You are on page 1of 2

Tatlong Tesis sa Pagsulat

1. Ang Pagsulat ay Malikhaing Gawain.

Ang pagsulat ay isang sining dahil napaiiral sa gawain na ito ang pagkamalikhain,
imahinasyon at kakayahan ng isang indibidwal. Ang pagsulat ay isang malikhaing gawain sapagkat
ang manunulat ay hindi lamang basta nagsusulat upang mag-iwan ng isang aral, kundi nag-iiwan ito
ng kaisipan, kaalaman,at katanungan sa mambabasa. Sa pamamagitan mayamang imahinasyon ng
isang manunulat, nakabubuo ng panibagong mundo ang manunulat na kung saan ay dinadala niya
ang mga mambabasa upang masaksihan ang mga bagay na kaniyang binigyang buhay at upang
maging kasabik sabik at kaaliw-aliw ang pagbabasa. Makikita rin ang pagkamalikhain ng pagsulat sa
pagpili ng mga salita at estilo ng pagpapahayag na higit na nagbibigay kulay sa teksto. Sa madaling
salita, tinatahi at pinaiikot ng manunulat ang mga salita upang makabuo ng isang magandang obra o
imahe na makapagpaparanas at tatatak sa isip ng mambabasa. Sa bisang ito, nagagawang mapataas
ang interes at kawilihan ng mambabasa.

2. Ang Pagsulat ay Intelektuwal na Gawain.

Ang pagsulat ay isang intelektuwal na gawain sapagkat hindi lamang ito pagtingin sa kung
ano ang nasa bungad o ibabaw. Ito ay mas malalim na pagtingin at pag-unawa tungkol sa paksa na
inilalahad nang maayos at organisado. Ang pagsusulat ay nangangailangan ng masusing pag-iisip,
pang-unawa, at interpretasyon ng mga ideya at impormasyon upang maipahayag sa isang epektibong
paraan. Ang pagsusulat ay nangangailangan ng malawak na kaalaman at kakayahang mag-organisa,
mag-sintesis, at mag-presenta ng mga ideya sa isang malinaw na paraan. Mahusay rin ang manunulat
na nakapag-iiwan sa mga mambabasa ng kalituhan, kaisipan, at katanungan. Sa pagsulat, nagagawa
nating magsalaysay at ibahagi ang ating mga kuwento at karanasan. Ngunit hindi lamang limitado
rito ang pagsulat sapagkat may kakayahan itong mapalawak ang ating kaalaman at kahusayan sa
iba’t ibang larangan.

3. Ang Pagsulat ay Politikal na Gawain.

May kakayahan ang manunulat na magpakilos ng mambabasa sa paraang kaya nitong


baguhin o kaya naman ay pag-alabin ang damdamin at pananaw ng sinoman tungo sa isang bagay.
Ang pagsulat ay isang politikal na gawain, tila ba ito ay isang kape na nakapagpapagising at
nakapagpapamulat sa natutulog o sarado nating isip. Naiimpluwensiyahan nito ang ating isipan
upang imulat at magkaroon tayo ng paki-alam sa nangyayari o kaganapan sa ating paligid. Ang
pagsusulat ay politikal dahil ginagamit ito bilang boses. Sa gitna ng maingay at magulong lipunan,
kinakailangan ng isang tinig upang makapagpahayag ang isang tao. Tulad ni Rizal, kaiba sa kilala
nating mga bayani na gumamit ng kampilan o baril sa pag-aaklas - nagsilbing sandata niya ang
kanyang pluma tulad kung paano niya isinalaysay sa kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El
Filibisterismo ang kalagayan ng bansa sa kamay ng mga mananakop na nagpaalab sa puso ng mga
Pilipino noon hanggang ngayon.

Pangkat 5

Saurane, James Andrew


Openiano, Jane Paula
Baquing, Maricris
Villarca, Jamaine
Berboso, Melody
Danlag, Paulo Michol
Adlawon, Rico Mark
Garcelis, Roselie
Pascual, Shirlyn

You might also like