primitibong tao ang
nagpasimula ng bugtong. Subalit noon ito ay
kinikilalang isang sagrado at pinaniniwalaang
nagtataglay ng kapangyarihan.
Ang bugtong ay isang berbal na laro o isang
paligsahan sa talas ng kaisipan na naging
popular na libangan. Ang pagbubugtungan sa
Jolo ay ginagawa kung may kasalan, sa gabi ng
Ramadan, sa pagdaraos ng mga kaarawan at
araw ng kamatayan o kahit na kalian basta may
pagsasalu-salo ang mga grupo ng mga tao o ng
mga kabataan. Ginagawa rin ito kung tinuturuan
ng mga matatanda ang mga kabataan na
magkaroon ng talas ng kaisipan.
Ang tawag ng mga Tausug sa bugtong
ay “Tigumtigum” o “Tukodtukod” (mula sa
salitang TUKOD na ang ibig sabihin ay
hulaan). May dalawang uri ng bugtong
ang mga Tausug: ang isa ay tinatanong
sa isang kaswal na pag-uusap at ang
ikalawa ay ang inaawit sa isang okasyon.
Subalit, sa parehong kaso, ang taong
pinagtatanungan o taong kinakausap ay
kinakailangang magbigay ng kasagutan.
Subalit ang mang-aawit na siyang umawit
ng bugtong ang siyang magbibigay ng
kasagutan pagkatapos manghula ng mga
manonood.
Ang bugtungan ay kadalasang ginagawa ng
dalawa o higit pang tao. Ang mgha kalahok
ay nagtatanong ng bugtong isa-isa sa isang
grupo na siya niyang kalaban. O kaya naman,
ang bugtong ay pinasasagutan sa
mga bata at ang lahat ay mahahamon na
sagutin ang bugtong. Kung kanino mang
bugtong ang hindi masagot ang siyang
tatanghaling panalo
Sa proseso ng panghuhula, ang kalaban ay
binibigyang ng maraming pagkakataon na
mahulaan ito. At kung lahat ng kanyang kasagutan
ay mali, ang nagpapahula ay magtatanong kung
siya ay suko na at kung siya ay suko na, ibibigay na
ng nagpahula ang kasagutan ng b ugtong. Ang
nagpapahula ay kadalasang nagtatanong ng :
“Magapu’ na ang buwaya? ” o “sirit na?” at ang
kalaban ay sasagot ng: “unu kunu’?” o “ano iyon?”
at ibibigay na ng nagbubugtong ang kasagutan.
Narito ang halimbawa ng mga bugtong na kung tawagin ng
mga taga-Rehiyon IX “tigumtigum” o “tukodtukod”

Mga Halimbawa:
Salin:
Kahuykahuy baubid Isang pirasong
Kahuy batang baubid kahoy na maliit
Di’ magtubu ha bid Na halaman na
Subay ha gi’tung tawid mayroong maliit
na sanga hindi
Sagot: Sagot: tumutubo sa burol
Karbahal itim na koral Subalit sa gitna ng
dagat
Salin:
Tubig na liyung-liyung Tubig sa loob ng butas, walang
Di’kapakpakan dahun dahon ang pwedeng mahulog
Sagot:Butung dito
Sagot:Niyog
Jambangan hi sinyura Ang halaman ng sentora
Duringding palda Ang dingding nito ay palda
Nagdahun ng nagkampilanAng dahon nito ay katulad ng kampilan
Nagbunga iyukkian Namumunga ng kurbang prutas
Sagot:Lara Sagot:Paminta

Sumping ha taas kahuy Bulaklak sa tuktok ng puno


Nahulog magtuy mabilis na nahulog
Sagot:Duyan Sagot:Durian
Salin
Kahoy dangawdangan Maliit na puno isang dipa
Kukuhan iban bukuhan na mayroon maraming buhol
Sumulog lahi hagpu’dangaw Tutubo hanggang sampung dipa
Iban jambulan in tuku At sa sanga nito ay puno ng guhit
Sagot:Tubu Sagot:Tubo

