Paano mo mabibigyang solusyon ang nasabing isyung panlipunan na may
kinalaman sa pagbasa?
Upang matugunan ang isyu ng Pilipinas na may pinakamababang pag-
unawa sa pagbasa sa 79 na bansa, naniniwala akong dapat manawagan tayo sa pamahalaan na magtatag sila ng programa sa pagbabasa sa bawat paaralan. Pagbutihin ang mga larangang pang-akademiko, lalo na ang pagbabasa. Dapat din silang maglaan ng pondo para sa mga libro, na tiyak na mapapakinabangan ng mga kabataan. Dahil ang pagbasa ay isang paraan ng pagkuha ng impormasyon, dapat pahalagahan ng mga mag-aaral ang pagsulat bilang isang paraan ng pag-oorganisa ng mga ideya o impormasyong napupulot sa pagbasa.
Sa aking munting kontribusyon sa pagtugon sa isyung panlipunan ng
pagbasa, nais kong ipaalam o turuan ang aking mga kapwa mag-aaral tungkol sa mga uri ng pagbabasa tulad ng Intensibong pagbasa, Extensibong pagbasa, Iskaning, Iskiming, Kaswal na pagbasa, at Previewing.