You are on page 1of 5

OSMEÑA COLLEGES

City of Masbate
K to 12 Basic Education Program

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10


MARSO 6-10, 2023
TAKDANG PANAHON: 1 oras

I. LAYUNIN
A. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng
awtor, at paraan ng pagsulat.
B. Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal, at strategic sa pagsulat at
pagsasalaysay ng orhinal na anekdota.
C. Naisasalaysay ang nabuong anekdota sa tulong ng diyalogo, asides, soliloquy, at
monologo.
D. Naisusulat ang isang orihinal na komik strip ng anekdota.
E. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa internet.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Aralin 2: Paghuhusga (Anekdota)
B. Sanggunian: Punla: Mga Akdang Pampanitikan ng Daigdig at El Filibusterismo
pp. 136-148
C. Kagamitang Panturo: Powerpoint Presentation
D. Pokus ng Kasanayan: Pagbasa ng may Pang-unawa
E. Values Integration: Maka-diyos, Pagmamahal sa kapwa-tao, Katatagan at
Kasipagan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin at pagbati
b. Pagtala sa mga lumiban sa klase
c. Balik-aral
B. Pagganyak
Sagutin ang mga katanungan patungkol sa larawan na nasa ibaba.

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
1. May pagkakataon na sa buhay mo na ikaw ay hinusgahan?
2. Bakit may mga tai na hindi iniisip ang damdamin ng kanyang kapwa?
3. Paano maiiwasan ng tao ang maghusga ng kapwa?

C. Paglalahad

 Pagtalakay sa kultura ng Persiya.


 Pagtalakay sa anekdota.

Ang anekdota ay isang maikling salaysay na maaring hango sa hindi o tunay na


buhay at mahalagang pangyayari ng isang lugar o pook. Madalas, ito ay nag-iiwan ng
mahalagang mensahe.

Sa pagsulat ng isang anekdota, isinasaalang-alang ang mga sumusunod:


1. Paksa
2. Tauhan
3. Tagpuan
4. Layunin o motibo sa pagsulat
5. Paraan ng pagsulat
6. Mensahe

 May ilang kaparaanan ng pagkukuwento ng pagkukuwento at pagsasalaysay tulad ng


anekdota. Ito ay sa pamamagitan ng sumusunod:

1. Soliloquy- isang mahabang talumpati na isinisiwalat ang totoong nararamdaman ng


karakter na hindi naririnig ng ibang karakter. Kadalasan, nag-iisa siya sa tanghalan.
Madalas na ginagamit ito sa dula na ipinahahayag ng karakter ang kanyang kaisipan
at damdamin.
2. Monologo- nahahawig ito sa soliloquy subalit ang papel na ginagampanan ng
karakter ay ang karakter ng iba.
3. Asides- isa itong maikling komento ng isang karakter na ang sinasabi ay para sa
kanyang mga tagapakinig.
4. Diyalogo- ito ay pag-uusap sa pagitang ng dalawa o higit pang karakter.

 Pagbabasa ng anekdota na pinamagatang ‘Ang Panghuhusga’ ni Mullah Nassredin mula


sa Persiya isinalin ni Felicidad Q. Cuaño sa Wikang Filipino.
Ang Panghuhusga
ni Mullah Nassreddin

Isang araw ay naglalakbay si Mullah at ang kanyang anak. Pinasakay niya ang
kanyang anak sa buro habang siya naglalakad. Dinaanan nila ang ilang manlalakbay.
"Masdan ninyo ang malakas na bata na nakasakay sa buro. Iyan ngayon ang kabataan!
Walang paggalang sa matatanda. Siya pa ang nakasakay habang ang kawawang ama
ay naglalakad".
Tumimo sa bata ang narinig at siya ay hiyang-hiya. Kung kaya hinimok niya ang
kanyang ama na sumakay sa buro kapalit niya at siya na lamang ang naglakad.
Sa unahan ay may nadaanan naman silang isang pangkat. "Tingnan ninyo ito!
Isang maliit na bata ang pinaglalakad habang ang ama ay nakasakay sa buro." Pula
nila. Sa pagkakataong ito, si Mullah ay sumakay na rin sa buro kasama ang anak.
"Pagmasdan ninyo ang kawawang buro! Pasan-pasan nito ang bigat ng
dalawang tao." Pagkarinig nito ay nagwika si Mullah, "Pinakamabuting gawin natin ay
kapwa na lamang maglakad upang wala nang magrereklamo".
Sila ay nagpatuloy sa kanilang paglalakad. Muli, may mga nakasalubong na
naman sila. "Tingnan ninyo ang dalawang ito. Naglalakad sila sa ilalim ng mainit na
araw samantalang maari naman silang sumakay sa buro."
Sa kawalang pag-asa, pinasan ni Mullah amg buro sa kanyang balikat at
nagwika, "Tayo na, kapag hindi natin ito ginawa, imposibleng ang mga tao ay tumigil sa
pagsasalita."

