You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of Marinduque
MOGPOG NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Mogpog 4901, Marinduque

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan

GAWAIN 1
Panuto:
Ang mapanagutang kilos ay may papel ng isip at kilos-loob. Bilang tao, hindi natin hangad ang
masamang bunga ng ating piniling kilos o gawa; kung kaya dapat na maging maingat sa mga
pagpapasiya. Kung maharap ka sa mga sitwasyon sa ibaba, ano ang dapat mong gawin?
Ipaliwanag.
1. Sa isang pangkatang Gawain , hinati kayo ng guro sa tig- aapat sa bawat pangkat. Ngunit
may isa kayong kaibigan na nais makisama sa inyong pangkat.
2. May napulot kang cellphone sa tricycle na sinasakyan mo.
3. May mali sa panuto ng guro at maaaring mamali kayo sa pagsagot.
4. Nalaman mon a may kasintahan na ang nakababata mong kapatid,

GAWAIN 2
Panuto:
Gunitain ang mga pangyayari sa buhay mo kung saan may mga tao kang nasaktan ( maaaring
dahil sa kapabayaan mo o dahil sa pansariling kabutihan lang ang inisip mo ). Isulat ang mga
sitwasyong ito at ang kapuwang masaktan sa una at ikalawang kolum. Magtala sa ikatlong
kolum ng mga hakbang upang ayusin ang mga pagkakataong may nasirang tiwala, samahan, o
ugnayan sa pagitan mo at ng iyong magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, o kapitbahay.

Sitwasyon kung saan may Kapuwang nasaktan Mga hakbang upang aking
nasaktan akong kapuwa (Halimbawa: Magulang at ayusin ang mga ugnayan.
iba pa.)

You might also like