You are on page 1of 43

MALABON

ARELLANO UNIVERSITY -
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna St., Brgy. Bayan-
Bayanan, Malabon
City Tel # 932- 52- 09
TAONG PANURUAN 2020-2021

MODYUL
PAGSULAT SA FILIPINO
SA
PILING LARANG
AKADEMIK
(UNANG SEMESTRE)
MALABON

ARELLANO UNIVERSITY -
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna St., Brgy. Bayan-
Bayanan, Malabon City Tel # 932- 52- 09
TAONG PANURUAN 2020-2021

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG

AKADEMIK

MGA NILALAMAN

ARALIN: PAGSULAT NG ABSTRAK

PAKSA:

a. KAHULUGAN AT MGA BAHAGI NG ABSTRAK

ARALIN: ANG BUOD

PAKSA:

a. KAHULUGAN AT KATANGIAN NG BUOD

b. MGA HAKBANGIN SA PAGBUBUOD

ARALIN: ANG SINTESIS

PAKSA:

a. KAHULUGAN AT ANYO NG SINTESIIS

b. MGA URI AT KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS
c. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS
MALABON

ARALIN: ANG BIONOTE

PAKSA:

a. KAHULUGAN AT MGA GABAY SA PAGSULAT NG BIONOTE

ARELLANO UNIVERSITY –
ELISA ESGUERRA CAMPUS

Kagawaran ng Senior High School

UNANG SEMESTRE
TAONG PANURUAN 2020-2021

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Pangalan: ______________________________ Baitang: _____________ Petsa: _____________
Istrand/Seksiyon: ________________________ Guro: ___________________________________

I. ARALIN: PAGSULAT NG ABSTRAK

II. PAKSA: KAHULUGAN AT MGA BAHAGI NG
ABSTRAK III. LAYUNIN:
1. Nauunawaan ang kahulugan at layunin ng isang abstrak.
2. Nasusuri ang nilalaman at mga bahagi ng abstrak.
3. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat sa pamamagitan ng iba’t-ibang sulatin

IV. PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI NG KONSEPTO BLG. __ )

KAHULUGAN NG ABSTRAK
Abstrak
➢ Isang uri ng lagom na kadalasan ginagamit sa pagsusulat ng mga akademikong papel
(academic papers).
➢ Karaniwang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.

Halimbawa: “thesis”, scientific papers, technological lecture at mga report.

Layunin nitong maipakilala sa mambabasa ang rasyunal ng pananaliksik, pangkalahatang

dulog na ginamit sa pananaliksik, mahahalagang resulta o kinalabasan at mahahalagang
kongkusyon o bagong mga katanungang maaaring nabuo matapos ang pananaliksik. Inilalagay
MALABON

ang abstrak sa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing panimulang bahagi ng ano mang
akademikong papel. Higit na mainam na maisulat ang abstrak kapag natapos na ang pananaliksik
upang mailahad ang kumpletong detalyeng hinihingi rito.
MGA BAHAGI NG ABSTRAK

a. Layunin ng pag-aaral
b. Pamamaraan o Metodolohiya ng pananaliksik
c. Resulta o kinalabasan ng pananaliksik
d. Kongklusyon at rekomendasyon

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel; ibig
sabihin, hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang
pag-aaral o sulatin.
Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak
Dapat ito ay naka dobleng espasyo
Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy
sa pagsulat nito.
Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
Higit sa Lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa
ang pangkalahatang.

GAWAIN BLG. 1: PAGSASANAY

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang abstrak?

______________________________________________________________________________

2. Ano ang kabuluhan ng abstrak bilang isang uri ng akademikong sulatin?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
GAWAIN BLG. 2: PAGTATAYA

PANUTO: Gawin ang mga sumusunod:

1. Magsaliksik ng isang abstrak ng isang artikulo o ng isang aklat (Ingles o Filipino).
2. Basahin at suriin ang abstrak ng isang artikulo o ng isang aklat na iyong napili. 3. Ibahagi
sa pamamagitan ng pagsulat ang mahusay na katangiang taglay ng iyong binasa at nasaliksik na
abstrak
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

GAWAIN BLG. 3: PAGLALAPAT/PAGSASABUHAY

PANUTO: Basahin at unawain ang abstrak at sagutin ang mga sumusunod na tanong na nasa
ibaba.

ABSTRAK
Ipinataw ng gobyerno ng Pilipinas ang bagong General Education Curriculum (GEC)
alinsunod sa programang K to 12, at sa pamamagitan ng kontrobersyal na Commission on Higher
Education/CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013. Bunsod ng nasabing
CMO, burado na ang espasyo ng wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, ngunit
dahil sa kolektibong protesta ng mga grupong makabayan sa bansa, nagsasagawa ng
konsultasyon ang CHED hinggil sa posibilidad na magkaroon pa rin ng asignaturang Filipino sa
kolehiyo, at puspusang gamitin bilang wikang panturo ang wikang Filipino. Layunin ng papel na
ito na ilahad ang pagsulong at pagbura sa mga tagumpay ng wika at panitikang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo mula 1996 hanggang 2014. Saklaw nito ang pagbabalik-tanaw sa mga
polisiya noong panahong kolonyal bilang batayan ng malalim na pagsusuri sa mga kaugnay
nakontemporaryong polisiya sa panahong neokolonyal. Sa pangkalahatan, ang papel na ito’y
manipesto rin sa paggigiit ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo, lagpas pa sa kapit-sapatalim na pag-iral nito sa panahong neokolonyal na walang
ipinag-iba sa karimlang tinatanglawan ng sulong aandap-andap man ay hindi naman namamatay.
1. Ano ang paksa ng pananaliksik?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_

2. Bakit pinag-aralan ng mananaliksik ang paksa?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________

3. Ano ang suliranin ng pananaliksik?

4. Paano kumalap ng datos ang mananaliksik?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Ano ang naging resulta ng pananaliksik?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ARELLANO UNIVERSITY –
MALABON
ELISA ESGUERRA CAMPUS

Kagawaran ng Senior High School

UNANG SEMESTRE
TAONG PANURUAN 2020-2021

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Pangalan: ______________________________ Baitang: _____________ Petsa: _____________
Istrand/Seksiyon: ________________________ Guro: ___________________________________
I. ARALIN:
ANG BUOD

II. PAKSA: KAHULUGAN AT KATANGIAN NG BUOD III.

LAYUNIN:
1. Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating
ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan (akademik).
2. Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin
3. Naisasagawa ng wasto ang mga hakbang sa pagsulat ng mga akademikong sulatin.

