You are on page 1of 5

Kabanata XLV: Ang Pinag-uusig (Buod)

Ang ika-limang kautusan sa bibliya ang lubos na iniyakan ng dalagang si Maria Clara.

Sa paglipas ng araw ay unti-unti na ring humupa ang lagnat ni Maria. Nagalak ang lahat
lalo na si Victorina. Sinabi niya na kung hindi sa kanyang asawa ay namatay na si Maria.
Agad naman itong kinontra ni Padre Salvi, para sa kanya ay Diyos ang nagpagaling sa
dalaga.

Pinayuhan ni Padre Salvi si Kapitan Tiyago na ihanda si Maria na makapagkumpisal


upang siya ay makapag-kumonyon. Ito raw ang kanyang kailangan upang tuluyang
gumaling ang kanyang karamdaman. Agad naman na tumalima ang huli.

Sa loob ng silid ni Maria ay pabulong niyang kinakausap ang kaibigan na si Sinang.


Tinatanong niya ang kalagayan ng kasintahan na si Ibarra. Pinagbilin niya dito ang mga
mensaheng “sabihin mo sakanya na huwag akong alalahanin”.

Naputol ang kanilang bulungan nang pumasok si Isabel upang ihanda siya sa pagsuri ng
kanyang budhi.

Mga Tauhan:

 Maria Clara
 Donya Victorina
 Padre Salvi
 Kapitan Tiyago
 Sinang
 Ibarra
 Isabel

Tagpuan:

 Simbahan

Pagpapaliwanag:
Si Maria Clara ay nagkasakit at pagkahupa nito ay ang lahat ay natuwa. Sinabi ni
Donya Victorina na malamang ay wala nang buhay si Maria kung hindi lang dahil sa
kanyang asawa na si Kapitan Tiyago, Ito naman ay hindi sinangayunan ni Padre Salvi
dahil aniya ang Diyos ang nagpagaling kay Maria. Pinayuhan nang Padre si Maria na
mangumpisal dahil ito ang makakapag pabilis ng kanyang pag galing. At sa loob ng silid
ni Maria ay kinakamusta nito ang kanyang kasintahan na si Ibarra sa pamamagitan ni
Sinang.

Kabanata XLVI: Ang Sabungan (Buod)

Dito lubos na makikilala ang katauhan at katalinuhan ng pilotong si Elias.

Pagkalipas ng maraming araw ng paghahanap ay natunton din ni Elias ang pinagtataguan


ni Tandang Pablo. Siya ang matandang mayaman sa bayan na tumulong at nag-aruga sa
pobreng si Elias.

Si Tandang Pablo ay biktima ng karahasan ng mga mapang-aping dayuhan. Naubos ang


lahat ng kayang kabuhayan dahil sa pananamantala ng mga nasa poder. At ang
pinakamasaklap, ay pinatay ang lahat ng miyembro ng kanyang pamilya.

Si Pablo lang ang tanging nakaligtas, kaya siya nagtago dahil ang akala sa bayan ay patay
na rin siya. Madiin at matapang ang pasya ng matanda na isakatuparan na ang
plinaplanong rebolusyon, subalit hindi ito sinang-ayunan ni Elias.

Buong pagpapakumbaba na sinabi ni Elias na isantabi muna ang rebolusyon. Sa halip ay


daanin muna ang lahat sa diplomasya upang maiwasan ang pagdanak ng dugo at ng mga
magiging biktima ng kaguluhan.

Mga Tauhan:

 Elias
 Tandang Pablo

Tagpuan:

 Sabungan
Pagpapaliwanag:

Sa tagal ng panahon ay nahanap ni Elias ang kumupkop sa kanya na si Tandang


Pablo. Si Pablo ay biktima ng karahasan ng mga dayuhan na kung saan ang kanyang mga
pagaari at sariling pamilya ay Nawala sa kanya. Nais nitong isakatuparan ang planong
rebolusyon ngunit sinaway ito ni Elias. Pinakiusapan ni Elias na isantabi muna ang
rebolusyon upang maiwasan ang kaguluhan at pagdanak ng dugo.

Kabanata XLVII: Ang Dalawang Senyora (Buod)

Habang nasa sabungan si Kapitan Tiago, magkaakbay namang namamasyal sina Don
Tiburcio at Donya Victorina. Tinitingan nila ang bahay ng mga Indio.

