You are on page 1of 10

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/356786397

Edukasyon sa Gitna ng Pandemya: Pananaliksik ukol sa Distansyang


Pamamaran ng Pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya

Article · December 2021

CITATIONS READS

0 59,370

1 author:

Rozar Ric Cachuela Catabian


La Consolacion University Philippines
2 PUBLICATIONS   0 CITATIONS   

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Rozar Ric Cachuela Catabian on 05 December 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Paksa: Pagtuturo ng Wika at Panitikang Pilipino sa Panahon ng Pandemya

Edukasyon sa Gitna ng Pandemya: Pananaliksik ukol sa


Distansyang Pamamaran ng Pagtuturo ng Wika
at Panitikan sa Panahon ng Pandemya
Rozar Ric C. Catabian
rozarric.catabian@email.lcup.edu.ph
Disyembre 2021

Abstrak: Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase

ay magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021). Nakikita at masusuri ito sa

mga mga kaguruan noong face to face na pag- aaral maging sa birtuwal na pamamaraan ng

pagtuturo. Malaking pinsala ang idinulot ng covid-19 sa iba't ibang aspeto ng ating buhay. Isa sa

pinaka naapektuhan nito ay ang larangan ng edukasyon. Halos 1.2 Bilyong mga kabataan ay

hindi na nag- aaral sa loob ng silid- aralan dahil dito sapagkat tunay na lumago ang birtuwal na

pamamraan ng pagkatuto. Iba't iba man ang kalagayan ng mga bansa pagdating sa nararanasan

ng mga ito dulot ng pandemya ay kagaya ng nasabi kanina na halos 1.2 bilyong mga mag- aaral

mula sa 186 na bansa ay apektado dahil sa pagsasara ng mga paaralan dulot ng pandemya (Li et.

al., 2020). Sa pananalikisk na ito ay ating malalaman ang iba’t ibang mga pamamaraan sa

pagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa panahon ng pandemya

Mga Susing Salita:.Online Class- Pamamaraan ng pagkaklase kung saan ay gumagamit ng online

platform ang tagapagturo upang maituro ang paksa sa mag- aaral

Blended Learning- Pamamaran ng pagkatuto ng mag- aaral na siya ay maaaring nakamodule

habang nakakasama sa online na klase

1
Department of Education- Gobyerno ng Pilipinas na responsable sa pagtiyak sa pag-access sa,

pagtataguyod ng equity in, at pagpapabuti ng kalidad ng pangunahing edukasyon. Ito ang

pangunahing ahensya na tinalakay na pamahalaan at pamahalaan ang sistema ng pangunahing

edukasyon sa Pilipinas.

Pandemya- pang-emergency na kalusugan. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng nagiging sanhi

ng maraming mga malubhang kaso na, bagaman maaari silang kumatawan ng isang maliit na

porsyento ng populasyon, ay nagpapahiwatig ng isang pare-pareho at hindi malulutas na kahinaan.

Ako Bilang Guro ng Asignaturang Filipino

mapanghamon subalit masaya; Ganyan kung ilalarawan ng mananaliksik ang naging

karanasan sa pagtuturo ng asignaturang filipino. Sa loob ng halos 4 na taon (2 taon sa pribado at 2

taon sa pampublikong paaralan) bagama't ay di pa ganoon karami ang taong ginugol ay

napakaraming mga hamon na ang kinaharap gayundin ay nasaksihan sa kanyang propesyon. Tunay

na sa kasalukuyang panahon ay lalong umigting ang globalisasyon na pati ang kultura at wika ng

ibang bansa ay tila nagiging produkto na rin para sa ibang bansa. Sa Pilipinas na lamang na kung

ating maoobserbahan ay lumalaganap at pumapatok lalong lalo sa mga kabataan ang pagtangkilik

sa kultura at wika ng mga asyanong bansa gaya ng Japan, South Korea, Thailand at iba pa. Nasabi

na sa pagkakaroon ng iba't ibang anyo ng wika ay nagbubunga ito sa pananaw ng pagkakaroon ng

hirarkiya ng wika (Liwanag, 2007). Sa mga ganitong pahayag pa lamang ay mayroong pagtawag

sa mga guro ng wika na paigtingin gayundin ay magawan ng pamamaraan upang sa kabila ng mga

umuusbong na banyagang wika ay mas piliin pa rin ang pagmamahal sa wikang Pambansa. Ayon

sa isang pananaliksik, nasabi na ang wikang Filipino ay isa inklusibong wika. Makikita natin ito

sa mga panghalip gaya ng "siya" na sa wikang ingles ay katumbas ng “he" kung ito ay palalaki at

2
"she" kung ang tinutukoy ay isang babae. (Lartec et. al., 2014). Isa sa mga pananaliksik na

nagsasabing natatangi ang ating wika at kailangan na pahagalagahan.

Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay

magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021).

Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin

nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng

mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng

pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay

isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa

mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang

sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014).

Ang Pagtuturo ng Wika [at Gramatika]

Sa ating tahanan pa lamang ay kahit hindi direktang itinuturo sa atin ang pagsasalita ay

kusa natin itong natututunan. Sa pamamagitan ng pakikinig ay naoobserbahan ng isang indibidwal

kung paano bigkasin at ano ang layunin ng pagsasalita ng isang bagay. Karaniwan pa nga ay

inaabangan ng mga taong nakapaligid sa isang indibidwal ang unang salitang mamumutawi sa

kanyang bigbig. Isang malaking hamon para sa mga guro ang pagtuturo ng pagsasalita lalong lalo

na noong magkaroon pa ng pandemya na kung saan ay iba’t ibang kautusang pangkalusugan at

pangkaligtasan ang isinabatas para sa publiko. Naapektuhan ang nakararami pati ang sector ng

edukasyon subalit hindi ito ang nagging dahilan upang matigil ang ginagawang pagkatuto ng mga

mag- aaral.

3
Ang tahasang kaalaman sa pagsaalita o gramatika ay lubhang napakahala sapagkat

nahahasa rin nito ang kamalayan sa pagpili ng wikang sasambitin (English National curriculum,

2014). Walang ebidensya ang lumabas na ngapapatunay na ang pagtukoy sa gamit ng isang wika

o salita ay mayroong magandang epekto sa produksyon ng wika (Hillocks, 1986) at (Andrews et

al. 2006). Subalit may mas matibay na ebidensya na mayroong maramihang pag- aaral mula sa

unibersidad ng Exeter na nagpapakita mayroong benepisyong naidudulot ang pagkatuto ng

gramatika kung ito ay may mahusay na estratehiya na naituro at ginamitan ng isang lunsaran (

Myhill et al, 2013)

Naririto ang ilan sa mga mungkahi upang epektibong maituro ang pagsasalita o gramatika

(Lines et al, 2014)

1. Paggamit ng kapani- paniwalang halimbawa- Ating dapat na iharap ang mga mag- aaral

sa mataas na kalidad ng pagbasa na mayroong malalaim na mga salita, nasusunod ang gramatika

at may maayos ng pagkakasunod ng mga pangungusap upang kanilang magamit at malaman sa

iba pang konteksto.

2. Paggamit ng termino sa gramatika subalit pagpapaliwanag sa pamamagita ng pagbibigay

halimbawa- Tunay na ang mga mag- aaral ay kinakailangang malaman ang mga bahagi ng

pananalita gaya ng pangngalan, pandiwa atbp, subalit di lamang doon natatapos ang pagkaalam sa

salita o wika. Dapat ay matutunan din kung ano, bakit, kailan at saan marapat na magamit ang mga

salitang ito.

3. PAghihimok sa "paglalaro" ng wika, pag-eeksperimento at Pakikipagsapalaran- Para

magkaroon ng kumpyansa ang mga mag- aaral upang "laruin" ang wika ay kinakailangan na sila

ay maiharap sa malawak na bokabularyong kanilang maaaring mapagpilian. Kinakailangan na

4
mabuo ang kanilang kaalaman sa bokabularyo at mahasa ang kamalayan sa mga salita upnag silang

masabik at usisain ang isang wika.

4. Mataas na kalidad ng pagtatalakay sa wika at mga epekto- Dapat na matalakay na ang

pagpili ng wika o salita ay dapat na isiping mabuti sapagkat ito ang nagdidikta ng nararamadaman

at intensyon ng tagapagsalita.