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang maaring dahilan ni Mullah at ang anak ang pinasakay sa buro sa halip na
siya?
2. Bakit pinulaan ng uang pangkat ang anak ni Mullah? May katotohanan ba ang
kanilang sinasabi tungkol sa bata?
3. Sa sinabi ng unang pangkat, nagpapakita ba ito ng pagmamalasakit sa ama?
Pangatwiranan.
4. Bakit hiyang-hiya ang bata sa kanyang narining? Nangangahulugan ba na may
katotohanan ang sinabi sa kanya ng unang pangkat?
5. Bakit naman pumayag ang ama sa sinabi ng bata na sumakay na sa buro?
6. Bakit hinayaan lamang ni Mullah na may pumula sa kanilang ginagawa?
7. Anong pagkilos ang maari mong gawin sa ganoong uri ng tao upang hindi mamihasa
at matigil na sa pagsasalita?

 Pagtalakay sa kasanayang Gramatikal, Diskorsal at Strategic sa paggawa


ng orhinal na anekdota.

Ayon kay Dr. Leticia Cantal-Pagkalinawan, ng Filipino Language Program ng University of


Michigan, ang kasanayang gramatikal ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga
estruktura sa wika ayon sa mga tuntunin sa gramatika. Tumutukoy ito sa tamang
pagbabaybay, gamit ng iba't ibang bahagi ng pananalita, at iba pa. Ang kasanayang
diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang mabigyan g wastong interpretasyon ang
napakinggang pangungusap/pahayag upang makabuong isang makabuluhang kahulugan.
May kinalaman ito sa kung paano naunawaan ang isang pahayag, hindi ng isa-isang
pangungusap kundi ng buong diskurso. Samantala, ang kasanayang strategic ay ang
kasanayan kung paano niya gagamitin ang wika sa iba't ibang sitwasyon.

D. Paglalahat

1. Ano ang anekdota?


2. Ano-ano ang dapat isinasaalang sa paggawa ng anekdota?
3. Paano nagagamit ang mga kasanayang gramatikal, diskorsal at strategic?

E. Paglalapat

Pangkat 1
Lumikha ng orhinal na anekdota, isalaysay ito sa tulong ng apat na uri ng
pagsasalaysay na ating natalakay. Isulat ang gawaing ito sa papel.

Pangkat 2
Manood ng anekdota sa Internet. Ibigay ang sariling opinyo kung nabibigyang-
buhay ng awtor ang mga tauhan, nailarawan ang kanilang mga damdamin,
nakakapagbigay ng aral o mensahe sa mga mambabasa, at higit sa lahat ay
nakapagbigay-aliw. Huwag kalimutang isulat ang website.

Pangkat 3
Gumawa ng orhinal na anekdota at lumikha ng komik strip na may anim
hanggang walong kuwadro. Tiyaking ang mga larawang iguguhit ay angkop sa
mga katangian ng bawat tauhan.

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
IV. PAGTATAYA
Panuto: Suriin ang bisang anekdota na pinamagatang ‘Ang Paghuhusga’ batay sa
mga sumusunod:

Paksa

Tauhan

Tagpuan

Motibo
ng
Awtor

Paraan
ng
Pagsulat

Mensaheng
Nais
Ihatid

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Basahin ang tulanng ‘Pinuno ng Kinabukasan’ ni Narudeen Olinaran. Sautan
ang mga sumusunod na katanungan sa kwaderno.
1. Bakit sinasabing ang kabtaan ay mahalagang handog galing sa Diyos?
2. Paano inilarawan ng may-akda ang mga supling na likha ng Diyos?
3. Paano inihanda ng ama ang mabuting hinaharap ng bata?
4. Bakit kinailangang maging mabuting huwaran ang bata sa tula?
5. Ano marahil ang naririnig ng bata mula sa ama na sinasabing natutuhan niya?

Inihanda ni:
GARRY B. MAGALO JR.
Guro sa Filipino

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust

You might also like