You are on page 1of 3

Larangan- Batsilyer ng Edukasyong Pangsekundarya – Medyor sa Filipino

 1.    Abilidad– Ay isang kasanayan o kakayahan upang gawin ang isang bagay o gawain.

 2.    Akademiko– May kinalaman sa pag-aaral o edukasyon.

 3.    Aktibidad – Ito ay mga Gawain na ibinibigay ng isang guro sa mga mag-aaral o estudyante tuwing may klase.

 4.    Aktitud – Sa salitang ingles ito ay attitude o pag-uugali naman sa salitang tagalog. Ito ay ang ipinapakita natin sa
ibang tao at dahil dito nalalaman kung anong klase tayo ng tao at kung paano tayo makisalamuha sa iba. ipinapakita
natin sa ibang tao at dahil dito nalalaman kung anong klase tayo ng tao at kung paano tayo makisalamuha sa iba.

 5.    Analisis– Nauukol na sa hinimay na sinuring mga komponent.

 6.   Antas – Tawag sa lebel na kinabibilangan ng isang mag-aaral.

 7.    Asignatura - Pinag-aaralan ng mga magaaral at itinuturo ng mga guro.

 8.   Aspeto – Ito ay nangangahulugan ng natatanging bahagi o anyo ng isang bagay.

 9.   Awtentiko – Tunay na bagay, babasahin, o pamamaraan ng pagtaya.

 10.  Dalubhasa – Ito ay ang mga eksperto. Ang salitang dalubhasa ay karaniwang tumutukoy sa isang tao na mayroong
natatangi at magaling na kakayahan para sa isang Gawain o larangan.

 11.   Disiplina – Ang nararapat na pagkilos, pagsasalita at pag-iisip ng tama ng isang mag-aaral.

 12.   Edukasyon - Karunungan na kailangan pag daanan ng mga mag-aaral.

 13.   Ekstrinsik – Tumutukoy na panlabas na bagay, salik, o elemento.

 14.   Etika – Batayan sa pagkilos ng kung ano ang mga tama o mali ayon sa napagkasunduan ng lipunan.

 15.   Guro – Ang nagtuturo at gumagabay sa mga mag-aral sa loob ng paaralan.

 16.   Holistik – Tumutukoy sa pagbuo o kabuuan.

 17.   Intrinsik – Tumutukoy sa panloob na bagay, salik o elemento.

 18.   Kaalaman – Karunungan nakukuha ng isang mag-aaral sa loob ng paaralan.

 19.   Kakayahan – Kapasidad na ipinapakita ng isang mag-aaral.            

 20.   Kawani – Ito ay ang mga taong naglilingkod, mga empleyado o tauhan sa isang organisasyon o kompanya.

 21.  Kolukyum – Ito ay pulong na may talakayan at seminar na nagpapanayam ang iba-ibang tagapagsalita.

 22.  Komento – Ito ay ang salitang iyong nalalaman,naiisip o maaari rin na ito ay ang mga bagay na gusto mong ibahagi
sa ibang tao.

 23.   Kompiyansa– Sa salitang ingles ito ay confidence. Ito ay ang pagtitiwala sa sarili at sa Diyos na kaya mong
humarap sa kahit anong suliranin o problema. Halimbawa nito ay pagharap sa klase na kahit kabado ay kinakaya pa rin.

 24.  Komprehensiyon – Ito rin ay tinatawag na pagkakaunawa. Ito ang pag-unawa, pag-iintindi, o pagbibigay-
kahulugan sa nilalaman ng teksto.

 25. Komunikasyon – Ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng


karaniwang sistema ng mga simbolo.

 26.  Konteksto – Ay isang salitang ginagamit upang ilarawan ang buod ng isang bagay na nais iparating.
 27.   Kurikulum– Ang listahan ng asignatura na aaralin ng mga mag-aaral na angkop sa antas ng kanilang edukasyon.

