Ms. Maureen Monzolin Tubig At Alon Natutulala, nababalisa Na umiibig sa isdang may'rong matang mapupungay Nagtataka kung bakit ganon na lang ba ang pasya? Bakit pag-asa'y ganoon na lang, binitawan
Nagdaan ang mga araw ang mangingisda'y nagtitiis
Ayaw mawala, kaya pagkagusto'y nabalewala Sana'y pagbigyan ng karagatan Na Kahit saglit ay pakinggan at pagkaabalahan
Bawat hagis ng alon ika'y naiisip
Tinatanaw, inuunawa, at pilit na sinisilip Sa pintoan na pilit ding binubuksan At sa pag-asang tuluyan mong winawakasan
Ang gusto ng puso ay malayo sa ganto
Na sa bawat pintig, bawat hikbi'y ikaw ang tinatamo Ngunit pagmamahal ay muli nang nagtago Parang tubig at alon, hinahangin, umaalon, at umaayon