5. Pag- unlad ng gramatika- Ayon sa framework ni Ofsted (2019) sinasabi nito na ang pag-

unlad ay nangangahulugan ng pag- alam at pagtanda pa ng mas marami. Habang tumataas ang

lebel ng pagkatuto ng isang mag- aaral ay dapat na makasabay ang mga wika at gramatikang

natutuhan nito para lamang sa gayon ay mas maging makabuluhan ang proseso ng pagkatuto.

Ang Pagtuturo ng Panitikan

Isa ang pag- aaral pantikan sa naging dahilan kung bakit nagiging makabuluhan at kapana-

panabik ang pagtuturo ng asignaturang filipino mula elementarya hanggang sekondarya. Di

lamang kasi ito ginagamit bilang lunsaran sa isang gramatika o wikang papaksain sa isang pag-

aaral kundi ay naririto mapupulot ang mga gintong aral na humuhubog sa pagkatao ng mga mag-

aaral gayundin ay iminumulat nito ang kamalayang panlipunan upang maging gising ang ating

mga mag- aaral sa reyalidad at mga isyung nangyayari sa kasalaukuyan. Mga gawaing

pagsasadula, dugtungang pagkukuwento at iba't iba pang mga kaparaanan upang maituro ang isang

kuwento o panitikan sa loob ng klasse ay siyang isa sa pinakamasasayang ala- ala ng mga mag-

aaral sa isang face to face na pamamaraan ng pagkatuto. Ang layunin ng pag- aaral ng panitikan

ay nakapokus upang mahasa ang holistikong potensyal na kakayahan ng mga mag- aaral at

mabalanse ang pinagsamang pangkahalagahan ng iba't ibang konsepto ng maayos na indibiduwal

na may mataas na pamantayan sa lipunan gaya ng espirituwal, emosyonal at pisikal na aspeto

5
(Mustakim et. Al 2006). kamakailan lamang ay nagkaroon ng panawagan na ang pag- aaral ng

panitikan ang isa sa maging sentro ng pag- aaral sa ating sistema ng edukasyon. Ito ay sa

kadahilanang upang mahikayat ang mga mag- aaral na talikuran ang mga pasibong

gawa(Pananahimik sa isang isyu). Ang pag- aaral ng panitikan sa mga unibersidad ay naiuugnay

sa panloob (intrinsic) at pabnlabas (extrinsic) na dulog. Ang panloob na dulog ay mga ideyang ang

interpretasyon ng panitikan ay naiuugnay sa kasaysayan, lipunan, biyograpiko at kulturalat

nakaayos sa isang maayos na estratehiyang proseso. Ang panlabas na dulog naman ay mga dulog

na iniuugnay sa anumang pag- aaral na may kinalaman sa ating lipunan. Nakatutulong ito upang

magbigay ng ideya sa mga mag- aaral na malaman ang iba;t ibang isyung kinakaharap sa

kasalukuyan. Ang pag- uugnay ng panitikan sa kasalukuyan ay mahalaga upang mahasa ang

kritikal na pag-iisip ng mga mag- aaral, magkaroon ng kamalayan sa iba't ibang kultura at

maiugnay ang mga aralin sa iba't ibang disiplina (Manzonillo, 2016). Sa ginawang pananaliksik ni

Agbaw (2010) na tunay ngang nakakabuo ng opportunidad ang online na flatform sa pagtuturo ng

panitikan sapagkat maryoong pedagohiya ang maaaring magawa ng guro sa pagtuturo ng

panitikan. Subalit depende din sa kurso o lebel ng mag- aaral ay maaaring maisagawa ang

dekalidad na edukasyon.Maaari kasing magamit ang mga break-out session o mga forum upang

magkaroon ng komunikasyon ang mga mag- aaral at maiparating ang kanilang nararamdaman

bago o pagkatpos na mabasa ang isang akda. Idagdag pa rito ay magagawa ng mga mag- aaral ito

sa loob ng ligtas na lugar o ng kanilang tahanan (Bender, 2013).

Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino

6
Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga mag-

aaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong COVID-

19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na nakaaapekto sa

pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng (a)

pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery modalities, at

(c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang DepEd Vision-

Mission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tahanan-Pamayanan, at ang ugnayan ng

tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning. Kung maayos ang ugnayan ng

mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang sentro sa proseso ng pagtuturo at

pagkatuto, ay lubos na matututo at makikinabang nang husto. Nasabi na ang pamamaraan ng

pagtataya sa mga mag- aaral ay nagbabago sa pag-inog ng panahon. Kahit na ginagamit pa rin ang

mga nakagawiang pagtataya gamit ang lapis at papel ay hindi maikakaila na mayroong mga

makabagong pamamaraan na ang ginnagamit(Colman, 2021)

Naitanong ni Thompson (2020) na kailangan nga ba nating isaaalang- alang ang bagong normal

na pagtataya sa K-12? Ang patuloy na na pagdami ng kaso ng nagkakaroon ng covid19 ang siyang

ang siyang ipinag- aalala ng mga kaguruan maging ng mga kinatawan ng kagawaran ng edukasyon

kung paano masusukat ang mga natutuhan ng mga mag- aaral. Nagbigay rin siya ng 3 hakbang na

dapat nating gawin upang maisagawa ang isang epektibong pagtataya

Unang hakbang: Pagsukat sa kakayanan ng mag- aaral- Isa sa pinaka epektibong estratehiya na

magagamit sa mga gantong panahon ikaw man ay nagtuturo sa personal o malayuan ay ang

paggamit ng tanong na sasaklaw sa kakayanan ng mga mag- aaral. Ang mga katanungang ito ay

maaaring maitanong sa mga mag- aaral bago magsimula ang paksa upang masukat mo agad ang

saklaw ng kanilang kaalaman sa paksa.

7
ikalawang hakbang: Kapag nalaman mo na ang kakayanan ng iyong mga mag-aaral base sa mga

unang gawain na iyong isinagawa ay mayroon ka nang datos sa iyong "hinge-point" o

mapagbabatayang punto ng iyong mga gawain. Tinawag itong "hinge-point" sapagkat ang paksa

ay maaring mapunta sa iba't ibang direksyon depende sa magiging responde ng mga mag- aaral

(Leahl et al. 2005)

Ikatlong hakbang: Maximizing Feedback- Ano't ano pa man ang mga katanungang ating

itinatanong sa ating mga mag- aaral ay wag kakalimutan ang pinakalayunin nito. Ang malaman

ang kanilang kaalaman base sa feedback na ating natatnggap mula sa kanila. Nais natin malaman

ang mga ito para lang sa gayon ay malaman kung epektibo nga ba ang ating kagamitang

pampagkatuto na ating nagagamit.Ang mga ito ay mababse lamang sa datos na makakalap sa

ginagawang pagtalakay at pakikisalamuha ng mga mag- aaral sa paksang tinatalakay.

Sanggunian

Cabigao, J. R. (2014). Improving Pupils' Academic Performance Through Strengthened School-


Home Partnership.
https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf
ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership

Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR
Volume 5. 256-258.
https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen
ce_Framework_for_Teachers

Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).
International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.
https://www.researchgate.net/publication/349463546_School-
Based_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal

Colman, Helen (2021, June 29) 9 Ways toAsses Student Learning


https://www.ispringsolutions.com/blog/8-ways-to-assess-online-student-learning

8
Dean, Sarah (2020, May 20) Teaching Grammar Effectively
https://www.oneeducation.co.uk/news-blog/teaching-grammar-effectively

Lartec Jane, Dotimas Shiela, Maranno Caren, Pitas, Mary Ann, Polido Jonabeth and Senio Kristine
(2014) Ang Paggamit ng Inklusibong Wika sa Filipino Tungo sa Pagtamo ng Inklusibong
Edukasyon, https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-Journal-
Tomo-I-2014-43-57.pdf

Liwanag Lydia (2007) Ang Pag-Aaral ng Varayti at Varyasyon ng Wika: Hanguang Balon sa
Pagtuturo at Pananaliksik
https://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/normallights/article/view/38/31

Ly, Cathy and Lalani, Farah ( 2020, apr 29) The COVID-19 pandemic has changed education
forever. This is how https://www.weforum.org/agenda/2020/04/coronavirus-education-
global-covid19-online-digital-learning/

Manzolillo, Monica (2016) Teaching Liter eaching Literature through Online Discussion in
Theory through Online Discussion in Theory and Practice
https://docs.lib.purdue.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=3139&context=clcweb

Yenika- Agbaw, Vivian (2010, Dec) Teaching Children’s Literature Online: Modern Technology and
Virtual Classroom Communities https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ966664.pdf

View publication stats

You might also like