IV. PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI NG KONSEPTO BLG. ___)

“KAHULUGAN NG BUOD”

Ang buod ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa

kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa.
ibig sabihin, maaaring magsulat o magpahayag ng buod ng isang nakasulat na akda o ng oral na
pahayag. Kailangang ang sulating buod ay naisulat mula sa sariling pananalita ng gumawa.

“KATANGIAN NG MAHUSAY NA BUOD”

1. NAGTATAGLAY NG OBHETIBONG BALANGKAS NG ORIHINAL NA TEKSTO

• Ang buod ay sumasagot sa mga pangunahing tanong tulad ng SINO, ANO, SAAN, KAILAN,
BAKIT AT PAPAANO. Halimbawa, ano ang pangunahing ideya ng teksto? Ano-ano ang mga
pantulong na ideya? Ano-ano ang mga pangunahing ebidensya?
2. HINDI NAGBIBIGAY NG SARILING IDEYA AT KRITISISMO
• Sa pagsulat ng buod, tanging ang mga impormasyon na nasa orihinal na teksto lamang ang dapat
isama.
3. HINDI NAGSASAMA NG MGA HALIMBAWA, DETALYE, O IMPORMASYONG
WALA SA ORIHINAL NA TEKSTO
• Ang pagsasama ng mga halimbawa o ilustrasyon upang lalong mapalinaw ang mensaheng
ibinabahagi ng isang sulatin ay isang mahusay na hakbang, subalit sa kaso ng isang buod ay
hindi ito kailangan.
4. GUMAGAMIT NG MGA SUSING SALITA
• Sa pagsulat ng isang buod, dapat gamitin ang mga susing salita na ginamit sa orihinal na teksto.
5. GUMAGAMIT NG SARILING PANANALITA NGUNIT NAPAPANATILI ANG
ORIHINAL NA MENSAHE
• Kung para sa personal na pangangailangan ang buod, malaking tulong na ito upang maihayag ang
mensahe sa sariling salita.
GAWAIN BLG. 1: PAGSASANAY

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ilahad sa sariling pangungusap ang kahulugan ng buod.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ano ang maaaring maging epekto o bunga ng pagsasagawa ng isang buod?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
GAWAIN BLG. 2: PAGTATAYA

PANUTO: Basahin ang maikling kuwentong “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual, matapos ang
pagbabasa, magsagawa ng isang pagbubuod ayon sa nabasang maikling kuwento.

RUBRIKS SA PAGBUBUOD
Binigyang 5 puntos 3-4 puntos katamtamang 1-2 Puntos
Tuon Natatangi kagalingan Nangangailangan ng Tulong

PaksangDiwa Makabuluhan, naging

parang bago dahil sa
Makabuluhan, bagama’t Nagging
pamamaraan ng t
hindi nagmistulang orihinal. napakakaraniwan ng paksa.
pagsasalaysay a
estilo.
Banghay May pagkakaugnayugnay
Maayos ang ang mga pangyayari ngunit Magulo at nakalilito ang
pagkakabalangkas ng mga may ilang bahaging naging pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari. masalimuot. pangyayari.
Tauhan Maingat ang paglalarawan
ng katauhan.
Umaangkop ang kilos at Umaaangkop ang kilos at
pananalita sa katauhang pananalita sa katauhang Hindi umaangkop sa kilos at
ginagampanan sa kwento. ginagampanang ngunit may pananalita ang mga tauhan sa
pagkakataong hindi nagiging katauhang ginagampanan.
konsistent.

Tunggalian Naipakita ang tunggalian sa

kwento. Hindi gaanong Nagbibigay-daab sa mga
Napukaw ang kamalayan nakaantig sa isipan at madudulang tagpo upang
ng isipan at damdamin ng damdamin ng mga lalong maging kawili-wili ang
mga mambabasa. mambabasa. mga pangyayari.

Pananaw Malinaw at mahusay na Malinaw subalit hindi Nagpasalin-salin ang pananaw

nagamit ang pananaw sa nagamit nang lubusan ang na nagpasalimuot sa kabuuan
kabuuan ng kwento. pananaw sa kabuuan ng ng kwento.
kwento.
Simula at Naging kawili-wili ang simula
Wakas upang maakit ang
Naipahiwatig ang suliranin mga mambabasa ngunit hindi
Naging kaakit-akit ang
sa simula ng kwento nagging kawili-wili ang wakas
simula ng kwento at ang
ngunit hindi upang
wakas ay nakapagkalas sa
naging kawili-wili and maikintal sa isipan ng
suliranin ng kwento.
kakalasan patungong wakas. mga mambabasa ang tema ng
salaysay.

ANG KALUPI (MAIKLING KWENTO) NI BENJAMIN P. PASCUAL

(May mabigat na pagkakasala sa batas si Aling Marta dahil sa mali niyang paghatol sa katauhan ng bata.
Madalas mangyari na dahil sa ayos ng isang tao ay dagli siyang napagbibintangan ng di mabuti. May
karanasan ka ba na nakapagbintang o dili kaya’y napagbintangan ng di mabuti? Basahin ang kwento at
ikaw na ang humatol sa mga tauhan nito.)

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barungbarong.
Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang
malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang manipis at
maputlang labi, bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng
pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang
natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa
mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na
nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa
mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang
putting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang
makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din
siya ng mamanuganging may sinabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis
na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong sinusukat sa harap ng salamin ang
nagbubur-dahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ng isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimiling
uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang bayan sa Tundo, ay mataman niyang iniisip
ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at kailangang magkaroon silang
mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong
baboy, gulay na panahog at dalawang piling na saging. Bibili na rin siya ng garbansos. Gustong-gusto ng
kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.