 28.   Mag-aaral – Ang tawag sa mga pumapasok o nag-aaral sa isang paaralan.

 29.  Mamamahayag - ay isang tao na nagtitipon, nagsusulat at namamahagi ng balita o iba pang kasalukuyang
impormasyon.

 30.   Paaralan – Pisikal na istraktura kung saan nag-aaral ang mga mag-aaral at nagtuturo ang mga guro.

 31.   Pagbabahag ng mga kaisipan – Sa wikang ingles ito ay ang brainstorming. Ang brainstorming  ay tumutukoy
sa  isang proses na kung saan ang mga tao ay nagkakaroon ng palitan ng ideya ukol sa isang paksa.  

 32.  Pagsasaling wika – Ito ay isang malaking salamin sa ating sining. Ito ay ang paglilipat sa pinagsasaling-wika sa
pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensahe ng wikang isinalin. Ang pagsasaling-wika ay isang paraan ng
pagpapayaman ng bokabularyo.

 33.   Pagsusulit – Sukatang ng kaalaman at kakayahan ng isang mag-aaral tungkol sa isang particular na paksa.

 34.   Pagsusuri – Ay tumutukoy sa masusing pag-aanalisa at pag-aaral upang mabigyan ng matibay na impormasyon at
solusyon ang suliraning kinakaharapan.

 35.   Pagtataya – Sistema ng pagkalap ng impormasyong magiging batayan ng pagsusuri ng kinalabasan ng proseso ng
pagtuturo at pagkatuto.

 36.  Pakikipagtalastasan – Ay isang uri ng komunikasyon kung saan nagpapalitan ng ideya at koro koro ang mga taong
nagtatalakayan. Mahalaga ito dahil malayang nasasabi ng tao ang kanilang saloobin o anumang iniisip na may kinalaman
sa paksang tinatalakay.

 37.   Pamamaraan – Panlahat na pagpaplano para sa sistematikong paglalahad at paglinang ng wika at nababatay sa
dulog o lapit.

 38.  Panitikan – Ito ay tinatawag din na panulatan at ito ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay
sa isang tao.

 39.  Patnugot – Ito rin ay tinatawag na editor ang isang taong namamatnugot. Sa isang diwa, nagmumula ang proseso
ng pamamatnugot sa ideya para sa mismong akda at nagpapatuloy sa ugnayang nasa pagitan ng may-akda at ng
patnugot.

 40.   Peminismo– Nauukol sa paksang pangkababaihan.

 41.   Portpolyo – Koleksyon ng mga Gawain na nagpapakita ng kalipunan ng mga Gawain ng mag-aaral.

 42.   Rubrik – Set ng mga pamantayan sa pagmamarka ng magkakaibang antas ng produkto at proseso ng pagkatuto.

 43.   Salik – Mga elemento o komponent; kadalasang tinutukoy kapag pinag-uusapan ang mga bagay na nakaaapekto.

 44.   Suring basa – Ang kahulugan ng terminong ay tumutukoy sa pagbibigay ng suri sa isang teksto o akda na nabasa.
Book review ang direktang ibig sabihin nito sa wikang Ingles.

 45.   Tagapagsanay – Isang tao na gumagabay sa isa pang tao para sa pagpapaunlad ng kanyang pisikal na kalakasan at
isang direktor ng mga atleta para sa pagsasanay at mga aktibidad.

 46.   Takdang-aralin – Ang takdang aralin ay gawaing itinakda sa isang mag-aaral na tinatapos sa tahanan.

 47.  Talaan - Dito nakasulat ang nilalaman ng isang bagay katulad ng listahan. Maaaring tumukoy ang talaan o listahan
sa. Talaan (talaang aklat), isang aklat na naglilista ng tala. Talahanayan, magkakasamang elementong datos.

 48.   Teknik – Mga tiyak na Gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo at naaayon o tumutugon sa pamamaraan o
dulog.
 49.   Teorya – set ng mga paniniwalang kadalasan ay batay sa obserbasyon, analisis at pag-aaral.

 50.   Wasto – Ito ay kasingkahulugan ng tama. Ito ay kabilang sa mga positibong pang-uri
na maaaring naglalarawan sa isang gawaing naaayon.

You might also like