You are on page 1of 1

ANG AKING TALAARAWAN

Mula lunes hanggang biyernes 4:30 palang ng Umaga gumigising na ako


upang maghanda sa aking pagpasok sa skwelahan. Nagpapainit ako ng tubig para
ihalo sa aking pagpaligo habang nagsasaing ang nanay ko upang baonin sa buong
araw na aking pag aaral. Alas 5:00 ng umaga ay naliligo na ako para maagang
makapasok sa eskwelahan dahil sa layo ng aming lugar.
Pagkatapos ay nag-aagahan na ako at nagbibihis mg uniform para handa na
sa pag pasok. Alas 6:00 ng umaga ang alis ko ng bahay patungo skwelahan, at
isang milya pa ang nilalakad ko bago ako makasakay ng papasahiro dahil sa hirap
ng daan..
Sa pampasaherong sasakyan ay 80.00 ang pamasahe kaya buong maghapon
ay 160 pesos ang magagastos ko habang ang miryenda ko ay 35 pesos nalang.
Pagdating ng tanghali ay bibili na naman ako ng ulam na 10.00 dahil sa hirap na
nararanasan ko sap ag-aaral ay ginagawa ko po ang lahat upang maging maging
maayos ang aking pag aaral para masuklian ang gastos at hirap ni Ama at Ina para
sa akin..

You might also like