Mag-ikakasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di
magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangus na pagkanta
pangisinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili.

Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya painiling magdaan. Ang lugar ng
magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa
tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa gitnang pasilyo at
umakmang hahakbang na papasok, ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang
kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang dibdib.
“Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang-lilis ang laylayan.

Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang
butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.

“Pasensya na kayo, Ale” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos.
Tigbebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya, “Hindi ko ho kayo
sinasadya. Nagmamadali ho ako e.”

“Pasensya!” – sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensiyahan nang
pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”

Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Paano’t pano man, naisip niya, ay ako ang huling
nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng hindi mabuti ay sa kanyang pa
manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung me iba pang nakikita sa nangyari. Marahas
ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng
kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng ilang kartong
mantika.

“Tumaba yata kayo, Aling Gondang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya niyang
nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.

“Tila nga ho,” ani Aling Gondang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”
Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na
nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang
kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.

“Bakit ho?” anito.

“E…e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.

“Ku, e magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae.

Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang
asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay ang
tonong nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihing, “E, sandaan at sampung piso ho.”

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang
pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang
nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod
at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakakalayo; may ilang sandali pa lamang ang nakaraan, ang
tabas ng mukha, ang mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng
ilang tindahang maliliit at ng mangailan-ngilang namimili at ang batang panakaw na nagtitinda ng gulay,
ay nagpalingan-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos
mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng prusisyon na di kalayuan sa natatanaw niyang
karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang
bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaari magkamali: ang wakwak na
kamiseta nito at ang mahabang panahon na ari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang
palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na tigbebente.

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig. “Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw
ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!”

Tiyakan ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay masukol
niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinang sumagot:

“Ano hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”

“Ano wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko at wala ng iba.
Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan! Kikita nga kayo
rito sa palengke!”

Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng namimili. Hinigpitan ni
Aling Marta ang pagkakahawak sa leeg ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.

“Aba, kangina ba namang pumasok ako sa palengke e banggain ako,” ang sabi niya.
“Nang magbabayad ako ng pinamimili ko’t kapain ang bulsa ko e wala nang laman!”

“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaeng nakikinig.
“Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglilipanang batang gaya niyan.”

“Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”

“Bakit ho, saan ninyo ako dadalin?”

“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo
kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing-kamay ang pag-alis
ng mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasakal ng kanyang liig. May luha nang
nakapaminta sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa
likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang
ito ay malapit na ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong. “Nasiguro ko hong siya dahil nang
ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang
pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pagkat ako’y nagmamadali.”

Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at ang nagmamapa sa duming katawan,
pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap ng nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa
pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at
tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at tigbebenteng bangos.

“Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay Aling Marta.

“Siya ho at wala ng iba,” ang sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalisik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng
totoo, kung di ay dadalhin kita.”

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata.

“Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.”

“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin naming sa iyo kung ang pitaka ko e
naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganon kayong mga tekas kung lumakad…dala-
dalawa, tatlu-talto! Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon
matulong matakot iyan at magsabi ng totoo.”

Tumindig ang pulis, “Hindi ho natin karakarakang madadala ito ng walang evidencia. Kinakailangang
kahit paano’y magkakaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta.
Papaano ho kung hindi siya?”

“E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo.
“Sinabi nang binangga akong sadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?” Sa
bata nakatingin ang pulis na wari’y nagiisip ng dapat niyang Gawain, maya’y maling naupo at dumukot
ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulsa.
“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.

“Andres Reyes po.”

“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang
mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho e may sakit
at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt, kung minsan naman ho
e sa mga tiyo ko sa Kiyapo at kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga
lang ho niya ‘kong bumili ng ulam para Mamayang tanghali.”

“Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis.

“Oho,” ang sagot ng bata. “Pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong
makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa e.”

Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay makabagot sa kanyang pandinig;
sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanyang paligid
at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno.
Nakaramdam siya ng pagkainis. “Ang mabuti ho yata e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” ang sabi
niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito at wala namang nangyayari. Kung hindi naman
ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”

“Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad, e” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong dalhin ngayon din
ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon sabihin ang gusto ninyong sabihin at doon
ninyo gawin ang gusto ninyong gawin.”

Inakbayan niya ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiyak na si Aling Marta at
ang isang hugos na tao na ang ilan ay pangiti-ngiti habang silang tatlo ay pinagmamasdan. Sa harap ng
outpost ay huminto ang pulis.

“Maghintay kayo rito sa sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang sabi sa kanya at pumasok.
Naiwan siya sa harap ng bata, at ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok,
nilalaro ng payat na mga daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; ilan-ilan na
lamang ang nakikita niyang pumasok sa palengke. Iniisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan
niyang ipaghintay bago siya makauwi; dalawa, tatlo, o maaaring sa hapon na. naalala niya ang kanyang
anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang
narinig ang sasabihin nito kung siya’y darating na walang dalang ano man, walang dala at walang pera.
Nagsiklab ang poot sa kanya na kanina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumalak sa
kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig, at
sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalingat niyang pinilit sa likod nito.

“Tinamaan ka ng lintek na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing
pulis na makapagpapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa
‘kin? Saan? Saan?”
Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod.
Ang mga nanonood ay parang nangangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang
kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at
nang mailapit sa kanyang bibig ay buong panggigil na kinagat.

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa
matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at
makalayong papaurong, ay naalaala niya ang kalayuan, kay Aling Marta at sa dumakip na pulis, at siya ay
humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo nang
maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si
Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa
kanyang pandinig ang malakas na busina ng ilang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim
sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang
ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madaliin ang anino ng kanyang mukhang nakatunghay sa kanyang
lupaypay at duguang katawan.

Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha at
aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiit sa kanyang noo at
ang tuhod niya ay parang nangangatog. Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa
kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siyang binuntunan ng sisi. Bakit ba ako nanganganino sa kanila?
Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin nino man at nalalaman ng lahat na
ang nangyayaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan
na buhatan sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang
kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang
kasuotang ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay
pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.

“Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing paputolputol na nilalabasan
ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”

May kung anong malamig na naramdaman si Aling Marta na gumapang sa kanyang katawan; ang nata ay
pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang
pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang
sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang
tabi at hawak naman ang kuwaderno at lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo niyan.”

“Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.

“Wala naman, sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung me mananagot niyan ay walang iba kundi ang
pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing.
Tsuper na rin ang mananagot niyan,” may himig pangungutya ang tinig ng pulis.
“Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.

“Maaari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan at
direksyon ng inyong bahay upang kung mangangailangan ng kaunting pag-aayos ay mahingan naming
kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo sa karamihan. Para pa
siyang nanghihina at magulong-magulo ang kanyang isip. Salisalimuot na alalahanin ang
nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ng walang tiyak na patutunguhan. Naalala niya ang
kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga
mata ng kanyang asawa sa, sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon,
magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap,
sisihan, tungayawan, at ang mga anak niyang gagraduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sila ay
puntahan at payapain ng mga kapitbahay.

Katakut-takot na gulo at kahihiyan, sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang
pinag-uugatang diwa sa bangkay na bata na natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.

Kung hindi sa Tinamaan ng lintek na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi
imbis, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa
kanya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng
ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kokote nito at saka niya sasabihin
ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas na sabihin nito, na
ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangan na makagpadal ng labis na salaping ipamimili, upang
maka-pamburot t maipamata sa kapwa na hindi na sila naghihirap. Ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi
siya kikibo. Ililihim din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo; at
kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihimin niya ito. At tungkol sa ulam mangungutang
siya ng pera sa tindahan ni Aling Gondang at iyon ang kanyang ipamimili – nasabi niya rito na ang
nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o
sampung ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang
naglalaro sa manipis na labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.

Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natanaw na
niya nag kanyang na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ay
minamasdan, ngunit nang malapit na siya at nakita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob ng
kabuhayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.

“Saan ka kumuhang ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na gagraduate,

“E…e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”

Nagkatinginan ang mag-ama.

“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa. “Ang pitaka mo e Naiwan mo! Kaninang bago ka umalis ay
kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero
nakalimutan kong isauli. Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan?”

biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng
isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at
gumagaralgal na tinig nito; Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang
natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinanganga-pusan ng hininga at sa palagay na niya ay
umiikot ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang
papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit na lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit
kaya?

“Ang Kalupi” ni
Benjamin Pascual

BUOD
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

ARELLANO UNIVERSITY – MALABON
ELISA ESGUERRA CAMPUS

Kagawaran ng Senior High School

UNANG SEMESTRE
TAONG PANURUAN 2020-2021

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Pangalan: ______________________________ Baitang: _____________ Petsa: _____________
Istrand/Seksiyon: ________________________ Guro: ___________________________________

I. Aralin: ANG BUOD

II. PAKSA: MGA HAKBANGIN SA PAGBUBUOD
III. LAYUNIN:
1. Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating
ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan (akademik).
2. Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin
3. Naisasagawa ng wasto ang mga hakbang sa pagsulat ng mga akademikong sulatin.
IV. PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI NG KONSEPTO BLG. ___)

“MGA HAKBANGIN SA PAGBUBUOD”

Narito ang ilang simpleng hakbangin na magagamit sa pagsulat ng buod ng isang akda:
1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto o detalye.
2. Ilista o igrupo ang mga pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang pangunahing
paliwanag sa bawat ideya.
3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.
4. Kung gumamit ng unang panauhan (hal: ako) ang awtor, palitan ito ng kanyang apelyido, na
Ang Manunulat, o Siya.
5. Isulat ang Buod

GAWAIN BLG. 1: PAGSASANAY

PANUTO:

PANUNUOD NG PELIKULA

PORMAT NG PANUNURING PAMPELIKULA:

I. PAMAGAT: (Magbigay ng pamagat ng pelikulang sinuri at pagpapakahulugan sa
pamagat. Maaaring sagutin ang katanungang bakit?) (1puntos)
II. MGA TAUHAN:(Pangalan ng karakter – artistang gumanap - paglalarawan) (1puntos)
III. BUOD NG PELIKULA: (Magbigay ng maikling buod ng pelikula) (10 puntos) IV.
BANGHAY NG MGA PANGYAYARI:
A. Tagpuan (1puntos)
B. Protagonista:(Pangalan ng karakter – artistang gumanap – paglalarawan sa bida)
(1puntos)
C. Antagonista:(Pangalan ng karakter – artistang gumanap – paglalarawan sa kontrabida)
(1puntos)
D. Suliranin (Magbigay ng mga suliranin o problemang kinakaharap ng mga karakter at sa
buong pelikulang pinanuod.) (5puntos)
E. Mga Kaugnay Na Pangyayari o Mga Pagsubok Sa Paglutas Ng Suliranin (5 puntos)
V. PAKSA O TEMA: (ano ang paksang tinatalakay sa pelikula) (1puntos)
VI. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL
A. Sinematograpiya (Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula? Mapusyaw ba o
matingkad ang pagkakatimpla ng kulay na kuha ng mga camera? Maganda ba ang visual
effects na ginamit?) (3puntos)
B. Musika (Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba
ang musika sa pagguhit ng emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kuwento?)
(3puntos)

C. Visual Effects – (Maganda ba ang visual effects na ginamit? Ipaliwanag) (3 puntos)

D. Set Design (Maganda ba ang mga materyales, kostyums, props, at disenyo na ginagamit
sa pagsasaayos ng mga pinangyarihan ng kuwento sa pelikula?) (5 puntos)

VII. KABUUANG MENSAHE NG PELIKULA (10pts) KABUUAN: 50 puntos

GAWAIN BLG. 2: PAGTATAYA

PANUTO: Basahin at unawain ang mahabang sanaysay “Ang Pag-ibig” ni Emilio Jacinto,
matapos ang pagbabasa, magsagawa ng isang pagbubuod ayon sa nabasang teksto.

