You are on page 1of 10

4 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 1:
Pagsasabi ng Katotohanan

May-Akda: Beverly M. Carmona

Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Kapag natapos ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagsabi


ng katotohanan anuman ang maging bunga nito. Ang mga inihandang
pagsasanay ay tiyak na makatutugon upang makamit ang layuning ito.

Subukin

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.
1. Inatasan ka ng iyong guro na umawit sa isang palatuntunan sa Buwan ng
Wika. Hindi ka sanay na humarap sa maraming tao at kinakabahan ka sa
karamihan. Sasabihin mo ba sa iyong guro ang katotohanan, ano ang
gagawin mo?
A. Hindi po. Liliban na lamang ako para hindi makaawit
B. Hindi po. Hahanap na lamang po ako ng ibang kapalit sa pagkanta
C. Hindi po. Magsisinungaling na lamang ako na hindi ko narinig ang
sinabi ng guro
D. Opo. Magsasabi na lang po ako sa aking guro na hindi ko kayang
kumanta sa harap ng maraming tao.

2. Nagkaroon ng pagpupulong sa Barangay Balubad. Inatasan ka ng iyong


magulang na dumalo sa pulong dahil siya ay may sakit. Nang ikaw ay nasa
pulong na ay biglang nagtanong ang Kapitan ng Barangay kung nasaan
ang nanay mo. Sasabihin mo ba ang katotohanan sa Kapitan?
A. Hindi ko na lang po papansinin ang tanong ng Kapitan.
B. Hindi ko na lang po sasabihin sa kaniya dahil nahihiya talaga ako.
C. Opo, pero uuwi na lamang ako at hindi ko na hihintayin ang magiging
sagot niya.
D. Opo. Sasabihin ko po ang katotohanan sa Kapitan na may sakit ang
magulang ko kaya ako po pinadalo niya sa pulong.

3. Inutusan ka ng iyong tiyuhin na magluto ngunit hindi ka marunong. Ano


ang sasabihin mo sa kanya?
A. “Pasensiya na po, Tito. Hindi ako marunong magluto.”
B. “Ikaw na lamang po ang magluto. Hindi ako marunong!”
C. “Hintayin na lamang ninyo ang nanay ko para siya na ang magluto.”
D. “Sige po, magluluto ako pero pahingi muna ng pera.”

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Gusto mong sumali sa Poster Making contest dahil alam mong marunong
kang gumuhit at magpinta ngunit hindi ka tinawag ng iyong guro.
Sasabihin mo ba sa iyong guro ang katotohanan na gusto mong sumali?
A. Hindi po, hindi na lamang ako sasali.
B. Opo, pero sa ibang kategorya na lamang ako sasali para manalo ako.
C. Opo, sasabihin ko po sa guro na marunong akong gumuhit at
magpinta.
D. Hindi po. Kakausapin ko na lamang ang kaklase ko at ipasasabi ko sa
kanya na marunong ako.
5. Napansin mong hindi pumila ang isang bata at inunahan ang isang maliit
na bata. Walang nakapansin nito. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko na lamang papansinin ang nangyari.
B. Sisigawan ko ang bata na hindi tama ang ginawa niya.
C. Isusumbong ko siya sa aming guro para siya ay mapagsabihan.
D. Kakausapin ko siya nang mahinahon at sasabihin sa kanya na hindi
tama ang kanyang ginawa.

Aralin
Pagsasabi ng Katotohanan
1

Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng pagkakataon ay mahalaga


dahil ito ang iyong pundasyon ng tiwala sa ibang tao. Kawili-wili ang asal na
ito kaya dapat nating paunlarin at pagyamanin.

Balikan

Ikaw ba ay nakaranas nang magsinungaling? Bakit mo ito nagawa?


Maganda ba ang naging bunga nito? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Pagmasdan ang larawan sa ibaba.

Dahil sa pandemya ang magkapatid na Paolo at Patrick ay naglalaro ng


bola sa loob ng bahay. Maya-maya ay napalakas ang hagis ng bola ni Patrick
at ito ay tumama sa plorera ng kanilang nanay. Parating na ang kanilang
nanay.

1. Dapat bang sabihin nila ang katotohanan sa kanilang nanay na


nabasag ni Patrick ang plorera?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ano sa palagay mo ang magiging reaksiyon ng kanilang nanay kapag


nagsabi sila ng katotohanan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Sa iyong sariling pananaw, bakit mahalaga ang pagsasabi ng


katotohanan anuman ang maging bunga nito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin
Sa buhay ng isang mag-aaral, ang pagsasabi ng katotohanan ay isang
magandang pag-uugali na dapat isabuhay habang bata pa. Kaya dapat nating
paunlarin at pagyamanin. Ito ay lubhang kailangan upang maitama ang
anumang maling nagawa at mapabuti ang pakikipag-ugnayan sa iba. Ang
pagsasabi ng katotohanan ay lubhang kinalulugdan ng Diyos.
Basahin ang mga sumusunod na halimbawa:

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Nakita ni Rina na nalaglag ang wallet ng
isang lalaki. Tinawag niya ito at
sinabing ito ay nahulog.

Tinamaan ng bola ang bintana ng


kapitbahay nina Tim habang sila ay
naglalaro ng kanyang mga kaibigan.
Nang tanungin siya ng may-ari ay
inamin naman niya ang totoo na siya ang
nakatama nito at siya ay humingi ng
paumanhin.

