You are on page 1of 1

Pangarap

Bawat isa ay may pangarap sa buhay,


Pangarap na unti- unti nating aabutin sa hinaharap.
Hindi hadlang ang pasakit at hirap,
Sa taong may pangarap.

Para sa pangarap tayo’y mag sumikap,


Dahil hindi masama na tayo ay mangarap.
Huwag tayong sumuko kahit dumaan sa maraming hirap,
Makakamtan din natin ang buhay na may sarap.

Tayo’y manalig sa may kapal.


Dalangin natin ay kanyang diringin
Tayo’y mag tiwala sa ating kakayahan,

Upang pangarap natin ay ating makakamtan.

You might also like