You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 10
Pagtugon sa Isyu ng Paggawa
Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo

Hyna Chrisjune B. Arrofo


Manunulat

Mark Joseph C. Fernandez


Tagasuri

Marlyn B. Latina
Mariel Eugene L. Luna
Katibayan ng Kalidad
Schools Division Office – Muntinlupa City
Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Ang modyul na ito ay nagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa mga isyu sa
paggawa na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino. Inaasahang na ang pag-
unawa ng mag-aaral mula sa mga usaping ito ay magdudulot ng malawak na interes
sa pagtuklas ng mga isyung kinakaharap ng mamamayan at mahubog ang kritikal
na pag-iisip at pagkamalikhain sa pagtugon sa mga gawaing nakahanda sa dulo ng
talakayang ito.

Bago simulan ang ating pag-aaral tungkol sa mga isyu sa paggawa at ang
pagtugon sa mga ito, ay atin munang suriin ang inyong nalalaman tungkol dito. Ang
inihandang pagsusulit ay upang subukin kung ikaw ba ay may sapat o salat na
kaalaman tungkol sa paksang ating tatalakayin. Basahin at unawaing mabuti ang
mga pangungusap sa bawat aytem. Isulat ang letra ng wastong sagot.

_______1. Ang manggagawa ay limitado lamang ang araw sa kaniyang


pinapasukang trabaho, may hangganan ang kontrata.
A. Flexible labor C. Social Dialogue Pillar
B. Kontraktuwalisasyon D. Social Protection Pillar
_______ 2. Paano makikita ang maayos na kalagayan ng mga manggagawa?
A. Hindi nababayaran ng tama at naaabuso.
B. Hindi binibigyan ng araw ng pahinga o day off.
C. Marumi at walang seguridad na pagawaan kung saan sila nagtatrabaho.
D. May malinis at maayos na work place, seguridad at proteksyon.
_______ 3. Tumutukoy sa mga trabaho, empleyo, pinagkakatiaan, o negosyo at
gawain.
A. Employment C. Paggawa
B. Lakas Paggawa D. Unemployment
_______ 4. Ang batas na nagbigay ng buong laya sa daloy ng puhunan at kalakal sa
bansa.
A. BEPZ C. DOLE
B. EPZ D. OIA of 1987 at FIA of 1991
_______ 5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa epekto ng
kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa?
A. Hindi nababayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa
batas na tinatamasa ng isang regular na manggagawa.
B. Hindi maaaring bumuo o sumapi sa mga unyon dahil walang katiyakan
o pansamantala lang ang kanilang security of tenure.
C. Natatamasa ang mga benepisyo ayun sa Collective Bargaining
Agreement.
D. Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong employee-
employer.

2
_______6. Sa panahon ng kanyang administrasyon pinagtibay ang Preisdential
Decree (PD) 442 o Labor Code bilang patakarang pinaghanguan ng
flexible labor
A. Corazon C. Aquino C. Ferdinand Marcos
B. Fidel V. Ramos D. Gloria Macapagal Arroyo
_______7. Siya ang nagsulong ng batas na RA 6715 (Herrera Law) na dating kilala
bilang Preisdential Decree (PD) 442 o Labor Code.
A. Ernesto Herrera C. Joseph Estrada
B. Juan Ponce Enrile D. Vicente Paterno
_______8. Sa pagdami ng mga namumuhunan sa bansa dulot ng globalisasyon ay
naipatupad ng ilang administrasyon ang mura at flexible labor sa bansa
na nakakaapekto sa manggagawa. Alin sa mga sumusunod na pahayag
ang dahilan ng pagpapalaganap nito sa bansa.
A. Makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon at kapital
na nararanasan ng iba’t ibang bansa.
B. Maibaba ang presyo ng mga produktong iniluluwas na gawa sa bansa
sa pandaigdigang kalakand.
C. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa
D. Makabuo ng marami pang trabaho para sa mga mangagawang
Pilipino.
_______9. Ito naglalaman ng probisyong maaaring ipakontrata ang mga trabahong
hindi kayang gampanan ng mga regular na manggagawa; pamalit sa mga
absent sa trabaho, mga gawaing nangangailangan ng espesyal na
kasanayan o makinarya.
A. Department Order No. 10 (DOLE) C. Preisdential Decree (PD) 442
B. Investment Incentive Act of 1967 D. RA 5490
_______10. Alin sa mga pahayag ang susi ng isang masiglang ekonomiya.
A. Napapaunlad at napapakinabangan ng mga mamamayan ang kanilang
kakayahan at kapasidad.
B. Nakakapaghanapbuhay ang malaking bahagi ng papulasyon.
C. Nakakatanggap ang bawat manggagawa ng sahod na naaayon sa
kanilang kakayahan.
D. Lahat ng nabanggit.
_______11. Isinaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at
gawaing makakaapekto sa mga manggagawang regular na magreresulta
sa pagbabawas sa kanila at ng kanilang oras o araw ng paggawa.
A. Bataan Export Processing Zone C. Department Order No. 10
B. Department Order 18-02 D. Economic Processing Zone
_______12. Ayon sa International Labor Organization (ILO) ang mga manggagawa ay
may karapatan. Alin sa mga pahayag ang kabilang sa mga karapatang
nabanggit ng ILO?
A. Ang suweldo ng mga manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa
makataong pamumuhay.
B. Maaari ang lahat ng mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan.
C. Walang karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo.
D. Walang karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa
panghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.

