You are on page 1of 1

P3.

1-M scholarship grant inilaan para sa kabataan, pagpapayabong ng organikong pagsasaka sa


CALABARZON

Aabot sa tig-P315,000 tulong-pinansiyal mula sa Department of Agriculture (DA) ang nakalaan para
sampung kabataan ng CALABARZON na mapapabilang sa programang Youth Scholarship Grant on
Organic Farming 2023-2024.

Ang naturang programa ay naglalayong mapalawig ang organikong pagsasaka at mahikayat ang mga
kabataan na pahalagahan at isabuhay ang mga pamamaraan sa larangan.

Sasailalim ang mga iskolar sa 21 buwang pagsasanay kung saan sila ay sasanayin sa mga pamamaraan ng
organikong pagsasaka.

Katuwang sa implementasyon ng programa ang limang Learning Site for Agriculture o Organic/Chemical
Free Farm Partners sa rehiyon. Sila ay makakatanggap tig-P210,000 bilang internship/mentoring fee. Ang
mga kwalipikadong Farm Partners ay magkakaroon ng tig-dadalawang mentee o scholars na kanilang
tuturuan ng mga kaalaman at pamamaraan sa organikong pagsasaka.

Hinihikayat ng DA Region IV-CALABARZON (DA-4A), DA-National Organic Agriculture Program, at DA-


Agricultural Training Institute CALABARZON ang lahat ng interesadong kabataan at kwalipikadong Farm
Operators na magsumite ng kani-kanilang aplikasyon.

Ipinapabatid sa lahat ng interesado na maaari na lamang magsumite ng aplikasyon hanggang sa ika-31 ng


Enero.

Para sa karagdagang impormasyon makipag-ugnayan sa pamunuan ng DA-4A at ATI CALABARZON. ####


(Jayvee Ergino, DA-4A)

You might also like