You are on page 1of 13

PAGBASA

AT PAGSULAT
TUNGO SA
PANANALIKSIK
ARALIN 2

NI: SHYLEEND. PEREZ


MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA
PAG-UURI NG MGA IDEYA AT DETALYE

Ang pangunahing ideya ay paksang pangungusap na batayan ng mga detalyeng inilahad sa


teksto. Ito ay maaaring matagpuan sa introduksyon, katawan o kongklusyong bahagi ng
teksto. May mga pagkakataon naman na ang pangunahing ideya ay hindi tuwirang
binangggit sa teksto.

Samantala, ang pansuportang ideya ay mga detalyeng may kaugnayan sa paksang


pangungusap upang lubusang maunawaan ang kaisipan ng teksto. Ang pagtukoy sa mga
pansuportang detalye ay malaking tulong upang matukoy ang paksa at pangunahing ideya
ng teksto.
PAGTIYAK SA DAMDAMIN,
TONO,LAYUNIN AT PANANAW
NG TEKSTO

1. Damdamin (emotion)
2. Tono (tone)
3. Layunin (objective)
4. Pananaw (point of view)

Ang pananaw ng awtor ay makikita sa pamamagitan ng mga panghalip na ginamit sa


teksto.
Unang panauhang pananaw – ako, ko, akin, atin, natin, tayo, kami
Ikalawang panauhang pananaw (tagamasid) – ikaw, mo, ka, iyo, kanila, kita, kayo, inyo,
ninyo
Ikatlong panauhang pananaw – siya, niya, kanya, sila, nila, kanila
PAGKILALA SA PAGKAKAIBA NG KATOTOHANAN AT OPINYON

Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap


ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-
verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong
nakasaksi nito.

Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.

Sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon, maaaring gumamit ng mga sumusunod na pananda:


Katotohanan – batay sa resulta, pinatutunayan ni, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa…
Opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa
ganang akin
Positibong Opinyon – totoo, tunay, talaga, ganoon nga, mangyari pa, sadya
Negatibong Opinyon – ngunit, subalit, habang at samantala
PAGBIBIGAY INTERPRETASYON SA TSART, MAPA, GRAF AT TALAHANAYAN

Mga Paraan ng Pagbibigay-Interpretasyon

 Basahin at unawain ang pamagat at sab-seksyon ng teksto upang


matukoy ang layunin nito.
 Pansinin at unawain ang legend at scales na ginamit.
 Tingnan kung ang grap ay mayroong nakasaad na mga tala sa
paligid, itaas o ibabang bahagi. Tuklasin ang mga kahulugan nito
batay sa legend.
 Suriing mabuti ang bawat bahagi.
MAPA
Ang mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay
nagtuturo sa mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay
nakatutulong sa pagbibigay direksyon.

TSART
Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa
pamamagitan ng hanay batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.

a. Tsart ng Organisasyon
b. Flow Tsart
GRAP

Ang grap ay mauuri sa sumusunod: (a) larawang grap, (b) linyang grap, (c)
bar grap, at (d) bilog na grap.
MGA URI NG GRAP
A.LARAWANG GRAP
(PICTOGRAPH)
Larawan ang ginagamit upang
kumatawan sa mga datos,
impormasyon o produkto.
Mahalaga na maging
magkakasinlaki ang mga
larawan. Ang kalahati o hinating
larawan, kalahati rin ang bilang
nito (50%), ang mga datos na 55-
90% ay pinakakahulugang buong
larawan.
LINYANG GRAP (LINE
GRAPH)

Binubuo ng linyang
perpendicular. Ito ay
ginagamit sa pagsukat ng
pagbabago o pagunlad. Ang
patayo at ibabang linya ay
may kaukulang
pagtutumbas. Gamit ang
linya at tuldok tinutukoy ang
interbal, bilis, bagal o tagal
ng mga bagay (salik) na
nakatala sa bawat gilid.
C . BAR GRAP (BAR
GRAPH)

Nagpapakita ng
paghahambing ng mga datos
gamit ang bar sa halip na
tuldok at linya upang
tukuyin ang kantidad.
Parisukat ang anyo ng grap,
maaring patayo o pahiga
ang mga datos na
sinisimbolo ng bar.
D. BILOG NA GRAP (PIE
GRAPH)

Itoý sumusukat at
naghahambing ng mga
datos o impormasyon sa
pamamagitan ng
paghahati-hati nito.
TALAHANAYAN (TABLE)
Mga Pangunahing Wika ng Pilipinas
WIKA TAGAPAGSALITA BILANG
Tagalog Taga-Maynila, Rizal, Bulacan, Batangas, Marinduque, Cavite, 21, 186, 621
Ang Quezon, Lubang, Bataan, Tanay-Paete, Tayabas

talahanayan ay Cebuano Taga-Cebu, Negros, Leyte at ilang bahagi ng Mindanao 14, 092, 547
naglalahad ng
Ilocano Taga-Ilocos, Abra, La Union, Cagayan Valley, Samtoy, Ibanag, 6, 874, 290
datos sa tabular Babuyan, Mindoro

na anyo. Hiligaynon Taga-Iloilo at mga probinsya ng Capiz, Panay, Negros 5, 818, 928
Sistematikong Occidental, Visayas

inilalagay sa Bikolano Taga-Naga, Legaspi, mga probinsya ng Albay, Bato, Buhi,


Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Buhi, Camarines Sur, Luzon
4, 572, 535

mga hanay o
Waray Taga-Samar-Leyte 2, 335, 875
kolum ang mga
Pampango Taga-Pampanga sa Gitnang Luzon, bahagi ng Tarlac, Nueva Ecija, 2, 315, 740
nalikom na Bataan at Luzon

datos. Boholano Taga-Bohol, ilang bahagi ng Southern Leyte 1, 892, 982

Pangasinan Taga-Pangasinan na nasa hangganan ng mga lalawigan ng Ilocos 1, 361, 220

Maranaw Taga-Mindanao, Lanao del Norte at Lanao del Sur 1, 033, 827
TAKDANG-ARALIN
GAWAIN 4
Panoorin ang pelikulang “Hacksaw Ridge”. Batay sa napanood
lumikha ng lathalaing pangkatauhang dagli.

• Dapat ito po ay encoded/computerized


• Gamit ang letter size coupon, 1-2 pahina
• Maging malikhain
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman----------10
Impormasyon------10
Presentasyon------10
Mekaniks-----------10

You might also like