ANG PAG-IBIG (SANAYSAY NI EMILIO JACINTO)

Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pagibig. Ang katwiran,
ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang
Maykapal, at ang kapwa-tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig; siya lamang
makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin
ng loob, hindi ang pag-ibig ang tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman.

Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at kara-karakang mapapawi sa balat ng
lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na
niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis.

Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao sa mga dakilang gawa sukdulang
ikawala ng buhay sampu ng kaginhawahan.

Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag-aanyo ring pag-ibig kung minsan, at kung
magkagayon na ay libu-libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng gapatak na
pagkakawanggawa na nagiging tabing pa mandin ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot. Sa aba ng
mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.

Ang pag-ibig – wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis na alaala sa nagdaan at
ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig
ay siyang nagiging dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay.
Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi sa mga sanggol? At
mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-
ibig sa magulang, sino ang magiging alalay at tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang
matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay
wala nang malingapang mag-aakay at makaaaliw sa kanyang kahinaan.

Ang pagkahabag sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo’y mahikayat na
sila’y bahaginan ng kaunting kaluwagan ang ating pagtatanggol sa naapi hanggang sa isapanganib at
idamay natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin
kaya ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig?

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan. Kailanpama’t
sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot,
ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t
bulaang karangalan.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at taimtim na pag-ibig!

Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng di-maihahapay na

lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at binubulag ng hamak na pagsasarili. Ang
masasama ay walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-
aalitan, kaguluhan, pagtataniman, at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang
hangarin nila ay mapagbukud-bukod ang mga mamamayan upang kung mahina na at dukha dahil sa pag-
iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan.

Oh! Sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?

Ang pagkakaisa na siyang kauna-unahang bunga niya ay isang lakas at kabuhuyan, at kung nagkakaisa
na’t nag-iibigan, ang lalong malalaking hirap ay nagiging maagang pasanin, at ang munting ligaya’y
matimyas na nalalasap. Kung bakit nangyari ang ganito ay hindi matatalos ng mga pusong hindi
nakadarama ng tunay na pag-ibig.

At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang susi at mutya ng kapayapaan at ligaya.
Ikaw na bumabasa nito, mapagnanakawan mo kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang
iyong ina’t mga kapatid? Hindi, pagkat sila’y iniibig, at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at
sampu ng buhay kung sila’y nakikitang inaapi ng iba.
Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala
ang lahat ng mga pag-aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan.

Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magagandang akala.
Ipapalagay na may tapat na nais at tatawaging marurunong ang mabuting magparaan upang matamasa sa
dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang
mga kapatid.

Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa inaakalang walang katapusan.
Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa, at ang
tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.

“Ang Pag-ibig” ni
Emilio Jacinto

KATEGORY 4-Napakahusay 3-Mahusay 2-katamtaman 1-Nangangailangan ng Iskor
A pagbubuti
Buod ng Buod ng Buod ng Buod ng Buod ng Aralinpaksa o
Aralin-paksa o Aralinpaksa o Aralin-paksa o Aralinpaksa o gawain
gawain gawain gawain gawain
Maliwanag at Maliwanag at Maliwanag at Maliwanag at Maliwanag at kumpleto
kumpleto ang kumpleto ang kumpleto ang kumpleto ang ang
pagbubuod pagbubuod ng pagbubuod pagbubuod ng pagbubuod ng
ng aralin aralin ng aralin aralin aralin

Maliwanag Maliwanag subalit Maliwanag Maliwanag subalit Maliwanag subalit may

subalit may may kulang sa subalit may may kulang sa kulang sa detalye sa
kulang sa detalye sa paksa o kulang sa detalye sa paksa o paksa o araling tinalakay
detalye sa paksa araling tinalakay detalye sa paksa araling tinalakay
o araling o araling
tinalakay tinalakay
Hindi Hindi gaanong Hindi Hindi gaanong Hindi gaanong
gaanong maliwanag at kulang gaanong maliwanag at maliwanag at kulang sa
maliwanag sa ilang detalye sa maliwanag kulang sa ilang ilang detalye sa paksa o
at kulang sa paksa o aralin at kulang sa detalye sa paksa o aralin
ilang detalye sa ilang detalye sa aralin
paksa o aralin paksa o aralin

GAWAIN BLG. 2: PAGLALAPAT/PAGSASABUHAY

PANUTO: Sa isang long bond paper o Oslo Paper, gamit ang malawak na kaisipan
ARELLANO UNIVERSITY – MALABON
ELISA ESGUERRA CAMPUS

Kagawaran ng Senior High School

UNANG SEMESTRE
TAONG PANURUAN 2020-2021

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Pangalan: ______________________________ Baitang: _____________ Petsa: _____________
Istrand/Seksiyon: ________________________ Guro: ___________________________________

I. ARALIN: ANG SINTESIS

II. PAKSA: KAHULUGAN AT ANYO NG SINTESIS
III. LAYUNIN:
1. Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating
ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan (akademik).
2. Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulatin
3. Naisasagawa ng wasto ang mga hakbang sa pagsulat ng mga
akademikong sulatin.

IV. PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI NG KONSEPTO BLG. __ )

“KAHULUGAN NG SINTESIS”
❖ Ang Sintesis ay pagsasama at paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga
akda o sulatin.
❖ Ang Sintesis ay may kaugnayan, ngunit hindi katulad ng klasipikasyon, dibisyon,
komparison, o kontrast.
❖ Sa akademikong larangan, ang Sintesis ay maaring nasa anyong nagpapaliwanag o
explanatory synthesis; o argumentatibo o argumentative synthesis.
lumikha at sumulat ng “Slogan” patungkol sa BUOD. Lagyan ito ng ma kulay at
malikhaing disenyo at ipasuri sa guro para sa ebalwasyon .
“MGA ANYO NG SINTESIS”

➢ EXPLANATORY SYNTHESIS - ay isang sulating naglalayong tulungan ang nagbabasa o

nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay.
➢ ARGUMENTATIVE SYTHESIS - ay isang sulatin na may layuning maglahaad ng pananaw
ng sumulat nito.