AWITING BAYAN
DORI-DORI SINGKIL
Dori-dori Singkil Mang Manuel dagil
Mang Iskong Koliroy At Mang Juan
Bambo
INAKU DURINGDING
(Awiting Bayan mula sa Zamboanga)
Inaku duringding Umaga na yata
Nagtitilaukan na Ang manok sa lupa
Kaya’t ang sabi ko Sa matanda’t
bata Matulog na ngayon Bukas ay
gawa.
MGA ALAMAT
In waku kamaasan pa, in manga tau ha dunya naginuinui
bang manhi naguulan. Dum adlaw tiyali nila sa ‘wa sa
makabayta’. Sarta’ hambik adlaw, nakabut in suysuy pa
Tuhan.
Laung sin tuah, “Jarabial, kari kaw kunu”. Baytai in sanga
manusya’ na hagkan magulan sabab namangyu’ in maga
biraddali”.
Ni miyuda na in Jabarail ampa madtu biyaytaan in manga
tau in kahalan sin Pagbubugs sin pagbayta’ minuwi’ na ni
Jabarail pa surga’.
ANGHEL SA KALANGITAN
Noong unang panahon ang mga tao sa mundo ay
nagtataka kung bakit umuulan. Umaga hanggang gabi ay nag-
iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang makpagsabi. Ngunit
isang araw, ang kanilang katanungan ay umabot sa Diyos.
Sabi ng Bathala, “Gabriyel, msgtungo ka sa mundo at
sabihin mo sa mga tao na umuulan dahil ang mga anghel ay
naliligo.”
Dahil dito, pumunta si Gabriyel sa mundo at sinabi sa
mga tao na umuulan dahil sa naliligo ang mga anghel. At si
Gabriyel ay bumalik na sa langit.
IN DUWA BUD
In waktu in kasamaan, awn duwa bagu matiyaun, Mabaya’ sila timabaw pa
maas nila sa Sambuangan. Namaid na sila sa ina’ iban sin babai’ in tumulak sila pa
sa Sambuangan tumibaw aipa pa ina’ iban ama’ sin usug. In tuyugatan na
sila, namus na sila sakayan sin aman’ sin babai’. Piyadayaw si sakayan niya. Salta’
siyulayan niya na in layag, sarang tuud iban malindug. Pagga na Ti’mus na siya
nagadjal sin kalampakan sin sakayan, liyuwanan niya subay sila tumulak sin adlaw
jumaat.

