You are on page 1of 1

Pagsasanay 1: Suriin ang salitang-ugat ng salita at ang panlaping ginagamit nito.

Salitang-ugat Panlapi
1. nagmamalasakit ________malasakit____________ _______nag, ma___________
2. sumamba ____________samba________ __________um___________
3. habulin __________habol__________ __________in___________
4. matulungin __________tulong__________ ________ma, in_____________
5. nagkwentuhan ________kwento____________ ________nag, han____________

Pagsasanay 2: Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat bilang.


1. Ito ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng
salita.
2. Taglay na kahulugan ng unlaping “ma” sa salitang “makahoy”.
3. Uri ng morpema na nagtataglay ng walang kahulugan sa ganang sarili at kailangan makita sa isang
kayarian o konteksto upang maging makahulugan.
4. Anyo ng morpema na binubuo ng salitang payak o salitang walang panlapi.
5. Isang halimbawa ng morpema na kadalasan makikita sa posisyong pinal sa salita na nagbibigay kahulugan
sa “kasariang pambabae”.
MGA SAGOT:
1. Morpolohiya
2. Ang kahulugan ng “ma” sa salitang “makahoy” ay marami, nagsasaad ito na marami ang kahoy.
3. Di-malayang morpema o mga Morpemang may kahulugang pangkayarian.
4. Malayang Morpema o Mga Morpemang may kahulugang Leksikal.
5. /a/

Pagsasanay 3: Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusuod.


 Ilahad ang kaibahan ng ponolohiya sa morpolohiya?
SAGOT:
Ang kaibahan ng ponolohiya sa morpolohiya ay ang ponolohiya ito ay ang pag-aaral sa mga ponema o tunog, rito
natin mapag-aaralan ang paghinto at diin na ginagamit natin upang mabigyan ng kahulugan ang isang salita. Habang
ang Morpolohiya naman ay ang pag-aaral sa estruktura ng isang salita. Dito maaaral rin ang Morpema na siyang
pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.

You might also like