GAWAIN BLG. 1: PAGSASANAY

PANUTO: Gamit ang Compare and Contrast Chart, tukuyin ang pag kakaiba ng MGA ANYO
NG SINTESIS.

ARGUMENTATIVE SYNTHESIS

PAGKAKAHALINTULAD

EXPLANATORY SYNTHESIS

(PAGKAKAIBA) (PAGKAKAIBA )
GAWAIN BLG. 2: PAGTATAYA

PANUTO: Bumuo o gumawa ng akronym mula sa salitang S I N T E S I S. Siguraduhin na ang

mga salitang gagamitin ay may kaugnayan sa bawat
paksa na tinalakay sa akademikong sulatin

S-________________
I- ________________
N-________________
T-________________
E-________________
S-________________
I-_________________
S-_________________

_____________________________________________________________________________________
ARELLANO UNIVERSITY – MALABON
ELISA ESGUERRA CAMPUS

Kagawaran ng Senior High School

UNANG SEMESTRE
TAONG PANURUAN 2020-2021

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Pangalan: ______________________________ Baitang: _____________ Petsa: _____________
Istrand/Seksiyon: ________________________ Guro: ___________________________________

I. ARALIN: SINTESIS
II. PAKSA: MGA URI AT KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS
III. LAYUNIN:
1. Nauunawaan ang kahulugan at layunin ng isang abstrak.
2. Nasusuri ang nilalaman ng isang mainam abstrak 3. Nabibigyang-kahulugan
ang akademikong pagsulat.
IV. PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI NG KONSEPTO BLG. __ )

“MGA URI NG SINTESIS”

1. BACKGROUND SYNTHESIS- ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-

samahin ang mga saligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa
tema at hindi sa ayon sa sanggunian.
2. THESIS-DRIVEN SYNTHESIS- halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit
nagkaiba lamang sa pagtuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis kailangan ang malinaw na pag-
uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.
3. SYNTHESIS FOR THE LITERATURE- ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.
“MGA KATANGIAN NG SINTESIS”

1. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t ibang

estruktura at pahayag.
2. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga impormasyong
nagmumula sa iba’t ibang sangguniang ginagamit.
3. Nagpagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napaialalim nito ang pag-
unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnayugnay.

______________________________________________________________________________
GAWAIN BLG. 1: PAGSASANAY

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Mula sa iyong pagkaunawa, ilahad ang kahulugan ng isang mahusay na sintesis.

_________________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay ano ang katangian ng sintesis ang higit na kapaki-pakinabang para sa isang
mag-aaral? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Dapat bang tangkilikin ang pagsulat ng iba’t-ibang akademikong sulatin? Ipaliwanag.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

GAWAIN BLG. 2: PAGTATAYA

PANUTO: Basahin ang mga sanaysay na nakalahad sa ibaba mula sa iba’tibang akda at bumuo o
sumulat ng isang mahusay na sintesis

Masayang Pamilya
akda ni Grace Marie Durac

Sa ating mundo ipinanganak tayo na walang kamuwang-muwang ngunit may mga taong handa
tayong mahalin, alagaan at ibigay ang lahat kung anong meron sila, handang magsakripisko upang tayo’y
lumaki ng maayos at may takot sa dios. Ipinapakita nila kung gaano sila kasaya noong dumating tayo sa
buhay nila at ipinapadama nila kung ano ang kahulugan ng pag-ibig at pamilya.

Ang aking pamilya ang aking inspirasyon. Sila ang nagbigay sakin ng pagmamahal. Masayang masaya
ako dahil sila ang naging aking pamilya. Ang king tatay at ang aking nanay ang mga taong mahalaga
  sakin at ang aking mga kapatid ay ang mga taong nagpapasaya sakin. Sa ating pamilya
nakakaranas tao ng mga pagsubok sa buhay ngunit pag tayo ay buo hindi tayo sumusuko   dahil
alam natin sa pamilya tayo humuhugot ng lakas ng loob upang malampasan ang sakit at pagsubok na
ating nararamdaman

Ipinapakita sa aking pamilya kunG gaano kahalaga ang pagmamahalan sa bawat isa. Sa pamilya
nagsisimula lahat ng mga gawaing mabuti at paggalang sa ibang tao. ibinibigay nila ang ating mga
pangangailangan. Ang pagmamahalan ng pamilya ay isang mahalagang bagy kung saan ibinibigay natin
sa bawat isa. Ang may matatag na pamilya ay isang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa.
Ako ay Ako dahil sa aking Pamilya
akda ni Kimberly T. Balontong

Pamilya Pera? Salapi? Luho? Wala ako niyan. Pero nag-iisa lang ang itunuturing kong kayamanan,
ang aking pamilya. Kaagapay, kasalo at kadamay sa lahat ng oras o bagay. Sa lahat ng nararanasan ko,
ang aking pamilya ang siyang aking nagiging sandigan. Ako ay ako dahil sa aking pamilya.

Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong nakapulutan ng aral o nagkaroon ng
positibong impluwensya sa iyong sarili. Sa loob ng 13 taon na aking pananatili sa mundong ito, kahit
kailan di ko naranasan ang magkaroon ng buong pamilya. Dahil wala akong tatay. Pero, kahit ganoon,
pinaramdam sa akin ng aking nanay at dalawa kong kuya na hindi ako nag-iisa. At ang dalawa kong kuya
ang siyang nagsilbi at nagparamdam sa akin na meron akong tatay kahit papaano. Ang aking aral na
napulot ay, maging kontento kung ano ang meron ka. At imbes na maghanap ng kulang mo, ituon mo ang
atensyon mo sa mga bagay na meron ka.
Dahil hangga’t hinahanap mo ang kulang sa’yo, lalo kang magiging malungkot.

