You are on page 1of 2

SALUD, Cedric Drexl L.

Modyul 3 – Day 2
12 – St. Vincent de Paul Filipino sa Piling Larangan

BURADOR
I. Panimula

a. Sa paglipas ng mga taon, ang mga bayolenteng mga laro o bidyo games tulad ng GTA
V, Call of Duty, at iba pa ay patuloy na pinagdedebatihan ng iba’t-ibang mga tao at
eksperto kung it ba ay nakaaapekto sa kaugalian, pagiisip at sa mga nararamdamang
agresyon ng mga taong naglalaro nito.

b. Ayon sa mga professor sa Unebersidad ng Oxford, walang konkretong patunay na ang


mga bayolenteng laro ay mayroon kinalaman sa mga bayolenteng kaugalian ng mga
tao. Ayon din sa kanilang pag-aaral, walang kinalaman ang mga laro na ito sa
nararanasang agresyon ng mga tao. Ang American Psychological Institute naman ay
ikinunsidira na ang mga bayolenteng bidyo games ay isang malaking panganib na
maaring makaapekto sa agresibong kaugalian ng mga tao.

c. (Tesis) Kung kaya’t ang paglalaro ng mga bayolenteng laro at bidyo games ay hindi
dapat bawalan ngunit dapat itong kontrolin ng mga naglalaro at ang ng mga nakatatanda
upang maintindihan ng mga manlalaro ang mga peligro at epekto ng kanilang mga
lalaruin.

II. Paglalahad ng argumentong tumutuol o kumokontra sa inyong tesis

a. Nakasaad sa isang bill ng senado na ipinakilala ng dating senador na si Miriam


Defensor Santiago na maraming aral ang nagsasabi na ang mga menor de edad na
naglalaro ng mga bayolenteng bidyo games ay mas mataas ang peligro na magpakita
ng agresyon at mga bayolenteng kaugalian.

b. Ang estado ay maigiting na binabantayan at pinipigilan ang agresibo, bayolente, hindi


makasosyal na kaugalian at masamang sikolohikal na epekto sa mga menor ng mga
bayolenteng laro at upang mapigilan din na may masamang mangyari sa mga biktima
og magiging biktima ng mga bayolenteng menor.

c. Ayon sa mamamahayag na si Dave Graham sa isang artikulo galling sa ABS-CBN,


mayroon isang 11-anyos na lalaki ay pumunta sa isang paaralan at binaril at napatay
ang kanyang at dahil sa kanyang mga kagagawan, nasugatan ang 6 pang katao bago
niya pinatay ang kanyang sarili. Ang sabi ng mga local na opisyal ng siyudad ng namaril,
maaaring impluwensya at epekto raw ito ng paglalaro ng bayolenteng mga laro.

III. Paglalahad ng iyong posisyon o pangangatwiran sa Isyu


a. Ang paglalaro ng mga bayolentong bidyo games ay hindi dapat bawalan dahil ito’y
nakapagbibigay ng angking kasayahan, paglilibang at kita para sa mga iba’t-ibang tao,
ngunit dapat itong kontrolin ng mga mas nakaaalam o mas nakatatanda. Ayon sa isang
parenting expert na si Teresa Gumap-as Dumagdag, masusing pagbabantay dapat ang
ginagawa upang maiwasan ang masasamang epektong dala ng mga larong may mga
bayolenteng tema, na dapat lang ay para sa mga mas nakakatanda.

b. Ayon sa Bill ng Senado 1803 sa ika-16 na Kongreso ng Pilipinas na ipinakilala rin ni


dating senador Miriam Defensor Santiago, mayroong pagaaral ang isang Amerikanong
Sikologo na si Dr. Phil McGraw, ang mga magulang ay maaring bawasan ang mga
maaaring peligro at sakuna na maaring maging dulot ng paglalaro ng mga bayolenteng
bidyo games at mga uri ng laro na tinatangkilik ng kanilang mga anak.

c. Ayon naman naman sa Bill ng Senado 7909 sa ika-17 na Kongreso ng Pilipinas na


ipinakilala Rep. Rodel M. Batocabe, Rep. Alfredo A. Garbin at Rep. Christopher S. Co,
kailangan bigyan ng gabay at impormasyon ng mga magulang ang kanilang mga anak
ukol sa mga mga maaaring mga epekto ng iba’t-ibang bidyo games. Nakalaad din ditto
na kailangang pangalagaan ang mga larong ito upang pasiguradong ang mga
maseselang na tema, karahasan at iba pa ay hindi malaro maranasan ng mga bata na
wala pa sa naaayong edad.

IV. Konklusyon

a. Kung susumahin, ang argumento na ang mga bayolenteng bidyo games ay nagiging
sanhi ng iba’t-ibang mga agresibo at bayolenteng kaugalian ng ibang tao, ito ay tama at
maraming aral ang makakapagpatunay dito at kasama na diyan ang pananaliksik nina
Anderson at Dill na naglalahad na sa tuwing mayroong taong naglalaro ng bayolenteng
bidyo games, nagkakaroon ng iskrip sa kanilang isipan na naguudyok sa kanila na
magkaroon ng agresibong ugali sa iba at lalo na sa kanilang mga kalaro.

b. Kaya’t kailangan maging responsible ng mga magulang at mga manlalaro sa mga bidyo
games na kanilang lalaruin upang maiwasan ang mga maaaring maging masamang
epekto nito sa kanilang mga kaugalian at sa mga gawain. Dapat sundin ang mga
panuntunan ukol sa mga dapat at hindi dapat laruin naaayon sa edad.

c. Dapat natin isa-isip ang mga maaring maging epekto ng paglalaro ng mga bayolenteng
bidyo games. Kaya upang maiwasan ang mga peligro at sakuna at upang hindi mawala
ang pinagkakalibangan ng mga tao, huwag dapat ipagbawal ang paglalaro ng mga
bayolenteng bidyo games ngunit dapat itong isaayon sa edad at kontrolin ng mga
nakaaalam o nakatatanda at lalo nan g mga manlalaro.

You might also like