You are on page 1of 2

TALUMPATI TUNGKOL SA PANDEMYA

Marami ang naging epekto ng nakakahawang sakit na COVID,


gaya na lamang ng Sistema sa edukasyon ngayon.
Mahirap nga naman kung ititigil ang pasukan ngayong taon
gayong sobrang naghihirap na ang ating bansa.
mali ba ang ipagpatuloy ito? Sakripisiyo ang inalay ng lahat ng
mga magulang, guro, Pamantasan ng edukasyon, at maging ang
mga mag-aaral.

Dahil sa panibagong pamamaraan ng edukasyon marami ang


hindi makapagpatuloy dahil sa kahirapan na nararanasan ng
bawat isa dulot ng pandemya. Ngunit hind imaging hadlang
dahil gumawa sila ng makabagong learning mode na pagpipilian
ng mag-aaral.

Subalit handa ng aba ang department of education? Lumipas na


ang buwan simula ng maumpisahan ang makapagong learning
delivery mode ngunit marami ang nagsasabi na hindi gaanong
epektibo ang modyul kumpara sa face-to-face na lubos na may
natutunan ang bawat mag-aaral.

Lubos ng mahirap ang sitwasyon ngayong may pandemya, sino


man ay hirap sa sinasabi nila “new normal”, ngunit may
pagpipilian ba tayo kung hindi ang sumunod na lamang sa agos
ng panahon.

Marami man ang nahirapan ngunit kailangan pa din sumabay sa


naayon na panahon kaya ang suliraning kinaharap ng
edukasyon ay marapat lamang ng makisabay. May pandemya
man o wala, and edukasyon ay tuloy pa din.

Edjel P. Arellano
grade 12-HUMSS

You might also like