Suriin mo rin kung paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas malaking mundo ang
pakikipagkapwa. Isa-isang itala sa iyong kuwaderno ang lahat ng mahahalagang reyalisasyon tungkol
dito. Mula sa aking pagkabata, tinuruan na ako ng aking pamilya na maging magalang at mabait sa lahat
ng tao. Tinuruan nila ako ng magandang asal. At kapag ako ay may pagkakamali, pinapaliwanag sa akin
ng aking ina ang lahat upang aking maintindihan kung bakit niya ako dinidisiplina. Hindi sa paraang
natatakot ako. Mula noon hanggang ngayon, tumatak na sa aking isip ang tamang pakikitungo sakapwa
mo. At ang una kong naging paaralan ay ang aking pamilya.

Mas magiging makabuluhan kung lilikha ng isang “photo journal” sa computer gamit ang
moviemaker o powerpoint. Maaari ring gumupit ng mga larawan mulasa lumang magasin at ito ang
gamitin upang ipahayag ang bunga ng ginawang pagsusuri.

Ano ang iyong naging damdamin sa pagsasagawa ng gawaing ito? Ako, ay masaya sapagkat
inilalarawan ko ang aking mga karanasan at bumabalik-balik sa isip ko ang mga pangyayaring nagpatibay
pa sa aming relasyon bilang pamilya. Ano ang mahalagang reyalisasyon na iyong nakuha mula sa
gawaing ito? Marami akong napagtanto habang ginagawa ito. Natutunan ko na i-share sa iba ang
karanasan ko sa pamilya ko at matutong makuntento sa kung ano ang meron ka.

Bakit mahalagang maglaan ng panahon upang suriin ang iyong ugnayan sa iyong pamilya?
Ipaliwanag. Sa paglipas ng panahon, alam nating mas bumibigat at dumadami ang ating responsible
bilang isang miyembro sa pamilya. Minsan sa sobra nating busy, hindi na nagkakaroon ng komunikasyon,
na madalas pang nagdudulot sa pagkasira ng isang pamilya. Para sa akin, kahit papaano nabibigyan
naman namin ng sapat na oras ang bawat isa. Ang sabay na pagsisimba, ay magpapatibay hindi lamang sa
samahan, kundi sa pananampalataya sa Diyos.

Ano ang ibinibigay ng pamilya na tunay na nakatutulong sa isang indibidwal upang mapaunlad ang
kanyang sarili tungo sa pakikipagkapwa? Binibigyan nila ng oras ang pagdidisiplina at higit sa lahat hindi
nila ito idinadaan sa pananakot at pananakit. Pero kung minsan, hindi rin mapigilan ang damdamin kaya
minsan napapalo. Pero ipinapaliwanag naman nila sa akin ng maayos. Dahil dito, natuto akong rumespeto
gaya nga ng turo sa akin ng aking pamilya. Ang pagiging masiyahin ay natutuhan ko din sa kanila. Ang
una kong guro ay ang aking pamilya.
Ang kahalagan ng pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito hinuhubog ang isang
pagkatao ng bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa tuwing may problema at dito rin humuhugot ng
lakas ng loob ang bawat isa kapag may dumadating na problema.

Kahalagahan ng Pamilya
akda ni April Juanitez

Ang ibang kabataan ay napapariwara ang buhay sa kadahilanang ang pundasyon ng kanilang pamilya
ay mahina at walang pag kakaisa. Ang mga kabataan na galing sa broken family ay nasisisira ang
kanilang buhay sapagkat nagrerebelde sila at natututo rin silang gumamit ng mga ipinagbabawal na
gamot. Pero hindi lahat ng mga kabataan na galingbsa broken family ay napapariwara ang buhay, ang iba
ay ginagamit itong inspirasyon sa buhay para maging matagumpay sila sa kanilang mga pangarap.

Mahalaga ang pamilya dahil sila ang mas higit na nakakaintindi sa atin sa mga panahong wala tayong
masasandalan sa panahon ng puro problema lang ang dumarating sa buhay. Ang kahalagahan ng buong
pamilya na ito ay kayang mong humarap sa mundo na buo ang iyong pagkatao dahil sa pamilya at masaya
ang may buong pamilya.
____________________________________________________________________________________________

SINTESIS
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

PANUTO: Gamit ang Compare and Contrast Chart, tukuyin ang pag kakaiba ng BUOD at
SINTESIS.
BUOD SINTESIS
(PAGKAKAIBA) )
(PAGKAKAIBA

PAGKAKAHALINTULAD

ARELLANO UNIVERSITY – MALABON

ELISA ESGUERRA CAMPUS

Kagawaran ng Senior High School

UNANG SEMESTRE
TAONG PANURUAN 2020-2021

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Pangalan: ______________________________ Baitang: _____________ Petsa: _____________
Istrand/Seksiyon: ________________________ Guro: ___________________________________

I. ARALIN: SINTESIS
II. PAKSA: MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS
III. LAYUNIN:
1. Nauunawaan ang kahulugan at layunin ng isang abstrak.
2. Nasusuri ang nilalaman ng isang mainam abstrak 3. Nabibigyang-kahulugan
ang akademikong pagsulat.