Si adlaw jumaat subusubu, timulak na sila. Sin ha laud na sila, awa na


hangin ampa sila naglalataran tudju pa laud sin lupa’sug, sampay sila nakaabut pa
daig sin pu’ lampinigan ha pu’ sin Basilan. Pagabut hangka pitu dumating na sila pa
Sambuangan. Ampa sila nanaug, miyanaw na sila pa bay sin ama’ sin niya. La
nakasakal na sial pa taas bay, siyum nila in lima sin ina’ iban ama’ sin usug. Ampa
nagbalik in usug pa sakayan, kiyawa’ niya in lutu nila, diya na niya pa bay. Landu’
makug in ina’ iba ama’ sin usug in nakaasawa nila usug pa marayaw dagbus iban
marayaw addat.
Pagg tahun in makalabay, namaid da isad in babai’ ha
manga uganugan nila, ampa sila tumulak da ha jumaat timulak
na sila pa lupa’ sua landu’ malanu’ in dagt Sali’ lana iban uway
tuud kaalunalan. Tinatagad sila ng hangin. Bukun maluguy
timumbuk na in hangin utara’ sa’ sadja’ nagpatuud tudju pa liyu
sin pu’Basilan. Sin malum dum na, napinda na in hangin.
Tumigidlum na in hula’. ampa na naghunus. Yaun
sila ha gi’tung tawid; di’ na sila makauntas atawa makatapuk pa
taykud sin pu Basilan. Bukun maluguy dumatung in hangin
makusug inpagbabasahun naghuhunus na. Di’ nila na
kaugpangan sa’ sadja’ nagpaanud sampay sila kiyugan sin d
kula’alun panjang. Magtuy sila iyanud. Namintaminta na sila,
bang sila maabut na malunod ampa sila mamatay.
“Oh, Tuban ku’, laung sin usug,’ duli tuud akti bang
maabot na matay bang mayan mahinang duwa bud.
Pagga sila simanga na pa tuhan iban nabi; pagubus
nila sadja’ namissara ampa sila nakalaruk sila
naggulgul. Sukun malugay dinatung sa kanila in duwa
alun dakula’ ampa nakalaruk sila pa laud. Suay sila
nakaguwa’ Bukun malugot gimuwa nain duwa bud sa
laud ha gi’ting sin tawid. Ampa di masagda sin manga
tau sa lauding kanilang bang kita tudju pa Sambuangan
atawa p Luwa’sug. Tila silaun kita. Amu ini in
katakataka sin duwa atawa siway bullud.
SALIN:
ANG DALAWANG BUNDOK
Noong unang panahon, may mag-asawang bagong
kasal lamang. Gustong-gusto nilang bisitahin ang
magulang nila sa Zamboanga. Isang araw, nagpaalam
sila sa magulang ng babae na pupunta sila sa
Zamboanga. Nang sila ay payagan, hiniram nila ang
vinta at ang layag ng ama ng babae. Inayos ng lalaki
ang vinta at ang layag. Sinubukan nila ang layag at ito
ay maayos naman. Pagkatapos nila sa pag-aayos ng
vinta, pinuno nila ito ng pagkain at sila ay naglayag
isang araw ng Biyernes. Umaga pa lang ng araw ng
Biyernes ay nagsimula na silang maglayag. Habang
sila ay naglalayag naitulak nang malakas na hangin
Pagkatapos ng isang linggo ay narating din nila ang
magulang ng lalaki. Masaya ang magulang ng lalaki at ang
kanilang anak ay nakapag-asawa ng mabait at magandang
babae.
Isang araw, pagkalipas ng isang taon, nagpaalam na ang
babae sa kanyang biyenan. Araw rin ng Biyernes nang sila ay
umalis patungo sa Jolo. Ang dagat ay tahimik at walang makitang
alon. Naghintay sila na umihip ang hangin. At nagsimula ngang
umihip ang hanging amihan. At nang hatinggabi na, ang ihip ng
hangin ay nagbago, at ang kapaligiran ay dumilim biglang
nahkaroon ng bagyo. Wala na silang masisilungan dahil sila ay
nasa gitna na ng karagatan.. Hindi nila mapigil ang vinta dahil sa
lakas ng hangin. Habnag hinahampas ang kanilang Bangka ng
alon, sila ay nagdasal na lamang sa Diyos.
“O Diyos ko, pagpalain mo po kami. At kung kami po ay
mamamatay san po ang kawayan namin ay maging
dalawang kabundukan,”sabi ng lalaki .
Pagkatapos nilang magdasal sa Diyos at sa propeta
nilang si Mohammed, nagyakapan silang dalawa.
Pagkalipas ng ilang sandali sila ay tinamaan ng malaks
na alon sila ay tumilapon sa dagat. Hindi na sila nakita.
Pagkatapos ng bagyo ay lumitaw ang dalawang bundok
sa gitna ng karagatan. Ito ang pinagmulan ng dala ang
kabundukan na nakatayo sa karagatan. Sa pagitan ng
Zamboanga at Jolo.
KWENTONG BAYAN
MANIK BUANGSI
(Kwentong bayan muloa sa Zamboanga)
Noon ay may isang sultan na may pitong dalaga. Ang bunso ang
pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan
Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw
ang lumigaw sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito,
sapagkat sa kanyang panaginip ay nakita niya ang laalki na
kanyang iniibig.
Siya ay si Manik Buangsi.
Datapwat si Manik Buangsi ay hindi pangkaraniwang tao, siya
ay nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga
bathala. Sa panaginip lang niya dainadalaw sa Tuan Putli. Kung
kayat kinausap niya si Allah pumayag naman si Allah na bumaba
Si Manik ay nag-anyong isang ginintuang bayabas.
Napasakamay siya ng isang matandang babaeng pulubi. Nang
bigyan ni Tuan Putli ang babae ng limos ay ibinigay naman ng
pulubi ang prutas sa kanya.” Itanim mo ito sa iyong hardin.” ang
bilin ng pulubi ka Tuan Putli. “ Ang bungang ito ay siya mong
kapalaran”.