3
_______13. Upang maproteksyunan ang kalagayan ng mga mangagawang Pilipino,
aling hakbang ang maaaring isagawa ng isang mangagawang Pilipino
upang makamit ito?
A. Gumamit ng dahas at pagsira sa kagamitan ng kompanya.
B. Hindi pagtangkilik sa mga produktong dayuhan.
C. Pakikipag-ugnayan ng mga samahan ng mga mangagawa sa mga
kapitalista o may-ari ng mga kompanya sa pamamagitan ng tapat at
makabuluhang Collective Bargain Agreement (CBA).
D. Pagkalampag o pagsasagawa ng rally upang maipabatid ang kanilang
mga hinaing.
________14. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga probisyon ng Department of
Labor and Employment (DOLE), maliban sa:
A. Department Order No. 10 C. Department Order 18-A
B. Department Order 18-02 D. National Power Corporation
________15. Alin sa mga pangungusap ang naging layunin ng pagsasabatas ng
Investment Incentive Act of 1967.
A. Bigyang laya ang daloy ng puhunan at kalakal sa bansa.
B. Ilunsad ang malayang kalakalan at pamumuhunan sa ilalim ng
patakarang neo-liberal.
C. Makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon at
kapital na nararanasan ng iba’t ibang bansa.
D. Pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing
makakaapekto sa mga manggagawang regular.

GAWAIN 1: Halina’t Iyong Tuklasin


Panuto: Itala ang mga uri ng trabaho nasa loob ng kahon ayun sa kung aling
sector ito nabibilang.
Pangingisda Call-center Agent Pagsasaka
Doctor Pagtotroso Abogado
Inhenyero Teacher Minero

Sektor ng Agrikultura Sektor ng Industriya Sektor ng Serbisyo


1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.

Mga Gabay na Tanong


1. Pumili ng isa sa tatlong sector na sa iyong palagay ay nabibilang ayon sa
uri ng propesyon o hanapbuhay mayroon ang bawat meyembro ng iyong
pamilya.
2. Ano ang mga maaaring dahilan ng mga suliranin sa paggawa?

4
Isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas na ang paggawa ang pangunahing
panlipunang pwersang pang-ekonomiya. Ang mga mamamayan ay ang
pinakamahalagang yaman ng bansa at may malaking ambag sa pag-unlad ng bansa.
Ang mga manggagawang tulad ng mga magsasaka ang nagpapagod upang
makapagbigay ng pagkain sa ating mesa habang ang mga propesyunal, tagapaghatid
ng serbisyo at negosyante ay nagtitiyak ng ibang pangailangan ng mamamayan.
Tungkulin ng pamahalaan na siguraduhing napapaunlad at napapakinabangan ng
mga mamamayan ang kanilang kakayahan at kapasidad. Ito ang magiging susi ng
isang masiglang ekonomiya ng bansa na kung saan nakakapaghanapbuhay ang
malaking bahagi ng papulasyon at nakakatanggap ang bawat manggagawa ng sahod
na naaayon sa kanilang kakayahan.

Pinagtibay sa panahong ng regimeng Marcos ang Preisdential Decree (PD)


