You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Quarter 3- Modyul 10

Name of Teacher: Ryzel A. Babia Name of Observer: Merlisa A. Ravina, MTI


Grade and Section: Orchid-7 Date and Time Observed: April 19, 2022
Subject:ESP Duration: 1 hour
Enrolment (Set):SET B Actual Attendance: 12

I. Layunin:
Sa Araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Nakikilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi
tungo sa makabuluhan at maligayang buhay; (EsP7PB-Ivb-13.1)

2. Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang


magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga
pangarap; (EsP7PB-IVa-13.2) at
3. Naisasagawa ang paglapat ng pansariling plano sa pagtupad ng mga
minimithing kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanap-
buhay batay sa pamantayan sa pagbuo sa Career Plan. (EsP7PB-IVb-13.3)

II. Paksang Aralin


Tema: Mangarap Ka
Paksa: Pangarap at Mithiin
Sanggunian: SLM-Q3 Module 10
Kagamitan: Laptop, Speakers
Estratihiyang Ginamit: Inculcation

III. Gawain sa Pagkatuto


A. Pamamaraan
Panalangin

Pagbati

Pag che-check ng Attendance

Balik-aralan ang nakaraang talakayan sa pamamagitan ng Gawain.


Magtatanong ang guro kung ano ang tinalakay sa nakaraang sesyon.
(Tungkol sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga)
B. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng mga imahe tungkol sa Panaginip, Pantasya at Pangarap.

C. Paglalahad
Makikinig ang mga Mag-aaral ng kanta by After Image Band na ang titulo ay “Mangarap
Ka!”
(https://www.youtube.com/watch?v=8ycQqyHB8sg)

Mga tanong pagkatapos makinig sa kanta.


1. Ano ba ang tinutukoy nang kanta?
2. Ano ang mensahe ng kanta?
3. Mahalaga ba ng mensahe ng kanta?

D. Pagtatalakay

Ang taong may pangarap ay:


1.Handang kumilos upang maabot ito.
2.Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.
3.Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga pangarap.
4.Naniniwala na magiging totoo ang mga Pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito.
Mga Pamantayan sa Pagtatakda ng Mithiin upang magkaroon ng higit na pag-unawa sa pagtatakda ng
mithiin upang magkaroon ng higit na pag unawa sa pagtatakda ng mithiin. Susunod ang mga praktikal na
pamantayan:
1.Tiyak (Specific)
2.Nasusukat (Measurable)
3.Naaabot (Attainable)
4.Angkop (Relevant)
5.Mabibigyan ng Sapat na Panahon (Time-bound)
6.May Angkop na Kilos (Action Oriented)
E. Paglalahat
 Manonood ang mag-aaral ng Video tungkol sa Pangarap.
(https://www.youtube.com/watch?v=dobsAuQux1s)
 Susulat ang mga mag-aaral ng kanilang pangarap sa isang maliit na papel na hugis binhi ng bigas
bilang magsisilbing binhi na ididikit ng mga mag-aaral sa pisara at maglalagay ang guro ng imahe
nagpapakita nang tumutubong palay. Ito ay mag sisilbing inspirasyon upang abutin ang mga
pangarap nila na nagsisilbing binhi upang maging matagumpay sa buhay.

IV. Paglalapat

Magtatakda ang mga mag-aaral ng kanilang Mithiin, gamit ang mga Pamantayan sa
Pagtatakda ng Mithiin sa pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay.
Ang Titulo ng sanaysay ay “Ang Aking Mithiin”

V. Takdang Aralin
Mag search at Magbasa Tungkol sa Short Term Goal at Long Term Goal. Isulat sa kwaderno
ang mga mahahalagang punto.

Inihanda ni: Noted By:


Ryzel A. Babia Merlisa A. Ravina
T-1 MT-1

NIMFA A. CABALLERO
School Head

You might also like