Attachment 1-3 GRADE 11

You might also like

You are on page 1of 2

Attachment 1

Nagising ka isang araw na wala na ang kakayahan mong magsalita. Ibinuka mo ang iyong bibig upang bumuo ng mga salita subalit wala nang tinig na lumalabas mula
rito. Hindi ka na makapagsalita pa. ang dating kakayahang hindi mo man lang binibigyang-pansin ay nawala na sa iyo. Hindi mo na masasabi sa iyong mga mahal sa buhay kung
gaano mo sila kamahal. Hindi mo na maisasatinig ang mga gusto mong sabihin. Hindi ka na makakasigaw ng saklolo kung kinakailangan.

Attachment 2
Naisip mo ba ang maaaring mangyari kung walang wika at hindi natin maipapahayag ang sarili nang pasalita o pasulat man? Ano ang gagawin mo para maiparating ang
sumusunod?
Nais mong maipaalam sa isang tao (maaaring magulang, kaibigan, o taong malapit sa puso mo) na mahal mo siya.
______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Nais mong malaman ng isang taong galit ka o hindi mo sinasang-ayunan ang mga bagay na ginagwa niya.
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Nais mong humingi ng tulong sa iba para sa isang mahirap na kalagayan o problemang mayroon ka. __
__________________________________________________________________________________

Batay sa iyong mga sagot, mahirap nga bang mawala ang wika? Ano-ano ang posibleng mangyari kung walang wikang nauunawaan ng lahat at ang bawat isas’y may
wikang tanging siya lang ang nakauunawa? Maglahad ng tatlong hinuha.

 ____________________________________________________________________________
 ____________________________________________________________________________
 ____________________________________________________________________________

Attachment 3
Ang Wika
Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang wika. Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang
nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa. Nagkakaintindihan tayo,
nakapagbibigayan tayo n gating mga pananaw o ideya, opinyon, kautusan, tuntunin, impormasyin, gayundin ng mga mensaheng tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao,
pasalita man o pasulat gamit ang wika.
Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila’ at “wika” o “lengguwahe.” Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at
wika. Kalaunan ito’y naging language na siya na ring ginamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Sa maraming wika sa buong mundo, ang mga salitang wika
at dila ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba’t ibang tunog ay nalilikha sa
pamamagitan ng iba’t ibang posisyon ng dila.

You might also like