Itinamin ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga


ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamagandang
bunga at iyon ay dinala niya sa loob ng kanyang silid.

Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi,


nagmumula sa bungang iyon ang isang kakaibang liwanag.
Pagkatapos, lalabas sa Manik Buangsi at panonoorin ang mukha
ng isang magandang dayang-dayang . Saka lamang bumalik sa
loob ng bunga kapag tumilaok na ang manok. Gayon na lamang
ang pagtataka ng dalaga “ Kung gayon, isa kang katotohanan!”
Ngumiti si Manik Buangsi. “Oo,” wika niya at narito ako upang pakasalan
ka.”
Naganap ang kasalan nina Tuan Putli at Manik Buangsi sa piging na iyon at
bumaba ang mga bathla mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-
iisang dibdib ng dalawa.
Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli dsa lupa. Sa kabilang dako,
nangimbulo ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang
kapalaran. Hanggang naisip ng tatlong dalaga na sirain ang magandang
ugnayan ng dalawa.
“Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan
Putli.
“Maaaring isa lamang siyang masamang espiritu!”
“Maganda siyang lalaki.” Wika naman ng isa pa. “Sigurado mo
bang ikaw lang ang babaengcminamahal niya?”
“Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa buhay niya,”
sabi sa kanya ng isa pa, “ Paluluhain ka niya balang araw.
Dahil sa patuloy na paninira ng kanyang mga kapatid ay
tuluyan nang nalason ang kanyang isipan. Naging selosa si Tuan
Putli sa kalaunan. Palagi na niyang kaaway si Manik Buangsi.
Hanggang sa dumating ang panahon napuno na si Manik
Buangsi. Nagpasiya siyang bumalik na siya sa kanyang
pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay niya ay biglang isang
mabikas na maputing kabayo at isang krus ang lumitaw. Nagsisi si
Tuan Putli ay nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi.
Pumayag naman siya.
Sa kanyang paglalakbay ay biglang binalot sila ng
makapal na alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay
nagmistulang krus. Ngunit buong araw na sinagupa ni Manik
Buangsi ang lahat. Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba at
isang makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo
at mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdurusa.
Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa baywang ng asawa. “
Hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya. “Pipikit ako!”
Nagsimula silang tumawid sa makipot na tukay. Sakay ng
kabayo. Ngunit hindi kaginsa-ginsa, biglang nakarinig ng tinig
si Tuan Putli. Siya ang tinatawag nito, “Tuan Putli! Tuan Putli!
Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang boses na iyon ay tulad ng
boses ng kanyang yumaong ina.
Hindi na nakapigil pa si Tuan Putli. Tumingin siya sa ibaba at
bigla rin siyang hinigop ng hangin pababa.
Walang nagawa si Manik BUangsi. At alam na niyang nawala
na sa kanya ng tuluyan ang kanyang asawa. Mahirap talaga
para sa isang tao ang umakyat sa langit sapagkat kadalasan
ay hindi tayo marunong making sa paalala.
At marami ang katulad ni Tuan Putli, marami ang katulad niya
na ayaw tukungan ang sarili.
MGA MANUNULAT SA REHIYON IX

