Professional Documents
Culture Documents
Sample Lesson Plan in Esp
Sample Lesson Plan in Esp
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY
Davao City
LEON GARCIA SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Leon Garcia Sr., Agdao, Davao City
Tel No. (082) 225-2072
IKALAWANG ARAW
I. LAYUNIN
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng angkop na pagpapasya tungo sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos-
loob.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. EsP7PSIa-5.2
Isulat ang code ng bawat 2. Nakabubuo ng pasya batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos -loob sa pamamagitan mga ibinigay na
kasanayan
sitwasyon o pangyayari.
3. Nakababatid ng kahalagahan ng pagsusuri ng sitwasyon bago magsagawa ng isang pagpapasya.
II. NILALAMAN
A.Sanggunian
A.Balik-aral sa nakaraang aralin Tatawag ng tatlong mag-aaral na magbabahagi ng kanilang natutuhan sa nakalipas na gawain
at/o pagsisimula ng bagong hinggil sa mga naitalang dapat gawin para lubusang magamit ng tama ang isip at kilos-loob.
aralin Magbigay ng mga halimbawa ng mga sitwasyong nagpapakita ng kakayahan ng taong makapag-
isip at magpasya para sa kanyang sarili at kapwa.
B.Paghahabi sa layunin ng aralin Gamit ang Wall of Knowledge na nakasulat sa Manila paper at nakapaskil sa pisara, isusulat ng bawat mag-aaral ang mahahalagang konsepto
tungkol sa isip at kilos-loob na tinalakay ng nakaraang araw. Tumawag ng tatlong mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot
C. Pag-uugnay ng mga A. Panoorin ang 3 video clips ukol sa pagpapasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at
halimbawa sa bagong aralin kilos-loob. Mula sa napanood, ilagay ang iyong sarili sa sitwasyon sa pamamagitan ng pagpuno
sa speech balloons gabay ang sumusunod na pahayag at mga tanong. Isulat ang sagot sa
notbuk at tumawag ng tatlong mag-aaral na magbabahagi.
1. Isulat sa loob ng speech balloon ang dapat isipin sa sitwasyon.
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Wattpad mode!
bagong kasanayan Basahin ang isang kuwentong tungkol sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob at pagkatapos ay
sagutin ang inihandang katanungan batay sa kuwentong binasa.
MGA TAUHAN:
Yuki Lim dela Vega
Narration:
May dalawang pamilyang may magkaibang estado sa buhay. Ang mga dela Vega na siyang nagmamay-
ari ng isang Hacienda, isang Academia at may napakaraming negosyo. Samantala, ang mga Lim ay siyang
kabaligtaran sa buhay ng mga dela Vega. Sa di-inaaasahang pagkakataon, ang dalawang pamilyang ito ay
pinagtagpo ang landas. Ano kaya ang mangyayari? Tunghayan po natin ang isang dula kung saan naipakikita
ang tamang paggamit at pagsasabuhay ng tunay na kahulugan ng isip at kilos-oob.
~ SA LOOB NG BAHAY~
Yuki: Nay! May maganda akong balita !
Sandy: Hoy, ate! Wala ng mas gaganda pa kaysa sa akin no’!!
Xander: Mabuti.... Mabuti.... Mabuti..
Lhoida: Eh.. Anak.. Paano ang pag-aaral mo?
Xander: Kahangalan Lhoida! Aral-aral.. Bakit? Nakakain ka ba sa pag-aaral?
Lhoida: P-pero...
Yuki: Okay lang po nay.. Pagsasabayin ko na lang po.
Lhoida: Anak....(Nginitian lang ni Yuki ang ina)
~SA MANSION~
+++ Nagtrabaho si Yuki sa bahay ng mga Dela Vega. Palagi naman siyang inaapi ni George++++ ( habang
nagtatrabaho si Yuki)
George: Hoy, Dukha! Ipaghanda mo nga kami ng pagkain.
Yuki: Opo!
Yanna: George! Wag ka ngang ganyan kay Yuki! Ang bastos mo!
