You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

GRADE 10
KWARTER 2 IKA WALONG LINGGO

Pangkat/Oras : Grade 10-Pascal 7:30-8:30 am


Guro : Evelyn Jusay-Mundas
Petsa : January 25,2023

Pamagat : Epekto ng Globalisasyon


Pamantayang Pangnilalaman : Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at
pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa
pambansang kaunlaran

Pamantayan sa Pagganap : Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung


pangekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto : Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon (MELC7-8)

I. LAYUNIN
1. Nasusuri ang mga mabubuti at di- mabubuting epekto ng globalisasyon.

2.Nakapag-uulat sa ibat-ibang pangyayari sa mga epekto ng globalisasyon ( balitaan); at


3. Nabibigyang halaga ang mga tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon.

II. NILALAMAN
A. Paksa : Epekto ng Globalisasyon
B.Sanggunian : K-12 Modyul ng Mag-aaral.Araling Panlipunan10:Mga Kontemporaryong
Isyu at Hamong Panlipunan Unang Edisyon 2020. Ikalawang Markahan Modyul, Week 8. Pahina 4-7.
(soft copy).; MELC- Week 7-8; BOW 5-6 A.P GRADE 10
C.Kagamitan : Laptop, television ,Learning Activity Sheets

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain ( 5 minuto)
1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagtatala ng lumiban sa klase
4. Pagbabalik aral - Isa-isahin ang mga tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak (3 minuto) BIDYO-SURI
 Ang guro ay magpapakita ng bidyu tungkol sa mga epekto ng globalisasyon.
2. Paglalahad ( 1 minuto)
 Ang guro ay magtatanong, kung ano ang kanilang masasabi sa bidyu.
 Habang pinanunuod ang bidyo, ano ang naging damdamin
mo ukol dito?
Pangatwiranan.
C. Pagtatalakay sa konsepto at kasanayan ( 15 minuto)

GAWAIN : Suriin ang dalawang teksto at tukuyin ang mga epekto ng globalisasyon gamit ang graphic organizer.
Pangkat 1- Globalisasyon: Progress or Profiteering?

Pangkat2- Spanish Government Eyes Hike in Financial Assistance to Philippines


TALAKAYAN: Kahalagahan ng mga tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon.
 Guarded Globalization
 Pantay na Kalakalan (Fair Trade)
 Pagtulong sa Bottom Billion

D. Paglalapat ( 24 minuto)
( Pangkatang Gawain) Balitaan.
Gumawa ng maikling balita at I ulat ang tungkol sa ibat-ibang pangyayari sa mga epekto ng
globalisasyon.

Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Wasto ang lahat ng nilalaman ng balita. Naipakita sa 10
balita ang lahat ng impormasyon na kailangan
maunawaan ang kaugnayan ng mga konsepto
Organisasyo Madaling maunawaan ang pagkakaayos ng mga
n impormasyon. 10
Kabuuan 20

E. Paglalahat (2 minuto) pagbubuod ng tinalakay na aralin.


Ang guro ay magtatanong :
 Ano-ano ang epekto ng globalisasyon?
 Ano-ano ang mga tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon.
 Ibigay ang kahalagahan ng tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon?

IV. PAGTATAYA ( 10 minuto) Formative Test


1. Ipakita sa pamamagitan ng graphic organizer ang mga mabuti at di-mabuting epekto ng globalisasyon.
2. Sa isang maikling paglalahad, paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa mga tugon sa pagharap sa
epekto ng globalisasyon?
3. Nararamdaman mo ba bilang isang mag-aaral ang epekto ng globalisasyon sa inyong lugar o pamayanan?
ipaliwanag.

V. Pagninilay Pagkatapos ng buong pamantayan sa pagkatuto,


alamin kung magpapatuloy ang guro sa susunod na
aralin o magkakaroon ng panlunas na pagtuturo.

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha


ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mga mag-aaral na


nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng


mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mga mag-aaral na mag-


papatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo ang


nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na


nabigyan ng solusyon sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking


nabuo na nais kong ibahagi sa mga
kapuwa ko guro?

Inihanda ni :

Evelyn Jusay-Mundas
SST I-Aral.Pan.

Ipinasa kay:

Alma E. Bequilla
Principal II

You might also like