Descallar, Antonio
Nag-aral siya sa isang pampublikong
paaralan at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa
Misamin Occidental Institute at sa College of Law
sa AU, nagwagi siya ng unang gantimpala sa
timpalak sa pagsulat ng tula na ginanap noong
1949.
Kauna-unahan niyang tula na napalimbag sa
isang pambansang magasin ay ang “Now Before
the Conqueror”.
Enrique, Antonio
Siya ay sumulat ng mga maikling kwento tungkol sa
mga Kristiyano at mga Muslim sa Timog na nakatagpo at
nakasalamuha niya sa buhay, tungkol sa probinsya, bayan at
mga baryong tinirhan at binisita ang tungkol sa mga
obserbasyon at mga karanasan. Ang kanyang matingkad na
karanasan at pananaw sa mga tao at lugar sa simpleng mga
salita, ang kanyang istilong madaling maintindihan ang mga
katangiang kinagiliwan ng kanyang nga mambabasa.Lumabas
sa mga pambansang limbagan ang kanyang tatlumpong
maikling kwento at isang akdang isinalin niya sa ibang wika at
lumabas sa Korean Magazine Playmate.
Enriquez, Ignacio Alvarez

Ipinanganak sa Zamboanga City kung saaa


din niya tinapos ang kanyang pre-college education.
Pumunta sa Au, kung saan niya tinapos ang AV
Degree (1951) at matapos iyon ay nag-aral siya sa
University of IOWA. Bilang iskolar ay narating niya
anf University of Madrid. Pinagkalooban siya ng
salapi ng pamilya ng Zobel de Ayala. Mula noon
sinimulan niyang sulatin ang kanyang nobelangh
“The House Juan” na hindi naipalimbag.
Noong 1956, sinimulan niyang sultalin ang nobelang “ The Devil
Flower”. Sa Yaddo Foundation, Sarragota, Springs, New York at
ipinagpatuloy niya ang pagsusulat sa nobela sa isang Writer’s
Workshop sa State University of IOWA. At natapos ito sa six
month Fellowship sa Huntinghon Hartfort Foundation. Dalawa
sa kanyang maiikling kwento ay nagwagi sa Philippine Free
Press Short Story Contest. “ Death of a House” ikalawang
gantimpala, 1951 at “Doll”, ikatlong gantimpala. Noong Pebrero
20, 1971 ay ipinalabas sa UE Auditorium ang dulang “As
Between two Mirrors” na kanyang sinulat at hinango sa kanyang
nobela. Ang iba pang aklat niya ay na nailimbag ay ang “Three
Philippine Epuc, Play at House of Images” (1935) at ang “The
White House of Alia at Other Stories” (1985)
Tumanggap siya ng dalawang gantimpala sa Palanca sa kanyang
maikling kwento sa Ingles, ikatlo noong 1969, una noong 1973,
panalimbag ng Writers association of Dumaguete City ang kanyang aklat,
“Spots on their Wings”.

Acas, Olivia
Baguhan pa lamang sa larangan ng pagsulat ng tula ngunit ang kanyang
mga nasulat ay naipalimbag sa pambansang palimbagan.

Jubaira, Ibrahim A.
Siya ang kauna-unahang Fictionist sa Zamboanga na ginantimpalaan ng
Certificate of Presidential Merit in Literature for Itching the Filipino-Muslim
sa kanyang panahon
Villa, Gonzalo
Isang manunulat ng maikling kwento, mananaysay,
ipinanganak sa Zamboanga City ng isang pamilyang
maykaya sa b uhay. Una niynag kwentong ang “When Death
Struck”.
Nagwagi siya sa pambansang paligsahan sa pagsulat
ng sanaysay noong 1946, ito ay pinamagatan na “The Role
of American in the Rehabilitation of the Philippines”.
Kabilang sa mga isinulat niyang nagwagi ng
gantimpala ay ang “Footnote of America” na pinalitan niya ng
“Death of iIlusion, Bari Miracle at Vioce in Roma”. Itinigil niya
ang pagsusulat upang tapusin ang kursong abogasya

You might also like