You are on page 1of 4

Repleksyong Papel

Mulanay: Sa Pusod Ng Paraiso

Sa panahon ngayon kung saan laganap ang kahirapan, may tao pa kayang

handang tumulong na walang hinihinging kapalit?. May mga lugar dito sa Pilipinas

na lingid sa ating mga kaalama'y hindi lang tulong pinansyal ang kailangan, sila rin

ay nangangailangan ng atensyon upang masolusyunan ang problemang

ikinahaharap kung kalusugan ang pag-uusapan, yung nga lang, karaniwan ay mga

nasa liblib na lugar, kaya mahirap sila mapuntahan, ngunit hindi naman iyon

makasasapat na maging rason upang sila ay pabayaan, dahil sila rin ay mga

Pilipino, dapat patas rin ang natatamasa nilang serbisyo.

Ang Mulanay: Sa Pusod ng Paraiso, ay isang palabas na dinerekta ni Gil Portes

at isinulat ni Clodualdo Del Mundo Jr at ipinalabas noong taong 1996.

Ginagampanan ni Ria Espinosa (Jacklyn Jose) ang papel ng isang bagong

lisensyadong doktor na nagboluntaryong sumali sa "Doctor to the Barrios" upang

matulungan ang mga lugar kung saan may pangangailangang medikal. Nakilala niya

si Norma (Gina Alajar) , isang komadrona sa Baryo ng Mulanay, Quezon. Naging

mahirap para kay Ria na masanay sa lugar. Sa palagay niya, kakailanganin ng

mahabang panahon para sa kanya na masanay sa baryo. Karamihan sa mga tao ay

tinatrato siya bilang isang VIP.

Ang “Mulanay” ay isang barangay sa probinsya ng Quezon. Lugar na mahirap

matunton at mahirap maabotan ng tulong. Siya ang napiling tumulong sa Mulanay.

Sa kanyang pagdating, naimulat siya sa malubhang kalagayan ng mga tao doon. Isa

sa mga problemang bumati sa kanya ay ang kakulangan ng mga tao sa "toilet

training" dahil kahit saan na lang dumudumi. Isa sa mga salik na dapat isaalang-

REPLEKSYONG PAPEL | MICAH C. LANOTAN


alang ng mga tao ay ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran, dahil kahit gaano

ka man kahilig kumain ng gulay, ngunit kung hindi kaaya-aya ang iyong kapaligiran,

malaki pa rin ang tyansa na ikaw ay magkakasakit. Sira rin ang mga tulay at daanan,

ang problema na ito ay maaari ring magdulot ng aksidente. Wala ring pagkukunan

ng malinis na tubig, isa ito sa malaking problema ng baryo, kalimitan ang mga

humihingi sa kanya ng tulong ay mga taong masakit ang tiyan, at dahil ito sa tubig

na iniinom mula sa balon na hindi malinis. Inilista niya lahat ng mga posibilidad kung

bakit matindi ang pangangailangan ng medical na tulong ng baryo. Sinuri din niya

ang lahat ng mga dahilan kung bakit ang karamihan sa mga tao sa baryo ay may

pare-parehong sakit. Nagpasya sina Norma at Dr. Ria na tawagan ang atensyon ng

mga tao sa pamamagitan ng isang pulong tungkol sa ikabubuti ng baryo. Pinayuhan

ni Dr. Ria na ayusin ang lahat ng mga bagay at kinumbinsi ang mga tao na magtayo

ng isang malalim na balon dahil nalaman niya na ang sanhi ng karamihan ng mga

sakit sa baryo ay dahil sa sistema ng tubig, hanggat hindi pa napapatayo ang deep

well, nagbigay siya ng suhestiyon na pakuluan muna ang tubig bago inomin. At

kahit labas sa kanyang trabaho, determinado siyang solusyonan ang mga isyu sa

barangay. Nagsimula siya sa paglikom ng pondo para sa deepwell at makalaunan,

siya ay humingi pa ng karagdagang suporta sa gobyerno. Ngunit dahil hindi sapat

ang kanyang nalikom ay hindi napagtagumpayan na magkaroon ng deepwell, kaya

nanatili na lamang sa tradisyunal na paraan, kung saan papakuluaan ang tubig

upang maging malinis para inumin.