Pagyamanin

Basahin ang maikling kwento.

Pagsasabi ng Katotohanan ay Mahalaga


ni Beverly M. Carmona

Isang araw sa klase ni Gng. Santos ay nagkaroon ng masayang


talakayan tungkol sa pagsasabi ng katotohanan ng isang bata sa lahat ng
pagkakataon. Ang lahat ay matamang nakikinig sa kanilang guro tungkol sa
kanilang aralin.
Maya-maya ay umiyak si Amy sa kanyang upuan.

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Gng. Santos: Oh, Amy bakit ka umiiyak?
Amy: Ma’am nawawala po ang aking aklat sa EsP.
Gng.Santos: Ha? Saan nawala ang iyong aklat?
Amy: Ma’am, nandito lamang po kanina sa aking upuan.
Gng. Santos: Sigurado ka ba Amy na diyan sa upuan mo nawala ang iyong
aklat?
Amy: Opo, ma’am. Sigurado po ako.
Gng.Santos: Mga mag-aaral ng Four-Maka-Diyos! Si Amy ay nawawalan ng
isang aklat sa EsP. Kung makita ninyo ito ay maaari po sanang
pakibalik ito sa kanya. Natatandaan ninyo pa ba ang aralin natin
kanina tungkol sa pagsasabi ng totoo?
Miguel: Opo Ma’am! Ang pagsasabi ng katotohanan ay lubhang kailangan
dahil ito ay isang magandang kaugalian na dapat nating isabuhay. Ito
po ay kinalulugdan ng Diyos.
Gng. Santos: Tama! Kaya kung sinuman ang nakakuha ng aklat ni Amy ay
lubos kong pasasalamatan dahil siya ay isang matapat na bata.
Fe: Ma’am! Nakita ko po ang aklat kanina ni Amy na nahulog sa kanyang
upuan. Isasauli ko na po sana ito sa kanya ngunit tayo po ay
nagkaklase na.
Gng. Santos: Tama yan Fe! Ang pagsasauli ng isang gamit na hindi kanya ay
isang paraan din ng pagsasabi ng katotohanan. Binabati kita!
Fe: Maraming salamat po Ma’am. Ito na ang iyong aklat Amy.
Amy: Salamat sa iyo Fe.

Sagutin:

1. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong basahin ang kuwento?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Tama ba ang ginawa ni Gng. Santos nang makita niyang umiiyak si Amy?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Tama ba ang ginawa ni Fe na sabihin ang katotohanan na siya ang


nakakuha ng aklat ni Amy? Patunayan ang iyong sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Bilang mag-aaral, paano makatutulong sa iyo ang pagsasabi ng


katotohanan anuman ang maging bunga nito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

Ang pagsasabi ng katotohanan ay isang magandang kaugalian na dapat


isabuhay ng isang batang tulad mo. Narito ang mga kabutihang dulot ng
pagsasabi ng katotohanan;

Nalalaman ang tunay na mga pangyayari at


naiiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.

Kinalulugdan ng Diyos

Isagawa

Basahin ang sitwasyon at sagutin ang tanong pagkatapos.


Ang inyong pamilya ay sagana sa pangaral sa mabubuting asal. Lagi
kayong pinapaalalahanan ng inyong mga magulang na ang pagsasabi ng
katotohanan ay napakahalaga dahil ito ay nagsisilbing pundasyon ng tiwala
sa kapwa at higit sa lahat ito ay kinalulugdan ng Diyos. Isang gabi ay nahuli
mong nangungupit ang bunso mong kapatid sa bulsa ng inyong tatay. Alam
mo na pagagalitan siya ng inyong tatay kapag sinabi mo ito sa kanya.
Sasabihin mo pa rin ba ang katotohanan sa iyong tatay kahit na alam mong
mapapagalitan siya nito? Bakit? Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tayahin
Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang mga sumusunod na sitwasyon
ay nagpapakita ng pagsasabi ng katotohanan at ekis (x) kung hindi.

____1. Sinabi ni Allan ang totoo sa kanyang ama na siya ang nakasira sa
kanilang radyo at humingi agad siya ng pasensya sa kanyang ama.

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
____2. Humingi ng pera si Ana upang may pambili ng papel. Subalit bumili
siya ng laruan sa halip na papel.
____3. Nakita ni Jun na nalaglag ang sampung piso ng kanyang ate. Pinulot
niya ito at ibinalik sa kanyang ate.
____4. Nakita mo na may kodigo na ginagamit ang iyong kaklase. Sinabi mo
iyon sa inyong guro.
____5. May proyekto kayo sa Science. Sinabi mo ang tamang halaga na
hihingin mo sa iyong tatay.

Karagdagang Gawain

Sa iyong kwaderno, isulat ang iyong saloobin sa aralin.

Ako po si _______________________________. Ang aking karanasan sa


pagsasabi ng katotohanan ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Dahil dito, natutunan ko na ang pagsasabi ng katotohanan ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sanggunian

Abac, F.E., et. al. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Beverly M. Carmona (Guro, Nangka Elementary School)

Mga Tagasuri:
Eirleen S. Dela Cruz (Guro, Fortune Elementary School)
Elena M. Santos (Principal, San Roque Elementary School)
Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva (Superbisor sa EsP)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like