You are on page 1of 11

UNANG MARKAHAN

LAGUMANG PAGSUSULIT #1
MOTHER TONGUE -II

Talahanayan ng Ispisipikasyon

Bilang ng Lugar ng Aytem


Blooms Taxonomy Aytem
LAYUNIN BILANG NG
ARAW

Ebalwasyon
Pagsusuri

Paggawa
Nakapagpapakita ng
kawilihan sa pakikinig
at pagbasa ng kuwento
1-5 / / / / 10 1-10
at makapagbibigay
komento o reaksyon.
MT2OL-Ia-6.2.1

Nakababasa ng mga
salitang binubuo ng
maraming pantig. 1-5 / / / 10 11-20
MT2PWR-Ia-b-7.3

Total 10 20 1-20

Inihanda:

RICA M. LAMIGO
Teacher I
Unang Markahan
Unang Lagumang Pagsusulit sa Mother Tongue 2

Pangalan:_______________________________________________Petsa: ________________

I- Panuto: Gumuhit ng puso sa patlang batay sa angkop na reaksyon na dapat


mong gawin. 

1. Nadapa ang kamag-aral mo. Hindi siya makatayo.

____ a. Pagtatawanan ko siya   ____ b. Lalapitan ko siya at tutulungan

2. Nasunog ang bahay ng isa mong kaibigan . Ano ang gagawin mo?

____ a. Tatanungin ko siya kung bakit sila nasunugan. ____b. Bibigyan ko siya ng damit

3. Dumating galing sa trabaho ang iyong tatay.  ____ a. Itutuloy ko ang paglalaro.  ____b.
Magmamano ako sa kanya

4. Nakita mong napapagod ang iyong guro at marami pa siyang ginagawa.

____a. Maglilinis ako ng silid-aralan ____b. Makikipaglaro ako sa aking kaklase.

5. May nakita kang mga bata na namamalimos sa lansangan.

____a. Kakausapin ko sila at bibigyan ng limos ____b. Tutuksuhin ko silang mga pulubi.

II- Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung angkop ang reaksyon na ginawa at Mali kung hindi. 
_________6. Hinahatian ko ng baon ang aking kamag-aral.

________ 7. Ang mga batang mayayaman lang ang gusto kong maging kaibigan.

________ 8.Tinutulungan ko ang kaklase na nahihirapan sa aralin.

________ 9.Masaya kong tinatanggap ang aking mga pinsan sa aming tahanan.

________ 10.Binabati ko ng Magandang Umaga ang aking guro.

III- Panuto: Basahin ang mga salita at pantigin. Isulat sa patlang ang bilang ng kanilang pantig.

Halimbawa:  4 paaralan = pa-a-ra-lan

____11. ginagaya  =   ___ - ___ - ___ - ___

____ 12. mapagbigay =   ___ - ___ - ___ - ___

____ 13. tipaklong =   ___ - ___ - ____

____ 14. insekto =   ___ - ___ - ___

____ 15. tumatalon =   ___ - ___ - ___ - ___ 

IV- Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Guhitan ang pinakamahabang salita at isulat sa
patlang.

16. Ipinagbabawal ang pagsusunog ng mga puno upang gawing uling. __________________

17. Ingatan ang ating kapaligiran. _________________


18. Ako ay magtatanim ng mga puno taun-taon. ______________________
 
19. Tutulong ako sa pangangalaga ng mga puno at halaman ________________

20. Ang pagkakaisa ay mahalaga sa pamilya. ______________

Parent’s Signature: _______________________________


Date: __________________________________________

UNANG MARKAHAN
LAGUMANG PAGSUSULIT #2
MOTHER TONGUE -II

Talahanayan ng Ispisipikasyon

Bilang ng Lugar ng Aytem


Blooms Taxonomy Aytem
LAYUNIN BILANG NG
ARAW

Ebalwasyon
Pagsusuri

Paggawa
Nakapagpapahayag ng
iyong sariling kaisipan sa
pamamagitan ng
paggawa ng poster (hal.
1-5 / / / 10 11-20
karakter profayl, mga
balita, mga nawawalang
gamit) gamit ang mga
kuwento bilang lunsaran.
MT2C-Ia-i-1.4
Nakapag-uuri ng mga
salitang ngalan ayon sa
1-5 / / 10 1-10
iba’t ibang kategorya-tao,
bagay, hayop at lugar.
MT2GA-Ib-3.1.1
Total 10 20 1-20

Inihanda:

RICA M. LAMIGO
Teacher I
Unang Markahan
Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa MOTHER TONGUE II

Pangalan:_____________________________________________________Petsa: ______________