Nababalisa ang Donya kapag nagbibigay-pugay sa kaniya ang mga Indio. Inutusan niya
ang asawa na mamalo ng sombrero ngunit umayaw ito dahil sa kaniyang kapansanan.

Nang mapadaan ang dalawa sa bahay ng alperes, nagkatinginan sina Victorina at


Consolacion. Inistima nila ang isa’t isa at tinitigan mula ulo hanggang paa. Dumura pa sa
harap ng bahay ng alperes si Victorina na lalong ikinaasar nito.

Sumugod si Consolacion at nagsagutan ang dalawa. Nilait ni Victorina ang alperes


habang minaliit naman ni Consolacion ang kapansanan ni Tiburcio. Pumasok sa bahay at
kumuha ng latigo si Consolacion ngunit inawat na ang dalawa ng kanilang mga asawa.

Narinig ng buong bayan ang away. Inutusan ni Consolacion ang asawa na barilin ang
Don habang si Victorina naman ay inutusan ang asawang barilin din ang alperes. Pero
tumanggi ito at nahablot ang pustiso ng asawa.

Bumalik na sa bahay ni Tiago ang mag-asawa. Nagdadadaldal ang Donya sa nangyari.


Nagpahatid naman si Maria Clara sa silid habang inaabot ni Tiago ang bayad niya sa
mag-asawa at umalis na ang mga ito.

Mga Tauhan:
 Kapitan Tiago
 Don Tiburcio
 Donya Victoriana
 Mga Indio
 Consolacion
 Alperes
 Maria Clara

Tagpuan:

 Sabungan
 Bahay ng Alperes

Pagpapaliwanag:

Si Don Tiburcio at Donya Victorina ay namasyal habang tinitignan ang mga


bahay ng mga indio. Ang Donya ay nairita sa pagbibigay pugay ng mga indio kaya
inutusan niya ang kanyang asawa na mamalo ng sombrero ngunit ito ay tumanggi.
Napadaan ang dalawa sa bahay ng Alperes at nagkatitigan sina Victorina at Consolacion.
Ang dalawa ay nagalitan at nagsagutan at ito ay narinig ng buong bayan. Pagbalik ng
mag-asawa sa bahay ng kapitan ay nagdaldal ang Donya sa nangyari. Si Maria naman ay
nagpahatid sa silid.

Kabanata XLVIII: Ang Talinghaga (Buod)

Dumalaw si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago upang dalawin si Maria. Ibinalita niya rin
dito ang pagkakatanggal niya bilang eksokuminikado. Gayunman, napalitan ang saya ni
Ibarra nang makita niya sina Maria at Linares na masayang nag-aayos ng mga bulaklak.

Nagulat ang binatang si Linares habang namutla naman si Maria Clara. Nais sanang
tumayo ng dalaga para pumunta kay Ibarra ngunit hindi pa siya lubusang magaling.
Nakipagkuwentuhan naman siya kay Maria ngunit umalis din agad.
Magulo ang isip ni Ibarra dahil sa nakita. Napadaan siya sa ipinatatayong paaralan.
Nakita niya si Nol Juan at ibinalita rito na tanggap na siyang muli ng simbahan.

Nakita niya si Elias na abala sa paghahakot ng bato at kariton. Ipinag-utos ni Ibarra kay
Nol Juan na kunin ang mga talaan ng obrero.

Inaya ni Elias si Ibarra na mamangka upang doon pag-usapan ang isang mahalagang
bagay. Pumayag siya at naiabot naman ni Nol Juan ang talaan. Nakita niyang wala roon
si Elias.

Mga Tauhan:

 Ibarra
 Kapitan Tiago
 Maria Clara
 Ibarra
 Linares
 Nol Juan
 Elias

Tagpuan:

 Bahay ni Kapitan Tiago

Pagpapaliwanag:

Si Ibarra ay dumalaw sa bahay ng kapitan upang dalawin si Maria at binalita nito


ang kanyang pagkawala sa eksokumunukado. Si Linares at Maria ay nagulat nang makita
si Ibarra. Nakita ni Ibarra si Nol Juan nang siya ay pauwi at ibinalita nito na tanggap na
siya muli ng simbahan. Nakita niya na abala si Elias sa paghahakot ng bato at karton at
inaya ni Elias si Ibarra na mamangka upang doon sila magusap.

You might also like