You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
MALAYA ELEMENTARY SCHOOL

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa ESP VI


Ikalawang Markahan
SY 2022-2023

Pangalan: ___________________________Petsa: ___________ Iskor: ________

A. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot
_____1. Nagkaroon ng pagpupulong-pulong sa inyong barangay tungkol sa kampanya
laban COVID19. Gusto mo sanang makilahok at magbigay suhestyon ngunit isa ka sa mga
pinagbawalang lumabas dahil sa iyong edad. Ano kaya ang maaari mong gawin?
a. Ipaubaya na lamang sa mga namunuan dahil sila ang may malaking
responsibilidad sa barangay
b. Magpatulong na lamang sila sa mas nakatatanda sa kanila na may mataas na
pinag-aralan at kaalaman
c. Ipaabot mo ang iyong mga mungkahi at suhestiyon gamit ang social media
platform upang sa ganon ay nakatutulong ka kahit nasa bahay lamang.
d. Hintayin na lamang ang kanilang nabuong solusyon.
_____2. Mula sa sitwasyon bilang 1, piliin ang wastong paraan sa pagbibigay mungkahi at
suhestyon?
a. Ibigay ang suhestyon nang buong galang at respeto
b. Ilahad ang mga suhestyon na dapat at kailangan nilang sundin ang ideya mo
c. Kumbinsihin ang ilang kasapi sa pulong na ipasunod ang iyong ideya
d. Bahala na sila kung ano ang kanilang naisipang solusyon.
_____3. Ang mga sumusunod ay mga wastong paraan ng pagbibigay opinyon at suhestyon
maliban lamang sa isa.
a. Timbangin muna ang sitwasyon bago magbigay ng sariling komento at suhestyon
b. Ipabatid sa kanila na lahat ng iyong sinabi ang siyang tama na dapat sundin
c. Piliin ang mga angkop na salita sa pagbibigay ng iyong pahayag at ideya
d. Kung maaari may sapat na batayan o ebendensiya sa gagawing suhestyon.
_____4. Piliin ang nagpapakita ng paggalang sa ideya at opinion ng iba
a. Pagtaasan ng kilay at boses ang mga sumalungat sa iyong ideya
b. Pakinggan at erespeto ang kanilang opinion
c. Kumbinsihin sila na ikaw ang tama at dapat sundin
d. Hindi tumulong kung hindi ang iyong opinion ang nasusunod
_____5. Nagkaroon ng pangkatang gawain tungkol sa paggawa ng isang tula para sa
kapaligiran. Si Jessielle ang napiling lider ng kanilang grupo. Bilang isang lider, ano kaya
ang kanyang dapat gawin?
a. Ilahad ang kanyang mga ideya tungkol sa gagawing proyekto.
b. Hingan rin ng ideya ang bawat kasapi nito
c. Pagsama-samahin nila ang kanilang mga ideya upang makabuo ng magandang
output na tula
d. Lahat na inilahad sa itaas ay tama

B. Isulat sa patlang ang titik na T kung ang pahayag ay tama at titik M naman kung mali.

____6. Tabi! Tabi! Nagmamadali ako.


____7. Ano ba ‘yan! Hindi ka kasi nakinig sa ideya ko.
___ 8. Yehey! Pumasa tayong lahat! Salamat sa inyong mga inambag na ideya.
____9. Ano na ang nangyari ngayon? Matigas kasi ng ulo mo.
____10. Sa palagay ko kung bawat isa sa atin ay magtulungan para magtagumpay tayo sa
ating gagawing proyekto.

C. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa suhestyon o ideya
ng kapwa at ekis (x) naman kung hindi. Isulat ang iyong mga sagot sa pahina 27.

__11. Pinagtawanan ni Mark ang kaklaseng nagkamali sa pagsagot.


__12. Hinihikayat ni Ginang Santos ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang sariling
ideya tungkol sa gaganaping “Clean Act Drive”.
__13. Pinagalitan ni Ana si Jane dahil sa pagbigay ng ideya nito sa proyektong gagawin.
__14. Tinanggap nang maluwag sa kalooban ni Ryca na hindi naisama ang kanyang ideya
sa plano ng kanilang klase.
__15. Pinagtaasan ng kilay ng lider ang ipinahayag na ideya ng kanyang miyembro.
__16. Nais ni Roy na ang kanya lamang na gusto ang masusunod dahil siya ang
nakatatanda.
__17. Tinanggap ni Ginang Reyes ang lahat na mungkahi ng kanyang mga mag-aaral at
saka na lamang siya bumuo ng desisyon.
__18. Sumama ang loob ni Carlo nang hindi isinama ang kanyang ideya ukol sa gagawing
programa.
__19. Sinabihan ni Elena ang kanyang kagrupo na itigil ang kanilang pagpipinta dahil pangit
ito.
__20. Tinanggap kong lahat ang kanilang opinyon at doon ako kumuha ng ideya kung ano
ang mas nakabubuting gawin.

D. Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong titik upang makabuo ng isang salita na may
kaugnayan sa ating aralin. Isulat ang mga ito sa bawat daliri ng kamay bilang panunumpa sa
pagsasakatuparan nito.

21. GAAILNG = ___I_____________________________


22. NAGGNIKAP= __P____________________________
23. NGINTIMBA =____T___________________________
24. WAINUNA=________U_________________________
25. PAHALAHANGA=______P_____________________
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
MALAYA ELEMENTARY SCHOOL

SUMMATIVE TEST #1
Ikalawang Markahan-1-2 Week
ESP 6
TABLE OF SPECIFICATIONS

Layunin Bilang ng aytem Item Placement


Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o
suhestyon ng kapwa 25 1-25

Total 25 1 –25

7th Matahimik St., Brgy. Malaya, 1101 Quezon City es.malaya@depedqc.ph


https://www.facebook.com/malaya.es.376 (02) 7728 – 75 – 66
Answer Key:
A. 1. C D. 21. Igalang
2.A 22. Pakinggan
3. B 23. Timbangin
4. B 24. Unawain
5. D 25. Pahalagahan

B. 6. M
7. M
8. T
9. M
10. T

C.

11.X
12./
13.X
14./
15.X
16.X
17./
18.X
19.X
20./
Prepared by:

ROSE ANN B. FLORES


Teacher

Checked by: Noted by:

ALAN A. LUCAS MA. CORAZON T. TROFEO


MT-in-Charge OIC-Principal

WILHELMINA L. MELEGRITO
Public Schools District Supervisor

7th Matahimik St., Brgy. Malaya, 1101 Quezon City es.malaya@depedqc.ph


https://www.facebook.com/malaya.es.376 (02) 7728 – 75 – 66

You might also like