George: Bakit ate Yanna? Dukha naman talaga sya ah! I’m just stating the Fact!
Yanna: ‘Wag mo na lng patulan ‘yang baklang yan! Hoy! GREGORIO! HALIKA DITO!
George: Loka ka! Don’t you ever call me with that name! Call me George!
Yanna: Ok Gregorio! (lalong nainis si George) (habang gumagawa ng pagkain)
Donya Mexy: Oh! Ija! Mukhang masarap yan ah….
Yuki: Ay! Donya Mexy! Kayo po pala…
Donya: I just want to thank you for being so loyal to us…
Yuki: Wala po ‘yun! Mababait naman ho kayo!
Donya: As a reward …. Here….
Yuki: Cellphone????? Pero Donya…. Hindi ko po ito matatanggap….
Donya: Tanggapin mo ‘yan or sisante ka!
Yuki: S-salamat po….
Donya: Oh! Sige …. Ipagpatuloy mo ‘yang ginagawa mo…..
Yuki: Salamat po ulit….
~AFTER A WHILE~
Yuki: Don Sir Isaac…..Magandang gabi po….
Don: Magandang gabi din…..
Yuki: Sandwich po!
Don: Ay salamat…. Ahmmmm …Yuki!
Yuki: Po!
Don: Tungkol sa Exam …. You got the highest score…. Congratulations!….
Yuki: Salamat po….
~SA KUSINA~
George: So….. You’re seducing my family? ....
Yuki: Hah? Wala akong alam sa sinasabi mo…
George: Liar! Maghanda ka sakin!
Yuki: P-pero….
George: (walk out)
~SA BAHAY NINA YUKI~
Yuki: Magandang gabi po….
Xander: Anong maganda sa gabi! Pera! Dali!
Yuki: I-ito po….
Yuki: Magandang gabi ‘nay…
Lhoida: Magandang gabi din….
Sandy: Paypay nay!
Yuki: Ito po nay…. Pinagtabi ko po para sa inyo!
Lhoida: Naku! Sa iyo na ‘yan…
Yuki: Hindi po…. Para sa inyo talag ‘yan….
Lhoida: Salamat dito… Hinahanap ka pala ni Larah….
Yuki: Sige po… Pupuntahan kop o siya…
~LARAH at YUKI~
Yuki: Best!
Larah: Oh, Best! Kumusta?...
Yuki: Ok lang… pagod…
Larah: Ano ba talaga?
Yuki: Pwede both??? Hahahah .. (usap-usap)
Larah: Sabay tayo bukas!
Yuki: Oh! Sige ba!
Larah: Sige! Kitakits!
Yuki: Bye! (Sabay unat!) Hay… makapagpahinga na nga…
~KINABUKASAN~ Larah: Tara! Yuki:Tara!
( BOOOGGSSHHH) Emily: Bulag ba kayo!
Larah: Try ninyo nga magpa-check –up! Hahahah…
George: Ang laki ng daan… nabangga ninyo pa kami!
Yuki: Kahit pa isang kilometro pa ang lawak ng daanan at kung pakalat-kalat ang mga salot! Sisikip talaga ‘to!
Ang lawak at ang laki kasi ng sungay ninyo….hahahahhahahhah…
~SA KLASE~
Lahat: Good morning Professor Sir Isaac!
Prof: Good morning! Take your sits…. Ok, Listen! Our new topic is all about isip at kilos-loob …..
What these things mean???
Georgio: Matteo do??
Lahat: Hahahahhahahahhahahahhah….
George: So what???? Gwapo naman talaga siya!
Prof: Stop it Gregorio! We are in the class… Itigil mo ‘yang kalandian mo! Kakahiyaan ka! GET OUT!
Emily: Girl wait!
Larah: Buti nga sa baklitang ‘yan! Blehhhh!:p
Yuki: pfffttt.. tigil mo yan Larah!
George: Humanda ka Yuki! Matitikman mo ang kamandag ng isang dela Vega!
Emily: Tama ka girl! The revenge of the beautiful one….Bwahahahahahha …( evil laugh)
~SA SABUNGAN~
Pare 1: Oh! Pare! Pusta ka???