442 o Labor Code bilang patakarang pinaghanguan ng flexible labor. Unang
naisibatas rito ang Investment Incentive Act of 1967 para ilunsad ang malayang
kalakalan at pamumuhunan sa ilalim ng patakarang neo-liberal. Isinunod dito ang
pagsasabatas ng RA 5490 upang itayo ang Bataan Export Processing Zone (BEPZ),
at iba pang Economic Processing Zone (EPZ) bilang show case ng malayang
kalakalan. Subalit nahirapan nag dating Pangulong Marcos na maipatupad ang
flexible labor dahil sinalubong at binigo ito ng mga demonstrasyon at kilusang anti-
diktadura hanggang sa pagsiklab ng pag-aalsa sa EDSA noong 1986.
Buong-buo namang niyakap ng administrasyong Corazon C. Aquino ang neo-
libiral na globalisayon at kasunod nito ay ginawang bukas para sa mga dayuhan ang
mamumuhunan ang paggawa. Napagtibay ang patakarang neo-liberal sa
pagpapasabatas ng Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act
of 1991 na nagbigay ng buong laya sa daloy ng puhunan at kalakal sa bansa ay
nagsilbing malawak na impluwensya ng mga kapitalista upang ilipat ang kanilang
produksyon sa mga itinayong branch companies sa panahong may labor dispute sa
kanilang itinayong kompanya.
Sinusugan noong Marso 2, 1989 ang Labor Code- (PD 442) ni dating
Pangulong Marcos na kilala ngayong RA 6715 (Herrera Law) na isinulong ng dating
Senator Ernesto Herrera.
Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas sa pamumuhunan, kalalakalan
at batas paggawa ay madaling naipataw ng mga kapitalista ang patakarang mura at
flexible labor o kontraktwalisasyon.

Ang mga patakarang magpapalakas sa flexible labor tulad ng Department


Order No. 10 ng Department of Labor and Employment (DOLE) ito ay sa panahong
ng Administrasyong Ramos na naglalaman ng probisyong maaaring ipakontrata ang
mga trabahong hindi kayang gampanan ng mga regular na manggagawa; pamalit sa
mga absent sa trabaho, mga gawaing nangangailangan ng espesyal na kasanayan o
makinarya ang mga ito ay gawaing ginagampanan ng mga manggagawang regular.

5
Ang Department Order 18-02 ng DOLE ay sa panahon naman ng Administrasyong
Arroyo.
Naging isang malaking usapin ito kaya naman binalasa ang probisyon ng
Department Order No. 10 ng DOLE sa ilalim ng Department Order 18-02, isinaad
dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing makakaapekto
sa mga manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa kanila at ng
kanilang oras o araw ng paggawa; o kung ang pagpapakontrata ay makakaapekto sa
unyon gaya ng pagbabawas ng kasapi, pagpapahina ng bargaining leverage o
pagkahati ng bargaining unit.

Hindi nababayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa


batas na tinatamasa ng isang regular na manggagawa.
Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayun sa Collective Bargaining
Agreement (CBA) dahil hindi sila kasama sa bargaining unit.
Hindi sila maaaring bumuo o sumapi sa mga unyon dahil walang katiyakan
o pansamantala lang ang kanilang security of tenure.
Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong employee-employer
sa mga manggagawang nasa empleyo ng isang ahensya.

Taong 2011, ang Department


Order 18-A ng DOLE ay
naghayag ng patakaran ng
pamahalaan laban sa
pagpapakontrata kung saan
hinigpitan ang probisyong ng
pagpapakontrata, pinatingkad
ang usapin ng karapatan ng
mga manggagawang
kontraktuwal partikular na
ang seguridad sa trabaho o
pagka-regular at iba pang mga
karapatang tinatamasa ng
mga regular na manggagawa.

Mga Ilang Probisyon Tungkol sa Labor-only


Contracting

Department of Labor and Employment (DOLE)


Orders 10, s.1997; 18-02, s.2002; 18-A, s.2011

Ayon sa International Labor Organization (ILO)


ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na
malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.

6
ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang
bahagi ng grupo sa halip na mag-isa. - bawal ang lahat ng mga
anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapangaliping trabaho at
trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho
bungang ng pamimilit o ‘duress’.
bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan.
Samakatwi’d mayroong minimong edad at mga kalagayang
pangtatrabaho para sa mga kabataan.
bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay
na suweldo para sa parehong na trabaho.
ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at
ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng
pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa
makataong pamumuhay.

GAWAIN 2: KAALAMAN SURI


Ibigay ang mga hinihingi
Inisyal na Nalaman at Mga Patunay Pagbubuod ng
Kaisipan Tungkol pagwawasto sa kaalaman
sa Isyu ng iyong naging
Paggawa inisyal na kaisipan
1.
2.
3.
4.
5.
Mga Gabay na Tanong
1. Sa iyong palagay ano ang mga naging dahilan ng mga isyung ito?
2. Bakit kailangang maunawaan ng kabataang tulad mo ang mga usaping
tulad ng paggawa?
3. Magmungkahi ng isang posibleng solusyon para matugunan ang isyu sa
paggawa.

