You are on page 1of 4

1

ASIGNATURA/
LINGGO/
BAITANG/ MTB-MLE 1 MARKAHAN 3 11
ARAW
ANTAS

KASANAYANG CODE
Infer the character’s feelings and
PAGKATUTO
(BOW) traits in a story read MT1RC-IIId-3.1

LAYUNIN Infer the character’s feelings and traits in a story read

ALAMIN Paghihinuha ng damdamin at katangian


ng mga tauhan

Ang damdamin ay ang mga emosyon na nararamdaman ng tao katulad


ng saya, lungkot, takot at iba pa.
Ang tauhan naman ay ang mga taong gumagalaw sa kuwento.
Ang damdamin at katangian ng mga tauhan ay maaaring mahinuha sa
pamamagitan ng pag-unawa kung ano ang kaniyang ikinikilos, paano ito
nagsasalita at kung paano nagpapakita ng kanyang naging reaksyon sa mga
sitwasyon sa kwento.
Mahalaga ang paghihinuha sa damdamin ng tauhan batay sa diyalogo
dahil sa pamamagitan nito mas higit na magiging kawili-wili at nauunawaan
ng mambabasa ang kuwento.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA CITY Capsulized Self-Learning Enhancement Tool (CapSLET)
2

ALALAHANI Paghihinuha ng damdamin at katangian

N ng mga tauhan

 Ang damdamin ay ang mga emosyon na nararamdaman ng tao katulad


ng saya, lungkot, takot at iba pa.

 Ang tauhan naman ay ang mga taong gumagalaw sa kuwento.

 Ang damdamin at katangian ng mga tauhan ay batay sa mga sitwasyon


sa kuwento.

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA CITY Capsulized Self-Learning Enhancement Tool (CapSLET)
3

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon o

SUBUKIN kalagayan. Piliin ang damdamin o


katangian ng mga tauhan at itiman ang
katumbas na bilog ng tamang sagot.

1. Kaarawan ni Kobe. Marami siyang natanggap na regalo.


A. masaya
B. takot
C. nagtatampo
D. galit

2. Magtatakip-silim na ng pauwi si Linda galling sa bahay ng lola.


Nakarinig siya ng kaluskos. Tumakbo siya.
A. malungkot
B. galit
C. takot
D. masaya

3. Inutusan ng tatay si Rolan na pakainin ang mga alagang manok.


“Nakakainis, naglalaro pa ako,” sagot ni Rolan. Si Rolan
ay_______________.
A. makalat
B. tamad
C. masipag
D. masunurin

4. Isang araw, naglalaro ang magpinsang Karen at Coleen. Gustung-gusto


ni Coleen ang manika ni Karen. “Coleen sa iyo na itong manika ko,”
sabi ni Karen. Si Karen ay _______.
A. magalang
B. masipag
C. mapagbigay
D. makalat

5. Nakita ni Nica na maraming nilalabhan ang kanyang nanay. “Nanay


ako na po ang magsasampay,” sabi ni Nica. Si Nica ay ______.
A. matulungin
B. masunurin
C. magalang
D. mapagbigay

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA CITY Capsulized Self-Learning Enhancement Tool (CapSLET)
4

SANGGUNIAN
Mother Tongue Based-Multilingual Education Learner’s Materials

Mother Tongue Based-Multilingual Education Teacher’s Guide

Department of Education. "K To 12 Most Essential Learning Competencies


With Corresponding CG Codes". Pasig City: Department of Education Central
Office, 2020.

ANSWER KEY

1. A

2. C

3. B

4. C

5. A

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA CITY Capsulized Self-Learning Enhancement Tool (CapSLET)

You might also like