You are on page 1of 2

Ang 'Edukasyon ay Magpapatuloy' - ito ang pamosong linya ng dating Kalihim

ng Kagawaran ng Edukasyon na si Kalihim Briones. Lalo na itong nakilala at


pumatok sa bawat isang guro at mag-aaral noong panahon ng pandemya, siya
ay nanindigan na hindi ang CoVid19 o kahit ano pa man ang magiging dahilan
ng pagkatigil ng daloy ng kaalaman, dahil ang edukasyon ang magsisilbing
sandata laban sa kahit na anong pandemya.
Tayo man ay ginupo, sinindak at binalot ng takot ng kasakuyang pagsubok
Ngunit hindi ang edukasyon, dahil ito ay nagpatuloy. Ano na nga ba ang ating
kalagayan sa kasalukuyan? Ako ay si Jalen Mhir T. Inciong at ang aking
talumpati ay sa Kalagayan ng Karunungan sa Kasalukyan, sa Gitna ng
Pandemya
Juana, kumusta ka na? Ano na nga ba ang lagay mo gayong nasa gitna ka pa
din ng pandemya?
Sa panahong kasalukuyan punong puno ang news feed marahil ng mga
estudyanteng katatapos lang ng written works o di kaya ay gumagawa ng para
sa PETA at yung iba katatanggap pa lamang ng kanilang grado sa unang taon
ng panuruang kasalukuyan. At marahil hanggang ngayong meron pa ring
estudyante at guro na nasa estado pa din ng adjustment upang makasabay sa
pagbabalik eskwela.
Bago pa man dumating ang COVID19, ang ating edukasyon ay dumadaan na
sa pandemya. Nariyan ang kakulangan sa gamit, upuan, libro at iba pa. Kung
ako ang tatanungin, bago pa man ang dinaranasan na pandemya dulot ng
banta ng COVID19, ang estudyanteng tulad natin ganon din ang mga guro at
mga namumuno sa departamento ay humaharap na sa hamon ng de kalidad
at libreng edukasyon.
Sa aking palagay lalo pang dumanas ng hamon ang kagawaran ng
mapasailalim na tayo sa pandemya, nandyan ang hamon ng bagong
pamamaraan sa pagtuturo, hamon ng pagpapatuloy ng pasukan at hamon ng
kaligtasan ng bawat isa lalo’t higit ng mga guro na nagsilbing frontliner ng
edukasyon.
Ngunit kung hindi ako nagkakamali, gumawa ng paraan ang ating kagawaran
at hindi sila nagpagapos bagkus ay hinarap ang pandemya sa pamamagitan ng
bagong pamamaraan, mga bagong polisiya, bagong hakbang. Pinilit
makipagsabayan sa ibang bansa, pinilit ipagpatuloy ang edukasyon at
magbigay ng kalidad sa kabila ng lahat. Dumaan ang mga araw, buwan at
taon, may mga batang nagsipagtapos at nagtuloy sa susunod na antas.
Hindi lang ako kundi ng lahat ay buong igting na sinuportahan ang tinatawag
na ‘new normal’ sa kasalukuyang panahon sa larangan ng edukasyon. Dahil sa
kasalukuyan, kahit ang simpleng mag-aaral na tulad ko ay walang pagpipilian
kundi ang magpatuloy para sa karunungan.
Sa papamagitan ng modyular at pag-aaral gamit ang makabagong teknolohiya
at pamamaraan. Lubos kong pinaniwalaan na may katapusan ang pagsubok
na dala ng pandemya at hindi ito ang magpapahinto sa aking pagkatuto.
Ngayon Juana, kumusta ka na? pagkatapos ng dalawang taon na
pagkakakulong sa apat na haligi ng tahanan na tanging ang kausap lang ay
papel, libro ay monitor ng laptop mo, masasabi mo bang nakabalik ka na sa
normal na agos ng buhay mo?
Lubos kong pinaniniwalaan na nakaalpas ka na sa dalawang taon ng
pagkakakulong dahil hindi ka pinabayaan ng kagawaran, marahil naninibago
pero andito na tayo sa new normal, umuusad ang mga recovery plan ng
departamento, ito lahat ay para sa ikabubuti mo Juana. Kaya kapit lang para
sa hamon ng karunungan, sa rurok ng pandemya.

You might also like