I- Basahin ang kwento at sagn ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Ang Magkapatid
Sumapit na naman ang bakasyon. Nagkasundo ang magkapatid na Akira at Akina na
magtanim ng mga gulay tulad ng talong, okra, kamatis, petsay, labanos, kamote at mustasa sa
kanilang bakuran. Araw-araw ay dinidiligan at inaalisan nila ng damo ang mga pananim. Hindi nila
hinayaang masira ito ng mga kulisap. Kinakausap nila ang kanilang mga pananim upang magbunga
ng marami. Natuwa ang magkapatid nang maitinda nilang lahat ang mga inaning gulay sa palengke.
Hindi na iisipin pa ng kanilang magulang ang pambili ng mga kagamitan para sa kanilang pag-aaral.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


a. Ang Magulang b. Ang Magkapatid c. Ang Kapitbahay
2. Sino ang magkapatid sa kuwento?
a. Alma at Alena b. Ara at Ana c. Akina at Akira
3. Aling salita sa kwento ang tumutukoy sa pook o lugar?
a. bangko at palengke b. bakuran at palengke c. bahay at plasa
4. Hindi nila hinayaang masira ito ng mga kulisap. Anong ngalan ng hayop ang tinukoy sa
pangungusap?
a. kabayo b. kalabaw c. kulisap
5. Anong salita sa kuwento ang tumutukoy sa ngalan ng bagay?
a. gulay b. dinidiligan c.bakuran

II- Basahin ang mga nakatalang ngalan. Isulat sa patlang ang letrang (T) kung tao, (B) kung
bagay, (H) kung
hayop, (L) kung lugar at (P) kung pangyayari.
______ 6. kabayo
______ 7. Araw ng mga Patay
______ 8. guro
______ 9. lapis
______10. Paaralan

III- Tama o Mali: Isulat and TAMA kung wasto ang pahayag at MALI naman kung hindi.

______ 11. Bawat isa ay maaring makapagpahayag ng kanyang saloobin sa iba’t-ibang paraan.
______ 12. Ang poster ay isang iginuhit na larawan na nagpapahayag ng kaisipan o impormasyon.
______ 13. Maaring gumamit ng iba’t-ibang hugis, kulay at simbolo sa paggawa ng poster.
______ 14. Mahalaga na maunawaan ang mensahe ng isang kuwento o larawan upang maipahayag
mo ang iyong
kaisipan tungkol dito.
______ 15. Sikaping maging malinis at maayos ang kabuuan ng ginagawang poster.

IV- Batay sa kuwento, igawa ng karakter profayl si Boyet. Gamitin ang detalye sa kahon bilang
gabay.

Bata pa si Boyet
Si Boyet ay isang pitong taong gulang na bata. Tuwing Sabado, lagi siyang naglalaro sa labas
ng kanilang tahanan kasama ang kanyang mga kaibigan. Magaling umawit si Boyet at marunong
siyang tumugtog ng gitara. Pag-uwi niya sa bahay, nagpapatimpla siya ng orange juice sa kanyang
ina sapagkat paborito niya ito. Pagkatapos ay manonood siya ng telebisyon hanggang sa makatulog at
makapagpahinga.
Ang Karakter Profayl ni Boyet

Pangalan: _______________________
Edad: ________ Kasarian: _________
Kaarawan: __________
Mga Hilig: ____________________
____________________
____________________

Parent’s Signature: ________________________________


Date: ___________________________________________
UNANG MARKAHAN

LAGUMANG PAGSUSULIT #3
MOTHER TONGUE -II

Talahanayan ng Ispisipikasyon

Bilang ng Lugar ng Aytem


Blooms Taxonomy Aytem
LAYUNIN BILANG NG
ARAW

Ebalwasyon
Pagsusuri

Paggawa
Napag-uuri ang mga
salitang ngalan ayon sa
iba’t- ibang kategorya -
1-5 / / / / 10 1-10
tao, bagay, hayop , lugar
at pangyayari (MT2GA-lb-
3.1.1)

Nakabubuo ng mga
pangungusap gamit ang
mga salitang nilinang sa 1-5 / / / / 10 11-20
kuwento sa
makabuluhang konteksto

Total 10 20 1-20

Inihanda:

RICA M. LAMIGO
Teacher I
Unang Markahan

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa MOTHER TONGUE2

Pangalan: ______________________________________________________Petsa:____________

I- Tukuyin ang mga ngalan na nasa kahon, isulat sa tsart ang ngalan ng mga salita ayon
sa uri nito.