Isa rin sa mga hindi magandang kaugalian sa lungsod ay ang pagkakaroon ng

mga hayop tulad ng baboy na nakakalat lang sa lugar, hindi rin ito maganda lalo na

sa kalusugan ng mga tao. Dahil na rin sa layo ng lugar, kadalasan ay walang

kuryente. Isa pang problema ay ang patuloy na paniniwala sa mga albularyo, dahil

REPLEKSYONG PAPEL | MICAH C. LANOTAN


ang lugar ay kilala sa pagkakaroon ng "albularyo", ang pinaghiwalay na kultura ay

nakikipagkumpitensya sa kanyang pasyon; ang pagkuha ng atensyon, tiwala ng mga

tao at ang kanyang pagiging epektibo ay naging isang isyu para sa kanyang

pagiging maganda at batang doktor. Ito rin ay dapat baguhin sapagkat ang mga

taong ito ay walang sapat na kaalaman sa panggagamot. At panghuling problema ay

ang layo ng lugar sa hospital, sadyang napakalaki ng problemang ito sapagkat hindi

mo madaliang makukuha ang serbisyong kailangan mo sa ospital dahil hindi naman

lahat kayang ibigay ng health center. Sa paglipas ng panahon, napagtanto ni Dr. Ria

na ang kalusugan ay hindi lamang ang problema sa baryo. Ang baryo ay

nangangailangan rin ng kaayusan at isang lider na handang tumulong sa problema

ng lungsod dahil isa sa napagtanto niya na kulang sa atensyon ang lugar at tila

walang pakialam ang mga namumuno.

Ang mga problemang ito ay sumasalamin sa mga isyung hindi lamang

pangmedikal pati na rin ang isyung kaayusan sa lugar na ikinahaharap ng mga tao,

at nasubok ito sa pagkamatay ng isang bata na kung saan dahil sa kakulangan sa

kaalaman ng kahalagahan ng agarang atensyong pang medikal, dahil mas pinili ng

tatay na huwag ipatingin ang bata, kasabay rin nito ay ang layo ng lugar sa ospital,

ay hindi na kinaya ng bata at siya ay namatay.

Bilang isang mag-aaral na nagnanais na kumuha ng kursong pangmedikal, ang

palabas na ito ay isang napakalaking sampal ng reyalidad. Hindi lang dapat puro

pera ang nasa mga isip tao, gagawin natin ito dahil gusto natin na gawin ito. Tulad

na lamang ni Dr. Ria, ang pagmamahal niya sa kanyang trabaho at sa mga tao ay

hindi mapapantayan, talagang nakahahanga. Isa siyang inspirasyon ng mga taong

tulad ko na naghahangad rin na maging isang taong nagbibigay serbisyong medikal.

REPLEKSYONG PAPEL | MICAH C. LANOTAN


Ang kanyang dedikasyon na magbigay ng pagbabago ang dapat taglay ng mga tao

lalo na sa panahon ngayon dahil marami ang nangangailangan ng tulong.

Ang pelikula ay nagbibigay ng mensahe para sa malalimang kaalaman at

mapahusay ang kritikal na pag-iisip ng mga manonood. Ang dokumentaryo na ito ay

nagmulat sa katotohanang walang mangyayari kung hindi tayo kikilos. Humingi si

Ria ng pagbabago at sumunod ang komunidad. Bawat segundo ng pelikula ay

importante, bawat mensahe ay may kanya-kanyang makapangyarihang kahulugan.

Ipinapakita nito ang tunay na mukha ng realidad at paniniwala; dangal, dedikasyon,

katapatan bilang kaluluwa nito. Isang positibong pananaw at isang bukas na puso.

Isang tunay na kamangha-manghang pelikula na may puso at kompasyon. Ang

palabas na ito ay repleksyon ng reyalidad ng buhay, na hindi ito palaging paraiso,

dahil sa likod ng magagandang tanawin na mayroon ang Pilipinas, ay sumasalamin

rin ang mga lugar na tila napagkaitan, at isa na rito ang Mulanay.

REPLEKSYONG PAPEL | MICAH C. LANOTAN

You might also like