Xander: Oo naman…
Pare1: Mabuti naman at papusta-pusta ka lang…
Xander: Anong ibig mong sabihin?
Pare 1: Balita sa bayan na inaapi ng mga dela Vega ang anak mo! Hindi mo alam? ~SA
BAHAY~
Xander: Lhoida! Lhoida:Oh,
Bakit?
Xander: Alam mo bang inaapi ng mga dela Vega ang anak natin?
Lhoida: Ano?! Walang hiyang dela Vega nay an! May tinatago pa lang kademonyohan!
Xander: Susugurin ko mga bwiset nay an!
Lhoida: Sasama ako!
Sandy: Sama din ako Nay….
~SA MANSION~
Larah: Best! Nabalitaan ko na susugod daw ang mga magulang mo dito!
Yuki: Ano?? Bakit??
Larah: Di ko a-…!
George: DUKHA! You freak! Walang hiya ka!( sinabunutan ni George si Yuki)
Xander: Hoy! Itigil nyo yan! ( Sinuntok si George)( dumating ang mga dela Vega)
Don: Anong kaguluhan ‘to?!
Donya: Oh my! SON!
George: M-mommy….
Yanna: George! Ikaw ba ang nagpasimuno ng kaguluhang ito!
George: NO! It’s not me!
Emily: Yah right!
Don: Bakit kayo nandito Xander?
Xander: Nabalitaan naming inaapi daw ninyo ang anak ko!
Donya: Ano? Hindi yan totoo!
Yanna: Totoo po Mommy!
Don: What do you mean?
Yanna: Palagi ko pong naabutan na inaaway ni George si Yuki!
Don: Totoo ba ‘to George?
George: Po?? O-op…….h-h-hin….. (yumuko)
Donya: I can’t believe you did it George!
George: Sorry Mommy….
Yanna: Kay Yuki ka mag-sorry….
Xander: Sorry anak… Kung ako sana ang nagtrabaho … Hindi ka na sana naghirap. Patawarin mo ako
anak….
Sandy: Sorry din ate… kung marunong lang sana ako umintindi …di ka sana nasasaktan…
Lhoida: Sorry din anak … di ko naisip na maari kang maghirap… patawarin mo ako..
Yuki: ‘Wag po kayo mag-sorry… wala po kayong kasalanan (Group hug family Lim)
Don: Sorry din Yuki! Naging pabaya kami…. Hindi naming inakala na inaapi ka na pala ni George.
Donya: Sorry din….
George: Sorry …. Naging halimaw ako sa’yo…
Yuki: Sorry din…
Larah at Emily: Sorry…(Group hug)
-Nagagamit ang isip at kalooban ng isang tao sa paggawa ng tama para sa pamilya, kaibigan at sa sarili.-
~WAKAS~
E.Pagtalakay ng bagong Gamit ang PowerPoint Presentation, ipakikita ng guro ang talahanayang may nakalahad na
konsepto at paglalahad ng sitwasyon. Ang bawat mag-aaral ay magsasagot ng mga sitwasyong ito sa kanya-kanyang notbuk.
bagong kasanayan
Ang sumusunod na sitwasyon ay karaniwang kinakaharap ng isang kabataang katulad mo.
Sakaling mangyari ang parehong sitwasyon sa iyo, paano mo ito haharapin? Itala ang sariling isip
at kilos-loob sa ibinigay na sitwasyon.
Sitwasyon Sariling isip at kilos-loob
1. Sinabi ng iyong kaibigan sa iyo na
hindi siya papasok sa paaralan ng
tanghali dahil gusto nitong mag
computer at hindi ito alam ng
kanyang magulang.
J. Karagdagang gawain para sa Sumulat ng isang pangyayari o karanasan sa iyong buhay na kung saan nagamit mo nang lubos ang iyong isip
takdang-aralin at remediation
at kilos-loob. Ilahad kung paano mo ito nagawa at isulat ang sagot sa iyong notbuk. Humanda sa pagbabahagi
sa klase.
V.MGA TALA
VI. PAGNINILAY