TAO BAGAY HAYOP LUGAR PANGYAYARI

1. 3. 5. 7. 9.

2. 4. 6. 8. 10.

ninang gagamba Pasko


aklat ahas kasal pari
palengke gunting simbahan

II- Basahin at unawain ang kwento. Kilalanin ang mga may salungguhit na salita ayoon sa
pagkakagamit sa pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang.

Ang Maghapon ni Juan


Araw-araw ay maagang gumigising si Juan upang maghanda sa pagpasok sa paaralan.
Suot niya ang kumpletong uniporme at di-kailanman nahuhuli sa klase. Pagdating sa paaralan ay
magiliw niyang binabati ang kanyang guro at mga kamag-aral. Aktibo siyang nakikinig sa klase.
Sabay silang umuuwi ng kanyang matalik na kaibigan na si Pedro. Pagdating sa bahay ay
gagawin na niya ang kanyang mga takdang-aralin at tutulong na sa gawaing bahay. Araw-araw
ganito ang gawain ni Juan.

_______________________11. Suot niya ang kanyang kumpletong uniporme.

_______________________12. Magiliw na binati ni Juan ang kanyang guro at mga kamag-aral.

_______________________13. Magkasabay na umuwi ang matalik na kaibigan.

_______________________14. Siya ay aktibo sa loob ng klase.

_______________________15. Maagang pumapasok si Juan sa eskwelahan.

malapitpaaralan
damit na pamasokmasigasigmasaya

III- Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Maalinsangan ang panahon ngayong tag-init.


a. malamig b. masarap c.mainit
2. Kinuha ni Ivy ang lampara upang maging tanglaw sa gabing madilim.
a. kalan b. ilawan c. upuan
3. Si Princess Jemimah ay galing sa maharlikang angkan.
a. mayaman b. mahirap c. mataba
4. Paslit pa lamang si Kiko noong pumanaw ang kanyang mga magulang.
a. matanda b. binata c. bata
5. Ibinahagi ni Kyle ang labis niyang baon sa kanyang kaibigan.
a. kaunti b. sobra c. kulang

Parent’s Signature ________________________________


Date ___________________________________________
UNANG MARKAHAN

LAGUMANG PAGSUSULIT #4
MOTHER TONGUE-II

Talahanayan ng Ispisipikasyon

Bilang ng Lugar ng Aytem


Blooms Taxonomy Aytem
LAYUNIN BILANG NG
ARAW

Ebalwasyon
Pagsusuri

Paggawa
Nakababasa ng mga
5    5 1-5
salitang may kambal-
katinig at diptonggo.
Nakatutukoy ng kasarian ng
pangngalan. MT2GA-Ic-
2.1.2 5     15 6-20

Total 10 20 1-20

Inihanda:

RICA M. LAMIGO
Teacher I

Unang Markahan
Ikaapat na Lagumang Pagsusulit sa MOTHER TONGUE 2

Pangalan: _____________________________________________________ Petsa : _________________

I. Bilugan ang letra nang wastong sagot.

1. Nagbigay ng sulat si Placida sa kanyang guro. Aling salita ang may kambal-katinig?
a. guro b. Placida c. guro
2. Alin sa mga sumusunod ang salitang may klaster?
a. prutas b. sawa c. ninong
3. Sino ang tinutukoy na anak na babae ng isang hari?
a. prinsesa b. gripo c. drayber
4. Aling salita ang may wastong baybay?
a. prensesa b. dragun c. grasa
5. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang sa pangkat?
a. rehiyon b. braso c. grasa

II. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salitang may kambal-katinig upang mabuo ang
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

6. Paboritong paglaruan ni Boboy ang _________.


7. Ang ___________ na yantok ay matibay.
8. Ang ___________ ay pinag-iimbakan namin ng tubig.
9. Ang ___________ ay ginagamit na panghakot ng graba, bato at buhangin.
10. Ang kubo ay maraming ________

III.Panuto: Piliin ang angkop na kasarian ng pangngalan. Lagyan ng tsek ( √ ) ang kahon.

11.

12.

13.

14.

15.

IV.Panuto: Piliin sa ibaba ang wastong kasarian ng pangngalang may salungguhit sa pangungusap. Isulat
ang titik ng tamang sagot.

L – panlalaki B – pambabae D – di-tiyak W – walang kasarian

______ 16. Ang unan ay malambot.


______ 17. Masipag ang aming guro.
______ 18. Siya ang tunay kong kaibigan.
______ 19. Ang aking kuya ay malakas.
______ 20. Ang lola ko ay mabait.

Parent’s Signature:_________________________________
Date: ___________________________________________

You might also like