Investment Incentive Act of 1967 para ilunsad ang malayang kalakalan at


pamumuhunan sa ilalim ng patakarang neo-liberal.
Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act of 1991 na
nagbigay ng buong laya sa daloy ng puhunan at kalakal sa bansa
Department Order 18-02, isinaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng
mga trabaho at gawaing makakaapekto sa mga manggagawang regular na
magreresulta sa pagbabawas sa kanila at ng kanilang oras o araw ng paggawa.
Magiging masigla ang ekonomiya ng bansa kung ang lahat ng manggagawa ay
nagtatamasa ng pantay na karapatan na naaayon sa batas, nagagamit ng
mahusay ang kanilang potensyal at nakatatanggap ng sahod na naaayon sa
kanilang mga kakayahan.
7
GAWAIN 3: SANAYSAY
A. Panuto: Sumulat ng isang sanaysay ukol sa paksang nakasulat sa ibaba.

“Ang pagtatamasa ng pantay na karapatan ng bawat


mangagawa, ang dulot ay masiglang ekonomiya.”

Rubrik/pamantayan sa pagmamarka

Pamantayan Deskripsyon Puntos Natamong


Puntos
Nilalaman Kumpleto at hitik sa impormasyon. 40
Makabuluhan ang bawat talata.
Bisa ng wika Angkop ang mga piniling salita. 40
Mahusay ang nabuong kaisipan.
Kabuuang Naipaliwanag nang mahusay ang 20
presentasyon paksa.
Lohikal ang pagkakasunod ng
detalye.
Kabuuang 100
puntos

GAWAIN 4: KATANGIANG TAGLAY AMBAG SA PAG-UNLAD.


Panuto: Magtala ng mga katangiang dapat taglayin ng isang Pilipinong tulad mo
na sa iyong palagay makakatulong sa paglutas ng mga suliraning dulot ng mga isyu
ng paggawa at makakatulong sa pag-unlad ng bansa. Pangatwiran kung bakit sa
iyong palagay ang mga katangiang ito ay dapat na iyong taglayin.

8
A. Panuto: Ilagay ang mga nawawalang salita o parirala sa bawat patlang.
1. Ang mga mamamayan ay ang pinakamahalagang ____________ng bansa at
may malaking ambag sa pag-unlad ng bansa.
2. Buong-buo namang niyakap ng administrasyong Corazon C. Aquino ang na
___________ globalisayon at kasunod nito ay ginawang bukas para sa mga
dayuhan ang mamumuhunan ang paggawa.
3. Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas sa pamumuhunan, kalalakalan
at batas paggawa ay madaling naipataw ng mga kapitalista ang patakarang
mura at flexible labor o ____________________.
4. Ang mga patakarang magpapalakas sa ______________ tulad ng Department
Order No. 10 ng Department of Labor and Employment (DOLE).
5. _____________ sa panahong ng regimeng Marcos ang Preisdential Decree
(PD) 442 o Labor Code bilang patakarang pinaghanguan ng flexible labor.

B. Panuto: Pangatwiranan ang mga sumusunod na mga katanungan: ang bawat


bilang ay may kabuuang limang puntos para sa mahusay na pagbuo ng
kaisipan.
1. Paano maaaring makatulong ang pamahalaan upang mapalawak at
paramihin ang oportunidad para sa maayos na hanapbuhay ng mga
manggagawa?
______________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Hanggang sa kasalukuyan ba ay nakakaapekto ang mga isyu sa paggawa sa
kalagayan ng mga manggagawa? Paano ito nakakaapekto? Pangatwiranan.
______________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

9
Susi sa Pagwawasto

15. B
14. D
3. Doktor 13. C
2. Abogado 12. A
1. Teacher 11. B
Sektor ng Serbisyo 10. D
5. Pinagtibay 3. Minero 9. A
Labor 2. Inhenyero 8. A
4. Flexible Agent 7. A
isasyon 1. Call-Center 6. C
Sektor ng Industriya 5. C
3. Kontraktuwal
4. D
2. Neo-libiral 3. Pagtotroso
3. C
1. Yaman 2. Pangingisda 2. D
A. 1. Pagsasaka 1. B
Sektor ng Agrikultura
Pagsusulit
Pangwakas na Balik Tanaw Unang Pagsubok

Sanggunian

Araling Panlipunan10 Isyu at Hamong Panlipunan-Learner’s Manual

Prof. Judy M. Taguiwalo, PhD Mga Kontiporaryong Isyu ng Pilipinas Edisyon, 2015;
IBON Foundation Inc. 2015. IBON Center, 114 Timog Avenue, Quezon City,
Philippines

Mary Dorothy dL. Jose; Atoy M. Navarro; Jerome A. Ong; Vicente C. Villan, PhD.
KKK Serye 10 K to 12 Edisyon, 2017 Mga Kontimporaryong Isyu Vival Group, Inc

https://www.slideshare.net/edmond84/isyu-sa-paggawa

10

You might also like