IV. PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI NG KONSEPTO BLG. __

“MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS”

1. Linawin ang layunin sa pagsulat.

2. Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ang mga ito.
3. Buuin ang tesis ng sulatin.
4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.
5. Isulat ang unang burador.
6. Ilista ang mga sanggunian
7. Rebisahin ang sintesis
8. Isulat ang pinal na sintesis
:

GAWAIN BLG. 1 PAGSASANAY

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Bakit mahalagang malaman at maunawaan ang mga hakbang sa pagsulat ng isang sintesis?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_

2. Bilang mag-aaral sa paanong paraan mo maibabahagi ang kaalaman sa pagsulat ng mahusay

na sintesis
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_

3. Ano ang naitutulong ng maayos na pagsusunod-sunod ng mga detalye o pangyayari sa

mabisang pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita?
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
:

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_ GAWAIN BLG. 2 PAGTATAYA

PANUTO: Sa pamamagitan ng imahinasyon at malawak na pag-iisip, gamit ang espasyo o

sagutang papel, gumuhit ng mga bagay na may kinalaman at maiuugnay sa salitang “Buod o
sintesis”
:

GAWAIN BLG. 3 PAGLALAPAT/PAGSASABUHAY

PANUTO: Gamit ang “Mind Map”. Ibigay ang sariling ideya sa pagbubuod na saklaw ng aralin
upang mapunan ang bawat kahon sa pamamagitan ng sariling salita o parirala.
:
ARELLANO UNIVERSITY –
MALABON
ELISA ESGUERRA CAMPUS

Kagawaran ng Senior High School

UNANG SEMESTRE
TAONG PANURUAN 2020-2021

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Pangalan: ______________________________ Baitang: _____________ Petsa: _____________
Istrand/Seksiyon: ________________________ Guro: ___________________________________

I. ARALIN: BIONOTE II. PAKSA: KAHULUGAN AT MGA GABAY SA PAGSULAT

NG BIONOTE
III. LAYUNIN:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng Bionote sa Akademikong Pagsulat
2. Naiisa- isa ang mga gabay na kinakailangan sa pagbuo ng Biographical Note 3.
Nakasusulat ng isang mahusay na Biographical note

IV. PAGLALAHAD NG ARALIN (PAGSIPI NG KONSEPTO BLG. __ )

KAHULUGAN NG BIONOTE
Bionote- Maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor na maaaring Makita sa
likuran ng pabalat ng libro, at kadalasa’y may kasamang litrato ng awtor. Ito ay isang maikling
mga pangungusap na naglalarawan ng may-akda na nakasulat sa ikatlong panauhan, kadalasan
upang samahan ang isang artikulo.

Ito ay paliwanag o makabuluhang impormasyon na may kaugnayan sa pagunawa ng buhay o

gawain ng isang tao.

Layunin: Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa buhay o Gawain ng isang tao. Tumutulong

makilala ang mga tao na may parehong pangalan.

HALIMBAWA NG BIONOTE
Bionote ni Ascension Salvani

Si Ascension Salvani, o kilala bilang si Siony, ay naging isang guro sa isang

pampublikong paaralan sa Lungsod ng Pasay. Siya ay ipinanganak at lumaki sa lalawigan ng
Bohol, at doon nakapagtapos ng kursong Edukasyon sa University of Bohol noong 1965.
Naging aktibo rin si Siony sa Physical Education, kung saan nakapagturo siya ng mga
estudyanteng may hilig sa volleyball.
Nang makapagturo ng ilang taon, nagpasiya siyang kumuha ng Masteral Degree sa Philippine
Normal University sa Maynila. At sa Maynila na niya itinuloy ang kanyang pagtuturo, at
nanilbihan ng ilang taon bilang guro ng isang pampublikong paaralan. Dahil sa kanyang
dedikasyon sa pagturo, nakakuha rin siya ng gantimpalang ‘Teacher of the Year’ ng ilang
beses sa loob ng apatnapung taon sa serbisyo.

https://philnews.ph/2020/01/30/halimbawa-ng-bionote-mga-bionote-ng-ibat-ibang-propesyon/

Mga gabay sa pagbuo ng Biographical Note

1. Magpasok ng isang salaysay tungkol sa kasaysayan ng tao, kabilang ang anumang

makabuluhang impormasyon na ginagawang malinaw ang konteksto kung saan nilikha, naipon o
pinapangalagaan ang mga archival materials.

2. Kung kilala, isama ang lugar ng kapanganakan, petsa ng kapanganakan at kamatayan,

mga alternatibong pangalan, trabaho, at mga makabuluhang gawain.

3. Isulat lamang ang bayograpikong tala para sa mga taong lumilikha para sa mga
materyales. Hindi kinakailangang lumikha ng isang Biographical Note para sa mga taong siyang
paksa, donor o kontribyutor sa mga materyales na ito.

4. Isulat sa kumpletong pangungusap. Huwag isulat sa pangkasalukuyan, na kung saan ay

kailangan ang mga kasunod na pagbabago.

5. Maging tumpak at maikli. Huwag bumuo ng masalimuot na bayograpikong sanaysay.

GAWAIN BLG. 1: PAGSASANAY

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang Bionote?

__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_

2. Saan kadalasang nakakabasa ng isang Bionote?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_

3. Ano- anu ang mga dapat nating isaalang-alang kapag tayo ay gumagawa ng isang biographical note?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

GAWAIN BLG. 2: PAGTATAYA

PANUTO: Gamit ang isang aklat, ikaw ay sumulat ng isang mahusay na bionote at kuhain ang mga
sumusunod:
• Pangalan ng may-akda
• Pangunahing Trabaho
• Edukasyong natanggap
• Akademikong parangal
• Dagdag na Trabaho
• Organisasyon na kinabibilangan
• Tungkulin sa Komunidad
• Mga proyekto na iyong ginagawa

PAMANTAYAN BAHAGDAN

Nilalaman 40 %

Organisasyon 20 %

Kalinisan ng gawa 10 %

Gramatika 30 %

Kabuuan: 100 %
GAWAIN BLG. 3: PAGTATAYA

PANUTO: Gamitin ang Talahanayan na ito upang ibigay ang pagkakaiba ng Talambuhay sa
Bionote.
TALAMBUHAY BIONOTE

GAWAIN BLG. 4: PAGLALAPAT/PAGSASABUHAY

PANUTO: Sumulat at bumuo ng isang mahusay na bionote na tumutukoy sa iyong sarili at lagyan ito
ng iyong larawan.

PAMANTAYAN BAHAGDAN

Nilalaman 40 %

Organisasyon 20 %

Kalinisan ng gawa 10 %

Gramatika 30 %

Kabuuan: 100 %
BIONOTE:

(LARAWAN)

________________________________
______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_

You might also like