You are on page 1of 11

7

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 6
Hakbang sa Mahusay na Pananaliksik

1
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
FILIPINO 7
Aralin 6 Unang Markahan
Learning Learning
Learning Tasks Mode of Delivery
Area Competency

Gumising, ayusin ang sarili, kumain ng umagahan at ihanda ang sarili


sa isang makabuluhang araw!
Mag-ehersisyo, mag-meditate at makipag-bonding sa pamilya.
Filipino MELC : 1. Basahing Ang Weekly Home Learning
1.Naiisa isa ang mabuti at sagutan Plan at modyul ay ilalagay sa
mga hakbang na sa iyong isang expanded envelope na
may kulay lila para sa Baitang 7
ginawa sa kuwaderno ang
na ilalagay sa plastic envelope
pananaliksik bawat hinihingi sa
bilang proteksyon sa pagkabasa.
mula sa araling ito.
nabasang mga Ito ay kukunin ng mga
pahayag. 2. Isulat sa magulang o guardian sa
(F7PN-lj-6) sagutang papel paaralan sa itinakdang araw at
petsa para sa kanilang taon at
2. Nasusuri ang ang iyong tugon
sa Isagawa sa pangkat.
ginamit na datos
sa pananaliksik pahina 8 at Hanapin lamang ang silid-
sa isang Tayahin sa aralan ng Tagapayo kung saan
proyektong pahina 9. itinalaga ang taon at pangkat ng
3. Ipasa ang mag-aaral.
panturismo
(halimbawa: sagutang papel na PAALALA: HUWAG
pagsusuri sa may kumpletong KALIMUTANG ISULAT ANG
isang promo sagot. SUMUSUNOD SA ITAAS NG
INYONG SAGUTANG PAPEL:
coupon o
brochure). PANGALAN:
SECTION:
(F7PB-lj6) SUBJECT:

Inihanda ni Iwinasto ni Binigyang pansin

FLORDELIZA R. ORTAL LEILA M. MONSANTO CRISTETA R. LAMBON


Guro sa Filipino 7 Ulungguro III Punungguro IV

2
Filipino 7 Hakbang sa Mahusay na
Unang Markahan
Modyul 6 Pananaliksik

Alamin

MELC: 1.Naiisa isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik


mula sa nabasang mga pahayag. (F7PN-lj-6)
2. Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang
proyektong panturismo (halimbawa: pagsusuri sa isang
promo coupon o brochure). (F7PB-lj6)

Sa yugtong ito ng iyong pag-aaral, inaasahan na ikaw ay


makabubuo ng sariling pagsusuri at pananaliksik sa mga datos
hinggil sa isang proyektong panturismo batay sa mga paksa o
suliraning iyong namamasid. Ang pagsusuring iyong gagawin ay
batay sa tekstong babasahin. Layunin nito na maipamalas ang
iyong kasanayan sa pagsusuri gamit ang iyong mga karanasan at
kasanayan sa pagbabasa.

Subukin Natin

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Kapag ikaw ay gagawa ng isang pananaliksik, ano ang
pinakauna mong dapat gawin?
A. mangalap ng impormasyon C. ilahad ang layunin
B. alamin o pumili ng paksa D. gagawa ng bibliyograpi
2. Ano ang kahulugan ng pananaliksik?
A. Pagbibigay solusyon sa lahat ng problema o suliranin.
B. Pangangalap ng mga datos para masolusyonan ang isang
suliranin.
C. Paglalahad ng mga hakbang para makuha ang inaasam na
solusyon sa isang problema.

3
D. Sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa.
3. Ito ang nagsisilbing sentro ng pag-uusapan sa gagawing
pananaliksik.
A.paksa B. layunin C. datos D. bibliyograpi
4. Ang ____________ ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad
ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko at magasin.
A. paksa B. layunin C. datos D. bibliyograpi

5. Kinakailangan ba sa pananaliksik ang paggawa ng isang


bibliyograpi?
A. Oo, kinakailangan. C. Maaaring ito ay kinakailangan.
B. Hindi na kinakailangan. D.Walang makukuha sa bibliyograpi.

Balikan

Panuto: Suriin ang uri ng mga pangungusap na walang paksa at


gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel. Lagyan ng tsek
ang kolum na tumutukoy sa uri ng pangungusap na walang paksa.
1. Tabi po Nuno.
2. Suwerte.
3. Hala, umuulan.
4. Pakilagyan ng guhit.
5. Halina kayo!

Pangungusap Sambitla Pormularyong Eksistensyal Penominal Pagtawag Pakiusap


(Bilang lamang) panlipunan
1
2
3
4
5

4
Ating Tuklasin

Madalas nating maririnig ang pananaliksik. Ano nga ba ang ibig


sabihin nito? Ano ba ang naitutulong nito sa atin?

PANUTO: Kopyahin ang dayagram na makikita sa ibaba sa iyong


sagutang papel. Punan ang mga hugis tungkol sa iyong sariling
ideya sa pananaliksik batay sa iyong sariling karanasan. Maaaring
ang iyong ideya ay naglalaman ng isang salita o mga pahayag.

Nakalulutas sa
mga problema.

PANANALIKSIK

Suriin

Bago ka makagagawa ng isang pananaliksik, kailangan mo


munang linangin ang iyong kaalaman sa mga hakbang. Ito ay ang
sitematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil
sa isang tiyak na paksa o suliranin.

PANANALIKSIK
1. Pag-alam o Pagpili ng Paksa - magsisilbing sentro ng pag-
uusapan ng gagawing pananaliksik. Tandaan: Siguraduhing
ang pipiliing paksa ay naaayon sa iyong interes, may mga
materyales na mapagkukunan, at mayroon kang malawak na
kaalaman.
2. Paglalahad ng Layunin - pinakalayunin o gol kung bakit nais
mong isagawa ang iyong pananaliksik.
3. Pangangalap ng Datos o Impormasyon – napakahalaga, dahil
ito ang magsusuporta at maglalahad ng daloy ng iyong

5
gagawing pananaliksik. Tandaan: Maging maingat lamang at
suriing mabuti
ang mga talang makukuha lalong-lalo na sa internet sapagkat
maraming impormasyong mula rito ang kaduda-duda o walang
katotohanan.
4. Paghahanda ng Bibliyograpi - talaan ng iba’t ibang
sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko,
magasin, at iba pang nalathalang materyal. Maaari ring gamitin
ang internet.
(Mula sa Pinagyamang Pluma 7, p.89)

Mga Nilalaman ng isang Travel Brochure

1. Introduksiyon o panimula - Maglalarawan ito sa lugar ukol sa


kasaysayan. Maaring gumamit ng iba’t ibang tagline o diyalekto
na makapupukaw sa interes ng turista.
2. Lokasyon ng mga prominente o kilalang pasyalan - Magiging
madali ang paghahanap ng mga landmark o tourist spots kung
may kasama itong mapa o paraan kung paano ito pupuntahan.
3. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga -
pinakamahalagang nilalaman ng brochure na madalas ay
nakakaligtaan; ang mga lugar na maaaring kainan at
naghahanda ng mga delicacies ng nasabing lugar.
4. Mga larawan ng mga lugar na maaring pasyalan, kainan at
mapagpapahingahan - Madalas na inuuna ng mga turista ang
pagtingin sa larawan kaysa sa detalye.
5. Halaga ng transportasyon at iba pang bilhin - Makatutulong
ito nang malaki sa mga turista upang makapagtabi ng sapat na
halaga.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Proyektong Panturismo


1. Poster - Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng ideya ang ibang
tao sa kagandahan ng kanilang bayan na maaaring hindi pa
alam ng iba.
2. Presentasyon - Paraan ng paghikayat sa mga turista na
pumunta sa isang pasyalan.
3. Travel brochure - Ito ay naglalaman ng mga lugar na nais
dalawin ng mga tao upang maging kompleto ang kanilang
karanasan.
4. Blog – Nakalagay rito kung ano ang mga mahalagang
impormasyong nais.
5. Audio – visual presentation (AVP)

6
Ating Pagyamanin

PANUTO A: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng


pananaliksik. Isulat sa sagutang papel ang bilang ng hakbang ayon
sa pakakasunod-sunod.
_______ 1. Mag-isip ng layunin sa paggawa ng saliksik.
_______ 2. Maghanda ng gagawing bibliyograpi.
_______ 3. Mangalap ng mga impormasyon.
_______ 4. Pumili ng paksa na naaayon sa iyong interes.
_______ 5. Magsulat ng pinal na pananaliksik.

PANUTO B: Basahin ang pahayag na nasa ibaba tungkol sa Talon


ng Maria Cristina. Sagutin ang mga tanong na may kaugnayan sa
inilahad na talata. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel .

Ang Talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa Lungsod ng


Iligan sa Mindanao. Ito rin ay tinatawag na “twin falls” sapagkat ang
daloy ng tubig ay hinati ng isang bato sa bingit ng talon. Ito ay
matatagpuan sa Iligan na tinatawag din na “City of Majestic Falls”
dahil masisilayan din dito ang 20 talon. Bukod sa ganda na
makikita rito, may malaki ring tulong ang talon sa pamumuhay ng
mga tao sa bayan ng Iligan. Ito ang pinagmumulan ng enerhiya na
ginagamit sa pangkabuhayan ng mga tao at upang umunlad ang
bayan.
Mula sa https://andrewsarita.wordpress.com

1. Ano ang paksa sa pahayag na ito?


2. Ano ang layunin na nais iparating sa pahayag?
3. Ano-ano ang mga impormasyong nakalap?
4. Saan kumuha ng datos?
5. Ano ang bibliyograpi na ginamit?

RUBRIK
Mahusay na naipahayag ang mga idea ayon
hinihinging kasagutan. 5 puntos
Malinis na naisagawa ang gawain/kinakitaan ng
husay sa pagsulat. 5 puntos
KABUOAN 10 puntos
7
Isaisip

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, tandaan:


1. Siguraduhing ang pipiliing paksa ay naaayon sa iyong interes,
may mga materyales na mapagkukunan, at mayroon kang
malawak na kaalaman.
2. Maging maingat lamang at suriing mabuti ang mga talang
makukuha lalong-lalo na sa internet sapagkat maraming
impormasyong mula rito ang kaduda-duda o walang
katotohanan.

PANUTO: Basahin at unawain ang tanong sa ibaba. Pumili lamang


ng isa sa mga sumusunod na parirala sa loob ng kahon upang
makabuo ng tamang sagot. Isulat ang mismong parirala na pinili at
kompletohin ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sa iyong palagay nakatutulong ba ang isang travel brochure sa


isang turistang gustong maglibot sa mga magagandang destinasyon
sa isang bansa? Bakit?

MGA PAGPIPILIAN
a. Opo, nakatutulong ang travel brochure dahil ___________________
b. Batay sa aking napag-aralan, ang travel brochure ay____________
c. Hindi masyadong nakatutulong ang travel brochure dahil_______
d. Hindi sapat ang travel brochure sa pagpili ng lugar na
pupuntahan dahil ___________________

Isagawa

PANUTO: Bumuo ng paglalagom tungkol sa mga natutunan mo.


Gawin ito sa iyong sagutang papel.

8
Natutunan ko na… Natuklasan ko na… Masasabi ko na…
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________

Ating Tayahin

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel .
1. Saang bahagi ng travel brochure makikita ang paglalarawan sa
lugar ukol sa kasaysayan?
A. introduksyon o panimula B. lokasyon ng mga prominente
C. lugar ng kainan D. halaga ng transportasyon
2. Makikita ba sa travel brochure ang mga halaga ng pamasahe sa
lugar na pasyalan?
A. Hindi lahat. C. Siguro makikita.
B. Oo, makikita. D. Wala sa pinagpilian.
3. Paraan sa paggawa ng proyektong panturismo na ginagamitan
ng larawan at mga piling salita.
A. poster at islogan B. blog C. travel blog D. travel bag
4. Ito ay nagsisilbing sentro ng pag-usapan sa gagawing
pananaliksik.
A. usapan B. paksa C. layunin D. bibliyorapi
5. Ito ay napakahalaga dahil ito ang susuporta at maglalahad ng
gagawing pananaliksik.
A. datos B. paksa C. layunin D. tao

Karagdagang Gawain

PANUTO: Magsaliksik tungkol sa mga datos sa iyong purok. Maaari


mong tanungin ang iyong purok lider tungkol dito. Ito ang mga
impormasyon na iyong kukunin sa purok lider. (Maaaring
magpatulong sa magulang o nakatatandang kasama sa bahay.)
• Kabuuang populasyon sa iyong purok
• Bilang ng lalaki at babae
9
• Bilang ng kabahayan

Pagkatapos mong makalap lahat ng impormasyon, maaari mo


nang sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel .

1. Ano ang paksa sa ginawang pananaliksik?


2. Ano ang layunin sa paggawa ng pananaliksik na ito?
3. Ano-ano ang mga datos na iyong nakalap?
4. Paano mo inihanda ang ginawang pananaliksik? Kanino ka
kumuha ng mga impormasyon?

10
Gabay sa Pagwawasto

pagtawag 5.
pakiusap 4.
Sariling pagkaunawa
penominal 3.
Sariling sagot Gawain
sambitla 2.
panlipunan Isaisip
Karagdagang
1. pormularyong
Balikan Sariling pagkaunawa
Pagyamanin B 5. a
4. b
4, 1, 3, 2, 5 3. a
a 5. 2. b
d 4. Pagyamanin A 1. a
a 3. Tayahin
d 2.
b 1. Sariling sagot Sariling repleksiyon
Subukin Natin Tuklasin Isagawa

Sanggunian

AKLAT:

• Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc,


2014.pahina 89; 129-131
• Kagawaran ng Edukasyon. Panitikang Rehiyonal-Ikapitong Baitang. Bloombooks,
Inc., Muling Limbag 2020, pahina 70
• Dela Cruz, Leonora. Gantimpala: Pinagsanib na Wika at Panitikan.
Innovative Education Materials, INC.

• Nakpil, Lolita R., et-al. Gintong Pamana Wika at Panitikan. SD Publications, Inc. G.
Araneta Avenue coner Ma. Clara St., Quezon City

SUPPLEMENTAL:
• REX iNTERACTIVE. The Online Educational Portal for Teachers, Students and
Parents. www.rexinteractive.com, 2015

11

You might also like